Thursday, October 22, 2009

TOP 10 THINGS I MISS ABOUT MY ROOM IN THE PHILIPPINES




I have a small and simple room back in the Philippines. Compared to my present room here in Brunei, it’s only ¼ of the size. However, despite its crowded look because of the piles of books I have, it contains a lot of HUGE memories.

My bedroom is the sole witness to my joys, sadness, guilty pleasures, insanity, schizophrenia, depression, sickness, and a lot more of my other unpredictable side. Ito na siguro ang bestriend ko na nakarinig ng lahat ng uri ng statements ko ng hindi pumepreno. After ng isang matinding pagsigaw or pagiyak, okay na ako. Normal naman siguro yon.

Back in the Philippines, whenever I’m home, I spent most of my time inside my room. Normally, I do read. Sometimes, I sing and record songs. Sometimes, I clean all the piling readings I acquired over the past years. But most of the time, this is where I contemplate and ponder on life. Dito ako madalas magmuno. Madalas tumingin sa kisame. Magimagine ng mga bagay bagay. Tumingin sa nabibitak na pintura or agiw at mag-imagine kung anong continent ito ng mundo!

Marami na ring eksena ang hindi ko malilimutan sa kuwarto ko. If I’m not mistaken, the most unforgettable moment I had inside my room was when I was sooooo crying hard because my mom was hospitalized. I was begging to our dear Lord to let my mom live more years with us. Sadly, my Mom passed away days after I sobbed inside my room. Gayunpaman, nakatulong ang pagiyak para maibsan ang bigat ng emosyon.

My room is my comfort zone. This is where I kept all my secrets. Only the walls, ceilings and window ang aking malulupit na witness. Of course, my secrets are safe with them. They don’t have the capacity to speak up. Hanggang pakinig lang. Kilala nila ang kinaasaran ko, ang kinatutuwaan ko, at ang mga minamahal ko. Alam nila ang tunay na tinitibok ng puso ko, ang gusto ko, ang pangarap ko, ang lahat lahat na nagbibigay kulay sa buhay ko.


My room has one big Bookshelf. It has some of my books which I got since I was in highschool. It has four levels. The upper three levels have my books. The remaining section has some curtains and bed sheets for my room. Kung hindi ako nagkakamali, sa pinakababa ng bookshelf, makikita rin ang sangkaterbang tela na ginagamit ko pag may production or shooting nung college ako.

The other noticeable furniture inside my “cave” is the study table which also serves as a vanity place. With the help of an old lamp, this is where I study. On one hand, in the morning, this is where I check my face on the table mirror and apply all of those facial products. Kung maaari lang magsalita ang salamin, pinagalitan na ako. Nung college ako, hindi lilipas ang isang araw ng hindi ako nagrereklamo sa pagdami ng pimples ko. Totoo pala, kusa na lang titigil ang pagtubo ng mala-red beans na panira sa ating youthful glow.


With all of these stories, obviously, I miss my bedroom. And since I’m eyeing to buy a house (soon), I’m thinking of bringing my stuffs to my new house. Sa possibleng paglipat, panibagong buhay ang sisibol ngunit mananatiling nakaugat sa nakaraan!

Ngayon, let me share the TOP 10 things I miss about my room back in the Philippines.

BOOKS. Seriously, I have a lot of books. My room is not only a dwelling place to sleep, but it also primarily functions as a library. Well, in my assessment, most of my books are into Philippine Literature, Mass media, Literary Theories, Popular Culture, and Filipino Novels. F.Sionil, Rene Villanueva, Luna Sicat Cleto, Bob Ong, Chris Martinez, Paolo Coehlo, Pablo Neruda are some of my favourite authors. Here in Brunei, Neil Gaiman and Murakami dominate my book shelf.

Dahil sa libro, lumawak ang kaalaman ko sa mundo. I’ve been to places which only books can show me. I’ve traveled the world dahil sa books (imaginary). I’ve met characters which inspire me. Some of them, kinaasaran ko pa. Galing kasi ng author magpaikot ng story. And with books, I see a lot of realities and imbibe fresh perspectives to understand the world I’m living in.

Oo. Bookworm ako. Sabi pa ng ng friend ko, pangaasar lang, Book Anaconda daw ako! Pero tingin ko, mas enjoy lang talaga ako magbasa on my free time. Mas preferred ko ang books on life, inspiration, although sometimes, trip ko ang mystery and thriller. Trip ko rin lalo na ang comedy. Mababaw kasi talaga ang kaligayahan ko. Tawa lang ganyan. Dahil sa kakabasa, gusto kong makapag-publish ng book ko in the near future. And guess what, I’m thinking of writing my life abroad and eventually me publisher na magbibigay atensyon to publish it. Kailangan lang ng right framing of stories and timing.

