Friday, September 18, 2009

PBB EPISODE 1: ANG WAKAS AY SIMULA!


EPISODE 1: ANG WAKAS AY SIMULA!

HOST:
Hello World, Hello Brunei, Hello Pilipinas!

Ngayon, mas makikilala na natin ang sampung Pilipinong maninirahan sa iisang bahay sa Brunei.

Si Star (Maja Salvador), ang dating sikat na sikat na child star na ngayon ay desperadong muling sumikat.

Si Cris (Piolo Pascual), ang hopeless romantic na suki ng mga dating sites for gay men.

Si Ja (Angel Locsin), ang bruskong babae na handang gawin ang lahat makuha lang ang babaeng pinakamamahal.

Si Migs (John Lloyd Cruz), ang frustrated musician na nagnanais sumikat sa ibang bansa!

Si Jack (Gerard Anderson), ang boy next door type na may maitim na inililihim.

Si Cindy (Marian Rivera), ang breadwinner at social climber na isinusuka ang kanyang sariling Pamilya at ang Pilipinas.

Si John (Derek Ramsey), ang only child at tagapagmana ng limpak na limpak na salapi ng yumaong magulang.

Si Pam (IZa Calzado), ang dating aktibista at ngayon ay magisang itinataguyod ang pitong taong gulang na anak.

Si Sandy (Eugene Domingo), ang dating beauty pageant title holder na nangangarap makapagpatayo ng isang parlor mula sa kikitain pera sa Brunei.

At si Frances (Kim Chui), ang anak ng politikong gustong takasan ang arranged marriage.

Ngunit bago natin sila papasukin at patirahin sa loob ng iisang bahay, silipin muna natin ang natitirang oras ng kanilang buhay sa Pilipinas.

SIMULA ng PAGWAWAKAS.

Isang maulang hapon. Nag-fa-facebook si Star (Maja Salvador). Hinihintay tumunog ang bell ng opisina. Naghihintay sabay kinakamot ang singit ng patago. Pagka-kamot, subo naman ng nanlamig na mani sa kanyang mesa.

Farmville. Nagtatanim. Busy sa pagtatanim. Busying busy. Feeling hadinera. Hala tanim. Focus. Focused sa pagtatanim. Amazed sa mga naglalakarang hayop. Naaliw sa pagtatanim. Dream come true ang maging magsasaka!

Yes. Nagtatanim siya for her future. Pero minsan ang future, nakakapagod. Napagod, so nagpahinga panandalian. Isinantabi ang daliri. Huminga ng malalim. Itinabi ang farmville. Deadma muna.

Nag-check ng mail. Nagcheck ng kung anik anik na messages. Me patawa. Me kulang sa patawa. Me pilit sa patawa. Pero may sadyang di nakakatawa. Pause for a minute. Binuksan ang isang email na natitira. Nakasulat, Your Job Application.

Kabog. Kinakabog si Star. Dededmahin lang ba niya at tuloy sa paglalaro ng Farmville o bubuksan ang email. Nakailang job application na ba siya. Lahat sila sumagot sa kanya. Sumagot sila at nagdulot ng pagkalanta ng gana sa buhay. All of them NO for an answer.

BLUR…

Maliban sa iisang employer. Isang employer na sabihin na lang nating ‘literal’ na hulog ng langit. Isang employer na muntik ng magpakamatay dahil sa pagkalugi ng negosyo! Si Star ang sumalo sa nahulog na employer. Si Star. Oo, Si Star.

Yes. It all happened sa isang maalinsangang hapon sa Makati. While Star was on her way to a client presentation, isang Chinese ang kanyang nasalo. Mukhang gusgusin at dugyutin pa, pero milyonaryo pala. Aba! Tumalon ito from the 100th floor. At eksaktong pagkasalo, sabi sa kanya. I’ll hire you.

