Wednesday, October 7, 2009

TOP 10 THINGS/PLACES THAT REMIND ME OF U.P.

Ngayong nasa abroad na ako, in a way, may mga eksena, lugar at bagay pa rin nagpapaalala sa akin ng aking mahal na Unibersidad, ang UP Diliman.

Dito sa Brunei, normal ang mga puno, ang malalawak na damuhan, at ang malinis na surrounding. Dahil diyan, flashback talaga ang UP days. Since ang mga building dito ay hindi kataasan, parang Colleges lang sa UP ang effect. Nakakaaliw. Seryoso, nakakatuwa!

Now, share ko sa inyo ang mga bagay/places/ eksena na nagbabalik ng aking iskolar days!

1.BLUE BOOK. Sino ba naman ang iskolar na makakalimot sa ever magical and flexible blue book. Well, maliban sa ginagamit siya for exams, ginamit ko rin ang blue book on soooo many ways. Una, ginagmit kong pananggalang sa ulan. Pangalawa, ang mga scratch, ginamit pampahid ng ebak na naapakan. Third, ginawang pang-book mark sa mga malalaking libro. Fourth, ginagamit na sulatan ng chismis with classmates habang pretend na nakikinig sa prof. Fifth, naging eroplanong papel. Sixth, drinowinangan ng kung anu ano. Seventh, naging guide sa bond paper. Eight, ginawang upuan sa maruming bangko. Ninth, sulatan ng drafts sa creative writing at BC class. At pang huli, ginamit para sa usong usong FLAMES! Hahahaha! http://en.wikipilipinas.org/images/a/a0/The_Blue_Book.JPG

2. COLOR YELLOW. Whenever I see a yellow color and a flag, naaalaala ko talaga ang UP IKOT at TOKI. Dami ko rin karanasan sa jeep na yan. Nadulas ako. Nahulog bitbit ko. Nakasubok umupo ng super 1/8 na lang ng pwet ko kasya. Nakasiko ng katabi dahil sa pagmamadali. Naging lugar ng tawanan with friends. At ang pinaka-memorable, naging sasakyan para maihatid ang kaibigang na-broken hearted!
http://iskwiki.upd.edu.ph/images/8/8c/Ikot.JPG

3. IHAW. Sa tuwing makakaamoy ako ng may nagiihaw dito sa Brunei, well, flashback talaga ang UP days. Nangunguna na dyan ang Isaw. Aaminin ko, hindi talaga ako fan ng isaw. Pero hindi rin naman ako elitista not to taste it. Tumikim naman ako nyan at nagenjoy! Sa UP, dami talaga. Kumpulan ang mga estudyante lalo na pag uwian. Dinadayo pa yan ng mga taga ibang school. From Ateneo, Miriam at kung saan saan pa. Aaminin ko, takot akong kumain ng isaw kasi paranoid akong makapulot ng sakit sa kung saan saan. Pero kung aalukin mo ako, puede na rin for more adventure! http://farm1.static.flickr.com/155/369552672_483c61d4e4.jpg
4. CHEESE. Usong uso sa UP ang cheese products. Sa isang adik sa keso na tulad ko, patok na patok yan. Siempre, suki ako ng cheese lumpia sa may Vinzons at ang bonggang bonggang tinapay with cheese sa CAL. Sobrang panalo talaga ang days with orgmates habang kumakain ng cheese chuva! Mura na, masarap p! Samahan mo pa yan ng mga cheesy chit chats. Andyan ang nagpaguusapan ang prof na dragon, ang dapat kunin next sem, ang requirements na sandamakmak, ang sharing ng notes, ang syllabus checking, ang org’s projects, at kung anu ano pang fund raising projects na nauuwi sa either CAKE raffle at kung anu ano pang uri ng raffle! http://fitnessslug.com/wp-content/uploads/2008/09/cheese-stick.jpg

5. GREEN AREA. Basta madamo at mapuno, UP agad ang naiisip ko. Yeah. Pano ko ba naman makakalimutan ang lagoon. Don kaya kami nag-shoot ng aming Horror film for our Bisaya Class. Nakakaloka! Ang kawawang tweety bird stuff toy (yung japeyks), ginamit namin at tiyanaks in the jungle. Kaloka ang lighting. At nag ghost hunting pa kami dyan! Segue, gumawa rin kami ng commercial about tissue paper na pinagbidahan ng best actress kong friend na si Jhoanna Garcia! Di ba Jho? Remember? On the side, di ko rin naman makakalimutan ang Sunken Garden na talaga namang bongga ang magic sa gabi. Totoo pala. Lover’s hub ito. Aba, one day, naglalakad kami, nakakita kami ng used Condom! Akalain mo yon! Eeeeeeeeeew! Pero sa kabila niyan, mas hindi ko makakalimutan ang ROTC days. Pakshet yon! Putikan! At ang singaw ng lupa, pamatay! Eto pa, kahit college at university graduation, sa damuhan! Unforgettable di ba!
http://farm3.static.flickr.com/2320/1511647076_0f1b3ad7c5.jpg?v=0
6. JOLLIBEE. Oo. Di lang iisa ang Jollibee dito sa Brunei, eleven po! Yiheeees! Sa tuwing nakikita ko si Jollibee, UP days naaalaala ko. Hello! Tambayan kaya namin ni Jhoanna Valdez Garcia ang Jollibee, Philcoa. Kung hindi lunch time, dyan kami tumatambay sa hapon hanggang gabi. Madalas kong order, chickenjoy, si Jho, Burger steak! Dyan kami madalas magpretend na nagaaral habang nagchichismisan. Dyan kami madalas kumain ng sundae habang nagookrayan. Dyan kami madalas umupo habang nagpapatila ng ulan or habang waiting sa pinaxerox namin! Di pa uso ang laptop nung college kami. Madalas, readings kami at draft muna sa yellow pad. Saka i-ta-type. Saksi rin si Jollibee sa stories of love ni Jho at ang pamomoroblema ko sa pimples ko noon. I’m sure turete na si Jho sa kapapakinig ng rants ko bout my pimples.Pero kakaiba ang Jollibee. Dyan namin pinapatay ang oras at binubuhay ang aming friendship! Naks!Imagine, pati thesis ko about Jollibee! Hindi ko naman masyadong minahal si Jollibee. Actually, sa sobrang hate ko siya, gusto kong mag-franchise in the future! Seriously!

