Monday, December 21, 2009

EXPLOSIVE ENCOUNTER: Earvs' 10 Days Vacation in The Philippines!

Gaaaaawd! It’s been a long time since I updated my blog. I have to end this hiatus. Kaya naman bilang isang madaldal na nilalang at feeling celebrity, okay, I have a responsibility to my readers na i-update ang aking blogilicious. Ang blogserye? Well, I haven’t updated it because I’m so tied up with school, work and bakasyones. And speaking of Bakasyones, readying ready na ako magshare ng aking memorable experience sa Pinas this December. To be exact, I was in the Philippines from 10 December until the 20th. Bitin ba? For me, sulit na yan.


Now, simulan na natin! This is gonna be long! Patience is a virtue.


4:45 PM, 10 December 2009


Before I left Brunei, nagbrownout. Nangangarag pa ako sa pagbalot ng pasalubong ng sumabay ng brownout. Buti na lang, I’m almost done na rin. Tandang tanda ko pa, I was watching a copy of GLEE.


Mejo late akong nakaalis sa bahay. I have to wait for Zidie, our office assistant at ang maghahatid sa akin sa airport.


Dumating siya at almost 7 pm. Mejo natakot langako kasi I don’t want to be late. Buti na lang, malapit lang ang airport at walang traffic.Around 7 pm, kumakain nkami ng dinner ni Zidie sa Airport.


Siempre, treat ko na siya sa paghatid sa akin.


Ang catch. By 8:30 nagtataka ako. Bakit hindi pa boarding. Kaloka. Ako na lang pala hinihintay. No one can blame me. Hindi ko alam na kapag walang numero ang boarding gate, ibig sabihin gate 1. Eh di siempre, mega basa pa ako ng libro while waiting, Yun pala, ako na lang ang hinihintay. Buti na lang nagtanong ako kundi naiwan pa ako!


Sa eroplano. I was so sleepy. Iba ang feeling kumpara ng una kong uwi. Although excited ako, feeling ko nitong latest kong uwi, maayos at hindi ko kailangang maghabol ng oras at tao. I was so relaxed, seriously. In fact sa sobrang relaxed ko, naburyong pa ako sa flight. Di naman ako makatulog. Lutang ang feeling.

When I arrived sa NAIA, bongga na talaga smile ko. Super laki. And it even got bigger when I saw my family. Saya saya! Iba talaga ang feeling. Walang katulad. Priceless ika nga ng Visa.

Siempre, sa airport pa lang, pictorial na. Then after ng picture picture, on our way home, aba, daan muna sa Baliwag Chicken at Lechon para bumili ng midnight snack. Documentation was done by Stacey! Ganda ng cam! =)

Pagdating sa bahay. Kainan to the max talaga. Bongga pa, mejo nanibago ako sa house dahil pinarenovate na ni Papa an gaming kusina. Mas maluwag na at mas malinis. Pati ang mga broken tiles,ayos na rin!


Pagpasok ko sa room ko, aba si Manang, bumingo.Bumingo dahil malinis at mabango ang aking kuwarto! Walang alikabok!


Siempre unang gabi, di muna natulog. Kainan muna.


Tuwang tuwa ako dahil ramdam talaga ang Pasko. We have our Christmas Tree at some Christmas lights. Mejo malamig na rin. =)


11 December 2009, Friday

Pagputok ng araw, aba, sugod agad kami sa SM Fairview. Yes. Napagupit agad ako sa Bench Fix. Grabeh. Stylish ang cut at mura compared sa Brunei na mejo kamahalan. Actually,mahal talaga. Almost 390 pesos ang isang haircut dito compared sa 185 ng Bench Fix.


After my haircut, siempre simula na ng shopping spree. Ikot muna sa Annex at basement ng SM. Ganda! Then nung nagutom, kumain kami ng mini burger! After, go na kami sa grocery para sa sangkaterbang chocolates na pambigay. Buy rin kami ng ingredients for the Carbonara na gagawin ng kapatid ko. Mega buy din ako ng wine na pambigay. At that point, ramdam ko talaga ang Pasko. Super it’s been a year na talaga. Imagine, magbibigay ng regalo! Happy!


Then after ng pamimili na bonggang bongga ang gastusan na sumabay sa impressive na pagbabago ng SM Fairview (ganda ng annex at ang basement), siempre uwi na dahil may meeting pa ako with Elmi for my brother’s wedding the next day.


