Monday, August 31, 2009

EXPLOSIVE ENCOUNTER: Schizophrenia!


Earvs Bares it All
Interview by myself to my inner self.


BB: What’s happening with your company?
EE: Recession daw sabi ng management. As a result, they have to slash 10% on our salary, convert overtime to bakasyon, medical expenses every month is only up to BND40, and a lot more.

BB: Binawasan kayo ng 10%, is it legal?
EE: Although may nagsasabing legal siya as stated on our contract, but I haven’t checked the statement supporting such legality. For me, hindi tama. Kung puede nga lang isumbong sa embassy eh. Kaya lang, what scares us, baka tanggalan kami ng work. Siempre, mas mabuti pang tumahimik na lang. Baka madamay pa ang iba.

BB: Is it true ang iba hindi binabawasan ng 10%?
EE: We’re not sure on that matter. Basta ang Manager, di pumapasok pag Friday and Saturday. Accountant, Monday to Saturday but half day lang. Ang mga chekwa, naka-smile lagi. Sa palagay namin, sa laki ng sahod nila, mani ang 10%!

BB: What are the other injustices na nakikita mo?
EE: Primarily, ang pagpabor sa sariling uri. Siempre, lokal muna bago iba. In general naman, laging inaasa at binibigay most of the work loads sa foreigner. Bibilib ka rin naman sa foreigner kasi, magagaling. Tried and tested na yan. Ang mga lokal, parang walang utak. Kulang sila sa diskarte. Yes. They can design, but concept wise, iasa mo yan sa Pinoy. Tanggalin natin ang Pinoy, pilay ang kompanya!

BB: Are you happy with the management and why?
EE: Sa totoo lang, di na. Magulo. Labu-labo. Walang isang salita. Pabaya. Before, unti lang kami and my boss was here, we were very productive and we’re earning much. Nakapag-Malaysia pa nga kami. Company paid yon. Now. Magulo na. Daming tinatanggal. May hindi inextend although dati ng pinangakuan. How can you work with so much anxiety na baka bukas tanggalan ka ng work? Masakit sa ulo.

BB: You said, may hindi inextend at may tinanggal. Gaano katotoo?
EE: Totoong totoo yan. I won’t name names. It’s all mismanaged. Minsan, iisipin na lang namin kung magkano sinasahod ng ilan at bakit nagkakalugi lugi na ang company. Sayang. Punto pa, hindi alam ng pinuno ng kahalagahan ng empleyado sa kompanya. Tanggal lang ng tanggal. Awa ng Diyos, me lilipatan na ang mga taong naperwisyo.

BB: Totoo bang hindi humaharap sa kliyente ang pinuno?
EE: Totoo yan. Ayaw niyang ginagamit pangalan niya in any meeting or any acquaintances. Mahilig yan sa, sinabi niya, sinabi ni. Puros sinabi ni. Which actually defeats the purpose kung bakit siya ipinuwesto. Nasa posisyon siya para magpasok ng bagong kliyente hindi magpasok ng kliyenteng ke liit tas kamaganak pa!

BB: Ano ba ang problema sa pinuno?
EE: Doble Kara.Very much. Iba iba ang press release niya sa mga tao. Depende sa kaharap niya. Kaya dahil diyan, mahirap na rin magsalita sa kanya at magtiwala.

BB: How do you handle such character?
EE: Kailangan makipagsabayan. Kailangan alam mo kung paano lalaruin ang sitwasyon. Pero ang importante, alamin mo ang katotohanan at wag kang magbibitiw ng salitang ikasisira ng mga taong naapi. Sometimes, it helps ang wag magkomento.

BB: Do you rant?
EE: Ano pa bang ginagawa natin? (Big Laugh) Minsan nakakapagod mag-rant or makinig sa ibang rant ng ibang tao. Pero bahagi yan ng reyalidad. Kailangang harapin at solusyunan. On top of that, kailangan me back up plan siempre di lang puros daldal.