7. BIG HOUSES. Isa lang ang naaalaala ko pag nakakakita ako ng PINK BIG HOUSE, walang iba, ang mga overnight session sa ‘mansion’ ni Joy Anne Fabre! Sobrang masaya pag nagoovernight kami kina Joy. Mapa for MP class or prod class. Siempre, ikaw ba naman, di ka matutuwa, aircon na kuwarto, me libreng dinner pa. At ang bongga, me chikahan pang bonggang bongga! At maaaliw ka pa sa decorations sa house nila especially sa kitchen. Homey na homey as in! Bongga pa, me libreng hatid pauwi. Kakaiba si Joy eh! All out yan basta team effort. Lahat binibigay. Kaya all I can say, UP life will never be complete without Joy! Bongga ang kabaitan sa pagpapatuloy ng mga dukhang tulad namin ni Jho! Tama Joy? Naks! Apir tayo dyan!
http://affordablefossils.com/wp-content/uploads/2007/12/big-house-1.jpg
8. MANG JIMMY’S. Walang katulad ang Mang Jimmy’s. Dito Brunei, walang lelebel! Kakaiba talaga ang Mang Jimmy’s. Kahit hindi kami masyadong madalas dito, bentang benta sa akin ang pagkain! Super sarap ang sisig talaga at bongga ang eat-all-you-can rice!!!!!!!!!!!!!!!
http://metrogimik.files.wordpress.com/2008/09/img_0340.jpg

9.SHOPPING CENTER. Sa tuwing makikita ko ang isang shopping complex dito sa Brunei, naaalaala ko talaga ang Shopping Centre. Siempre, suki ako ng shopping complex lalo na panahon ng typing, internet at printing. Di pa kasi uso laptop noon at mejo wala rin kaming PC sa house. Sa shopping centre ako madalas magpa-xerox ng gabundok na reading. Sa shopping center, especially sa rodics, madalas kami kumain ng kanilang tapsilog (the best ito!). Dito rin ako bumili ng kauna unahang UP memorabilia ko, dalawang T-shirt! Dito rin ako sa shopping centre nagpa-xerox at nagpa-bind ng aking thesis. Nakatikim rin ako ng korean food dahil sa shopping centre. At pati mga panregalo, dito ko minsan binibili. Nako, isama mo pa dyan ang pagpa-xerox ng ID picture na super mura! Hindi ko talaga makakalimutan ang shopping centre. Classic! At teka, dito sa lugar na’to muntik ng madulas si Jho noong isang maulang hapon! Hahahaha http://en.wikipilipinas.org/images/thumb/3/3b/Shop.jpg/300px-Shop.jpg
10. KUBO. Kubo ang tambayan ng org namin sa UP. Sobrang pag nakakakita ako ng kubo dito, flashback talaga ang UP days. Siempre, sa tambayan kami madalas noon. Second home namin yan maliban sa library. Dyan kami nagmemeeting, nagchichikahan, nagtatawanan ng bongga, at nagaasaran. Dito kami nagshashare ng mga katatakutan, katatawanan at kahit kalokohan. Gossip hub din talaga. Tas biglang dadaan ang nagtitinda ng Karioka pag hapon, banana que or tinapay, ayan, meryenda na! Sa kubo rin kami nagpapalitan ng notes at nagsha-share ng mga problema sa acads. At pag lunch time, dyan din. Bibili lang ng food sa CASAA then diretso na dyan. Those were the days of college! http://www.geocities.com/jp_resort/kubo.jpg

Pero kung may isang bagay man ang magpapaalaala sa akin ng UP, yan walang iba kundi si OBLE. Kakatuwa. Meron akong paper weight dito sa abroad. Binigay ng prof ko nung umuwi ako sa Pinas.

Sa totoo lang, everytime na makikita ko ang paper weight with Oble, naaalaala ko ang pananagutan ko sa Pilipinas. Oo nga. May bayan akong iniwan. May bayan akong dapat balikan at pagsilbihan. May bayan akong dapat tulungan. May bayang nangangailangan ng pagbabago. Dahil dyan, talagang ipinangako ko sa sarili ko, babalik ako ng Pilipinas.

Kailangan ko lang magipon sa ibang bansa. Matuto sa labas. At muling bumalik para ibahagi ang bawat kaalaman. Totoo nga, kailangan ako ng aking pamilya at ng aking bansa, hindi ng mga dahuyan. Abangan ang aking pagbabalik.

No comments:

Post a Comment

ShareThis