Sunday, November 15, 2009

PBB: PASABOG sa BAHAY ng mga BRUNEIYUKI: EPISODE 2: EXCESS BAGGAGE

PBB Primer: Ang Pasabog sa Bahay ng mga BRuneiyukis! (CLICK)
PBB Episode 1: Ang Wakas ay Simula (CLICK)
PBB Episode 2: Excess Baggage


HOST:
Hello World, Hello Brunei, Hello Philippines

Nung nakaraang buwan, nakilala na natin ang sampung Pilipinong lumipad papuntang Brunei para manirahan sa iisang staff house at para magtrabaho sa isang Advertising Agency.

Sina…

Star: (Maja Salvador) Isang dating Childstar na ngayon ay hinahanap ang sarili sa Brunei.

Cris: (Imagine Piolo Pascual) Nangibang bansa para magipon ng lakas ng loob at hanapin ang sarili.

Ja: (Imagine Angel Locsin) Nangibang bansa para magipon ng lakas ng loob upang harapin ang jowang sumama sa kanyang bestfriend na lalake na nasa sa kanyang bestfriend na lalake na ngayon ay nasa Singapore.

Migs: (Imagine John Lloyd Cruz) Nangibang bansa para makaipon at gumawa ng kanyang sariling album.

Jack: (Imagine Gerard Anderson) Nag-iipon ng pera para kalimutan ang malungkot na nakaraan.

Cindy: (Imagine Marian Rivera) Nangibang bansa para pagaralin ang 6 na kapatid at bayaran ang bahay at lupa ng pamilya.

John: (Imagine Derek Ramsey)Nangibang bansa matapos makuha ang mana mula sa yumaong mga magulang.

Pam: (Imagine Iza Calzado) Nangibang bansa para makaipon at magbalik sa Pilipinas para magturo.

Sandy: (Imagine Eugene Domingo) Nagiipon ng pera para makapagpatayo ng sariling parlor, ng babuyan at kung anu ano pang negosyo.

Frances: (Imagine Kim Chui)Nangibang bansa para takasan ang amang sugapa sa pera at ang arranged marriage.

Lahat sila ay handang makipagsapalaran. Handang sumubok. Handang gawin ang lahat para sa katuparan ng kanilang mga pangarap dito sa BRUNEI.

CUT TO:

VOICE OVER:

Ito ang Brunei Darussalam o mas kilalang Abode of Peace. Maliban sa pagiging isang Islamic country na pinamumunuan ni Sultan Bolkiah, ang Brunei ay mayaman sa langis. Ang langis na siyang pangunahing bumubuhay sa ekonomiya ng bansa at nagpakilala sa Brunei sa buong mundo.

Ngunit sa nagdaang dekada, nakilala rin ang Brunei sa Pilipinas hindi lamang sa larangan ng pagiging maunlad na bansa ngunit bilang isang bansang sinilangan ng mga Bruneiyukis. Ang salitang Bruneiyuki ay bansag sa mga Pilipinong nagtratrabaho sa Abode of Peace. Isama mo na rin diyan ang ilang artistang di umano’y naka-one night stand daw ng royal family at binigyan ng male-maletang dolyar bilang kabayaran sa kakaibang serbisyo. Sa kasamaang palad, ang mga bansag na Bruneiyuki ay ginagamit rin para ipakilala ang mga entertainers or mga sex workers na kumakayod sa mayamang bansa.

Pero hindi naman lahat ng Bruneiyukis eh sex worker o entertainer. Gayunpaman, sila ay sumasalamin pa rin sa libo-libong OFW na nagbabanat ng buto sa ibang bansa para buhayin ang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Isipin niyo na lang ang kanilang isinasakripisyo. Sa usapin ng pakikisama at paglaban sa homesickness, siguradong, terible!

CUT TO:
(Nakaupo ang host)

Ito ang bahay na tutuluyan ng 10 Bruneiyukis. Ito ay pagaari ni Divine (Gina Pareno), at dito iikot ang saya at drama sa buhay ng ating mga BRUMATES!

Three story ang bahay na ito. Ang una’t ikalawang palapag ay binubuo ng mga kuwarto. May limang kuwarto na de aircon. May common kitchen, common living room at common dining room. Sa mga common places na ito magaganap ang mga eksena.