Okay. STOP it. Sabi ni Star sa sarili. She was just imagining things. Sana nga ganon lang kadali maghanap ng trabaho. Sana nga ganon siya kasuwerte.Sinasalo ang suwerte from up above.

Back to reality.

Nagdilim. Kumurap ang ilaw sa opisina. Kumidlat. Nagulat si Star. Nabuksan ang email. Nabasa ang katagang. Congratulations, you are hired!

Natulala. Nagkamot ng singit. Natauhan. Nagkamot ulit ng singit.Napasigaw.

Star: Putang ina!!!!!!!!!!!!!!!!!

Nagtinginan ang mga kaopisina. Umirap ang iba. Sabay umirap din ang langit. Kidlat ang isinukli. Nagalit ang langit.

Tumayo si Star. Inayos ang naipit na panti sa kanyang singit. Inayos ang bra. Hinagod ang sabog na buhok. Sinabi sa sarili. Hello World. Hello Brunei.

CUT TO:

Makati. Tall buildings. Cospomolitan. Busy ang Makati. Busy ang mundo. Oras ng pananghalian. Kainan na. Bumubuka ang bibig ng sambayanan para sumubo ng pagkain at maglabas ng chismis. Rush lahat para sa lahat to buy the most practical meal.

Pero iba ng trip ni Cris (Piolo Pascual). Di niya kailangang kumain para mabusog. Di niya kailangan ng chismis para mabusog. Di niya kailangan ang iba. Iba siya. Ibang iba ang taste. Wala siyang pakialam kung atakihin siya sa puso sa gusto niyang kainin! Iba ang gusto niya.

Sa oras ng pagkangarag ng lahat sa pagkain ng buong Republic of the Philippines, si Cris, tulala. Sabi niya sa sarili. I’m full. Oo. Puede ring fool. Foolish siya sabi ng kaopisinang chismosa. Lagi kasi siyang nakikitang nakatitig sa kanyang MAC tuwing lunch time.

Susme. Pagmasdan ba ang katawan ni Sam Milby at sabihing busog na. Yan ang taste ni Cris. Yan ang kanyang happy meal.

Usual eksena ni Cris pag lunch time. Tulala. Almost naglalaway na. Tulala.Gutom. Nakakagutom, sabi ni Cris sa sarili. Dinededma ang kulo ng tiyan. Mas pinagbibigyan ang kulo sa loob ng isipan.

May tumapik sa kanyang balikat. Agad na isinarado ang web page. Isinara ang taste.

Kaopisina: Cris, kailangan na ni boss yung press release.

Slightly nautal. Gulat. Unexpected moments. Ang kanyang image. Importante. Baka isipan siya ng masama. Baka siya ay pagdudahan. Baka. Di siya mahilig sa Baka o mga haka-haka. Doubt is his number one enemy!

Di nila alam. Di nila dapat malaman. Bubulong bulong si Cris sa kanyang sarili.

Cris: Uhmmm. Dalhin ko na lang sa opisina niya in a while.

Nanghina si Cris. Pinawisan. Natauhan.

Hinanap ang press release sa mesa. Naghanap. Naghanap. Finally, nahanap. Tumayo. Pero bago tumayo, napukaw ang atensyon sa isang email. Sumisigaw ang mga sumusunod: Your Job Application.

Umupo. Natahimik. Sinabi sa sarili, OMG! Binuksan ang email. Tahimik. Kabog. Sumisipa ang kanyang puso.

Congratulations! You are hired!

CRIS: Oh my God!!!!!!!!!!!!!!!

Nagtinginan ang mga tao sa opisina. Akala nila babae ang sumigaw. Tili. Tining. Akala nila. Yon ang akala nila. Si Cris pala.

Paspas ang tibok. Kinuha ni Cris ang isang envelop sa kanyang cabinet.

Handa na niyang ibigay ang press release. At higit sa lahat, handa na niyang ibigay ang resignation letter sa kanyang boss.

