Wednesday, December 30, 2009

EXPLOSIVE ENCOUNTER: Earvs' YEAR 2009 in Review!

Nahalal si Obama as US President. Recession Blues. MJ Died. Paalam, Cory. Ondoy sa Pinas. Ilan lamang yan sa mga mabibigat na events na in a way eh made an impact sa akin as a Filipino and Bruneiyuki!

Pero sa kabila ng left and right challenges na either brought by man or nature. I can confidently say na 2009 was a great year for me and for my family. Super ang daming nangyaring truly a blessing. And speaking of blessingsssss, allow me to take a walk on memory lane at magreminisce sa mga magagandang things which happened to me.

TALENT KO, RE-DISCOVERED TO THE HIGHEST LEVEL. I can't deny super bongga ang 2009 for me especially on the discovery of my talent. Maliban I hosted some events, I became a semi-finalist of Brunei's Who's Got Talent. Despite the kaguluhan on the results of the competition, I was still blessed dahil an event organizer was able to watch me perform which eventually led to a singing raket in a bridal fair (na ako rin ang host). Dahil diyan, napatunayan ko, sometimes kahit hindi ka manalo, the people will decide kung saan ka dadalhin ng talento mo! Naks! And for that, I thank my family and friends na todo-todo ang suporta sa akin when I joined the competition. Maraming salamat.

RECESSION. Sa kabila ng pagiging mayaman at stable na bansa ng Brunei, di ako nakaligtas sa hagupit ng recession. Binawasan ang working time. Converted na sa holiday ang Overtime. Nagbawas ng tao sa opisina. Nakakatakot. But despite the chaos, God helped me survive. Kahit papaano, kahit nabawasan ang salary ko, pumasok naman ang iba't ibang raket which covered up for the loss. Thank you God for that talaga!
SING IT. As I was mentioning, pumasok ang mga raket. And one of that, isang chinese ang nagrequest sa akin to teach her english songs. Kesho napanuod daw niya ako sa church where I normally sing on Sundays. O di ba, bongga! Sadly, kinancel ko na muna ang class namin because of the load of work in my postgraduate studies. Pero tuloy pa rin ang singing...sa CHURCH! =)

VACATION VAVAVOOM. This is the year when I had my vacation in the Philippines after a year of homesickness, struggles, pangangapa at bonggang pagkayod sa Lupain ni His Majesty Sultan Bolkiah. At dahil sa oportunidad ng 14 days leave with pay, bumongga talaga ang happiness sa puso ko. Imagine, I had (again, not in webcam lang) to be with my family and friends. Super hindi na nga magkasya ang sked ko sa dami ng friends ko na dapat kong i-meet. Sobrang parang nakikipagkarera ako sa araw. Parang kulang ang 24 hours. Ganon ang feeling. Pero kahit saglit lang yan, aba, sulit din naman. Seriously, I was energized after my vacation sa Pinas. Para akong nahimasmasan that truly I am blessed. At siempre, bumilib din ako sa sarili ko. Gosh, isipin niyo, ang tulad kong super close sa family eh nangibang bansa at nagsurvive ng one year. Damn Homesickness, belat, natalo siya! hep hep! I thank God siempre for helping me and guiding me lalo sa mga lonely nights ko. Indeed, prayers help!




BORA. When I had my vacation sa Pilipinas, finally natupad na rin ang aking kagustuhan na makapunta ng BORA. AT mas bongga dahil I'm not alone, kasama ko ang mahal kong pamilya. Super enjoy talaga ang kainan,kuwentuhan, shopping, at siempre ang snorkeling! On top of that, mas bongga ang scary flight namin with Cebu Pacific! hahaha!



SPLASH MOUNTAIN. Isa rin ito sa highlights ng aking vacation sa Pinas last April. Super nagenjoy ako sa kainan, kuwentuhan at siempre ang swimming with matching cam whoring! I soooo love my family!



BLOG, BUMULAGA. Yup. This year eh finally nakagawa na rin ako ng sarili kong Blog. Siempre, hindi lang about personal stuffs ko ang andito, pumatok din ang PBB o Ang Mga Pasabog sa Bahay ng mga Bruneiyuki, isang mala-reality show na nag-e-expose sa buhay ng 10 Bruneiyuki na nakatira sa iisang bahay, na nagbigay ng bonggang bonggang hits sa aking blogilicious! Dahil diyan, maraming salamat for taking time to read. Don't worry guys, once na lumuwag ang sked ko from school and work, I'll be back on writing it!