In the afternoon, umulan. Buti na lang sinamahan ako ng tatay ko at ng kuya ko sa Mcdo Q.Ave para sa meeting. Meeting. Meeting. Updates. After ng meeting, umuwi na kami. On our way home, nilalantakan ko ang Oreo Sundae na me halong coffee something. Promise, wala niyan sa Brunei. At ang traffic sa Q. Ave, bongga! Saya saya! Hahaha!


Okay. First impression sa traffic, well, understandable naman. Magpapasko eh.


Pagdating sa Lagro, nagpaiwan ako sa SM Fairview. Siempre, namili na rin ako ng mga stuffs na dadalhin sa Brunei. In short, bongga na naman ang gastusan. Pero this time, kontrolado na. Me list lang talaga ako ng bibilhin, or dapat bilhin. Happy coz I was able to follow that.


Ang masasabi ko lang. Feeling ko wala ako sa Fairview when I was in SM. Ang laki talaga ng pinagbago. Naging sosyal ang SM. Seriously, bongga siya. At ang bilis ng pagbabago. Unlike Brunei,susme, kahit siguro umalis ako rito at bumalik after 10 years, same same same!


Maaga kaming natulog that night. But during dinner, super saya ng food. We had ginataang isda and some Ukoy – yung isdang binalutan ng harina at prinito. Super sarap, yan lang ang masasabi ko.


Nung gabi, mukha akong tanga habang nanunood ng TV. Dahil walang TFC at Pinoy TV sa Brunei, nako, di ko kilala ang mga artista sa TV! Mega tanong talaga ako sa kapatid ko! Tinatawanan pa nila ako take note!


12 December 2009, Saturday


It’s my brother’s wedding. Siempre maaga kami gumising. Breakfast then bihis na agad. Excited talaga dahil unang wedding in my family! =)

We wore our Barong at black pants. Sagot ni itay ang mga kasuotan na I heard eh ginastusan daw. Bongga naman talaga kasi. Onesimus. =)


By 1:00, we were already in the church. Sa UST Church. Ganda ng simbahan. Ramdam mo rin ang Pasko spirit. Me mga parol!

During the entourage, mejo naluha ako. Maliban sa sobrang dramatic ng song na kinanta ng choir ni kuya, ang Mary Immaculate Choir, naluha ako dahil naalala ko talaga si Mama. Kung buhay sana siya, she will be very proud at happy. Ramdam ko talaga.


Marami pang moments na mejo naluha ako during the ceremony. Iba ang feeling. Tears of joy. Halo halo talaga. Sobrang saya. Overwhelmed.


Then after ng ceremony at pictorial, fly na ako agad with Carlyn and Elms sa Aberdeen Court. Siempre, kailangan mauna kami don. Kami ni Carlyn ang host.


Maya maya pa, simula na ng program. Super saya.Ako naman, enjoy din sa paghohost. Bad trip lang ang sound system dahil magulo. Mega feedback. Napagsabihan ko pa tuloy ang nag-co-control.


Ipinalabas din ang surprise AVP na ginawa ko for kuya and ate Ameng. Parang the buzz. Siempre, talagang for the love eh pinagpuyatan ko yan dito sa Brunei. Pero sayang, me isa pang AVP na ginawa ni Carlyn, hindi nag-play.Waaaaah! Ang ganda pa man din (napanuod naming nung 18 December 2009, sa house namin). Here's my AVP. Enjoy! Click here! =)


Right after the program, siempre, go na ang lahat sa aming house for a part 2 ng kainan. Yan, me kain kami ng food from the wedding. Then meron ding Baliwag, brownies, pansit palabok, at kung anu ano pa!


Siguro, pasado 3 am na kami natulog sa kaka-kain at kuwentuhan. Sama mo pa ang pictorial.


13 December, Linggo

The next day, nagsimba kami. Ang iba naming pinsan, umuwi na rin. Babalik na lang sa 19 for our Family Christmas party.


Shopping na naman ang araw na ito. Then sa gabi,mineet ko sina Jhen at Ed. Kasama pa ang napaka-cute at bibbong bagets ni Jhen, si Trisha. Sobrang tuwang tuwa ako sa batang ito. Natawa talaga ako Jhen sa parts of the body! Grabeh na! =)


We ate at Pancake House then after pictorial sa SM Fairview, don sa mga Christmas exhibition.

After namin, dumating naman ang family ko. Kainan na naman. We ate at Subarru. Yiheeees.

