Thursday, July 9, 2009

VIDEOKE NIGHTS (THEATRE SCRIPT)

I hope you will all enjoy the play I wrote. 




VIDEOKE NIGHTS
Isang dula sa panulat ni Earvin Charles B. Cabalquinto

TAGPUAN:

Magaganap ang dula sa loob ng isang exclusive videoke room. Sa isang sulok ay nakalagay ang 32” LCD TV. May mababasaging mesa sa gitna na napapalibutan ng pulang couch. Sa gitna ng mesa ay nakapatong ang remote control ng videoke system at ang menu na umaakit sa sikmura ng customer. Sa kaliwang pader ay nakasabit ang poster ng Pabibong si April Boy. Tanaw din sa entablado ang malaking salamin kung saan tanaw ang repleksiyon ng sinumang aawit.

Ito ang videokehan na madalas tambayan ng magbabarkada.

MGA TAUHAN:

Ang mga tauhan ay magbabarkada simula kolehiyo. Night out ang naging bonding ng grupo. Madalas, nauuwi sa matinding kainan at kantahan ang bawat gabi. Wala naman talagang marunong kumanta pero ang lahat, pilit na kinakarir ang pagkanta. Ito ang nagsisilbing teraphy sa lahat upang pansamantalang takasan ang mga frustrations sa buhay.

GLADYS :24. Talent Coordinator. Kakahiwalay lang sa boyfriend. Skinny. Palengkera.

SONG: “HINDI AKO BAKLA”

ROY : 24. Naghahanap ng trabaho. Maskulado. Mestiso.

FAVORITE SONG: “PANALANGIN”

CHYNA : 24. Writer. Horizontally-challenged. Never pang nagka-jowa. Naniniwala sa eye ball.

FAVORITE SONG: “DI KO KAYANG TANGGAPIN”

SAM : 24. Account Executive. Single mom. May dalawang anak sa magkaibang lalake. Me jowang tomboy.

FAVORITE SONG:

MITCH :24. Aktibo sa isang NGO specifically for street kids. High pitched manalita. Mistress.

FAVORITE SONG: “ISANG LINGGONG PAGIBIG”

VEEJAY: 24, Bading. Raketero. Na-in love sa bagets.

FAVORITE SONG: “JUMBO HOTDOG”

IBA PANG TAUHAN:

RACKIE: 25. Voice Talent ng mga Anime. Tomboy. Karelasyon ni Sam. Negra.

JOEY: Turning 18 this year, Nursing student. Jowa ni Roy.

LUCKY: 16. Graduating highschool student. Tutor student ni Veejay sa
English. Jowa ni Veejay. Member ng banda.

WAITER: 25. Patpatin.

UNANG YUGTO:

Mabubukas ang telon. Liwanag.

Papasok si Gladys.Pretending to be happy. Mapapatingin sa napakalaking poster ni April Boy.
Dadamputin ang remote. Tutunog ang buzzer. Darating ang waiter.

Waiter: Good evening Mam.
Gladys: Me iba pa bang room?
Waiter: I-che-check ko po.
Gladys: Pakibilisan.

Lalabas ang waiter. Mauupo si Gladys. Kukuha siya ng ballpen at papel. Hahatiin sa anim na piraso ang papel. Susulatan ito ni Gladys. Hindi pa man din ito tapos, biglang papasok ang waiter.

Waiter: Mam, pasencia napo, wala ng bakante.
Gladys: Wala pa bang mag-bi-bill out?
Waiter: Wala pa po eh. Karamihan kapapasok lang din. Me waiting list pa nga po.
Gladys: Ganon? O sige, pag me nabakante, pakireserve sa akin.
Waiter: Sige po. Order na po kayo?
Gladys: Mamaya na. Me hinihintay ako.

Lalabas ang waiter. Eksaktong papasok si Chyna. Magkakabungguan pa ang waiter at si Chyna. Bebeso si Chyna ke Gladys. Maliban sa kapansin pansin ang nagsusumabog na katawan ni Chyna sa kanyang damit, bakas din sa mukha nito ang pagka-banas.

Chyna: Kaw pa lang?
Gladys: As usual.
Chyna: San na ang baranggay?
Gladys: Pahiram ng phone.
Chyna: Para san?
Gladys: Tawagan natin ang baranggay.
Chyna: Ba’t phone ko?
Gladys: Bakla ka, wala akong load.
Chyna: Ako din noh.
Gladys: Umayos ka!

Aagawin ni Gladys ang phone ni Chyna.Mag-di-dial si Gladys.

Gladys: Hoy Roy! Mr. Professional bum nasan ka na? Tama na muna ang pambababae. Sa dati pa rin. Oo. Videoke House. Chika lang ang parking. Mukhang me bakante. Magtiyaga ka. Maghanap ka. Hindi ako yaya mo noh. Yung mga palaboy diyan sa parking, utuin mo. Subuyan mo ng coins. Gaga! Wala akong karu. Wish ko lang. O bilisan mo na. Hinihintay ka na ng microphone at ni idol. Eh di si April Boy! Bye.

Mag-di-dial ulit ng panibagong number si Gladys:

Gladys: Pukeng Mitch, san na byuti mo? Lumipad ka na. Now na. Oo videoke. Isipin mo yang all time favorite mo. Kahit ano. Care ko kung paos ka. Concert mo to. Dami na ngang fans, dumog bakla. Naloloka na sila. Tarantada ka talaga. O baka mataranta ka sa kakaisip ng kanta dumiretso ka sa langit. Heavens knows I suggest byutiful song. Why not! O sya.

Magdi-dial ulit ng panibagong number si Gladys.

Gladys: Veejay, Baklush! Oy tama na ang pang-momolestiya mo ng estudyante. Alam ko finals week. Malandi ka! San ka na? Trapik. Kahit naman saan ganon. E ganon talaga. Diskartehan mo na. Maglakad ka na lang. Di ka ma-re-rape bakla ka. Reypin mo din. Ilusyunada ka talaga. Basta dalian mo ikaw ang star ngayon. Reg, magvocalize ka ha. Si Chyna pa lang. As usual. Bilisan mo baka kainin ako nito. Yuck. Kadiri ka talaga. O sya sige na. Lunukin mo na ang puting bato. Bye darna.

Mag-di-dial ulit ng panibagong number si Gladys:

Gladys: Sam! Oy bakla ano na? pupunta ka ba o pupunta ka? Yes or yes? Magliwaliw ka naman. Iwan mo muna ang mga bata. OA nito. Puta ka basta pumunta ka dito. Darating ang Republic of the Philippines. I’m sure tanggal yang stress mo sa buhay. Stressed baligtarin mo dessert. Galing noh. Ako pa. The usual. Siempre me unsual. Aside sa kantahan to the max, overflowing to sa kangkangan. Charing! Napapagod nako. Baka masira voice ko. Mag-co-concert pako. O dumating ka ha. Bilisan mo. Babu.

Iaabot ni Gladys ang phone ke Chyna.

Chyna: San na daw sila?
Gladys: San na nga ba?
Chyna: E di baw kausap.
Gladys: Kung saan saan.

Tatayo si Chyna at haharap sa malaking salamin sa loob ng videoke room.

Chyna: Ang taba ko noh?
Gladys: (Sarcastic) Ay hindi. Ang seksi seksi mo nga e.
Chyna: Shet ka!

(Patlang)

Chyna: Pakalasing tayo gusto mo?
Gladys: Ay gusto ko yan.

Pipindutin ni Chyna ang buzzer. Papasok ang waiter.

Waiter: Good evening mam, ano pong order nila?
Gladys: Ako. Isang san Mig light.
Chyna: Ako Vodka tonic.
Gladys: Isa lang?
Chyna: Isa muna. Mamaya ang isang kahon!
Waiter: Bale isang San Mig light at Vodka Tonic. Ano pa po?
Gladys: French Fries.
Chyna: Pork Sisig. Make that two. Teka, yung isang sisig spicy. Padagdag na rin ng
calamansi.
Gladys: Kaya ka lumoloba ng bongang bongga eh!
Waiter: Ulitin ko lang po ang order nila. Bale isang French Fries, dalawang Pork Sisig
dalawa. Yung isa spicy then additional calaminsi. Ano pa po?
Gladys: Happy nako. Kaw?
Chyna: Lalake meron?
Gladys: Gaga!

Lalabas ang waiter. Uupo na si Chyna habang patuloy pa rin sa pagpisil ng kanyang mga bilbil sa katawan.

Gladys: Bakla me gimik ako.
Chyna: Anong gimik?
Gladys: For a change, meron tayong bunutan portion. Kung ano ang mabunot mong
song, yon ang kakantahin mo tonight. Tas yung highest pointer hindi magbabayad sa inorder. Paghahatian ng mga olats ang bill. Keribels mo?
Chyna: Pabunutin mo nako.
Gladys: Teka, teka. Mamaya na. Wala pa yung iba. Maghintay ka.
Chyna: Pabunutin mo nako.
Gladys: Maghintay ka.
Chyna: Ayoko ng pinaghihintay!Huwag na nga.
Gladys: Ay magmaktol ba! Ay, ay, ay! Alam mo, me naamoy ako sa’yo eh!

Aamuyin ni Chyna ang kanyang katawan.

Gladys: Gaga! Hindi yang literal na amoy! Umamin ka, me problema ka noh?
Chyna: Pabunutin mo na ako.
Gladys: Chumika ka muna.
Chyna: Pagkabunot ko, chika ko sa’yo.
Gladys: Hindi nga?
Chyna: No bunot, no chika.
Gladys: O sige, bumunot ka na.
Chyna: O ikaw naman.
Gladys: Bakit ako?
Chyna: Bumunot ka na rin.
Gladys: Sa bagay ako naman ang earliest. Una nako.
Chyna: Oportunista!

Bubunot si Gladys. Bubunot din si Chyna.

Gladys: Anong sa’yo?
Chyna: Sinong gumawa ng song choices?
Gladys: Ganda di ba?
Chyna: Wala ka talagang kasing baduy sa taste.

Babasahin ang nakasulat sa papel.

Gladys: “Di ko kayang tanggapin” by Papa April Boy Regino. Challenging, bakla!
Chyna: Panlalake to eh. Pano ko to kakantahin?
Gladys: Eh di itaas ang key!
Chyna: Ano sa’yo?

Babasahin ni Chyna ang nabunot ni Gladys.

Chyna: Tuesday Vargas. Di ako Bakla. Eeewwwwww! Ang jologs! Walang kasing jologs.
Gladys: Anu beh! Try mo magpaka-jologs paminsan minsan, kewl!
Chyna: Amina yung microphone. Umpisahan nato.
Gladys: Uy asal jologs. Kewl!
Chyna: Tigilan mo nga yang kajologsan mo!
Gladys: Hindi mo na hintayin yung iba?
Chyna: Bwakanang ina, kakanta na ako!
Gladys: Jologs na jologs ah!

Kakanta si Chyna ng “Di Ko kayang Tanggapin ni April Boy.” Habang kumakanta ito, wala namang tigil sa pag-choreo ng signature hand movements ni April Boy si Gladys.Bakas sa mukha ni Chyna ang hirap sa pagabot ng tono. Halos sumintunado na rin ito. Samantala, habang kumakanta ito sinasabi naman ni Gladys ang mga katagang ito.

Gladys: O lungkot lungkutan. Wow consistent.
Gladys: O baliw naman. Pang-Urian!
Gladys: O Iyak iyakan. Pang-Famas!
Gladys: Tulala. Manhid. Hala nabingi na ata ang puta.

Hindi matatapos ni Chyna ang kanta. Uupo na ito. Papalakpak magisa si Gladys.

Gladys: Bravo! Bravo! Wala kang tama ni isang nota! Waging wagi ka sa
pagka-tone deaf. Enjoy ang mga bingi! Palakpakan!
Chyna: Pasalamat ka wala ako sa mood.
Gladys: Ay me moody-ness!
Chyna: Ang tagal ng order.
Gladys: Wag kang atat. O ano na? Ang chika!
Chyna: Me yosi ka?
Gladys: Namumulubi ka na?
Chyna: Of course not. Pengeng yosi. Naubusan ako.

Ilalabas ni Gladys ang last stick.

