Friday, September 11, 2009

PBB: PASABOG sa BAHAY ng mga BRUNEIYUKIS!

PBB: PASABOG sa BAHAY ng mga BRUNEIYUKIS!
Ang blogserye ng mga totoong Bruneiyukis!

HOST: (Si Earvs)
Hello World, Hello Brunei, Hello Pilipinas!

Taun-taon, libo libong Pilipino ang nangingibang bansa para makipagpalaran. Lahat sila, nangangarap mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ngunit, ang di alam ng karamihan, kapalit ng kikitaing dolyar ay malaki rin ang isinasakripisyo ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Numero na riyan ang pakikibaka sa matinding kalungkutan o homesickness.

Ngayong Setyembre, samahan niyo akong silipin ang buhay ng mga Bruneiyuki, o ang mga Filipinong nagtatrabaho sa Brunei, na nakatira sa IISANG BAHAY!

Gaano ka-kompleks ang pangangaliwa ng isang taong may asawa’t anak sa Pilipinas?

Gaano katotoo ang “pagpuputa” ng ilang Filipino para may maipadalang pera?

Language barrier lang ba ang dahilan ng diskriminasyon sa trabaho?

Bakit may ilang Pinoy pinipili ang pagpapakamatay para takasan ang tinaguriang “maginhawang” buhay?

Nakakalunas ba ang cyber sex sa pangangati ng katawan?

Paano pinupunan ng chatting ang mga homesick na Pinoy?

Epektibo ba ang online dating para labanan ang homesickness?

Bakit sinasagad ang mga Filipino sa trabaho habang petiks ang mga locals?

Possible ba ang alak at droga sa isang napakahigpit na bansa gaya ng Brunei?

Ano ang imahe ng mga Filipino sa mata ng mga locals?

Ano ang papel na ginagampanan ng Embassy sa buhay ng mga OFW?

Masasabi bang “mayaman” na ang isang taong nakapag-abroad?

Lahat ng yan. Ating subaybayan. Dito lamang sa PBB. Ang mga PASABOG sa BAHAY ng mga BRUNEIYUKIS, ang blogserye ng mga totoong Bruneiyukis!

Kilalanin sila sa katauhan ng inyong mga paboritong artista…


Star: 26, single, morena, account executive, only child, taklesa, laitera. Isang dating child star.Lumaki. Nalaos. Nag-Brunei. Gustong sumikat, muli. (Imagine Maja Salvador)
Cris: 26, confused, writer, geeky, nangibang bansa para magipon ng lakas ng loob at hanapin ang sarili. (Imagine Piolo Pascual)
Ja: 27, lesbian, photographer, nangibang bansa para magipon ng lakas ng loob upang harapin ang jowang sumama sa kanyang bestfriend na lalake na ngayon ay nasa Singapore. (Imagine Angel Locsin)
Migs: 28, lalake, hobbyist sa design, dating bokalista, photographer, nangibang bansa para makaipon at balang araw ay gumawa ng sariling album. (Imagine John Lloyd Cruz)

Jack: 25, lalake, graphic designer, painter, gustong takasan ang malungkot na nakaraan. (Imagine Gerard Anderson)
Cindy: 22, babae, writer, panganay, aktibo sa seks, isinusuka ang Pilipinas, nangibang bansa para pagaralin ang 6 na kapatid at bayaran ang bahay at lupa ng pamilya. (Imagine Marian Rivera)



John: 26, lalake, single, only child, call center agent, con-artist, spoiled brat, nangibang bansa matapos makuha ang mana mula sa yumaong mga magulang. (Imagine Derek Ramsey)


Pam: 26, babae, writer, single mom, nangibang bansa para makaipon at magbalik sa Pilipinas para magturo. (Imagine Iza Calzado)

Sandy: 27, single, dating beauty pageant title holder sa kanilang barangay, komikera, receptionist. Nagiipon ng pera para makapagpatayo ng sariling parlor, ng babuyan at kung anu ano pang negosyo. (Imagine Eugene Domingo) Frances: 26, single, anak ng pulitiko, nagibang bansa para takasan ang amang sugapa sa pera at ang arranged marriage. (Imagine Kim Chui)
Garfield: Ang salimpusang pusa. Salimpusa nga ba?



Divine: 50, ang landlady, matandang dalaga, (Imagine Gina Pareno)

Abangan ang pagbubukas ng BAHAY ng mga BRUNEIYUKIS! Subaybayan mo! Malapit na!

P.S. This is a fiction. Any similarities of the characters on real life is just a coincidence.

Ngayong nabasa mo na ang Primer, handa ka na para sa umaatikabong kabanata! BASA NA!

EPISODE 1: ANG WAKAS AY SIMULA

http://earvilicious.blogspot.com/2009/09/pbb-episode-1-ang-wakas-ay-simula.html

EPISODE 2: EXCESS BAGGAGE

http://earvilicious.blogspot.com/2009/11/pbb-pasabog-sa-bahay-ng-mga-bruneiyuki.html

EPISODE 3: BLACK OUT (PART 1)

http://earvilicious.blogspot.com/2009/11/pbb-pasabog-sa-bahay-ng-mga-bruneiyuki_20.html

EPISODE 3: BLACK OUT (PART 2)

http://earvilicious.blogspot.com/2010/02/pbb-episode-3-black-out-part-2.html


No comments:

Post a Comment

ShareThis