Finally, ang baked sitti, dumampi na naman sa aking dila. Susme. Busog talaga ako. Super busog na busog.


14 December, Lunes


Hindi makukumpleto ang uwi ko sa Pilipinas pag hindi ako magagawi sa Divisoria. Bongga talaga. Sa kabila ng siksikan dahil sa Christmas Rush, enjoy pa rin talaga. Kakaiba pa dahil kasama ko tatay ko na feeling ko mas napagod pa ako sa kesa kanya! Sanay kasi yon sa lakaran eh!


Then sa gabi, kahit maghapon na kami sa 168, talagang pumunta pa kami ng pinsan ko sa tiangge ng Nova Mall. Shop shop shop na naman!


Ang saya saya ko kasi super nakapamili ako ng mga gift items. Ang sarap ng feeling ng namimili ka then iniisip mo yung mga taong pagbibigyan mo. Kahit simple lang ang regalo at least naalala mo sila. Eh di ba, yan naman talaga ang essence ng gift giving. Wala sa mahal ng item kundi sa fact na naalala mo ang isang tao.


Buy na rin ako ng accessories at ilang damit. Aba, patok na patok ang makabayan themed na shirts ha. Yung one coloured shirt na may mapa ng Pinas! Wagi!


Pansin ko rin na yellow at purple ang colour ng taon. Dami talaga!


Hindi talaga ako napagod sa lakwatsa! Sulitin ang bakasyon, yan ang motto ko!


15 December, Martes


Pagpatak ng Martes, tinuldukan ko na ang pain na nararamdaman ko when I was in Brunei.

Nagpa-check up ako sa FEU. Kasi nga di ba, me UTI daw ako sabi ng doctor dito sa Brunei.

Nagpa-check up ako sa isang Urologist, ang doctor na nagspecialize sa male sex organ. At yon, he recommended some tests.


Seriously, nagging anxious ako sa araw na ito. Sabihan ba naman akong kung may makitang stones sa kidney or bladder ko eh hindi ako makaalis ng linggo dahil kailangan daw i-laser ang stones. Scary di ba.


Thankfully nung gabi dumating si April, ang aking highschool batchmate.


Kainan na naman. Carbonara with puto, cake and polvoron.


Siempre chikahan kami sa kanyang upcoming wedding! As a gift, I gave her a bottle of wine.


16 December, Miyerkules


Unang araw ng simbang gabi and I had my share of it. Happy. Kasama ko mga kapatid ko at pinsan. After the mass, balak ko bumili ng puto bumbong at bibingka. Kaya lang sa dami ng tao at antok ko, dineadma ko ang pagkain.


By 10 AM, sugod ako with my brother sa FEU for my medical. After an hour, tapos na ang tests.


Siempre, sugod naman kami sa SM Fairview para sa umaatikabong kainan at gastusan? hahaha!


Una, kainan sa Chicken Inasal. Shet. Ang sarap!!!! Panalo yung chicken at sauce sa rice. Panalo din ang buko juice. Sa sarap ng food, napa-extra rice ako!


Then after, lakad kami for some shopping.


Nung napagod, hala kain na naman. Panalo ang Crepes and Creams. Ang sarap nung oreo banana ice cream.


Pagkatapos ng kainan at shopping, uwi na sa house.


At night, dumating si Agatha. Kainan at kuwentuhan na naman.


Pero ang bongga, may dalang regalo si Agatha! Guess what? Ang puto bumbong at bibingka na kinatatakaman ko! Yummy grabeh!


17 December, Huwebes

Lumabas na ang resulta ng aking test. Clear ang aking Kidneys at Bladder. End up, muscle pain lang pala. Weeeeener! So binigyan lang ako ng pain killer.


In the afternoon, I went to UP para bisitahin at regaluhan ang aking professor na super close ko at super nagbigay ng recommendation for my postgraduate studies application.


After ng aming short na pagkikita dahil busy si Mam sa Christmas Party ng UP CMC, diretso ako sa CAL Alumni Homecoming. Bongga! Ang mga dating professor ko eh nakita ko na naman! At mas bongga, ang block mate ko na si Ate Eileen eh nakita kong muli! Isang babaeng asensado! =)



After (siempre busy di ba ang sked), fly naman ako ng trinoma to meet college buddies Jho and Ivy. The usual, kainan na naman sa super bowl with matching pictorial.