Gladys: Last stick. Do me ri sol cha cha we melo melo cha cha we…
Chyna: Ang damot nito.
Gladys: Ulitin natin. Mi-ni-mi-ni-mi-ni-mu-mu. Who’s the fatest of us two.
Sakin.
Chyna: (Inis) Huwag na nga.
Gladys: To naman. Eto na o.

Bibigyan ni Gladys ng yosi si Chyna.Eksaktong darating ang order nina Gladys at Chyna.

Waiter: Eto po yung order nila
Gladys: Diyan na lang.

Lalabas ang waiter. Magyoyosi si Chyna.

Gladys: O ba’t ka ba bad trip? Career?
Chyna: Hindi noh.
Gladys: Yung aso mo? Nagkasakit na naman?
Chyna: Hindi.
Gladys: Lalake?
Chyna: Slight.
Gladys: (Na-intriga) Ohhhhh! Gaano ka-slight?
Chyna: Life changing.
Gladys: Gaga. Hindi yon slight.
Chyna: Painful. I feel shit. Shet talaga.
Gladys: Pakshet? Bullshit? Anong shet? Bitterness can kill you. Ilabas mo na yan.
Chyna: Parang gusto ko muna tumae. Natatae ata ako. Ay hindi parang naiihi ako. Nasusuka. Naduduwal. Shet!
Gladys: Nakakabitin naman to oh. Mamaya ka na magbreak.
Chyna: Gladys, nakailang break down na ba ako?
Gladys: Hoy, umayos ka! Ano ba kasing nangyari?
Chyna: Ang hirap simulan eh.
Gladys: Ay sus.

Sandaling Katahimikan.

Chyna: Remember two months ago, me chinichika ako na ka-textmate ko na feeling ko e na-i-in love na ako. Well, last week, si Mr. textguy, finally, nakipag-eye ball na sakin.
Gladys: Sige, nakikinig ako.
Chyna: Well, Sabihin na lang nating, siguro the guy doesn’t like me kaya after ng hi’s and hello’s, di pa man din nag-iinit ang pwet namin sa upuan, nag-CR na siya at di nako binalikan.
Gladys: Ha? Kelan to nangyari?
Chyna: Hindi ka naman nakikinig eh. Last week nga. To be exact, last Monday. Kasabay nung super typhoon sa Metro Manila.
Gladys: Bakla ang tibay mo. Bumabagyo na, nakuha mo pang makipag-landian.
Chyna: Eh di ba ganon talaga pag mahal mo, di ba?
Gladys: Text text lang, mahal na. Paksyet!
Chyna: Nag-invest ako sa kanya. Load kung load. Calls kung calls.
Gladys: Eh sorry ka, kung baga sa negosyo, nalugi ka bakla!
Chyna: Alam mo yon. Nakakainis kasi, ginastusan at pinagpayutan ko siya. Napudpod daliri ko sa kakatext sa kanya. Pati unlimited sinagad sagad ko then ganon ganon na lang. Nagpapa-pasa load pa nga yon eh.
Gladys: Masyado ka naman kasing bumigay agad eh.
Chyna: First ever encounter ko to sa lalake sa buong buhay ko. Single ako since birth. Walang lalakeng nanligaw sa akin. Kaya lahat ng possible at impossibleng pangangarir ginawa ko na. Risk na nga yung pagsugod ko sa bagyo para lang dumating ako on time sa meeting place namin. Kahit nga siguro lumindol, magka-tsunami, magka-apocalypse, kahit ikamatay ko gagawin ko ang lahat dumating lang sa oras at mameet ang lalakeng two months kong kinakarir at minahal sa text. And to top it all, I even bought a ten thousand worth of outfit just for our date. Para siguraduhin na magugustuhan niya ako at maging unforgettable ang moment.
Gladys: Bumili ka ng 10 thousand worth of outfit para sa isang eye ball? Naloka ka nab a?
Chyna: Sabihin mo ang gusto mong sabihin. Pero come to think of it, aanhin ko naman ang sangdamukal na pera at savings ko sa bangko kung di naman ako liligaya. Actually almost eleven thousand pa nga yung bili ko don. Kaya it’s just so frustrating nauwi sa wala ang lahat ng pag-e-effort ko.
Gladys: Sana binili mo na lang yung lalake.
Chyna: Wala akong cash.
Gladys: Gaga!
Chyna: Pero ang nakakagigil pa, paghintayin ba naman ako ng dalawang oras. Take note, dalawang oras. Two hours.
Gladys: Dalawang oras? Pumayag kang maghintay ng dalawang oras? Ikaw? Naghintay ng dalawang oras? Putcha, lalake lang pala ang makakapagpahintay sa’yo!
Chyna: To naman, nagkataon lang good mood ako.
Gladys: Good moodin mo ang fez mo! E hello one minute ka pa nga lang naghihintay, eh tumatalak ka na.
Chyna: Siya ang prince charming na matagal ko ng hinhintay sa buhay ko. Kaya kahit paghintayin ako ng dalawang oras tatanggapin ko. Isipin mo, sa two hours na yon, wala akong ibang ginawa kundi mag-retouch, mag-abang sa mga pumapasok sa resto, panoorin ang mga patay gutom at matatakaw na costumer, umorder ng iced tea at pakinggan ang sintunadong lounge singer, at kaingitan ang mga naglalandiang mag-jowa! Kaya lang ang masaklap, nung nagkita kami, okay na sana yung bulaklak kahit lanta at obvious pang nabili sa bangketa, kaya lang…
Gladys: Malamang. Ang sinabi sa’yo eh, I’m sorry I kept you waiting or sorry galing pa ako sa office or sorry dahil sa lecheng traffic or sorry dahil ano?
Chyna: Walang sorry. Walang paumanhin. Walang anything. Wala na siyang naisip pang sabihin.
Gladys: So pipe ito?
Chyna: Pasalamat siya naawa ako sa kanya. Basang basa kasi siya. Mukhang sumugod sa ulan.
Gladys: At ang pride mo tumiklop. Nagtago. Naglaho. Inanod. Tinangay ng bagyo!
Chyna: Hainan ka ba naman ng lalake. Pilikmata pa lang, ulam na. Mapapa-extra rice ka pa. Pero beyond his looks, parang bigla akong na-alienate. Parang na-lost. Parang hindi siya yung ka-textmate ko. Parang hindi siya yung kalandian ko sa text. Parang Iba in person. Ibang iba.
Gladys: Me ganong factor?
Chyna: Lam mo yung nawala yung kadaldalan sa text. Yung pagiging sweet. Yung caring attitude at lambing. Lost!
Gladys: Baka nagpapa-man of few words. Papa-impress sayo.
Chyna: Anong man of few words, nagpaka-man of no words nga e. Imagine, of all puedeng sabihin sa akin, ang katangi tangi niyang comment, “you look fine.” You look fine. You look fine. Yon ang bonus ko sa paghihintay ng two hours. You look fine.
Gladys: Haggard!
Chyna: Nako, hindi ko na pinatulan. Pero at the back of my mind, gusto ko siyang batuhin ng plato. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang sigawan. Murahin. Ipagtabuyan palabas ng resto. Ni hindi nga niya napansin, namumutla na ako sa lamig ng aircon. Take note, naka-backless ako at naka-high heels kahit bumabagyo. At gusto kong sabihin, bumili ako ng ten thousand, actually eleven thousand worth of outfit para lang sa simple’t ka-cheapang eye ball.
Gladys: Sana hinampas mo ng bulaklak ang fez!
Chyna: Sayang ang bulaklak. Maraming babae ang never pang nabigyan ng bulaklak ng lalake.
Gladys: At in fairness, isa ka na don!

Patlang

Gladys: Na-document mo yung hitsura mo that night?
Chyna: Ay wait, buti pinaalala mo, I had a picture in my camera.

Ipapakita ni Chyna ang picture sa kanyang camera.

Gladys: Kaw to?
Chyna: Oo. Maganda naman di ba?
Gladys: Sure ka.
Chyna: Naman. Walang katulad. Walang kasing ganda di ba?
Gladys: Maganda ka na nito?
Chyna: (Flattered) Di naman masyado.
Gladys: Maganda to sa’yo?
Chyna: Hindi ba?
Gladys: Ganda nga. Ganda pakshet.
Chyna: Ganda talaga!
Gladys: Nakakalula.
Chyna: The height di ba?
Gladys: Nakakasilaw.
Chyna: The works di ba?
Gladys: Nakakadiri.
Chyna: Ano? Inggit ka lang.
Gladys: Kilabutan ka nga. Tingan mo nga sarili mo. Mukha kang kapatid ng boyoyong clowns at malayong kamaganak ni Goldilocks sa dami ng kulot mo sa buhok. Ang sagwa! Walang kasing sagwa! Sinayang mo lang yung outfit mo. At kita mo o, para kang lobong punong puno ng hangin. Batak na batak yung damit. Anytime sasabog. Considering picture pa lang to, hirap na hirap na akong tingnan ka. What more pa in person. Kaya yan, malamang, na-trauma yung lalake.
Chyna: Alam mo, ang sama mo.
Gladys: Bakla, hindi ako masama. Masama talaga ang hitusra mo!
Chyna: But I don’t deserve to be treated like that!
Gladys: Kalimutan mo na yan.
Chyna: How convenient sabihin.
Gladys: Ganon nga kasi talaga.
Chyna: Dahil mataba ako.
Gladys: Hindi. Dahil mali ang suot mo. Mali ang lalakeng napili mo.
Chyna: Mataba ako.
Gladys: Mataba ka pero puedeng remedyohan.
Chyna: Para san pa.
Gladys: Napaka-nega mo.
Chyna: Nakakapanghinayang eh.
Gladys: Anong gusto mo, habulin yung lalake?
Chyna: Wala na nga akong inexpect eh.
Gladys: (slightly tumaas ang boses) Umayos ka!
Chyna: E ba’t nagagalit ka?
Gladys: Hindi ako nagagalit.
Chyna: Shet talaga.
Gladys: Life is full of shit. Pakshet. Kaya dapat, sakyan mo lang!

Patlang

Gladys: Anong age nung ka-eye ball mo?
Chyna: Twenty one. Si Jamie.
Gladys: Uy walang muwang.
Chyna: Anong walang muwang, eh graduating nursing student kaya yon.
Gladys: Experimental pa yon.Curious.
Chyna: Hindi naman siguro.
Gladys: Dumaan ka sa ganong edad. Aminin mo.
Chyna: Talaga?
Gladys: Paksyet ka! So matanda ka ng 4 years sa lalake?
Chyna: Oo.
Gladys: Malamang ikaw ang nagbayad ng bill?
Chyna: Ha?
Gladys: Kako ikaw ang nagbayad ng bill. Magkano inabot?
Chyna: Teka. Pano mo nalaman?
Gladys: To naman! Simpleng simple eh. Sino ba ang me trabaho? Sino ba ang me datung? Natural ikaw. Eh di ikaw ang magbabayad.
Chyna: Hindi ganon.
Gladys: Ah kasi nga nag-CR tas hindi ka na binalikan. So naipit kang magbayad.
Chyna: Parang ganon na nga.
Gladys: Eh di ikaw pa rin ang nagbayad.

