Tuesday, December 29, 2009

EXPLOSIVE ENCOUNTER: Post-Christmas Yebe, Yebah!

Maniniwala ba kayong umulan ng YEBE or SNOW dito sa Brunei? Well, maniwala ka! Maniwalang kang hindi possible ang pagulan ng YEBE or SNOW. However, may kakaibang YEBE ang bumalot sa Brunei this December. =)

In one starry starry night, bago kami tumulak nina Cecil, Aaron and Shiela sa Kiulap mall para manood ng last full show ng "Avatar," sugod muna kami sa NBT's Annual Christmas Exhbiition, isang exhibit na bonggang bonggang open for public at may SNOW theme. Siempre, yours truly eh hindi naman prepared dahil talagang may scarf ako to match the cold evening! Bongga rin ang pictorial!



Bonggga ang Christmas Exhibit ng NBT or TOYOTA. Super laki ng designs at take note, sobrang realistic ng snow effect gamit ang bulak, bubbles at styro. On the side, angat din ang ganda ng giant christmas tree, mga bahay, at ang mga penguins and bears na naglalaro sa snow. Lahat yan eh mga fake stuffs na halos mukhang tunay! Feeling ko tuloy, nasa North Pole na kami! hahahaha! On the side, naalala ko tuloy ang Lantern Parade sa UP.


Siempre, punong puno ng tao ang lugar - mapa-Muslim o Catholic o kung anu pa mang relihiyon. Aaminin ko, halos magkilos bata kami sa excitement nang masabak kami sa lugar. Aba, parang COD lang sa may Cubao ang ganda ng lugar.

Ang kakaiba pa nito, suddenly habang nakikipagsiksikan sa mga tao na gustong magpapicture, feeling ko naging DIVISORIA ang lugar. Ang daming tao, ang init at puno ng kaguluhan pero enjoy! At ang the height, susme, ang init! Mababasa talaga ang leki-leki mo sa init kahit sabihin pang snow themed ang lugar! hahaha!


Akalain mo, ramdam din pala ang Pasko sa Brunei kahit papaano. I think, the exhibiti will run hanggang matapos ang taon. =)
Photos taken by Aaron Ming! Thanks a lot! =)

No comments:

Post a Comment

ShareThis