Then sugod kami sa bahay ni soon-to-be-mom Joy Anne! Grabeh parang college lang. Mega tawanan, kuwentuhan at pictorial. Aba! Pati mommy ni Joy, game sa amin sa pictorial!


18 December, Biyernes


This day, I had to do a school requirement. Bumisita ako sa radio station. Thankfully, ang bongga kong friend na si Leez eh isang DJ kaya walang kahirap hirap ang pagpasok at pagobserve.

After ng aking radio visit, sugod kami ng SM North para makita ko ang ever-popular na Sky Garden. Kain sa Gerry’s Grill (sisig, kare-kare at binagoongang rice).


Then nagikot kami habang nagkukuwentuhan at nagpipictorial sa kung saan saan. Thanks Leez for the pictures. Buti na lang dala mo cam mo dahil lowbatt ang akin! waaaah!

Nang magutom, aba, kain sa Kitchen of Cakes and Coffee! Kain ng Mango Walnut Torte at ang super yummy na Decadent Cake.


After, lipat naman kami ng Trinoma for more shopping. Mga 4:20, naghiwalay na kami ni Leez at ako’y umuwi na.


Susme, bongga na talaga ang traffic nito.


19 December, Saturday


Maliban sa wedding ni Kuya, isa ito sa mga highlights ng aking bakasyon. Ang biggest party ng aming pamilya (at least nakumpleto di ba). Dumating mga pinsan ko from Laguna, ang pamilya ni Manang, ang Pamilya ni Stacey, si Ate Charmagne nakigulo rin sa amin, at ang aking inaanak na si Keisha with Tita Virgie.

We had menudo, relyenong banugs, lumpiang Shanghai, Carbonara, (Nasi Goreng (Rice), Carbonara, Jalapeno Chicken and Cheese Sticks- made by Stacey’s family) inihaw na tilapia, barbecue, Cake, Laing, Fruit Salad, chocolates, at siempre wine!

Busyng busy ako sa araw na ito. Ni hindi ko naramdaman na babalik na ako ng Brunei. Ang saya saya ko to capture the moments with my old video cam (na dinala ko dito Brunei for a documentary na gagawin ko). Siempre i-play ko na lang ang video sa Pasko para mafeel kong kasama ko sila. Bawal umiyak! hahaha!


Nagpa-raffle din ako. Sobrang saya dahil ang ingay talaga at ang gulo gulo. Bongga rin ang gift giving! Dami kong natanggap na regalo! feeling ko, magexcess baggage talaga! Yang cupcakes, regalo ni Stacey sa akin! Sarap! At sa ganda parang ayaw kong kainin! hahaha! =)


On the side, kantahan kami sa magic sing. Lahat kumanta! Good!

Nang matapos ang party, habang patuloy kami sa paglamon, nagsimula na rin akong magempake. Kakalungkot man, mas nangibabaw pa rin ang happiness na nafeel ko. Sobrang happy talaga.


20 December, Sunday


Nagsimba ako ng magisa dahil tulog pa ang mga tao sa house. Maliban sa napuyat on last night’s party, nagsimbang gabi rin sila.


Habang nasa simbahan ako, naluha ako especially nung kinanta yung ama namin. Mejo nalungkot ako kasi here I go again, aalis na naman ng Pilipinas at iiwan ang aking mahal na Pamilya at frien. But on the positive side, inisip ko lang, at least isa itong hakbang para mas matuto pa ako sa buhay, makaipon at makapagtayo ng magandang future for myself and for my family.


After the mass, ramdam ko ang galaw ng mga tao na talagang Pasko na. Anong ibig sabihin? Lahat sila, nagmamadali. Ito na nga talaga ang wave ng Christmas Rush.


After mass, sugod ako sa SM Fairview which is five minutes away lang naman sa aming house.


There, shop ako ng mga items na hindi ko pa nabibili. Priority ko dyan eh ang contact lens drops, some gifts for friends sa Brunei, at some wires for editing.


To cap off my last hurrah sa SM, I bought a dozen of Krispy Kremes Doughnut. Buy talaga ako ng friendster doughnut na lagi kong tinitingnan pag nag-s-sm kami!


Pagdating sa house namin, we had our lunch. The typical lunch ng pinoy after a party – ang ihahain eh mga sobrang pagkain sa party! Susme, ang dami! Me menudo, relyenong bangus, lumpia, isda, at kung anu ano pa. Then for dessert, me cake, salad, chocolates at kung anu ano pa. kakaloka lang dahil kahit busog na kami, talagang kain pa talaga kami ng dala kong Krispy Kremes Doughnut! End up, BUSOG!