Sa first floor ng bahay, may dalwang kuwarto. May sala, kusina, laundry area at isang common toilet.

Sa Second floor, may tatlong kuwarto na may banyo bawat isa. Mayroon ding common area para sa sinumang gustong tumambay.

Sa Third floor, naroroon ang stock room. Tambak ito ng gamit ng opisina – sirang gamit, excess collaterals, mga props sa events, at kung anik-anik pa. At sa rules ng opisina, bawal buksan ang stockroom ng any unauthorized person. Bawal na bawal.

Araw-araw, may darating na isang van para sunduin ang 10 BRUMATES papunta sa opisina. Aalis ang sasakyan 20 minuto bago mag-alas nuebe, ang oras ng pasok.

Maliban sa malawak na garden na puedeng tambayan, ang duyan sa gilidan na puedeng pahingahan, at ang puno ng arambutan na puedeng kainin ang bunga, malaya ang mga BRUMATES na gamitin ang facilities ng bahay!

CUT TO:
(Nakatayo ang Host sa pasilyo ng Opisina)

Hango sa konsepto ng BEE hive, ito ang BEE Advertising. Ito ay isa sa mga baguhan pero innovative advertising agency sa Brunei. Kahit dadalawang taon pa lamang ito, halos mala-pulut pukyutan na rin ang relationship na naitayo nito sa kanyang mga kliyente. Pangunahing kliyente nito ang isang chocolate factory, ang isang optha clinic, isang malaking bangko, isang zoo, isang lingerie shop, isang jungle travel tours, isang bahay ampunan, at kung anu ano pa. Obviously, hindi mapili ang ahensyang ito. Basta may pera, doon sila.

Ngunit gaya ng isang colony, may isang Queen Bee na pinagsisilbihan. Siya si Madam Love, ang mayari ng BEE Advertising at isa sa mga elitista ng Brunei. Sinasabing si Madam Love ay isang ampon ng Royale Family.

Maliban sa kanyang glamor na pananamit at exquisite taste on the rare, glamor din ang paguugali at very rare ang smile ni Madam Love. She has all the love to spread the world. Ironically, everyone loves to hate her. Bakit?

(Madam Love’s Evil Laugh)

COMMERCIAL BREAK 1

UP MUSIC.

HOST:
Hello World, Hello Brunei, Hello Philippines!

Sabi nila, malalaman mo ang destinasyon ng isang Filipinong mangingibang bansa base sa bitbit niyang maleta.

Kapag ang bag ay makulay, sleek at very stylish, maaaring ang Filipinong stylish din manamit ay isang yuppie na up for some pleasurable travel or vacation.

Kapag ang maleta ay naglalaro sa corporate or normal colours like red, blue or black at slightly malaki, maaaring ang Pilipinong yan eh up for a business or executive trip.

At kung ang maleta ay simple, slightly malaki at may kasamang kahon na may tatak ng iba ibang rehiyon ng Pilipinas, di maitatangging ang Pilipinong iyan eh mangingibang bansa para magtrabaho. In short, isang OFW.

Maniwala kayo o hindi, maliban sa Saudi Arabia at Hong Kong, isa ang BRUNEI na may pinakamaraming bilang ng mga OFW.

CORRESPONDENT:
Hello Hello Hello Pilipinas, World, at Brunei! Ako si Chikababes and I will be your one and only correspondent sa bahay ng mga Bruneiyukis na maghahatid sa inyo ng mga hottest chika at juiciest eksena sa bahay ng mga Bruneiyukis. Right now, andito ako sa Ninoy Aquino International Airport para salubungin ang pagdating ng mga candidates sa opisina ni Queen Bee!
UP MUSIC

VOICE OVER:
Please welcome, our 10 Bruneiyukis!