PERSONAL ALBUM. I have a personal album which mostly has my pictures when I was still working in the glamorous world of show business. Seriously, I miss that! Whenever I open it, I see my growing years in ABS-CBN. Despite the sleepless nights, the ngaragan and all of those unforgettable horrific experiences, I’m still thankful I worked in that company because it opened a lot of awakenings for me, sama mo na rin ang oportunidad to spread my wings.

Sa album ko makikita mo ang kakulitan ko. Ang big smiles. Ang napakaraming Korean pose. Ang pakikipagtagisan ng pose with the celebs. At makikita mo rin ang true friends ko sa ABS. Selected and very few. Pano ba naman. Hirap makakita ng true friends sa mundong nababalot ng mga Orocan. Seryoso ako sa puntong yan!

KARAOKE. The karaoke is one of my best buddies in my room. I normally use it not only to rehearse for an upcoming singing engagement, but on most times I’m stressed and I want to relax and feel like a star! I’m sure, nabingi na kapatid ko sa gabi gabi kong konsiyerto!

Martin Nievera songs ang tinitira ko. Mas gusto ko ang challenging piece which is ma-a-achieve sa songs ni Martin. Pero lately, dahil nauso na ang R and B, join din ako sa bandwagon. Sa tulong ng Center for Pop, nahasa ko ang kulot style sa pagkanta! Wagi!

ELEMENTARY GRADUATION PICTURE. I miss looking at this picture of mine. Why not? It’s the living legacy of my “chubbyness.” I just can’t imagine how many hands ang kumurot sa aking malulusog na pisngi when I was a child. Isama mo pa ang mga komentong, aba, napagiwanan sa kusina! But seriously, I’m sooooo lusog when I was young. Buti nga pumayat na ako with diet and exercise. In highschool, I weighed around 190 pounds. That is soooo true!

KAHOL. Yeah. I miss the kahol of our dog. It’s my alarm clock on my mornings! Unlike here in Brunei, chirping birds wake me up! Imagine, bahagi ang kahol ng aking kuwarto. Pano ba naman, nakakatuwa ang aso namin. Dumudungaw pa yan sa window ko at kumakahol! Kakatuwa! Mejo di ko lang type ang pagkahol ng aso naming especially pag galing ako sa taping na tipong pamorningan! Nevertheless, I miss COCA!

COMPUTE.
When my mom died, I discovered something in her things. She had a lot of notebooks and even outdated planners where there were a lot of savings and expenses computations. With that, I realized, sa kanya ko pala naman ang habit or writing my computations on even the simplest expenses I made. And we’re the same, we keep it kahit super tagal na! Actually, hanggang ngayon na, dala ko ang habit nay an. Tuloy tuloy ang computations ng barya barya sa kaban!

Kaugnay niyan, tambak ang kuwarto ko ng kapapelan. Lahat yan mga readings na nakolekta ko nung nagaaral pa ako. Hindi ko pa tinatapon. Kaya yan, gabundok na ang papel sa kuwarto ko. Kung ipapakilo ko siguro, baka yumaman ako, instantly!

RECORDING. My room is not only a place to rest, sleep and study, it also function as a recording studio. Yeah! I recorded a lot of my rehearsals in this room. Imagine, I even recorded inside my room when I lip-synched in one event. Secret na ang event!

Sa kabilang banda, I sometimes record my voice doing ala-DJ. Dahil ako’y isang frustrated DJ, nagrerecording na lang ako sa sarili kong kuwarto. Take note, may sarili pa akong playlist ha!

CDs. As a singer, this is what I definitely miss. I have lots of CDs, and I mean minus one cds which use whenever I’m asked to perform in a gathering. Kung nadala ko lang to dito Brunei, I’ll have more selection of songs. Mas bongga pa tuloy ang nakanta ko sa event! As if!

Maliban sa minus one, kapansin pansin din sa aking collections ang mga cds ko na pang-aerobics. Marami ako niyan. That’s what I play especially while I’m exercising. Sa totoo lang, nakakagana!

GHOST. Believe it or not, I know there’s a ghost inside my room. It’s a girl with long hair and it’s hiding near my cabinet. Oh Well, dahil nasanay na ako, I’m used to it. Akalain niyo yon, namimiss ko siya. Pero seriously, the first time I saw ‘her’, sobrang goose bumps! After that incident, di na siya nagpakita. Baka natakot sa akin.

Nako ha! Ayoko namang sumunod ang kaluluwa dito sa Brunei. Spare me!

Lastly, RATATOUILLE. Yeah. There’s a rat inside my room. Ilang beses na akong ginapangan nito. Ilang beses na rin akong napabalikwas sa kama ko dahil sa daga. Actually, bubwit level ang daga. Thank God, nung umuwi ako, wala ng daga sa room ko. Lumipat na ata sa kabilang kuwarto, sa room ng brother ko!

Ikaw, what are the TOP 10 things you miss about your room in the Philippines? Share mo na! Now na!

No comments:

Post a Comment

ShareThis