Sinabi sa sarili. Hello World. Hello Brunei. Bonggggaaaaaaaaa!

Isinarado ang picture ni Sam Milby. Isinarado pa ang ibang dating at pornographic site. Tumayo. Naglakad. Kumendeng!Yun na!

CUT TO:

Photo session. Models galore. Seksi ang mga babae. Macho ang mga lalake. Tumitira si Ja. Tumitira sa kanyang camera.Ilaw. Ilaw. Click. Click. Tapos. Finally. Tapos!

Hingaaaaaaa! Yan si Ja(Angel Locsin).

Ja: Okay, thank you guys!

Nagpunas ng pawis sa ilong. Punas. Basa ang kilikili. Huminga ng malalim. Nagpunas ng mata. Babad kasi kanina pa. Lunod sa ganda ng mga modelo. Napalunok. Sabay kamot sa singit. Inakala, me bayag siya. Bimpo lang pala. Of course, it adds to her “masculinity.”

Tumungo sa kanyang mesa. Inom ng kape. Yosi stick. Check ng phone. Check ng laptop. Check ng mail. Check. Check. Checking ng booking. Booking sa babae. Dinner ganyan. Then tuloy sa KFC. Finger lickin good.

Tinititigan ng isang modelong babae. Kanina pa nagpapa-cute. Kinikindatan si Ja. Si Ja, mejo timpi. Payosi yosi muna. Nagtitimpi. Kung walang tao, malamang, kanina pa niya na-screw ang modelo.

Tutok si Ja sa pagbubukas ng email. Messages. Comments sa Facebook. Posts from friends.

Check ang Your Job Application.Check. Check. Congratulations, You are hired!

Kablag! Nahulog ang phone ni Ja. Kablag. Kablag ang puso. Kablag. Nahulog sa basurahan ang phone ni Ja. Nahulog ang utak ni Ja, Nahulog ang panga.

Lumapit ang isang modelong babae. Perfect timing. Sensual ang kapit sa balikat. Sabay sabi ng, are you okay?

Ja: Putcha!!!!!!!!!!! Mag-a-abroad na ako!

Palakpakan ang mga models! Parang awards night lang! Award ang ngiti ni Ja. Nagliwanag ang mata. Sinliwanag ng click ng bawat camera.

Sinabi ni Ja sa sarili, Hello World, Hello Brunei!

This calls for a celebration.Sabi ng modelo kay Ja.

Humarurot ang kakarag karag na sasakyan ni Ja.

CUT TO:

Coffee shop. Oras ng kaguluhan sa kalsada. Uwian ng yuppies.Hindi pala. Oras ng hanapan ng mapagtambayan ng mga yuppies. Oras na lang, gig na ni Migs (John Llyod Cruz)! Gig na gig na siya. Oo, nangiGIGil na siya!

Yosi. Hithit. Hithit. Making a hit song ang emote niya. Compose. Compose ng lyrics. Nag-co-compose ng sarili. Kaharap ang second hand na laptop. Sabay tagay ng kape.

Surf surf sa net. Ano ba ang latest, sabi sa sarili. Techno? Mellow? Trans? Acoustic? Ano ang bago. Baguhin ko kaya ang style ko. Shet. Style is sooooo subjective. Kailangan bumenta. Kailangan bumenta. Upload sa youtube, naisip niya. Shet!

Lalapit ang waitress. Dala ang muffins. Dala ang mainit init na muffins. Naka-lebel sa boobs. Natulala si Migs. Parang awa mo na sabi sa sarili. Putcha. Babae. Weakness. Nanginig ang kanyang tuhod. Nagalit ang alaga sa pagitan ng hita. Hinimas ni Migs. Hinimas ang nagagalit na pagkalalake!

Nilapag ng waitress ang muffins. Bumaba rin ang langit sa dibdib nito. Behave sabi ni Migs sa sarili. Putcha. Putcha. Puso ko. Kabog.