Dating pinapalakpakang Child Star, muli kaya siyang hangaan sa lupain ni His Majesty? Si Star! (Imagine Maja Salvador)

Hanggang kailangan ka magtatago sa loob ng Aparador? Closet ba o close to set the record dito sa Brunei? Si Cris (Imagine Piolo Pascual)

Naniniwalang ang gender ay isang social construct. Paano niya kaya haharapin ang usapin ng gender sa Brunei? Si Ja (Imagine Angel Locsin)

Dreaming to be the next biggest singing sensation, Si Migs (Imagine John Lloyd Cruz)

Hati ang pakiramdam tungo sa buhay kaya dinadaan sa emote, si Jack (Imagine Gerard Anderson)

Ang babaeng sinusuka ang Pilipinas at isinusuka rin ng Pinas, si Cindy! (Imagine Marian Rivera)

Firmly believes Past is not past? Welcome John (Imagine Derek Ramsey)

Single mom pero multiple ang papel sa buhay, si Pam(Imagine Iza Calzado)

Ang negosyanteng madalas mabiktima ng monkey business, si Sandy (Imagine Eugene Domingo)

Sawa sa kayamanan at suya sa politika, si Frances (Imagine Kim Chui)

CORRESPONDENT:
Ayan Pilipinas, kitang kita niyo sa aking likuran. Papasakay na sa iisang Van ang ating sampung Bruneiyukis. Sila po ay didiretso na sa bahay na kanilang tutuluyan sa loob ng dalawang taon Pero bago yan, I heard, dadaan muna sila sa kanilang future office, sa BEE Advertising, para magbigay pugay sa nagiisang Queen Bee, si Madam Love.

VOICE OVER:
Kahit pagod sa biyahe, sinubukang ngumiti ng mga Bruneiyuki ng makaharap nila si Madam Love.

MADAM LOVE: Welcome to Brunei! I hate to say this, I hired all of you not because you are the best in your country, but rather, I hired all of you because I saw something unique in you. Although I know I’m the only who deserves to be called Unique. That’s it. Let’s call this a day. I want you all to be here tomorrow and start proving me what you really got.

VOICE OVER:
Matapos ng pananalita ni Madam Love, halo-halong reaksiyon ang nabuo sa ating mga bagong dating Bruneiyukis. May natuwa…

CUT TO:
STAR: I think mag-click kami. She’s so fabulous pero I don’t like her teeth, kinda fake. And
her nose, bad nose job!

CRIS: Maganda ang taste ni Madam sa kanyang perfume. I can smell it from afar. Johnson’s Baby cologne ba yon?

MIGS: Puede! Puedeng Puede! (Sabay evil grin with a maniakis emote)

JACK: Parang kamukha niya yung tita ko na tuwing umaga eh pinuputakan yung nanay ko para maningil ng renta ng bahay!

VOICE OVER:
Habang ang iba naman, nagulat at bahagyang nalungkot…

JA:I never thought I can find Goldilocks in an Islamic country.

MIGS: She looks old pero she looks old. Old fucking old! Amoy Baul! What’s new?

VOICE OVER:
Pero ang higit sa lahat, may isang taong unang araw at humakot ng award kay Madam Love.

CINDY: That madam is sooooo saksakan ng insecure. Sabihan ba naman akong bawal tong suot ko. Anong masama kung kita ang cleavage ko dahil Islamic country daw! Siya nga eh, ang tanda tanda na, nakamini pa! Ipakita ba ang sangkaterbang varicose veins! Eeeeew! I hate her! Shet! Kalbaryo to!

SANDY: Nako, pasalamat nga si Cindy, yon sinita sa kanya. Eh ako, I made an impression daw. Kesho kamukha ko raw yung katulong niya na nagnakaw ng kanyang pearl necklace! Kaloka! Pagbintangan ba ang beauty kong to!

JOHN: I don’t care a damn! Mas mayaman pa ako diyan sa Madam Love na yan. (Note to self: Dati yon, ulol!)

VOICE OVER:
Pero kung meron mang natamaan ng kidlat ni Madam Love, meron din namang kinahulugan ng loob nito.

FRANCES: Sana siya na lang naging mommy ko. Napaka-amo ng aura niya. Someone who will understand my needs!

PAM: I was so touched. Madam Love told me she liked my two kids. Nahulog kasi wallet ko while she was briefing us. When she saw it, nagsmile siya. Mother instinct siguro.

CORRESPONDENT:
Nako Pam, itigil mo na yang pasweet instinct mo. Sa mundo ni Madam Love, isa lang ang instinct na dapat niyong malaman, yan eh ang survival!

SUSUNOD: Ang paghaharap ng mga Bruneiyukis sa kanilang kuwarto!