BB: I heard, iiwan ang isang local na writer?
EE: Yeah. Kasi tatlo kami. Yung isa, di na inextend. Ako til March pa naman. Although sinabihan ako na i-extend ako. Then again, di naman yan sigurado. Walang isang salita ang mga tao rito. But going back to your question, yeah. I guess, expected na rin. Kasi maliban sa local, mukhang me koneksiyon or influential ang family dito. Hula nga namin, baka kamag-anak ang boss namin.

BB: What’s the possible impact ng pagalis ng isang writer?
EE: Maliban sa aadjust pa ako sa media booking dahil ako na rin ang naghahandle, I think it will be more challenging. But I’m looking at it as a positive opportunity. I just have to work double, in terms of concept making and research. I’m willing naman to train eh. Wag lang masyadong abuso. I’m not selfish in sharing what I have. Mas matutuwa pa ako kung matuto ang isang tao sa mga pinagsasabi ko. Frustrating lang, ang writer na trinain namin, di matuto-tuto. Kulang sa focus. Walang ginawa kung mag-you tube at mag-chat. Masaklap, siya lang naman ang iiwan!

BB: Do you love your job?
EE: Kung sasagutin ko yan, isasagot ko, slight. Yes. I enjoy writing. I love showcasing my creativity. Pero slightly I don’t like my job coz maybe routinary na for me. Wala na yung stage of exploration. Kaya nga minsan, I tell my Dad, parang wala ng challenge sa work. Then he’ll just advice me, hold on and just think of my savings. True rin naman.

BB: What do you hate about your job?
EE: Weird. Dahil mulat ako sa theories on capitalism, sometimes, I hate too much commercial writing. Thank goodness, may time ako to free my literary spirit at night or on weekends. Kailangan ko lang talagang magipon that’s why sometimes I eat junk.

BB: Would you opt to stay in your current company?
EE: Kung may offer why not. But with what’s happening, mukhang malabo na yan. Currently, naghahanap na rin ako. Me pending na aplikasyon. Just waiting and praying hard.

BB: Bakit hindi mo maiwan ang Brunei?
EE: Hindi pa akong handang iwan ang choir ko. At nagiipon pa ako. In time, alam ko, aalis din ako.

BB: Kamusta ang aplikasyon sa TelBru?
EE: I’m really looking forward to that. Sana nga mag-materialize na. Mejo matagal talaga ang application but in progress naman! Buti me nagaayos sa loob.

BB: I heard, nag-apply ka sa Pilihan FM. Do you plan to be a DJ?
EE: Actually, if I will be given a chance, why not. Yes. I applied. Hopefully matanggap as part-time DJ. Seryoso, ang saklap ng radyo dito. Hopefully, pag natanggap ako, I’ll introduce the concept of programming.

BB: Kelan mo balak mag-for good sa Pinas?
EE: Hindi ko pa masabi. Depende pa sa mga pangyayari at kung kakayanin pa ng tibay ng loob ko ang mabuhay sa ibang bansa. Na-mi-miss ko talaga ang pamilya ko at ang Pilipinas!

BB: Kung ngayon ang huling araw mo sa Brunei, end of contract, what you will miss the most?
EE: Above anything else, it’s my CHOIR. Nabubuhay ako because I serve the Lord and I’m able to share my talent. The peacefulness follows next sa mga bagay na ma-mi-miss ko.

BB: Can you say you are already successful?
EE: (big laugh). Depende yan kung paano natin titingnan ang success. For me, basta ang importante, nakakatulong ako sa family ko, I can save, I can share my talent, happy na ako. Successful ako dahil may mga tao akong naiinspire especially those individuals na gusto ring subukan ang buhay OFW. Seriously, mahirap pero masaya. I learned a lot from my Bruneiyuki life. I became independent and I gained new perspectives in looking the world in a foreign land. Minsan iisipin mo, ang daling talikuran ang Pilipinas pag natikman mo na ang saganang buhay. Pero sa huli, babalik at babalik ka rin sa lupang tibuan. Totoong, ang tunay na laban ay nasa Pilipinas at wala sa ibang bansa. That’s the reason I intend to go back sa Pinas.