Patlang

Gladys: Hindi kaya, baka naman wala ka talagang ka-eye ball that time.
Chyna: Anong tingin mo sakin nagiilusyon? Nagpapantasya? Nag-ha-hallucinate?
Gladys: Malay mo. Malay ko. Malay ba nating umabot na sa highest level of imagination yang pagka-desperada mo.
Chyna: Pero…
Gladys: Shet nagsasalita magisa!
Chyna: Umayos ka nga. Lam mo, after kong ma-realize na I’m dating myself alone, after kong lantakin ang inorder ko, na after kong bayaran ang bill at umuwi. Eksakto sa parking, I got a call from him. Finally nagparamdam siya..
Gladys: Hula ko sinabi sayo na, magpapakamatay na siya dahil hindi niya kinaya ang kagaguhang ginawa niya sayo? Na nakokonsensya siya na pinaghintay at iniwan niya ang isang tulad mo sa mamahaling resto at pagbayarin ng bill. O di kaya naman na-realize niyang hindi babae ang hanap ng puso niya, kundi lalake.
Chyna: Ano bang pinagsasabi mo diyan! Walang ganon.
Gladys: E anong meron?
Chyna: Nakikiusap. Humihingi ng sorry, ng dispensa. Kesho eksaktong nasa CR siya ng tawagan siya ng nanay niya na inatake ang bunsong kapatid nila ng asthma at kailangang dalhin sa ospital. Histerikal daw yung nanay niya na hindi na niya natanggihan.
Gladys: At nakuha pang magpa-kapwa ko mahal ko sa pagpapalusot. Naniwala ka?
Chyna: Malay mo. Malay ko. Malay nating lahat di ba.
Gladys: Napatunayan mo?
Chyna: Instinct.
Gladys: Anong sinasabi ni kumareng instinct?
Chyna: Slight totoo. Slight hindi.
Gladys: Matauhan ka nga. Ang dali dali namang labasin ka at personal na kausapin. Bakit sa phone pa! Ibig mong sabihin, lahat dadaanin sa cellphone. Para saan pa na nag-eye ball kayo!
Chyna: Kakalungkot lang kasi hindi na nga rin tumawag o nagtext up to now. Kahit missed call. Wala. Wala.
Gladys: Kaya nagluluksa ka.
Chyna: Napahiya ako e. Pinagmukha niya akong tanga. Nagmukha akong tanga. Nagpakatanga ako sa kanya. Bakit ang tanga ko.
Gladys: Hinayaan mo eh.
Chyna: Minahal ko siya sa text.
Gladys: Pakasal ka na lang sa cellphone mo. At least di ka iiwan.
Chyna: Walang pakinabang sa seks.
Gladys: Malay mo.
Chyna: Nakakadiri ka. Baboy!
Gladys: Mas baboy ka!
Chyna: Wala namang personalan.

Sandaling Katahimikan.

Gladys: O anong balak mo?
Chyna: Isinusumpa ko si Jamie. Isinusumpa ko siya. Tinatawagan ko lahat ng kampon ng kadiliman, ng kaguluhan, ng impiyerno, ng black magic, ng iba’t ibang kulto sa Pilipinas, mga kampon ni Eric Mana…
Gladys: Na?
Chyna: Na sana hindi siya pumasa sa darating na nursing board exam.
Gladys: Praise the lord! Haleluya!

Mag-a-appear ang dalawa. Tatayo si Chyna at haharap sa salamin.

Chyna: Gaano ba ako kataba?
Gladys: Gutom lang yan.
Chyna: Mataba ako noh?
Gladys: Pili ka na ng ibang kanta.
Chyna: Sagutin mo muna ako. Ang taba ko noh.
Gladys: Wala namang tumututol bakla sa katabaan mo. BFAD approved! Kaya buti pa, bumawi ka sa kantahan.
Chyna: Ang taba ko. Ang taba taba ko.
Gladys: Huwag ka ng magtaka.
Chyna: Mukha na ba akong nanganak sa katabaan ko?
Gladys: Mejo mejo.
Chyna: Parang belt bag tong bilbil ko.
Gladys: Maleta, bakla.
Chyna: Tong mga daliri ko parang luya.
Gladys: Nakakaawa yung sandals mo. Hindi makahinga.
Chyna: Ang hita ko parang hindi hita ng babae.
Gladys: Hita ng sumo wrestler.
Chyna: Tong puwet ko puede nang gawing unan.
Gladys: Puede ring punching bag. Lapad.
Chyna: Dami kong varicose veins.
Gladys: Stressed sila. Sobrang stressed.
Chyna: Tong bilbil ko ang dami. Mas dumarami.
Gladys: Parang rice terraces.
Chyna: Me stretch marks pako.
Gladys: Dasalan mo baka pagmilagruhan.
Chyna: Me flabs pako. Ang dami kong excesses sa katawan. Para akong tabang naging tao. Ang taba taba ko!
Gladys: Mismo!

Patlang.

Gladys: O yuko ka. Ay wag na lang.
Chyna: Kaya ko yumuko.
Gladys: Huwag na.
Chyna; Hindi kaya ko to.
Gladys: Huwag na.
Chyna: Kaya ko nga to e. Bakit ba?
Gladys: E kasi naman kahit di ka yumuko, litaw ang double chin mo. at isa pa.
Chyna: Isa pa ano?
Gladys: Wala kang leeg.

Magtatawanan ang magkaibigan.

Gladys: O tara, lafes!

Magkakainan ang magkakaibigan.

Gladys: Pano ka papayat ang siba mo sa pork sisig.
Chyna: Nag-di-diet ako.
Gladys: Nag-di-diet?
Chyna: Depressed ako.
Gladys: Nakakatakot ka ma-depress.
Chyna: Pabayaan mo muna ako.
Gladys: Matagal ka ng napabayaan sa kusina. Putcha Chyna tigilan mo na yang depression mo. Lalo ka lang lolobo niyan.
Chyna: Babawiin ko na lang sa work out.
Gladys: Ba’t parang walang epekto ang pag-wo-work out mo sa gym?
Chyna: Open your eyes.
Gladys: Pati third eye ko bukas na nga e pero wala akong makita!
Chyna: Nabawasan na ako ng 10 pounds.

Tatawa ng malakas si Gladys.

Gladys: Nabawasan ka ng 10 pounds? Loka loka!
Chyna: Ikaw ang maloka. Totoo yon. Nag-loose nako ng 10 pounds since I enrolled sa yoga class at pilates. Di lang pansinin. And by the year ends, 120 na lang ako.
Gladys: One twenty? As in one twenty?
Chyna: 120!
Gladys: Baka, 120 times 2!
Chyna: Bahala ka!
Gladys: Pero seryoso, bakit mo pinapatay sarili mo?
Chyna: Simpleng lang. You see, I’m 25 and next year 26 na ako. And it’s so depressing na mag-two-26 na ako and I’m still single. Sagad na ako. Puno na ako. Hindi ako magka-jowa dahil mataba ako! Siempre, gusto ko naman ng kayakap. Gusto ko ng kahalikan. Gusto ko ng midnight calls. Telebabad sa telepono. Kahit simpleng smiley at good morning greetings sa umaga. Kahit ka-cheapang text quotes. Kahit smiley lang. or kahit text na walang laman. Gusto ko ng maiiyakan kung me problema ako. Gusto ng kasama pag manunuod ng sine. Gusto ko ng makaka-appreciate sa ginagawa ko. Gusto ko ng matatawag kong bhe or honey or sugar pie, apple pie, peach mango pie, peanut butter, cheez wiz, or kahit star margarine. Kahit ano basta tao. Gusto ko ng jowa. Gusto ko ng jowa. Jowa. Jowa. Jowa. Lalake. Lalake. Lalake.
Gladys: In short, gusto mo ng kangkang!
Chyna: Tao ako. I have needs.
Gladys: E kung ipinagbibili ang lalake bibili ka?
Chyna: Ilabas mo yang lalake na yan. Kahit magkano pa yan. Bibilhin ko yan! Ngayon na!
Gladys: Kung nagkataon out of stock. Si April Boy last man on earth, keri mo?
Chyna: Wala ng iba?
Gladys: Last man on earth na nga e.
Chyna: As in last na.
Gladys: Last na last.
Chyna: Sige na.
Gladys: Desperada!

Me kakatok sa pinto. Papasok ang waiter.

Waiter: Mam, me nabakante napong room. Good for 3. Ni-reserve ko na.
Gladys: Pang-tatluhan lang?
Waiter: Opo.Lilipat na po ba kayo?
Gladys: Hindi. Hindi na. Anim kami e.
Waiter: So pa-kancel ko napo?
Gladys: Oo. Anim kami e.
Waiter: Sige balikan ko na lang po kayo pag meron ng mas malaking room
Gladys: Go.

Lalabas ang waiter.

Chyna: Lilipat tayo?

Biglang iibahin ni Gladys ang usapan.

Gladys: Mamaya chika ko. For now, magpaka-bakla muna tayo!
Chyna: Join ako.

Kakantahin ni Gladys ang “Di Ako Bakla ni Tuesday Vargas.” Feel na feel niya ang pagkanta
nito.Samantala, si Chyna, feel na feel din sa paghataw at pagsabay sa performance ni Gladys.
Matatapos ang performance ng dalawa. Ninety six ang score ni Gladys. Magpapalakpakan ang
dalawa.

Sandaling Kahatimikan.

Gladys: Bakla, need ko tulong mo.
Chyna: Magkano?
Gladys: Isang milyon?
Chyna: Ang laki naman.
Gladys: Gaga!

Patlang

Chyna: Family matters?
Gladys: Family matters doesn’t matter bakla.
Chyna: So lovelife?
Gladys: Mejo.
Chyna: In fairnes, hindi halata.
Gladys: Pakshet. Pinipimples na nga ako e.

Magyoyosi si Gladys. Tatayo ito at magpapalakad lakad.

Chyna: Anong problema?
Gladys: The usual. Lalake.
Chyna: Kelan pa?
Gladys: Last week pa naman.
Chyna: Gaano ka intense?
Gladys: Intensity 9.
Chyna: Ang strong. Me hiwalayan?
Gladys: Ako ang nakipaghiwalay.
Chyna: Anong dahilan?
Gladys: Nag-away kami.
Chyna: Panong away?
Gladys: The usual.
Chyna: Sigawan?
Gladys: Ganon pa rin.
Chyna: Me flying objects?
Gladys: Korek.
Chyna: Wrestling?
Gladys: Sapakan, sampalan at umbagan level.
Chyna: Buti wala kang pasa.
Gladys: Magaling ako umilag.
Chyna: Babae ba ang dahilan?
Gladys: Hindi. Hindi babae.
Chyna: Magulang niya ba?
Gladys: Laki yon sa lolo. Ulila sa magulang.
Chyna: So lolo niya?
Gladys: Hindi. Galang mo naman yung patay.
Chyna: So anong dahilan ba’t muntik na kayong magpatayan?
Gladys: Extreme reasons bakla.
Chyna: Nanlamig sa’yo?
Gladys: Mas cool sa Alaska.
Chyna: Tinake for granted ka?
Gladys: Mejo.
Chyna: Kinatulong ka?
Gladys: Madalas.
Chyna: Pinagparausan ka?
Gladys: Lagi naman e.
Chyna: Binugbog ka?
Gladys: OA ka walang ganon.
Chyna: So anong meron?
Gladys: Sabihin na lang nating, mas masaya na siya sa iba.
Chyna: So third party nga. Pinaiikot mo pa ang usapan.
Gladys: Ang kapal. Garapal. Hampas lupa.
Chyna: Babaeng garapal. Kupal. Epal?
Gladys: Hindi babae eh.
Chyna: Hindi babae? Kung hindi babae, ano? Sino? Don’t tell me pati non living things pinapatulan ng jowa mo.

Patlang.

Gladys: Binabae!

Sandaling Katahimikan.

Gladys: Ipinagpalit niya ako sa talent kong binabae! Tong byuti ko, appeal ko, charm ko at alindog kong to, ipagpapalit niya sa binabae! Tama ba naman yon?
Chyna: Ba’t nagkaganon?
Gladys: Ewan ko sa manyakis na George na yon.
Chyna: Nahuli mo?
Gladys: Oo bakla!
Chyna: San mo nahuli?
Gladys: Ang saklap, sa apartment.
Chyna: Sa apartment niyo?
Gladys: Sa apartment namin. Sa kuwarto namin. Sa kama namin.
Chyna: Anong ginagawa nila don?
Gladys: E di naglalaplapan! Naglalaplapan sa sarili naming apartment!
Chyna: Buti di nag-sex.
Gladys: Malay mo. Malay ko. Malay nating lahat.
Chyna: Nakakakilabot.
Gladys: Nakakadiri
Chyna: Nakakasuka.
Gladys: Kasulasulasok.
Chyna: Sagad na sagad.

Patlang.