COMMERCIAL BREAK 2

UP MUSIC

CORRESPONDENT:
Nagbabalik ang PBB! Ang mga Pasabog sa Bahay ng mga Bruneiyukis! Marami ang kamamanghaan mo rito sa Brunei. Maliban sa tourist attraction ang kalinisan ng daan, ang kawalan ng traffic, ang kapreskohan ng hangin, at ang kaberdehan ng kapaligiran, iisang bagay ang tumawag ng pansin ng mga Bruneiyukis – ang Golden Mosque.

CUT TO:
SANDY: Te! Ang ganda ng Mosque oh!
PAM: Maniwala kayo o hindi, 24 karats yan!
MIGS: 24 karats? Pucha! Kung sa Pilipinas yan, malamang inakyat na yan at inukitan!
CRIS: Parang di naman impressive ang structure. Parang spaceship lang. See oh! Parang lilipad na!
PAM: Nako, balita ko nga, ang Palasyo ng Sultan, puno rin ng ginto. Hindi ko lang sure kung pati loob niyang Mosque na yan eh ginto.
CINDY: Taray! Me kasama pala tayong encyclopedia dito! Winner!
JOHN: Alam niyo, ang ingay niyo. Parang ngayon lang kayo nakakita niyan!
PAM: Bakit, ikaw ba?
JOHN: Been to places. (Note to Self: Past is past, ulol!)

CORRESPONDENT:
Aba! Umpisa pa lang, uma-attitude na ng bongga ang iba! And speaking of bongga, siguradong mag magiging bonggacious ang mga susunod na eksena dahil malalaman na natin kung sino sino ang magsasama sa iisang room! Tara, pasok tayo!

VOICE OVER:
Base sa naging pagdedesisyon ni Divine, ang landlady, heto ang listahan ng magsasama-sama sa bawat kuwarto.

Si Sandy at Cindy sa iisang room sa first floor. Ito ang orange room.

Si John at Migs sa iisang kuwarto sa first floor. Ito naman ang Green Room.

Si Cris at Jack sa iisang kuwarto sa second floor. Ito ang Red Room.

Si Star at Ja ay iisang room sa second floor. Ito ang ang Blue Room.

Si Frances at Pam sa iisang room sa second floor. Ito ang Pink room.

CORRRESPONDENT:
O di ba! Talagang ginawang color coded ang mga kuwarto para madaling ma-track ang ating mga BRUMATES. At ang hindi nila alam, may hidden camera sa bawat room. Ang hidden camera na yan ay all connected sa iisang room ng landlady na si Divine. And speaking of Divine, aba, mukhang isang courtesy call ang ipinatawag nito sa mga BRUMATES matapos ang isang all authentic Bruneian dinner.

DIVINE: Good evening! Welcome to my house. I have simple rules in this house. Maintain the cleanliness of the house. Turn off the lights when not in use. Conserve water. And most especially, you are not allowed to bring someone inside your room. Plus, you are not allowed to bring alcohol and drink inside this house. Whatever damages in the house, your company will pay for it. And if your company doesn’t want to pay the expenses, you have to pay on your own. Understand?

VOICE OVER:
Habang nagsasalita si Divine, halo halo na rin ang naging reaksiyon ng mga BRUMATES lalo na ng banggitin ang rule na bawal maguwi ng sinuman sa staff house, lalo na itong si Cindy.

Cindy: Ang labo naman! Ano bang tingin satin dito, preso? Eh ano namang masama kung magdala ka ng someone sa room mo.
Sandy: For safety purposes naman yon. Kaya may point yung landlady.
Pam: Nako, alam niyo ba, nabasa ko, ang lalake at babaeng mahuhuli sa loob ng room dito sa Brunei, kasal agad.
Frances: Talaga?
Cindy: Nako, nasa nagdadala yan. Eh kung magpapahuli ka, tanga ka!
Star: Basta I know di yan magiging conflict sa amin ni Ja. Di ba?
Ja: Let’s see.
Cindy: Goodluck talaga sa atin!

VOICE OVER:
Sa mga boys naman, iba ang naging usapan sa paglabas ni Divine.