Biglang.

Buzz sound sa laptop. Balik ang mata sa laptop.Blinking cursor. Click. Binuksan. Bukas. Your Job Application.Bukas. Congratulations, you are hired!

Namutla. Natulala. Namutla. Di nakapagsalita. Parang nanalo ng award sa MTV Pilipinas. Kabog.

Entra ang waitress. Sabi nito kay Migs, sir, any thing sir?

MIGS: Saan ang Brunei?

Natulala ang waitress. Iniwan ang muffins.

Dinakma ni Migs ang muffins habang nakatitig sa dibdib ng waitress. Sinabi sa sarili. Hello World. Hello Brunei.

Kahit mainit pa, sinubo ni Migs ang muffins ng buong buong!

CUT TO:

Papalubog ang araw. Magsisimula na ang gimik ng mga yuppies.

Top floor. Sa the Fort. Pasosyalan ang mga tao. Living their lives to the fullest. Ramdam ang social difference. But the difference, hindi lahat, masaya na ineenjoy ang The Fort. Gaya ni Jack (Gerard Anderson)

Papalubog ang araw. May gustong sumabay sa paglubog ng araw!

Malakas ang hangin. Malamig. Sumisipol ang hangin. Naglalakad si Jack. Tulala. Malayo ang tingin. Pinagmamasdan ang mga ibon. Ang mga ibon na tunay. Di plastik. Malaya. Walang paghihirap. Kampay lang ng kampay.

Dinadama niya ang hangin. Malalim na paghinga. Dinadama niya ang taas ng building. Yes. Gusto niyang lumipad. Lumipad ng walang kapa o pakpak. Oo. Gusto niyang magpakamatay!

Tutunog ang kanyang high tech at mamahaling phone. Yung usong phone. May email. Email. Click.

Your Job Application. Natulala. Humangin. Malakas. Hangin. Kumpas ng malamig na hangin. Natulala si Jack. Goosebumps. Halos matae siya sa nabasa.

Binasa. Oo.Binasa.

Congratulations, you are hired!

Hindi makapaniwala. Hindi alam kung aatras sa gusali o tatalon. Talon o atras. Mi-ni-mi-ni-mi-ni-moh. Sagot. Atras. Sulong?

Malaking buntong hininga.

Sinabi sa sarili. Hello World. Hello Brunei.

Magbabago ako.

Nadulas si Jack. Tutol ang pagbabago.

Aaaaaaaaaaaaaa…. BLAG!

CUT TO:

Nearest motel with the cheapest rate. Blinking ang red lights. Sabi ng motel, the HOTIST place in town. O sya. Pagbigyan na.
Humahalakhak na ang gabi. Sinasabayan ang mga customer na gaya ni Cindy (Marian Rivera)

Ungol. Ungol. Ungol. Blag. Blag. Ungol. Ahhhhhhh…sige pa. Sige pa. Sige pa. Ungol. Ungol. Heaven. Ahhhhhh. Raos. Nakaraos si Cindy.

Dinampot ang laptop. Patong sa tuhod. Bukaka. Bukaka. Pumuwesto si lalake sa ilalim ng laptop. Laro ng apoy. Sumisid si lalake. Inaabot ang rurok.

Binuksan ang laptop. Facebook. Check. Mail. Buzz sound. Buzz. Buzz.

Check si Cindy. Pansamantalang natahimik.

Sabi ni lalake. Okay ka lang ba?

Ssssssshhhhh sabi ni Cindy. Tuloy si lalake sa paghanap ng perlas sa karagatan.

Your Job Application sabi ng email. Bukas. Bukas. Bukas ang kanyang katawan sa lalake. Bumukaka pa. Naligayahan ang lalake sa pagsisid sa kanyang pagkababae.

Bukas. Congratulations, you are hired!

CINDY: Oh YESSSSSSSSSSSSSS!