Gladys: Napaaga kasi ako ng uwi sa usual sched ko. Napack-up ang taping. Dumiretso nako sa apartment dahil wala naman gagawin sa office. E di ba walang gate yung sa area namin, sa labas pa lang me naririnig akong boses babae na parang boses lalake. Tipong high pitched na low pitched. Habang papalapit ako ng apartment namin, mas umiingay yung boses. Kala ko sa katabing unit e biglang nagsalita si George, don ko nalaman, sa loob ng apartment namin nanggagaling yung boses. At sa kuwarto pa mismo. Naisip ko, di muna ako papasok sa loob ng apartment. Papakinggan ko muna yung usapan. At don na-confirm ko, me kalandian si George. At ang masakit, hindi babae, kundi binabae ang nilalandi niya!
Chyna: Anong ginawa mo?
Gladys: Bakla di ko napigil sarili ko. Nagdilim ang paningin ko.
Chyna: Shet, napatay mo?
Gladys: Almost! Buti nakapagtimpi ako. Pero sa tindi ng galit ko, naibato ko sa kanilang dalawa ang dala kong palabok. Hayop na George yan di pa nakontento sa akin. Babae ako. Babae ako. Me suso ako. Me puke ako. Hindi ako bakla. Ang cheap niya!
Chyna: Alam ko. Alam namin. Mukha ka lang bakla pero alam ko babae ka.
Gladys: Gaga! Kaya ngayon, tong si George kala mo nagpipinetensya sa nagawa niya kung humingi ng sorry. Kesho hinuhuthutan lang daw niya ng pera yung bading. Kesho kailangan niyang magpadala ng pera sa probinsya nila. Kesho delayed ang suweldo nila. Kesho di naman daw siya pumapatol. Fling lang daw. Magtigil siya! Huling huli na siya, umeeskapo pa siya.In the first place bakla, ano niya ba ako. Sa mahigit 6 months naming relasyon at 6 months na pagtira sa isang bubong, kahit kailan di ako nagdamot sa kanya. Pati problema niya, pinoproblema ko. To ngang katawan ko nilalaspag na niya gabi gabi tas sasabihin niya, nahihiya na siya sa akin. Tumatanda na ba siya at nagkaka-amnesia at hindi na ba niya matandaang me relasyon kami. Nako huwag niya akong paikutin. Malas niya hindi ako tanga. Ba’t ko tatanggapin ang sorry niya. Bakla, walang kapatawaran ang ginawa niya.
Chyna: So final na yan?
Gladys: E-emote bako ng ganito kung di final.
Chyna: San ka na umuuwi?
Gladys: Sa apartment. Sa apartment namin.
Chyna: Umuuwi ka pa rin sa apartment niyo after ng kaguluhan?
Gladys: After ng kahayupan, Oo naman. Andon ang gamit ko. Mas malaki ang share ko don.
Chyna: E si George?
Gladys: Sa apartment din.
Chyna: Natatagalan nyo ang isa’t isa?
Gladys: Dun siya. Dito ako. Kanya kanyang puwesto. Walang pakialaman.
Chyna: Possible ba yon?
Gladys: Oo. Pero masakit sa ulo. Kaya nga ayoko na. Ayoko na siyang makita pa. Ayoko nang maamoy ang maalipunga niyang paa. Ayoko ng maramdaman ang presence niya. Meaning ayoko na sa kanya. Ayoko na ng room nato dahil dito ko siya sinagot. Kahit tanungin mo pa si April Boy. (Kay April boy) Di ba?.
Chyna: So, ano ang kailangan mo sa akin?
Gladys: Maghahakot sana ko ng gamit sa apartment bukas. Lilipat na kasi ako. Me nakita akong bed space diyan malapit sa opisina. Walking distance na, mura pa ang upa.
Chyna: Pano yung apartment niyo?
Gladys: Pakialam ko naman don.
Chyna: Anong gamit hahakutin natin? E di ba karamihan hati kayo nung binili niyo?
Gladys: Napagusapan na namin. Nagkakuwentahan na rin ng equal amount ng appliances kung kanino mapupunta. Legal lahat.
Chyna: Alin ang sayo?
Gladys: Siempre akin ang TV, ang microwave, ang ref, at ang coffee maker. Pati yung washing machine at rice cooker. The rest sa kanya.
Chyna: Ang bibigat!
Gladys: Parang awa mo na, help me move on!
Chyna: Ano pa nga bang magagawa ko.

Darating sina Veejay at Roy. Naka-pormal si Roy. Hitsurang galing ng Job interview. Angat ang
maskuladong pangangatawan nito. Samantala si Veejay, bagets na bagets ang porma.

Veejay: Anong eksena to?
Gladys: Ay dumating na ang Diva. At kasama pa ang leader ng maskulados!
Veejay: Move over. Concert ko to. Asan ang mic?
Chyna: Kayo na?
Roy: Puede.
Gladys: San mo nakita tong haliparot nato?
Veejay: Q. Ave.
Chyna: Pick up gay ka na ngayon?
Gladys: (Kay Roy) Anong meron?
Chyna: (Kay Roy) Nagmukha kang tao.
Roy: Galing ako sa isang Job interview.
Gladys: Job Interview? Kelan mo pa naisip maghanap ng trabaho.
Veejay: Maniwala kayo, papalapit na ang end of the world.
Roy: People change.
Veejay: Sabi ko senyo e.
Roy: Ulol!

Papasok si Joey. Matured looking si Joey. Walang boobs. Walang puwet.Nakasalamin.Nakasuot
ng nursing uniform.

Gladys: Sino siya?

Ipapakilala ni Roy si Joey. Sa mga susunod na paguusap ay hindi halos magsasalita si Joey.
Walang iba itong gagawin kundi yumapos sa maskuladong braso ni Roy at pagmamasdan ang
nangyayari sa kanyang paligid. Ngumingiti lang ito sa mga high energy na moments ng barkada.

Roy: Joey, sila yung sinasabi ko sa’yo na tropa ko since college. To si Gladys.
Veejay: (Kay Joey) Don’t ask. Babae yan mukha lang bakla.
Gladys: (Kay Veejay) Inggit ka lang!
Joey: (Kay Gladys) Hi po.

Makikipag-shake hands si Joey ke Gladys. Mararamdaman ni Gladys na magaspang ang kamay
nito.

Gladys: Hi din.
Roy: And this is Chyna.
Veejay: Bigatin noh.
Chyna: So okrayan nato.
Veejay: Gaga! Bigatin meaning mayaman.
Joey: Hello po Mam Chyna.

Makikipagshake hands si Chyna. Mararamdaman niyang sobrang payat ng mga daliri ni Joey.
Maiinggit siya.

Chyna: Bata pako. Chyna lang.
Veejay: Lahat kami dito bata pa.
Gladys: At me virgin. (Kay Chyna) Tulad niya!.

Magtatawanan ang grupo.

Roy: (Kay Joey) Mamaya, makilala mo pa yung iba.
Veejay: Exkslusibo at live na live!

Walang reaction si Joey.

Gladys: Bago kayo kumanta, me gimik ako.

Ilalabas ni Gladys ang natitirang apat na papel.

Veejay: Anong kalokohan to?

Kukunin ni Veejay ang remote at pipili ng kanta pero pipigilin siya ni Gladys.

Gladys: Mamaya na yan. Bumunot muna kayo. Ikaw at si Roy.
Chyna: (Kay Joey) Sali ka.
Joey: No. I don’t sing.
Roy: Ako na lang representative. (Kay Joey) Wish me luck, Hon.

Bubunot si Veejay at Roy. Kukunin ni Gladys ang papel ni Veejay. Babasahin niya ang nabunot
nito. “Panalangin’ ng APO.

Roy: Tang na, OPM!
Gladys: No return. No exchange ha.
Roy: Hindi. Sobrang gusto ko nga tong kanta.
Chyna: Teka, kala ko isinusuka mo ang OPM?
Roy: Kala mo lang yon. Favorite namin to ni Hon. Isa pa, people change noh.

Babasahin naman ni Gladys ang nabunot na kanta ni Veejay. “Jumbo Hotdog” ng
maskulados.

Veejay: Ang cheap talaga ng taste mo.
Chyna: Jologs pa.
Gladys: Nako, lahat naman tayo jologs, ayaw niyo lang aminin!
Veejay: Ma-sa-sabunutan kita e. Diva ako. Hindi maton. Ke Roy to bagay.
Gladys: Ayaw mo non challenge. Maiba naman. Una ka na gusto mo?
Roy: E kayo?
Chyna: Tapos na kami.
Veejay: Puke niyo. Hindi nga?
Gladys: 96 ako. si Chyna 75. Ang highest pointer di magbabayad ng order. Yon ang reward.
Roy: Deal.
Veejay: Sandali ang daya.
Roy: (Kay Veejay) Una ka gusto mo?
Gladys: Botohan gusto niya?
Veejay: Huwag na. Pagtutulungan niyo lang ako. Amina ang mic.
Chyna: Order muna kayo.

Pipindutin ni Chyna ang buzzer. Papasok ang waiter.
Waiter: Good evening mam, sir. May I take your order.
Veejay: San mig light.
Waiter: Isang san mig light.
Gladys: Padagdag ng isa pa.
Chyna: Vodka tonic.
Roy: Vodka Tonic isa. (Kay Joey) Hon, ikaw?
Joey: Iced tea.
Waiter: Ano pa po?
Roy: Chicken lollipop. And fries.
Chyna: Additional fries isa.
Veejay: Hoy mga rated PG tama na yan. Kakanta nako.

Lalabas ang waiter. Sisimulang kumanta ni Veejay. Kakantahin niya ang “Jumbo Hotdog” in a Maskulados way. Lalakeng lalake. Iatataas pa nito ang sleeves ng shirt para i-project ang braso. Sina Chyna at Gladys naman mga back up. Si Roy parang macho dancer kung humataw. Si Joey manunuod lang. Kung matatawa man magtatakip pa ng panyo. Matatapos ni Veejay ang kanta. Pupuntos siya ng 94. Magpapalakpakan ang barkada. Kanya kanyang hanap ng puwesto.

Gladys: Bakla ang sarap mo palang maging lalake.
Veejay: Lesbiana ka na?
Gladys: Kanina muntikan na.
Veejay: Kadiri. Kadiri ka.
Gladys: (Kay veejay) 94 ka. Meaning ako pa din ang defending champion.
Veejay: Care ko. Antayin mong sumanib si regine sakin. Taob ka.
Gladys: Sorry ka. Nag-day off si regine. O Roy ready ka na?
Veejay: Ang daya kasi ng choices.
Gladys: Late kasi kayo.
Veejay: Sinong nag-decide?
Gladys: Kami.
Veejay: Sinong kami. Kayo ni Chyna.
Chyna: Hindi ako cheap. Labas ako diyan.
Gladys: Late din yang si Chyna. So meaning “Ako” “Sarili ko” “si Gladys” “Alter ego ko” At ang “Conscience ko” ang nagdecide. Lima kami.
Veejay: Hunghang!
Chyna: O si Roy na.
Gladys: Roy, nakahanda na ang spotlight. Ang dim light. Ang candle light. At
maging ang highlights ng buhok ni Veejay, kaya tira na!

Tatayo si Roy. Kukunin ang microphone. Luluhod sa harap ni Joey. Emote na emote sa pagkanta. Si Veejay nadadala sa sweet moments ng dalawa. Si Chyna parang naglalaway sa napapanood. Pero si Gladys pinakikialaman ang cellphone ni Veejay. Binabasa niya ang mga messages. Matatapos ang awitin ni Roy pero tong si Joey halos walang reaction. Papalo sa 95 ang score ni Roy. Magpapalakpakan ang barkada. Bibigyan ng matamis na kiss sa lips ni Roy si Joey.

Roy: Damn! Ninety five. Kita niyo yon, ninety five!
Veejay: Inggit ako.
Chyna: Sobra.
Gladys: Sorry ako pa din ang defending champion.
Chyna: Sana haranahin din ako.
Veejay: Mas pamatay yung halikan.
Gladys: Mas pamatay ang singing powers ko noh.
Veejay: (Kay Gladys) Seryoso ka?
Gladys: Malayo pa ang suweldo.
Veejay: Ang cheap mo talaga!
Gladys: At least malilibre sa gastos!
Chyna: Hintayin mo si Mitch. Nagsasalita pa lang, nasa eight octave na.

Darating ang waiter dala ang kanilang order. Iaabot ang order ng bawat isa.Sina Roy at Joey halos hindi maiistorbo sa isang sulok habang kumakain. Sweet na sweet na nagsusubuan. Tutunog ang cellphone ni Veejay. Hahanapin nito sa bag.