John: Bawal alak dito?
Jack: Bad trip pare di ba.
Cris: Ay hindi niyo ba alam? Islamic country to so bawal ang alak.
Migs: Boys, boys, wag kayo magalala. I’m sure meron dito. Kailangan lang natin hanapin ang mabilhan.
Cris: Oy walang ganyanan. Baka madisgrasya tayo.
John: teka nga Cris, don’t tell me hindi ka umiinom?
Tatango si Cris.
John: Okay lang yan. Ang ayoko lang, yung chu-chu. So kung ayaw mo eh di wag.

COMMERCIAL BREAK 3

CORRESPONDENT:
Sabi nila, only the walls can only be the witness sa emosyon ng isang tao once na pumasok na siya sa kanyang room. At ngayong unang gabi ng ating mga BRUNEIYUKIS, alamin natin kung sino ang tatamaan ng homesickness.
VOICE OVER:
Sa kuwarto nina Star at Ja, halos hindi mapakali si Ja sa paglalagay ng kanyang mga old glamour shots sa dingding.

Ja: Ang dami mo namang dalang picture.
Star: Hindi mo alam?
Ja: Ang alin?
Star: Dati akong child star. I was a part of Ang TV.
Ja: Stir?
Star: Hindi ako nagbibiro noh. See.
Ibabato ni Star ang album kay Ja. Titingnan ni Ja ang album.
Star: Ayan, nagendorse ako ng Mirinda. Eto naman endorsement ko ng yoyo. Pati nga cheetos at ano ba yon, merengue inendorse ko. At eto, christmas special, nagendorse ako ng Johnson’s baby powder.
Ja: Eh ba’t ka pa umalis ng Pinas?
Star: Alam mo naman ang showbusiness. Child star ako. Nalaos ng tumagal. Buti na lang after college, nakahanap ako work sa isang advertising agency. Kaya heto. Eh ikaw, ano ba yang kanina mo pa tinitingnan sa laptop mo?
Magugulat si Star. Puros hubad na babae ang nasa laptop ni Ja.
Star: Tomboy ka?

CUT TO:

VOICE OVER:
Oops, relaks Star! Dalawang taon rin kayong magsasama ni Ja! Kung nagulat si Star, ito namang si Migs, sa halip na gulatin sa John sa kanyang talent, siya ang nagulat sa sikreto ni John.

John: Musikero ka?
Migs: Raket lang. Gig ganyan.
John: Sample naman.
Tutugtog si John ng isang rock love song. Biglang sa sobrang pagka-excited, mapapasipa. Masisipa niya ang itim na bag ni John. Bubukas. Bubulaga ang napakaraming pera at ilang alahas.
Silence.

VOICE OVER:
Aba! Pano kaya naipasok ni Migs sa aiport ang sangkaterbang pera at alahas? Naku Migs, mukhang nasabak ka sa kakaibang gimik nitong si John. And speaking of sabak, halos sabik na sabik naman itong si Pam sa kanyang gabi. Oo, sabik na sabik matawagan ang kanyang mga naiwang anak.

Pam: Pano ba ako makakakuha ng roaming?
Frances: Bukas na siguro. Patulong tayo sa opisina.
Pam: Lam mo, kanina ko pa pansin, parang may sakit ka. Masama ba pakiramdam mo?
Frances: Pagod lang siguro ako sa biyahe.
Pam: Sige magpahinga na tayo.
Biglang hahagulgol si Frances.
Pam: Oh anong problema?
Frances: Pagod na pagod na ako.
Habang umiiyak, biglang tatawa si Frances.
Pam: Okay ka lang?
Frances: Oo naman. Malaya na ako eh.
Lalabas ng kuwarto si Frances at didiretso sa kubeta.

VOICE OVER:
Nakakaloka! Itong si Frances, unang gabi pa lang, mukhang naloka na! Pero wait and see na lang tayo sa mga susunod pang eksena. Siguradong dapat natin siyang abangan. And speaking of abangan, itong si Cindy, halos hindi na makapagabang sa dapat niyang isuot sa unang araw sa trabaho!