Napatingin ang lalake. Huh? Huh? Dinakma ni Cindy ang ulo nito. Ibinalik sa kanyang bonggang bonggang nakabukang pagkababae.

Habang inaabot ng lalake ang pagkababae ni Cindy. Naabot ni Cindy ang langit. Sinabi sa sarili, hello World, hello Brunei!

Nasipa ni Cindy ang laptop. Napasigaw. Puta!

Bumangon. Dinampot ang laptop.

Sabi ni Cindy. Isa pa.

CUT TO:

Sa kahabaan ng Ortigas. Marami ang naglalakad. Panahon ng recession. Matutong magtipid.

Naka-all black si John (Derek Ramsey). Naglalakad. Bitbit ang isang leather black bag. Naka-shades. Nagmamadali.

Sinabi sa sarili.

Hello World. Hello Brunei.

CUT TO:

Lumang bahay. Pamanang bahay. Kulay pula ang dingding. Kumukurap ang ilaw.
Gabi.

Nagpapatulog ng kanyang bagets si Pam(Iza Calzado). Nang tulog na ang mga bata.

Inabot ang passport at ang kanyang bank account. Madulas. Binuksan. Walang laman. Wala na. Said ang kaban.

Pumustura sa bintana. Watching the stars. Akala niya, siya si Sharon Cuneta sa pelikulang Caregiver.

Sinabi sa sarili. Hello World. Hello Brunei. Goodbye mga anak.

CUT TO:

Sa Airport. Puno ng pamamaalam. Iyakan. Tawanan. Halikan. Paglisan.
Hapon.

Si Sandy (Eugene Domingo).

Suot ang pink dress, pink lipstick, pink shoes, at pink hat with matching pink maleta. Parang si Tesa Prieto ang naglalakad. Mala-Imelda Marcos ang levelling ng heads up high. Kumakaway sa mga kamaganak. Bumabaha ng kaway.

Naglakad si Sandy. Taas noo. Emo. Parang batong di matitibag.

Sinabi na sarili. Hello World. Hello Brunei. This is it.

Pagtingin sa orasan, lumakad ng mabilisan. Takbo. Oo. Late na siya sa flight.

CUT TO:

Mayor’s office. Puno ng papeles. Puno ng nakatambak at dinedeadmang papeles ng taong bayan. Mga problemang di lang ipinagpapabukas, kundi habambuhay na isinasantabi.
Hapon.

Ngunit may mga buhay na naisasantabi. Ang buhay ni Frances (Kim Chiu).

Sumisigaw ang Mayor, ang ama ni Frances. Sinasabi nito. Bumalik ka rito. Bumalik ka!

Sabay bato ng mga papeles sa sahig.

Hindi bumalik si Frances. Handa na siya. Ayaw na niya. Pagod na siya. Pagod na pagod. Pagod dahil sa bigat ng maleta. Oo. Deadma sa bigat. Aalis na siya.

Bumagsak ang luha. Pagod na nga siya. Pagod.

Sinabi sa sarili. Hello World. Hello Brunei.

Sumakay sa jeep. Sigurado. Mamimiss niya ang katagang, basta driver, sweet lover! Awww!

CUT TO:

Meow meow. Excited na meow ni Garfield. Nakahiga sa sofa ng staff house. Nilalantakan ang isang buong grilled fish! Sowsyal di ba?

CUT TO:

Gabi.

Sa dingding. Nakasabit ang 10 larawan. 10 tao. 10 karakter. Hinihintay ni Divine (Gina Pareno).
Tatayo si Divine. Iduduro ang 10 larawan ng kanyang bagong manicured na mga daliri.

Sinabi sa sarili. Hello World. Hello mga Bruneiyukis!

Isang nakapalaki’t napakalanding Meow, sagot ni Garfield.
Abangan ang EPISODE 2: EXCESS BAGGAGE!
Maglalabasan na ang mga ugali at lihim...

No comments:

Post a Comment

ShareThis