Gladys: Si Lucky ba yan?
Veejay: Bakla ka. Pinakialaman mo phone ko? Nasan yung phone
ko?Ilabas mo yung phone ko?
Gladys: Blooming ka bakla. Sino si Lucky? Jowa mo?
Chyna: Me jowa ka na?
Veejay: Ilabas niyo muna phone ko.
Gladys: Sino muna si Lucky?
Veejay: Anak ni Ate Vi. Masaya ka na? Ibigay mo sakin yung phone ko.
Gladys: Yung totoo. Sino si Lucky?
Veejay: O sige. Estudyante ko. Satisfied? Akin na yung phone ko.
Gladys: Sigurado ka estudyante lang?
Veejay: Oo naman. Ba’t ba ang kulit mo.
Gladys: Pero ang sweet ng text messages ha.
Veejay: Akin na ang phone ko. Seryoso ako.
Gladys: Kaya lang, alam mo, mali mali yung grammar.
Veejay: Kaya nga nagpapaturo sakin sa english di ba?
Gladys: (Sarcastic) Sa english lang kaya Sir?
Veejay: Puke mo. Amina phone ko.
Gladys: Pakilala mo samin.
Veejay: Ayoko.
Gladys: Harmless kami.
Veejay: Nagsalita ang dragon!
Gladys: Ikaw, kung magsalita ka, akala mo jowa.
Veejay: Isa pa, me curfew yon.
Gladys: E nasa rehearsal pa nga daw ng banda ngayon tas me curfew. Baka naman personal curfew sa’yo?
Veejay: Bakla ka, binabasa mo messages ko sa phone? Amina na nga.
Gladys: Umamin ka na kasi. Sino nga si Lucky?
Veejay. Kung sabihin kong jowa ko ibibigay mo phone ko?
Gladys: Madali akong kausap.
Veejay: Sabay tayo.
Veejay: Oo jowa ko. Jowa ko si Lucky. Happy?
Gladys: Eto na.
Chyna: Buti ka pa me jowa na. Mukhang malapit na nga talaga ang end of the world.

Kinakalikot ni Veejay ang phone niya.

Chyna: Veejay, ipakilala mo naman samin.
Veejay: Care niyo naman sa kanya.
Chyna: Kaibigan mo kaya kami.
Gladys: Makikilala niyo rin yon. Darating yon.
Veejay: (Kay Gladys) Teka nga, Anong ginawa mo bakla?
Gladys: Tinext ko.
Veejay: (Gulat) Hindi nga?
Gladys: Pinapasunod ko dito. Tatapusin lang daw niya yung rehearsals niya.
Veejay: Bakit ba napaka-pakialamera mo.
Gladys: Rumelaks ka nga lang.
Veejay: Baka sugurin ako ng magulang non.
Chyna: Pumatol ka sa minor?
Veejay: Anong minor pinagsasabi mo.
Chyna: 20?
Veejay: Lower.
Chyna: 18?
Veejay: Lower.
Gladys: 16?
Veejay: Ah basta. Teenager yon. Bagets.
Gladys: Yan ba e tuli na?
Veejay: Oo naman.
Chyna: Nakikipag-sex ka sa minor?
Veejay: Will you stop using the word minor. Parang kriminal ang labas ko.
Gladys: Actually, pidopilya.

Patlang.

Chyna: Kelan pa to?
Veejay: Lately lang.
Gladys: Isa ba to sa mga estudyanteng bumabagsak sa klase mo at dahil hindi
makabayad e ipinagmamabayad na lang ang katawan?
Veejay: Hindi.Iba to.
Gladys: Malamang isa to sa mga estudyanteng matalino pero dahil barat ka magbigay ng
grades, para makakuha ng mataas na grade, ipinambayad na lang ang katawan?
Veejay: Gaga! Mag-tu-tutor ba to kung matalino. Magisip ka nga.
Gladys: So meaning choice A is right. Tama?
Veejay: Hindi nga eh.
Chyna: E pano kayo nagkakilala? Text text?
Gladys: Uy interesado ang desperada.
Veejay: Bakit?
Gladys: Pumatol kasi yan sa text mate tas olats!
Veejay: Anong nangyari? Chika mo!
Chyna: Huwag na.
Veejay: Share mo naman. Baka ma-enlighten ako!
Gladys: Mukha mo! Tapos na mag-moment yan, it’s your turn. Huwag
tayong paulit ulit, mahal ang renta dito!
Chyna: Kala mo naman siya me love life.
Veejay: (Kay Gladys) Bakit wala na kayo ni George?
Gladys: One week na.
Veejay: Hindi nga?
Gladys: Oo. Huwag kang makulit.
Chyna: Sama ka samin bukas maghahakot ng gamit niya sa apartment.
Veejay: Me ganong eksena?
Chyna: Break up of the year di ba.
Veejay: Join ako sa hakutan. Anong nangyari?
Gladys: Bakla tapos na ang monologue ko, ikaw na!
Veejay: Ang daya naman. Kaw muna.
Gladys: Ayoko ng paulit ulit. Bukas na lang.
Veejay: Promise yan?
Gladys: Oo nah. So ano na?
Chyna: Veejay chika na!

Sandaling Katahimikan

Veejay: Sabihin na lang nating this year super sinuwerte ako. Nabili ko ang dream condo unit ko, ang laptop at soon mapapasakamay ko na ang fantasy karu ko.
Gladys: All because dahil sa matinding pananakot at pangungurakot sa mga estudyanteng mayayaman pero utak ipis.
Veejay: Slightly true. Pero nag-li low nako kasi kumakalat na sa department namin na me mga professor daw na nagpapabayad. Hindi lang pera ang hinuhuthot sa estudyante kundi pati katawan. Lalo na ngayon finals week.
Gladys: Natatakot ka?
Veejay: Sino ba naman ang hindi, di ba?
Gladys: Palibhasa kumota ka na!
Chyna: E pano napasok yang Lucky na yan sa buhay mo?
Gladys: Eto speculations lang ha, kuro kuro ganon, kung hindi mo nabiktima yan sa loob ng university, malamang isa siya sa mga pini-pick up mo sa circle o Q. Ave? O isa siya sa mga masahistang tinetake home mo?
Veejay: None of the above.
Chyna: E san mo to nakilala?
Veejay: Sa simbahan.
Chyna: Oh my Jesus!
Gladys: Bakla matakot ka naman. Pati simabahan nakuha mo pang binabarubalin.
Veejay: Anong binabarubal. Kung magsalita ka, kala mo santa ka! Ano ba kayo. Nagkataon lang sa simbahan ko nakilala si Lucky. Actually unang nakita at sinubaybayan. E Malay ko bang yon ang magiging location ng aming pagtatagpo. And feeling ko, talagang it’s God’s will!
Gladys: At wiling wili ka naman! Pati ang Diyos idinadamay mo sa kalandian mo.
Veejay: E anong magagawa ko kung of all places don magku-krus ang landas namin.
Chyna: Teka ano bang ginagawa mo sa simbahan?
Veejay: Lately kasi, pag na-te-tense or feeling low ako, depress depressan ako sa buhay ko, mga emote emotan, talagang bumibisita ako sa simbahan.
Gladys: So sinasabi mo, hindi na ikaw yung nagpapaka-bangag sa alak para ma-overcome lahat ng chuvanes sa buhay?
Veejay: Slight bakla.
Gladys: So hindi ka nanlalake pag depressed ka?
Veejay: Slight.
Chyna: Me malubha ka bang karamdaman? Me taning na ba ang buhay mo?
Veejay: Gaga!
Gladys: Anong nangyayari sayo?
Veejay: Gaya ng sabi ni Roy, people change noh.
Gladys: Hindi nga?
Veejay: Me masama?
Gladys: Pakshet!
Chyna: Deep shit! Naniniwala na ako malapit na nga sigurong magunaw ang mundo. Shet ayokong mamatay ng virgin.
Gladys: Over na! Ano bang meron ka Veejay?
Chyna: Detalyehin mo naman!
Veejay: Makinig nga kayo. Minsan kasi nagpatulong sa akin yung co-professor ko na maghanap ng colombarium kasi namatay yung kamaganak nila gusto cremation at gusto ilagay sa simbahan na malapit sa university. Nagkataon yung simbahan na una naming napuntahan, me colombarium. Then one day pumunta ako don to inquire. Mabait naman yung secretary so ti-nour ako sa buong lugar. Aba, habang tinutour ako at pinaguusapan namin yung mga presyo, me bigla akong narinig sa may bandang sulok na boses. Nagsasalita mag-isa. Parang me kausap. Una dinedma ko. Natapos na yung tour at chikahan namin nung secretary, hindi pa rin nawawala yung boses. Actually mas lumalakas pa nga. Tapos, pagalis nung secretary, nagpaiwan muna ako. Pinuntahan ko yung lugar na pinanggagalingan ng boses. At don ko nakita si Lucky.
Gladys: Bakla don’t tell me don ka gumawa ng milagro.
Veejay: I know my limitations. Hindi naman ako sugod ng sugod at sakmal ng sakmal pagdating sa lalake. Lately, natuto na rin akong maging patient!
Gladys: Nakakakilabot ka magsalita. Parang hindi ikaw. Eh napaka-siba mo kaya sa nota!
Veejay: Ano ba kayo. Patience is a virtue. And patience taught me better things in life.
Chyna: Is that the key para magka-jowa? Magkano ang patience na yan. Pabili ako. Kahit magkano pa yan. I’ll pay cash.
Veejay: Gaga! Siempre nung una kaming magkita. Hindi ko siya kilala. Hindi niya ako kilala. Ang alam ko lang nung nagkatinginan kami nahiya siya at nahiya rin ako. Tumigil siya sa pagsasalita. Tulala din ang lolo niyo. Pero alam ko me spark. Sin lakas ng world pyro olympics ang sabog ng kulay sa moment na yon. Pero I never thought yon ang magiging simula ng lahat.
Gladys: Anong ginawa mo?
Veejay: First time naming magkita, walang drama. Umalis na rin kasi ako agad non. Pero dahil sa tindi ng impact niya sa akin na tipong di sya nawawala sa isip ko, morning til night, yung tipong mababaliw na ka na, don ko na-realize, possibleng siya na nga ang lalakeng para sa akin.
Gladys: Very highschool ang emote mo bakla! Diyos ko, dialogue mo na yan since college tayo. Baka puede mo ng palitan!
Veejay: Pero eto kayo. Nag-research ako.
Chyna: Research?
Veejay: Dissertation level. Tipong me primary at secondary sources.
Chyna: Panong research?
Veejay: Siempre, una, tinanong ko yung secretary. Don ko nalaman, kapatid pala ni Lucky yung nakaburol don. Kapatid na namatay sa isang car accident. One year na halos. Sa sepulturero ko naman nalaman na every Friday dumadalaw si Lucky don. At worse, ito palang si Lucky e ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid. Nagkaayaan daw sa isang outing. The usual. Lasing. Bang.
Chyna: Nakakalungkot naman yon.
Gladys: At sinamantala mo naman ang pagluluksa nung bagets.
Veejay: Sa lahat ng lalakeng nakilala, na-i-kama ko, at naging jowa ko, serious or fling lang, ka-edad ko man o mas matanda sa akin o estudyante ko, iba si Lucky. Feeling ko siya yung taong sa unang kita ko pag inalagaan mo aalagaan ka rin in return. Na pag minahal mo, mahahalin ka rin. Yung taong seseryoso sa akin at seseryosohin ko. Kaya talagang sineryoso ko ang pangangarir sa kanya every Friday. Abang kung abang..
Gladys: At pinagnanasaan at pinagpapantasyahan. I’m sure libog lang yan.
Veejay: Hindi libog to Gladys. This must be love.
Gladys: Love? Love? Baliw! Hay nako kapatid kilala kita, don’t tell me inaraw araw na ginawa ni Lord na iniistalk mo yang bagets na yan walang ni isang attempt na pumasok sa isip mo na maka-seks yan.
Veejay: Minsan pag tinotopak me slight fantasy pero fantasy lang.
Gladys: E di inamin mo rin.
Veejay: Ewan ko. Kaya nga siguro binigay sakin ni Lord si Lucky dahil natuto akong
magtimpi at maghintay.
Gladys: Maghintay habang namamatay sa paglalaway.
Veejay: Mabait si Lord, bakla. Lam mo nung una ko siyang nakita sa columbarium na yon, hanggang sa panoorin ko siya every friday, kahit di kami naguusap, hindi ako nawalan ng pagasa na balang araw makikilala ko rin siya. And guess what, totoo ang destiny.
Chyna: So nakipagkilala ka?
Veejay: Hindi. Si Lord ang gumawa ng paraan.
Gladys: Huwag mo nga idamay si Lord sa kalandian mo. Baka kidlatan ka noh!
Veejay: Palibhasa bitter ka kaya nega ka.
Gladys: Anong bitter. Ako magiging bitter?
Veejay: Oo dahil loveless ka!
Gladys: Ay sumosobra ka na kapatid.
Chyna: Hep Hep Hep! Bago pa kayo magpatayan, patapusin na muna natin ang alamat ni Lucky!
Veejay: Basta yon after three months, eh di minsan, pauwi na ako, MRT, biglang nasiraan yung MRT. Biglang nakita ko sa same train yung friend ko sa dating kompanyang pinagtrabahuhan ko. Ang loko, manager na pala ng banda. Pagtingin ko sa tabi niya, katabi niya si Lucky. The same innocent look. Kasama niya. Tinanong ko sa kanya ba’t niya kasama. Don ko nalaman, minamanage niya pala tong banda ni Lucky kaya lang that time sasamahan niyang umuwi dahil tinawagan siya ng magulang at nagkakandaloko ata ang grades ng bata. Nagkataon naman, pinapahanap siya ng tutor para tulungan ang bagets.
Gladys: At hindi ka na nahiya. Mega grab ka ng oppurtunity?
Veejay: Korek. Kaya from that day on, M-W-F pumupunta ako sa bahay nila para turuan siya ng English. At every Friday, magkasama na kaming pumupunta sa puntod ng kapatid niya.
Gladys: Ang taray ng love story! Pampelikula!
Chyna: Mag-teacher na lang kaya ako para magka-jowa ako.
Gladys: Hindi. Gayahin mo si Veejay. Try mo pumunta sa sementeryo. Baka ma-meet mo soul mate mo!
Veejay: O di ba? Patience is a virtue.
Gladys: (Kay Chyna) Malas mo wala ka non.
Veejay: (Kay Chyna) Bumili ka na lang ng lalake!
Chyna: Pag ako nagka-jowa! Makikita niyo!
Gladys: Oo. Makikita namin. Magugunaw na ang mundo!