Sandy: Baka mapulmonya ka niyan sa isusuot mo?
Cindy: Sanay ako sa ganito.
Sandy: Baka masita ka naman ni Madam Love.
Cindy: Nako! Tigilan mo nga ako! Basta isusuot ko ang gusto kong isuot.
Sandy: Uy maghulos dili ka. Baka masita ka ng mga pulis. Islamic country to noh. Balot ang mga tao.
Cindy: Pakialam ko naman sa kanila. Isa pa, hindi naman ako Muslim. Teka nga, bakit ikaw, ano bang balak mong isuot?
Ilalabas ni Sandy ang kanyang isusuot.
Cindy: Saan ang Sta Cruzan? Sino ang nagsabing mag-gown ka?
Sandy: Ako! At heto, may sash pa yan!
Iirap si Cindy.

VOICE OVER:
Aba Sandy and Cindy, baka gawin niyong runway ang Bee Advertising sa showdown niyo ng mga outfits. Siguradong that will create an impression kay Madam Love. Ooops! Kung ang iba ay gumagawa na ng impression sa kani-kanilang mga kasama, itong sina Cris at Jack, balot ng katahimikan. Pero kung inaakala niyong hanggang camera lang namin puedeng i-capture ang emosyon ng mga BRUMATES, meron din kaming device to detect kung ano ang nasa isip ng isang BRUMATE. Let’s test it on Cris and Jack.

Nakaupo si Cris sa upuan habang nakaharap sa vanity mirror.
Cris: (Sa sarili) Parang cute tong kasama ko. Tahimik nga lang. Parang, love ko na siya. Cute ng eyes niya. Shet! Pero not now. Mahirap na. Islamic country to. Baka madisgrasya ang kabaklaan ko. I should be discreet. Oh well. Actually, mas type ko yung John kanina kahit binara ako. Gusto ko yung ganon. Mejo bastos.

Nakaupo si Jack sa kanyang kama. Nakikinig sa iPod.
Jack: (Sa Sarili). Hanggang kailangan ko maitatago ang katotohanan. Panong gagawin nila pag nalaman nila ang sikreto ko. Anong sasabihin nila pag nalaman nilang, isa akong manananggal.

Tatayo si Jack. Lalabas ng kuwarto.

Maririnig ang isang napakalakas na MEOW ni GARFIELD.

NEXT WEEK:

VOICE OVER: Ang paghaharap ng dating child star at gustong maging star!

Sa Kusina.
Star: Bastos ka Cindy!
Cindy: Ows talaga? Sana tinitigilan mo yang Star Complex mo!

VOICE OVER: Is Madam Love ready to spread some real love?
Sa Bee Advertising
Madam Love: I like you Migs. I really like you.

VOICER: At ano ang ikinagulat nina Sandy at Pam?
Sa Third Floor
Takot ang mukha ni Sandy.
Sandy: Si Jack. Si Jack.
Pam: Anong nangyari Sandy?
Bubuksan ni Sandy at Pam ang pinto ng silid. Sisigaw ang dalawa.

VOICE OVER: Lahat ng yan, abangan sa susunod ng pagsabog ng mga kuwento at intriga sa bahay ng mga Bruneiyukis!

PBB LOGO.

8 comments:

  1. Earvs, bakit hindi ka sumali sa nanowrimo this year? Sayang! Pwede kang ma publish sana if natapo mo yung 50k word mark.

    ReplyDelete
  2. Apes! Nako hindi ko pa nachecheck yang nanowrimo! Sige nga't subukan! Salamat sa pagbabasa! hehehe! Seeeeee you soon! Lapit na me bakasyones!=)

    Abangan mo ang iba pang episodes, maraming pasabog! =)

    ReplyDelete
  3. Hehehe. Baka too late na for this year. Join ka na lang sa Nov 2010.

    I attempted. But mental block na ako sa kwento after 2,000 words! hahaha.

    ReplyDelete
  4. Go Apes! Sali tayo! Kailangan ng magisip ng stories!go go go tayo!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. Hahaha. Kasalanan ko rin because I didn't make a story outline first.

    I'm an official participant this year. But I don't think I'll finish the 50 thousand-word mark kasi andami kong pinagkakaabalahan!

    ReplyDelete
  6. Wow Apes! Hindi mo na ba kayang tapusin? Sayang!!!!!!!!! Di bale next time sali tayo! Exciting yan! Miss you! See you soon! =)

    ReplyDelete
  7. Thanks Jel! Abangan ang Episode 3! Maloloka ka! hahaha!

    ReplyDelete

ShareThis