BB: Balita namin, sumisikat ka as a singer, gaano katotoo?
EE: I sing a lot. Pero hindi naman sikat as sikat. I just sometimes sing on parties. Since maliit na bansa ang Brunei, nakikilala ako especially sa church where I do solo singing. To me naman, at least na-sha-share ko talent ko. Isa pa, I sometimes join competitions. Exciting lang din. Pantaboy sa homesickness. Isa pa, I teach pop singing. Chinese community ang kumakagat sa talent kong yan. They’re just eager to learn English songs.

BB: Do you miss your family?
EE: That should not be asked. Ayan na-miss ko naman tuloy sila. Pero seriously, sobra sobra. Makausap ko nga lang sila online, fully charged na ako!

BB: What do you miss most on your life back in the Philippines?
EE: Family lunch out on Sundays. Coffee talk with friends. Visit at UP. Mall strolling. Travels. Chikahan with my cousins. Food trippin with my siblings. Solidariy in my room. Visiting the urn of my Mom and praying at St. Peter’s Parish. Fiesta at Laguna. Holyweek at Bicol. Ang kulturang pinoy.

BB: What’s the challenging part in being a Bruneiyuki?
EE: Mabuhay magisa. Homesickness ang pinakamalaki kong kalaban. Thank goodness, marami na rin akong nakilala sa Brunei kaya kahit papaano natatanggal ang sadness. Isa pa, constant communication through net with my family really helps. Kung hindi, malamang nabaliw na ako!

BB: Gaano kahirap ang homesickness?
EE: Walang physical cure sa homesickness. Kailangan mo lang ikondisyon ang isipan mo na kakayanin mo at kailangan constant ang communication sa family. Sadly, ang iba na me asawa sa Pilipinas, dala ng lungkot, napapariwara. Totoo yan sa buhay OFW. Minsan ang sarap pagaralan ng sikolhiyang OFW. Samu’t sari ang kanilang kuwento.

BB: If you’re not a writer, what would you be?
EE: Probably, I’m a singer, musician, a Dj, a television director, or a professor. Pero more or more, singer or a professor. Basta anything that won’t stuck me on an eight to five job facing the computer. I seriously hate it. Minsan iniisip ko, puede bang matulog muna pag walang work! Nakakapagod din tumunganga sa PC or mag-blog the whole day.

BB: You work in some television networks, would you still opt to work again there if given a chance?
EE: I’ve been there. So sa tingin ko, I better try another world. Kailangan kong hanapin ang propesyon na magiging masaya ako at fulfilled. Hopefully sa University ko mahanap yan or working in a Non-government organization.

BB: Any future plans?
EE: Well, right now, looking forward na ako for my masters this second sem. It’s under UP’s Open University. For now, yan muna pagtuunan ko ng pansin. On the side, I’ll save more. Tuloy pa rin ang part time sa teaching ng pop singing. Basta save save save mode ako. Hopefully by 2010, makapagstart na kami ng kapatid ko ng business namin. And I’m also planning to invest sa house pero mukhang ipost pone ko muna. Alanganin pa lately eh. Unless makalipat na ako sa ibang stable na company.

BB: How’s your plan in teaching?
EE: Yeah. I still intend to teach. Nagiipon lang ako ng pera at lakas. Ambisyoso ako pero sana UP ang kabagsakan ko. Sayang inaalok na ako dati. Sana pagbalik ko, bukas pa ang offer. Kailangan ko lang paghandaan ang pagsabak ko sa akademya. After MA, Phd naman.

BB: Last question, how’s your love life?
EE: (Big Laugh) Wala akong love life. How I wish meron. Minsan tinatanong ko ang friend ko. Parang ang sarap ng ma-inlove. Kaya lang, parang na-ta-trauma ako sa mga nakikita sa mga umiibig. I’ve been single for the past 27 years of my life. Pero let’s see.Importante, masaya ako, healthy at walang sakit ng ulo.

BB: Best of luck!
EE: Salamat!

2 comments:

  1. "the company is still stable"

    ReplyDelete
  2. Hopefully that's for real. Cross fingers.

    ReplyDelete

ShareThis