Magtatawanan ang tatlo. Mapapansin ni Roy at Joey ang tatlo.

Roy: O lasing na kayo?
Gladys: Hindi. To kasing si Veejay. Me bagong alaga.
Roy: Anong breed?
Veejay: Tarantada!
Gladys: Bagets. Parang ikaw.
Chyna: Jowa. Me bagong jowa si bakla.
Roy: Patay tayo diyan!

Magpapaalam si Joey sa grupo para mag-CR.

Gladys: (Kay Roy) Naghihirap na ba kayo?
Roy: Kami maghihirap?
Chyna: Ba’t naisipan mong maghanap ng work?
Roy: Trip trip lang.
Chyna: Pero di mo kailangan.
Roy: Kaw din naman ah.
Chyna: For experience. E ikaw?
Roy: For experience din.
Chyna: Gaya gaya.
Roy: Masama ba?
Gladys: Anong work?
Roy: Call center.
Gladys: So kamusta naman?
Roy: Putcha bad trip nga e. Puro english.
Chyna: Natural. International ang client.
Gladys: Pa-tutor ka ke Sir.
Veejay: Libre lang.
Roy: Hindi nga?
Veejay: Katawan mo, puede na.
Roy: Ulol!

Patlang

Gladys: Roy, yung kasama mo, si Joey ba yon, ba’t ganon?
Roy: Anong ganon?
Chyna: Jowa mo?
Roy: Oo naman.
Gladys: Parang wala sa hulog.
Roy: Ano?
Gladys: Parang ang layo sa mga babaeng pinagparausan, pinaglaruan at tinarantado mo.
Veejay: In short, panget!
Roy: Wala namang ganyanan.
Veejay: Senior Citizen!
Chyna: At parang anti-social.
Gladys: Me lahing autistic pa ata.
Roy: Sama niyo magsalita. Palibhasa di niyo pa kasi nakikilala.
Gladys: Bakla ka e pano namin makikilala eh mukhang hindi nagsasalita.
Roy: Mahiyain lang yon.
Gladys: Na-i-kama mo na ba yon?
Roy: Ano ba namang tanong yan.
Chyna: Diretsahan nato.
Roy: Order pa tayo.
Gladys: Ba’t pinagpapawisan ka.
Roy: Palakasan natin yung aircon.
Chyna: Sagutin mo muna kami.
Roy: Dapat ba?
Gladys: Sa bagay. Sino ba naman ang hi-hindi sa royal blood na si Roy. Dibdib pa lang ulam na. Mapera pa. Malamang bumigay na sa’yo yon.
Roy: Yon ang akala niyo.
Veejay: Teka. Teka. Ang ibig mong sabihin, so wala pa ngang nangyayari sa inyo?
Roy: Hindi naman ako nagmamadali.
Chyna: Shet! Anong nangyayari sa’yo Roy? Sa mundo?
Gladys: OA nato. Hindi ako makapaniwala bakla. Hindi manggagaling sa isang tulad mong manyakis, play boy at hayok sa laman ang dialogue na yan.
Veejay: Korek. Eh kahit nga bading sinusunggaban mo pag nalalasing ka.
Roy: Sobra naman kayo kung mag-react. Para naman wala akong karapatang magbagong buhay.
Gladys: Talagang wala!

Sandaling Katahimikan

Roy: Iba si Joey sa lahat ng babaeng nakilala ko.
Gladys: Naman. Ibang iba. Walang boobs. Walang puwet. Walang figure. Walang personality.
Roy: Tanggapin niyo na, nagbabago ang taste ng tao.
Gladys: Yung sa’yo hindi katanggap tanggap.
Veejay: Parang bangungot.
Chyna: Delubyo.
Roy: Baka marinig kayo! Nakakahiya sa kanya.
Gladys: Anong ginawa niyang Joey na yan sa’yo?
Veejay: Marunong ako ng kulam. Puede tayong gumawa ng kontra kulam para mawala ang panggagayuma niya sa’yo.
Roy: Anong kulam ang pinagsasabi mo dyan.
Veejay: Pinikot ka ba?
Roy: Wala pa ngang nangyayari,pikot na.
Gladys: E panong nagka-ganon?
Roy: Sabihin na lang nating, possible, siya ang para sa akin.
Gladys: Stir!

Patlang.

Roy: Minsan after kong mag-gym eh di dumaan muna ako ng toy store. Me nabasa kasi ako sa magasin na lumabas na daw yung pinaka-latest na match box. E siempre collection ko kaya hindi ko pinalampas. Pag dating ko sa shop, nakita ko, iisa na lang yung nasa shelf. Nung kukunin ko na, biglang me batang kumuha nung laruan. Bubugbugin ko na sana nang biglang lumitaw si Joey sa tabi ko. Kapatid pala niya yung batang lalake. Ang ginawa niya, pinagsabihan niya yung kapatid niya na ibigay na lang sakin yung laruan.
Chyna: Ang cheap mo naman laruan lang makikipagpatayan ka na.
Roy: Collector’s edition yon eh. Pero alam niyo nung nakita ko si joey, hindi ko alam, parang biglang akong tinamaan ng kidlat. Hindi ko ma-explain. Parang matagal na kaming magkakilala.
Gladys: Hindi naman kaya init lang ng katawan?
Roy: Hindi e. Kilala ko sarili ko.
Chyna: Soulmate level? Past life level? Ganon ba ang na-feel mo?
Roy: Basta paguwi ko, kahit nabili ko yung laruan na ilang buwan kong inabangan sa toy store, parang me kulang at me gusto akong iba. Hindi mawala sa isip ko yung reaction ni Joey.
Veejay: Parehas pala tayo. Same feeling. Unexplainable.
Roy: Kakaiba grabe.
Gladys: Tama na ang conference niyo diyan. (Kay Roy) Pano kayo nagpersonalan?
Roy: Basta me time na halos nawala ako sa diet ko. Na-over eat one weekend. Sa sobrang tindi nung pagka-empacho ko, dinala ako ng hospital. Laking gulat ko, nag-pa-practicum pala siya sa ospital na pinagdalhan sakin. Don ko siya nakilala.Nagkataon din siya yung na-assign to check me up from time to time. Kaya nung naka-recover ako, para naman makabawi, ineregalo ko sa kapatid niya yung colletors item na match box.
Chyna: Bakit?
Roy: Bakit hindi. Isa pa. Gusto ko si Joey. At para makuha ko ang loob niya, kailangan kong gawin yon.
Gladys: Pero bakit siya? Anong nagustuhan mo sa babaeng yon?
Roy: Totoo nga siguro yung inner beauty.
Gladys: Tigilan ako sa inner beauty na yan!
Roy: Maalaga. Maasikaso. Masipag. Maalalahanin.
Gladys: Oo sama mo na din yung Masagwa. Matanda. Mashonda. Mangkukulam. Ewan ko ba sa taste mo Roy! Ang cheap!
Veejay: Pero seryoso ha, mas maganda pa don yung mga katulong niyo.
Roy: Alam niyo, matagal na tayong magbabarkada. Alam kong mahirap tanggapin pero kahit anong tanong ang itanong niyo sa akin, isa lang ang isasagot ko, mahal ko si Joey. As in mahal na mahal.
Gladys: Kailan ba kasi ititigil sa TV ang pagpapalabas ng mga fantaserye. Nakaka-disorient ng reality.
Veejay: Kung magkakaganon, sino pang maniniwalang babae ka.
Gladys: Nagsalita ang pidopilya!

Biglang papasok si Sam. Litaw na litaw ang pagkainis nito. Bebeso siya sa mga
Kaibigan.

Gladys: Ay ito na ang halimaw!
Veejay: Korek.
Chyna: O Sam! Buti dumating ka!
Sam: Talakan ka ba naman ng babaeng bakla sa telepono di ka darating.
Gladys: (Kay Sam) Ang kapal mo. Kiss me!
Chyna: Mga anak mo?
Sam: Wala sa bahay. Sinundo ng lola nila.
Chyna: Baka masanay.
Sam: Keri lang. Malayo pa ang suweldo. Sa kesa mamatay sila sa gutom.
Roy: Di mo kasama si…sino ba yon?
Sam: (Inis) Si Rackie?
Roy: O ba’t parang bad trip ka.
Sam: Huwag mong simulan.
Roy: Nagtatanong lang.
Sam: Sino ng kumanta?
Roy: Tapos na lahat. Kaw na lang.
Sam: Ba’t ganon?
Gladys: Ganon talaga. Late ka.
Sam: Si Mitch?
Veejay: Nagpapakain pa siguro ng mga less fortunate kids.
Gladys: Me gimik kasi ako. Bago ka kumanta, bubunot ka muna. Kung ano mabunot mo, yon ang kantahin mo. Then yung highest pointer, hindi magbabayad!
Sam: Ang baduy ng concept. Parang hindi pinagisipan.
Gladys: Huwag ka ng kumontra, bumunot ka na!
Veejay: Goodluck sa song choices. Para kang nasa-tondo!
Chyna: Matakot ka na Gladys!

Habang bumubunot si Sam biglang papasok si Joey.