OH-OH OBAMA. When Obama won, isa lang ang nasabi ko sa sarili ko - finally a CHANGE. Let's hope and support for the best! =)


SOCIAL NETWORKING. Maliban sa na-adik na ako sa Facebook (weird dahil di ko sinubukan ang mga games na kinabaliwan ng halos karamihan), na-adik rin ako sa PLURK at TWITTER. Nakakatuwa lang dahil I met some friends from different parts of the globe dahil sa mga networking sites na yan. And on top of it, na-update ako sa mga events from the Philippines. At least, nabawasan ang homesickness!

SCHOOL IS COOL. Finally, isa rin sa mga katuparan ng aking plan- Ako eh nagbalik eskuwela. But, hindi yung classroom set up type, this time, sinubukan ko ang Online Education. Ibig sabihin, online lahat! With my previous professor's prodding sa akin, I grabbed the opportunity to take an Online Masters Degree. At iyan po ay under UP Open University. From being a student of Master in Media Studies (Broadcasting), I shifted to OU's Master in Development Communication. Aaminin ko, although struggle sa umpisa, unti-unti ko na ring nagustuhan ang program. Hopefully, after kong matapos ang Masters ko, go naman ako Sa Phd (sana sa abroad). Pero sa ngayon, eh mabuti pang mag-concentrate muna ako sa dalawa kong subjects na bongga ang requirements. Imagine, kailangan kong gumawa ng documentary! Oh well, bring it on!
BIRTHDAY BASH. Maliban sa gifts na natanggap ko, greetings from friends (bongga ang facebook), at kainan treats, sobrang iisang bagay ang halos magpaiyak sa akin. Sino ba naman ang hindi ma-to-touch sa mga banners na ginawa ng family ko with all the greetings ng Happy Birthday at inupload sa internet just to greet me. Seriously, ganon ko narealize kung gaano nila ako kamahal. Sobrang panalo ang effort! I soooo love it! Okay, I turned 27 with a 20 years old heart! hahaha!



OH ONDOY! Isa na siguro ang pamiminsala ng super typhoon na Ondoy sa mga ikinagulat ng lahat, hindi lang ng mga Pilipino kung pati ng buong mundo. At siempre ako, gulat na gulat rin. Wala akong kaalam alam dahil super init dito sa Brunei. All of I sudden, when I started reading posts sa facebook at news sa net, shock talaga! But despite the nakapanghihinang bakas na iniwan ni Ondoy, bumilib ako sa pagkakaisa at tibay ng loob ng mga Pilipino. Talagang bumangon. Lumaban. And on my part, talagang gumawa rin ako ng paraan to help my kababayans at ilang close friends. I'm thankful pa rin kay God dahil my family was spared with the flooding.


PAALAM, CORY. Kahit walang TFC or Pinoy TV dito sa Brunei, talagang I made a point na masaksihan anh libing ni Cory. And seriously, kahit oras ng trabaho, umiiyak ako sa upuan ko habang pinapanood ang nakakakilabot at nakakatouch na Eulogy ni Kris Aquino. Parang nagflash back kasi yung araw when I delivered our family Eulogy sa burol ni Mama. Sad truth pero kailangang bumangon at maging strong. At sa araw ng paglibing kay Cory, nasaksihan ko ang pagkakaisa ng Pilipino at ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ngunit handang bumangon. Bahagi na si Cory ng kasaysayan. Wala man ako sa Pinas ng magbukas ang panibagong yugto ng Kasaysayang Pilipino, salamat sa internet at naging parte ako ng unfolding of history sa mumunti kong espasyo sa abroad.

PACMAN. Hindi man ako fan ng Boxing, ang pagkapanalo ni Pacquiao ay nagbigay sa akin ng 101 reasons para ipagmalaki sa mundo na ako ay Pilipino.