Unti unti, umalis na rin ang mga pinsan namin sa house. Hinatid naming sila sa sakayan. Hugs hugs. Kisses. Babay.


Then paguwi ng bahay, nagayos na rin ang gamit. At habang nagaayos eh sabay din ang pagkain ng mga desserts.


By 6, umalis na kami papuntang airport. Todo kuwentuhan sa loob ng sasakyan.

Kakatuwa dahil hindi masyadong traffic. At dahil dyan, since early kami,my family and I had a chance to enjoy our dinner at Shakeys. Kuwentuhan, tawanan at siempre kainan. Nakakamiss sobra.



By 9 pm. I was already in the airport. Check in. After lumabas ulit ako coz I have to give the extra pesos I have kay Papa. Aanhin ko naman ang peso currency di ba so might as well ibigay na lang. Yung ibang pesos ko, niregalo ko sa mga nag-a-assist sa airport. =)


By 10, waiting na ako sa pagboard. Ang catch, delayed ang flight. Dahil daw yan sa bad weather condition sa Brunei.


Guess what, ang expected na 12:30 na arrival ko sa Brunei eh naging 2:30 AM. As expected, bangag na ako at wala ng energy!


Dahil dyan, nagpalate ako sa opisina. Super sakit ng ulo ko sa pagod. Pagoda tragedy talaga.


PAGKATAPOS…


I’m sooo happy after what I experienced sa Pinas. Last year, I was in Brunei during the holiday season. Although na-enjoy ko naman because we were in Malaysia, iba pa rin talaga pag kasama mo family mo. May puso. May tunay na pagmamahal. May pagaaruga. Tunay.


Kahit na sabihing mejo bitin ang bakasyon ko dahil umalis ako 4 days before Christmas, for me, sulit na rin. Sabi nga nila, the essence of Christmas eh hindi ang gift giving o bonggang kainan kundi ang pagsasama ng bawat isa – yung saya, tawanan, at kuwentuhan.


On the side, Napaisip rin ako ako. Ibang klase ang Pinoy. Marunong bumangon sa kabila ng mga unos sa buhay. At masayahin! Kakamiss talaga! Dahil diyan, love na love ko ang ABS-CBN's Bro, Ikaw ang Star ng Pasko!


Sa totoo lang, mejo hindi ko na gustong bumalik ng Brunei lalo na ng umuwi ako ng Pinas. Tatanungin mo ako. Sira ka ba. Anong gagawin mo sa Pinas. Kikitain mo ba ang kinikita mo sa Brunei dito sa Pinas. Yan ang ilang katanungan. Totoo rin naman. Basta sa akin, siguro, ang isang bagay na nagpapalakas sa akin eh ang reyalidad na mabuti at nakakaipon sa ibang bansa bilang paghahanda sa magandang kinabukasan. Isa pa, I also look at my co-curricular activities as exposure ng talent ko – mula pagkanta hanggang paghohost ng event. For me, big break talaga ang mga oportunidad na ito. Sana ang eh matupad ang wish ko na maitayo ko ang Pinoy radio dito sa Brunei para mapasaya naman ang mga Pinoy. Hello, wala kaya kaming TFC or Pinoy TV dito.


Ngayong I’m back in Brunei, ready na ulit akong makibaka at makipagsapalaran. Readying na ready na ako. Gosh, kailangan ko pang maghabol sa aking postgraduate studies. Grabedad ang submission.


Happy lang ako coz I learn a lot from school at real life. Now, back to reality na ulit. Balik Brunei.But if there's anything na I'm so thankful ke Lord, yan eh having my family and friends with me. I'm so blessed. Thank you very much Lord.


Sa mga hindi ko nameet, bawi ako sa April 2010! =)


Mabuhay. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Mahal ko kayo! =)


PS: Thank you Stacey for the capturing all the moments! Panalo ang DSLR mo! =)


2 comments:

  1. Ang saya naman ng vacation mo earvs! at talaga namang nainggit ako sayo at puros kain at shopping ang ginawa mo - bongga! :p

    -Rach

    ReplyDelete
  2. Rach! Naku sobrang sinulit ko talaga! Di bale paguwi mo I'm sure yan din gawin mo! Enjoy mo yan! Grabeh iba talaga pag kasama family sobra happy!

    Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! =)

    ReplyDelete

ShareThis