Sam: (Kay Joey) Ay miss sorry wrong room po.
Roy: Hindi tama. Dito siya.
Sam: Me na-miss ako?
Gladys: Oo. Bakla ka, jowa yan ni Roy.
Sam: Hindi nga?
Veejay: Maniwala ka.
Sam: Ginogood time niyo ako. Ang panget kaya.
Gladys: Yang bunganga mo, nakakamatay! Buti pa kumanta ka na lang!
Sam: Parang bagong labas ng golden acres.
Veejay: Retired citizen of the Philippines!
Chyna: (Kay Sam) Anong song mo?
Sam: Mukhang kuwarenta na.
Chyna: Kumanta ka na.
Sam: Walang kasing shonda.
Chyna: Bumirit ka na.
Sam: Sigurado kayo?
Chyna: Sigurado.
Gladys: O power of two ang song.
Veejay: Kyoms na kyoms. Sadya?
Chyna: Sinadya?
Sam: Ang baduy ng taste. Nakakasuka!
Roy: Taste ni Gladys e. Asa ka pa.
Sam: (Kay Roy) Pero mas panalo ang taste mo. Nakakagulat talaga.
Roy: Ha?
Gladys: Buti pa, taste-ting na natin kung gumagana yung mic ng makakanta ka na.
Veejay: Palaspas naman diyan.

Magpapalakpakan ang magkakaibigan. Kakantahin ni Sam ang “Power of Two” ni Aiza
Seguerra. Emosyonal ang pagkakaawit niya nito. Nanunuod lang ang barkada ke Sam. Maya
maya papalo ang score na 98. Palakpakan ang lahat.

Veejay: Muntik na shet!
Sam: Ano ba ang highest?
Gladys: 99 kapatid. San ka pa di ba.
Chyna: (Kay Sam) Order ka na.

Pipindutin nila ang buzzer at darating ang waiter.

Waiter: Yes good evening mam.
Gladys: Additional san mig light.
Roy: Iced tea.
Chyna: Vodka tonic
Veejay: Ako din.
Sam: Ako vodka tonic din.
Waiter: Food po?
Sam: Trip ko tong sisig.
Chyna: Me kinabukasan ang sisig.
Sam: Sige sisig.
Waiter: Anything po?
Sam: Ako keri na. Kayo?
Lahat: Keri!

Lalabas ang waiter. Mauupo si Sam sa isang sulok. Papansinin nito ang mukha ni April boy.

Sam: Ang panget ni April Boy.
Gladys: Milyonaryo naman.
Sam: Chaka.
Gladys: Sikat naman.
Sam: To palibhasa favorite singer ng boyfriend mo.
Gladys: Sorry ka wala na kami.
Sam: Tama ba dinig ko?
Chyna: Oo wala na sila. One week na.
Veejay: Papatulong nga maghakot ng gamit sa apartment bukas.
Sam: Sukdulan?
Gladys: Hopeless case.
Roy: Nga pala, yon ba yung pinagkukuwentuhan niyo kanina?
Gladys: Oo. Masyado ka kasing busy.
Roy: Anong dahilan?
Gladys: Ipinagpalit ako sa binabae. Tama ba naman yon.
Roy: Patay tayo diyan.
Sam: Ano pang na-miss ko?
Gladys: Dami na.
Sam: Ano?
Veejay: Si Chyna olats sa eye ball.
Sam: Pumatol ka sa eye ball?
Chyna: Intindihin mo na lang ako.
Sam: (Kay Veejay) e ikaw bakla?
Gladys: Me bagong jowa. Bagets.
Sam: Ang sagwa.
Veejay: True love.
Sam: Libog lang yan.
Veejay: Me puso-pusuan ito.
Sam: Binahay mo na?
Veejay: Malapit na.
Sam: (Kay Roy) Asus, oh ikaw naman, ahente ka ng bahay?
Roy: Galing ako ng Job interview.
Sam: Naghahanap ka ng trabaho?
Roy: Anong masama?
Sam: Unbelievable.
Roy: People change.
Sam: Pati taste. Gaya mo.
Roy: Anong ibig mong sabihin?
Gladys: (Kay Sam) Eh ikaw, anong bago?
Sam: Ganon pa rin. Same old fucking life. Nagaalaga ng dalawang bata. At yung isa isip bata. In short, yaya.
Veejay: Me bitterness.
Gladys: Warla?
Sam: Lagi naman eh.
Roy: Patay tayo dyan.
Chyna: Anong nangyari sa inyo ni Rackie.
Sam: Plano ko lang namang makipaghiwalay.
Gladys: Seryoso ko bakla?
Sam: Seryosong seryoso.
Veejay: Don’t tell me, naghahanap ka na ng nota?
Sam: Loka! Hindi noh. Sabihin na lang nating napapagod na nga akong maging isa sa dalawang bata, sasamahan mo pa ng isang isip bata!
Roy: Teka nga, ano bang pinagawayan niyo?
Sam: (Roy) Simple. Ang putang inang Play Station na niregalo mo nung birthday niya.
Gladys: Patay ka Roy!
Veejay: Ay panalo tayo dyan!
Chyna: Harsh.
Roy: Huwag niyo akong tingnan ng ganyan. Nagregalo lang ako. Labas ako dyan.
Sam: Hindi kita sinisisi Roy. Slight lang. Siempre nga naman, kung di ka nagregalo, walang gulo. Bottom line, si Rackie ang me problema.
Gladys: Nako, don’t tell us, ipinagpalit ka na ni Rackie sa Play station imbes na ikaw ang nilalaro sa gabi.
Veejay: Ay true! Feeling ko nga, nawala na ang finger lickin moments ng dalawa kaya nagma-maasim itong si Sam.
Sam: Mga sira. Basta.
Gladys: Hoy tigilan mo nga kami. I’m sure may malalim na dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay.
Veejay: Siguro, ipinagpalit ka sa mas maganda at virgin na babae?
Sam: Gaga!
Gladys: Malamang, pumatol si Rackie sa isang estudyante gaya ni …?
Veejay: Tigilan ako.
Roy: Sobra na yan.
Sam: Ewan ko sa’yo.
Chyna: Baka naman napagod sa kaka-nag mo?
Sam: O ba’t ako na ang me sala dito?
Roy: Tigilan niyo na nga si Sam. Play station nga ang dahilan. O sige, bukas na bukas, pupunta ako sa inyo para bawiin yung play station? Okay ba yon?
Gladys: Ganda mo rin Roy. Bakit, pinapatay ka na ba ng konsensya mo? Ano ka ba, hindi maayos sa ganyan yan noh!Ano ba kasing tunay na pinagawayan niyo Sam at in an instant eh gusto mo ng makipaghiwalay?

Sandaling Katahimikan

Sam: Nalaman ng mommy ko ang tungkol sa amin ni Rackie. Gusto niyang hiwalayan ko si Rackie.
Veejay: Tarush!
Sam: Goodluck kay mommy.
Roy: Patay tayo diyan!
Gladys: Ano? Hindi ba alam ng mommy mo ang relasyon niyo?
Sam: Let’s put it this way. Ang alam niya, bestfriend ko lang si Rackie. Not until last week, when we had our family reunion, nahuli kami ni mommy. We were…
Veejay: You were fucking each other?
Sam: Hindi noh. We were kissing sa pool.
Gladys: Bakla naman kasi, mag-la-laplapan na lang kayo, sa reunion pa at sa pool pa!
Chyna: Anong sabi ng mommy mo?
Sam: Ayon, histerikal. Kesho hindi daw niya akalain na magagawa ko yon. Kesho mali daw sa mata ng Diyos. Kesho ano na lang ang sasabihin ng mga relatives namin. Nako noh, muntik pa ngang atakihin sa puso.
Gladys: Eh anong ginawa ni Rackie?
Sam: Umuwi. Kaw ba naman murahin sa harap ng relatives namin makukuha mo pang mag-stay
Veejay: My God Sam, almost two years na kayong nagsasama, kung di pa kayo nahuli ng mommy mo, hindi pa malalaman. In all fairness, ang galing mong maglihim.
Sam: Hindi naman talaga si Mommy ang dahilan eh.
Gladys: Ano? Sino? Saan?
Sam: Malalim.
Chyna: Deep water?
Veejay: Balon?
Sam: Internal.
Gladys: Fatal ito!
Sam: Mahal ko Rackie eh. And I will do anything for her. Kaya lang, I’m really not yet sure kung she’s the right person na makasama ko habang buhay. Napapagod na rin kasi ako sa relasyon namin. For two years, ako ang nagbabayad ng rent sa apartment. Ako ang nagbabayad sa kuryente at tubig. Ako ang nagpapagasolina. Ako ang nagpapaaral. Pati grocery ako na ultimo deodorant niya, sinasagot ko. Eh siya, wala siyang ibang ginagawa kundi maglaro, matulog at gumimik sa gabi kasama ang barkada niya. I have nothing against that kung magiging masaya siya, kaya lang, maybe its time naman siguro na maging responsible siya.

Sandaling Katahimikan

Joey: I think you are having an internal crisis. Actually, all of you.

Magugulat ang magkakaibigan. Magtitinginan sila kay Joey.

Roy: Hon, anong ibig mong sabihin?
Joey: At your age, 25s to 30s, it is possible na what you are experiencing right now is what we call, Quarter life crisis.
Gladys: Teka, teka nga. Ano namang kinalaman niyang krisis krisis na yan sa usapang to?
Veejay: Trueness. Kung krisis ang paguusapan natin, siguro, manood tayo ng TV or magbasa ng diyaryo para makita ang krisis ng Pilipinas. Lumabas ka nga lang sa bar nato, nagkalat na ang pulubi.
Sam: Oo nga. Imagine, ang hirap magpaaral ng dalawang bagets. Ang mahal pa ng gasolina. Muntik pang magbawas ng staff sa office namin.
Chyna: Even ang rate ng call boy, tumataas. Nakakaloka.
Gladys: Chyna?
Chyna: Suspetsa ko lang naman.
Roy: Guys, alam niyo, possibleng tama si Joey. Siguro nga dumadaan tayo sa…
Joey: Quarter Life crisis.
Sam: Sa kaso mo Roy, kitang kita!
Roy: Wala naming ganyanan!
Joey: Based sa mga studies at books na nabasa ko, normal ang pinagdadaanan niyo. Siempre nga naman, ibang iba ang school sa real world. May mga bagay na hindi itunuturo sa school na malalaman mo na lang sa totoong buhay. Like, for example, sa relationships. Wala namang subject on love or tipong how to be a good BF or GF or paano magkakaroon ng perfect relationship eh. Sa totoong buhay, you have to figure it out. Ikaw ang gagawa ng paraan. There are no formulas or frameworks or even theories. Siempre, on your way finding Mr. or Ms right, the more na nag-pi-pile ang expectations. Sadly, kadalasan, di name-meet ang expectations na yon. Tendency, it can lead to anxiety and frustrations, or worse, depression.
Sam: Aba, may point ang bagets.
Gladys: So me gamot bang nabibili para wakasan ang krisis na ito?
Joey: Actually wala. It’s just a phase na kailangan pagdaanan.
Veejay: Tigilan ako ng phase na yan. Ang masasabi ko lang, wag na natin problemahin ang mga bagay na di dapat problemahin.
Sam: Palibahasa Veejay, me lalake ka na naman.
Gladys: Sinabi mo pa. Sige, hintayin naming iwan ka niyang estudyante mo at sooner, para ka na namang asong ulol na naghahabol sa mga lalake. Na kahit construction worker or driver sa kanto, pinapatos mo! Nakakadireee!
Veejay: Inggit ka lang. Kasi ako, kahit walang matres, minamahal.
Chyna: Sigurado ka bang mahal ka?
Veejay: By the look of it, naman.

Darating ang isang lalakeng naka-emo look. Siya si Lucky, ang jowa ni Veejay. Dala pa nito ang
gitara.Kakaway ito kay Veejay.Lalapit ito. Magyayakap ang dalawa.

Gladys: Paksyet, saang squatter area nakuha yan ni Veejay?
Sam: God!
Chyna: Seryoso ba si Veejay diyan?
Roy: Sabog!

Lalapit sina Veejay at Lucky sa grupo.