MJ, GONE. Love ko ang mga songs ni Michael Jackson. Kaya naman after knowing about his death na gumulat sa buong mundo, sobrang nalungkot din talaga ako. Parang surreal lang ang lahat. But if there's anything na we can learn from MJ's death, yan eh fact na LIFE is SHORT. Kaya naman we should live and enjoy life to the fullest. Believe it or not, the song 'I'll be there" ni MJ was my debut song sa mundo ng pagawit! =)

KASALAN. This year, taon ata ng kasalan. May mga friends ako, kinasal. Sadly, wala naman ako. Eh sina Korina at Mar nga kinasal din. And speaking of Kasalan, aba, ang Kuya ko, kinasal rin. I'm just proud and happy for him. At siempre, mas happy and proud ako dahil ON-THE-WAY na ang aking future pamangkin! =)


VACATION VAVAVOOM PART 2. Hindi ko inaasahan, uuwi ako ng December. Yan eh dahil sa kasal ng aking dearest brother. I was in the Philippines for 10 days. Siempre dahil magpapasko na rin, cinelebrate na namin ng aking family ang Pasko last 19 December. Super enjoy talaga. Umaapaw sa pagkain, kuwentuhan, kantahan at siempre kodakan. Dahil diyan, bongga ang paglusog ko - emotionally at physically. Sobrang thankful talaga ako kay God. Again, God has once again reminded me how blessed I am. Thank you God. Happy rin coz I met some of my friends sa kabila ng napakabusy na schedule.


GOOD TIMES WITH FRIENDS. 2009 was a year of gaining more friends sa akin. Super nagkaroon ako ng maraming friends dito sa Brunei especially sa gym na mostly Filipinos. At dahil diyan, napuno ang taon ko ng GOOD times na nagpalusog sa akin physically and emotionally. How can I forget all the endless kainan and chikahan! Superb! This year din, super bonding ako with friends from College to ABS friends at to work mates! Sooo happy!


SALAMAT BRO. I sooo love ABS-CBN's Station ID song. Sa totoo lang, it perfectly hits the sentiments of the Filipinos lalo na't dumaan ang iba't ibang sakuna. But honestly, totoo ang message ng song. We should be thankful to God for giving us the light at the end of our darkest hours. Salamat at andyan ang pamilya at mga kaibigan which make life worth living. Salamat. Salamat. Salamat.

At ngayong papasok na ang bagong taon, ang 2010, nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako sa aking pamilya who has always been there to support and uplift my spirit; sa aking dumaraming friends sa Pinas and abroad; and most of all, kay God who has always been there to bless, inspire and guide me through. Sa totoo lang, wala na akong mahihiling sa dami ng blessings na binigay niya. Although I can't say my life is perfect now, siguro possibleng perfect na rin dahil I have my family and friends with me. Totoong he's always there for me. Thank you God.

If there's only one wish I can ask for 2010, I think it's having good health for me, my family and friends. I have always believed that health is wealth. And this 2010, to truly enjoy each day, sana everyone is healthy and strong.

Career wise, as of the moment, I'm contented despite the kabawasan sa sahod. Ang priority ko naman kasi right now is to finish my studies for the next two years at makabalik ng Pinas. But then again, no one can say what will happen. Basta, I just lift everything to God. Siya na ang bahala. For now, I'm keeping the positivity.

For 2010, wish ko rin. Sana magka-love life na ako. Oh well. Let's see.

My New Year's Resolution/ Wishes:

1. Exercise!
2. Welcome each morning with a smiling face! Positivity rocks!
3. Less rice, more oats!
4. Balance school and work life!
5. More time with mi familia through chatting!
6. Learn Espanol in Summer.
7. Visit another country with mi familia this year.
8. Save more. Spend less.
9. Share my talent to God.
10. Start my book which I intend to publish soon. Ang Bruneiyuki Book, abangan!
11. Invest on a house and lot. Cross fingers.
12. Eat healthy foods. Less junk and sweets!
13. Read more books. Probably, two to three books a month. Minimum of one every month.
14. Try a massage or spa once in a while.
15. Control spending on DVDs! =)
16. Open a US Dollar Account as per mi Papa! As if may ilalagay sa account! =)
17. Check other career options in either Pinas or other countries
18. Pray harder. Act further
19. Go out on a date? Hahahaha
20. Be more patient
21. Update my blog
22. Forgive and forget
23. Hopefully more singing and hosting rakets
24. Think smart
25. Carpe Diem!

That's it pansit! Happy New Year everyone. 2009 was such a great year! I'm keeping my faith that 2010 will be another good year for me and for everyone! Cheers!

ShareThis