Veejay: Hi guys, meet Lucky.
Lucky: Hello po.
Veejay: This is Chyna, Sam, Gladys, Roy and his girlfriend, Joey.
Lucky: Nice meet you.
Gladys: Meet daw oh.
Sam: So you want to order?
Lucky: No thanks. I’m not feeling hungry. I eat with friends.
Veejay: (Kay Lucky) Baby, I ate. Past tense.
Gladys: So how’s your band rehearsals?
Lucky: Oh! Our band. Kool siya eh. We practices every night. We compete next week. Battle of the bands. See us po.
Sam: We’ll see.
Veejay: Oo nga pala guys, suportahan natin yung band nila ha. Part kasi sila ng Battle of the Bands. Eh me voting yon through text.
Lucky: Yeah. Text text people ha.
Gladys: Nako, sana walang question and answer, kundi…
Veejay: Battle of the bands nga di ba? Hindi beauty pageant.
Gladys: Malay natin.
Roy: Gaano ka na katagal nagbabanda?
Lucky: I’m brand new. One year.
Roy: So what songs normally kinakanta niyo?
Lucky: Alternative. Minsan acoustic.
Joey: Acoustic? Oh I love acoustic.
Lucky: Thanks. Pero mas rock kami eh. Emo.
Gladys: Anong pangalan ng band niyo?
Lucky: Emo-lution!
Sam: So, parang evolution?
Veejay: Guys, I think pagod siya. Maybe we’ll go ahead na
Roy: O Veejay naman, nag-e-enjoy pa yung bagets eh.
Gladys: Oo nga.
Veejay: (Sarcastic) Oo nga eh, nag-e-enjoy siya!
Sam: O sige, bago man lang kayo lumayas, kanta naman muna diyan!
Gladys: True true true!
Chyna: So, what song you want to sing?
Lucky: Ah, yung, ano po, yung kanta namin sa contest, kanta ng rivermaya, yung, you’ll be sep here!
Gladys: Ano raw?
Sam: You’ll be “safe” here.
Veejay: At teka guys, kasi pagod na siya eh. Galing ng rehearsals at anong petsa na di ba?
Lucky: Ay that’s no problem. I can make one.
Roy: O sige, toss coin. Pag head, kanta, pag tail, wala.

Mag-toss ng coin si Roy.

Roy: O malinaw, head.
Gladys: O Veejay, ayan ha. At saka pagbigyan mo na, mabuti ng marehearse.
Sam: I’ll set the music.

Aayusin ni Sam ang videoke. Tatayo si Lucky. Kakantahin ang awiting “You’ll be safe here” ng
Rivermaya. Todo sa pagemote ang bagets sa pagkanta. Kahit sintunado, kanta pa rin.
Palakpakan ang lahat matapos itong magperform.Yayakap ito kay Veejay.

Veejay: I’ll visit the toilet.

Aalis si Veejay.

Gladys: (Gulat) Bakla!!!!!!!!!!!!!Hindi ka safe sa batang yan!
Veejay: Hoy Gladys, wag kang magsimula ha.
Gladys: Aminin na natin, oo nga, pumapatol ka sa pedicab driver, sa vendor, at maging sa delivery boy, pero, lugi ka sa Lucky na yan. Gumising ka nga.
Veejay: Ano ba naman ang pinagsasabi mo. Masyado kang mapanlait.
Sam: Veejay, masyado ngang bagets.
Chyna: 16 right?
Veejay: Basta bagets.
Gladys: Matakot ka naman ke Lord.

Isang malakas na kidlat ang maririnig sa entablado. Bubuhos ang malakas na ulan.

Veejay: Shet! Pano kami uuwi.Ang lakas ng ulan.
Gladys: Hay nako. Palipasin mo muna ang ulan. At saka, wala pa si Mitch. Nagsabi yon. Darating daw. Hintayin mo naman.

Bubukas ang pinto. Mukhang haggard sa trabahong darating si Mitch. May dalang malaking
payong. Pinupunasan ang sarili.

Gladys: Mitch!!!!!!!!!!
Mitch: I’m sorry. Super late na ako.
Gladys: O, me bago tayo sa grupo. This is Joey, ang girlfriend ni Roy. Nursing student. At…

Paparating si Veejay.Uupo ito sa tabi ni Veejay at mag-i-iPod.

Gladys: At ito naman ang jowa ni Veejay. Si Lucky, graduating highschool student at kasali sa battle of the bands.
Mitch: Ang daming bagets ha. Ikaw Chyna, wala pa ba?
Chyna: Paparating pa lang. Umorder na ako online!
Mitch: Di mo kasama si George?
Gladys: Wag ng banggitin ang pangalang yan. Wala na kami.
Mitch: O, since when?
Gladys: Since yesterday.
Mitch: Anong nangyari?
Gladys: Ipinagpalit ako sa binabae. Ikaw ba matutuwa?

Titingnan ni Mitch si Gladys mula paa hanggang ulo.

Mitch: Mukha ka namang babae.
Gladys: O bago pa san mapunta ang usapan, umorder ka na. At pagkatapos, kumanta ka na.
Mitch: Nako. Makiki-share na lang ako sa inyo. Wala na akong budget.
Sam: Hoy Mitch, kasasahod lang. Wala ka ng pera?
Chyna: Don’t tell us, pati sahod niyo, napupunta sa Feeding program.
Roy: It’s not “you” ang magtipid. Libre mo naman kami.
Mitch: Seriously, wala akong pera. Kahit buksan niyo pa ang bag ko, wala kayong makikita.
Veejay: Bumibili ka na rin ba ng lalake?
Mitch: No way! Hindi ako ikaw Veejay!
Gladys: Me problema ka ba Mitch?
Mitch: Problema? Ako? Wala noh!
Sam: Come on. Never ka pang “di” umorder sa ganitong reunion! Umamin ka na!
Chyna: Me pinaggagastusan ka bang malaki?
Gladys: Bahay ba ito?
Mitch: Hindi.
Chyna: Car?
Mitch: Hindi rin.
Veejay: Lalake?
Mitch: Sira ulo!
Roy: Eh bakit wala kang pera?

Sandaling Katahimikan.

Mitch: Siguro, kakanta muna ako.
Gladys: Teka, me game kasi.
Mitch: Anong rule?
Chyna: Ang pinakamataas, di magbabayad ng inorder. Eh since di ka naman oorder, exempted ka na.
Sam: O kanta na!

Kakantahin ni Mitch ang awiting “Isang Linggong Pagibig ni Imelda Papin.” Halos maiyak iyak
ito sa pagkanta. Pagkatapos, magpapalakpakan ang lahat!

Gladys: Isang linggong pagibig? Kanino?
Mitch: Wala yon. Sabi niyo kumanta di ba?
Sam: Huwag mo na nga kaming deadmahin. Hindi ka na nakakatuwa.
Chyna: Anong chika?
Veejay: (Kay Mitch) Bakla, magsalita ka na.

Isang malakas na kidlat ang bubulabog sa grupo. Magsisigawan ang lahat.

Gladys: Kita mo, excited na ang Diyos sa confession mo. Ano na?

Sandaling katahimikan.

Mitch: Nagresign na ako sa trabaho.
Gladys: Ano?
Veejay: Hindi nga?
Sam: Bakit?
Roy: Ako na lang pasok mo!
Chyna: Teka, akala ko i-po-promote ka na this week?
Mitch: Yon din ang akala ko. Anyways, magkantahan na lang tayo!
Gladys: Hep, hep. Kailangan pagusapan natin yan. Hello, sa buong kompanya niyo, ikaw ang pinaka-masipag. Ikaw ang laging nag-o-overtime. Kulang na lang don ka tumira sa opisina. At kung tutuusin, dapat patayuan ka na ng rebulto sa opisina sa sobrang kasipagan mo! Me tatalo pa ba sa’yo? Wala noh!
Veejay: Ang dami mong namiss sa barkada because of you’re work tas di ka na nga na-promote, mag-re-resign ka pa.
Sam: Kaya ka ba mag-re-resign dahil di ka na-promote?
Chyna: If I’m in your shoes, aba, gagawin ko rin yan noh. Deserve ko ang ma-promote. The hell with office politics.
Mitch: May mas malalim na dahilan.

Patlang.

Mitch: Okay. I was fired.
Lahat: FIRED?
Gladys: Sinesante ka?
Mitch: Oo nga.
Chyna: What happened?
Veejay: Nagnakaw ka ba sa pondo ng kompanya? Me minolestya ka bang bagets sa feeding program niyo? Naki-one night stand ka ba sa isang politiko para makakuha ng pondo sa organization niyo?
Sam: Hoy Veejay. Ikaw lang ang nang-mo-molestiya dyan ng bagets kaya ayos ayusin mo ang linya mo.
Mitch: Wag na natin pagusapan to.
Roy: Chillax Mitch. Ano bang nangyari?
Gladys: Kung me right time, ito na ang moment mo.
CHyna: Makikinig kami.
Veejay: Bakla, friends mo kami. SIge na. Kumanta ka na. I mean, magsalita ka na.

Sandaling Katahimikan.

Mitch: I was a mistress.
Roy: Anong sabi mo?
Mitch: I was a mistress.
Gladys: Kabit ka?
Mitch: Oo. Nahuli kami ng asawa ng boss ko sa isang community service. Nagwala ang asawa niya. And as a co-owner ng company, pinatalksik ako.
Veejay: OMG!
Sam: Kelan pa ‘to?
Mitch: It’s been six months now. That’s the freakin reason kung bakit nag-o-overtime ako not because of work, it’s because lumalabas kami ng boss ko. At first, it was a a fun and friendly coffee talk. Akala ko laro lang. Suddenly, I fell for him. Tapos, pinangakuan ako ng promotion. Siempre, sino ba naman ang hihindi. Pinigilan ko naman ang sarili ko na wag ma-in love. Pero it was too late. Nahulog talaga ang loob ko sa kanya.
Gladys: Mitch naman, sa dinami dami ng lalake, boss mo pa. At yung me asawa pa.
Mitch: But I was hungry for love. Kakahiwalay lang namin ni Migs non. Then dumating siya. He came at my weakest.
Chyna: Anong sabi ng boss mo?
Mitch: Obviously, pinili niya ang asawa niya at ang career niya over me. That’s why he fired me. Kailangan na daw naming itigil ang lahat.
Sam: That’s unfair. Dahil nagkabistuhan, sesesantehen ka? Hindi man lang nila tiningnan ang performance mo as an employee of their company. Ang dedication mo. Ang credentials mo.
Veejay: Hindi tama yan. Puede natin silang kasuhan!
Mitch: Guys, wag na. Mapapagod lang tayo. Okay na sa akin to. Isa pa…
Roy: Isa pa, what?

Sandaling Katahimikan

Mitch: Makakasama sa bata.
Gladys: Paksyet! Buntis ka?
Roy: Patay tayo dyan!

Kukulog ng napakalakas. Magsisigawan ang lahat.

Mitch: Delayed ako. One month.
Veejay: Sino ang ama?
Chyna: This is too much.
Sam: Is it your boss?
Roy: Malamang.
Mitch: Oo. My boss.
Gladys: Teka, alam na ba niya to?
Mitch: Hindi pa. Pero ayokong ipaalam. Baka kunin nila ang bata.
Roy: O, ba’t naman nila gagawin yon eh anak mo yan.
Mitch: Ayokong malaman nila. Baog ang asawa ng boss ko at matagal na nilang gustong
magkaanak. Baka pag nalaman nila, kunin nila ang bata. Ayokong mangyari yon.
Chyna: Pero kailangan malaman ng boss mo. Siya ang ama!
Veejay: Pakatotoo tayo noh. San ka naman kukuha ng panggastos?
Sam: Think of it. Mahal ang magbuntis at ang magpalaki ng bata.
Mitch: Handa naman akong maging single mom. Kailangan ko lang maghanap ulit ng trabaho.
Gladys: Diyos ko, ano bang nangyayari sa mundo?
Veejay: Ayaw niyo kasing maniwala, malapit ng magunaw ang mundo.

Muling kukulog ng napakalakas. Magsisigawan ang lahat. Mag-bo-brown out.

Dilim.
VIDEOKE NIGHTS 2, Coming Soon..

4 comments:

  1. HAHAHAHAHAHA. :-) sino ka dito earvs? hehe...

    ReplyDelete
  2. Very entertaining Earvs!

    I can't wait for part two. The characters eh parang mga split personas mo.

    ReplyDelete
  3. Hahahah! Jill, Lahat! Yan ang epekto ng schizofrenia! LOL!

    ReplyDelete
  4. Apes! Salamat sa pagbasa! Ang haba haba! Hahaha! Oo nga eh. Hango sa subconscious! LOL!

    ReplyDelete

ShareThis