Friday, January 1, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: Welcome 2010!

Two days before magpalit ng taon, everyone was sooo busy for fireworks shopping at grocery for the media noche. In my case, busy rin naman but in an odd case. I was not preparing any stuff for the coming of the New Year. In fact, super busy ako sa pagcomplete ng requirements sa masters class ko. But despite the kangaragan, there were happy moments which made the ushering of 2010 in my life truly sparkling and a blast!

Two days before 1 January 2010, I met the Philippine Ambassador in Brunei, Si Ambassador Alexander Yano. Yan eh dahil I have to interview him sa isang feature article that I'm doing for my postgrad class. Sadly, di ko naman siya nainterview because he has to run sa isang Jail visit in conjunction with the Rizal Day commemoration in Brunei. However, I was still lucky dahil nalaman ko in our short talk na siya ay malayong kamaganak namin. Tama ang aking tatay. Taga-Bikol ang Ambassador! Take note, may I request pa ang Ambassador na papicture kami! kakatuwa! =)
Maybe you're wondering if ano na ang nangyari sa feature article na dapat kong isulat. Well, luckily, sinagutan ni Ambassador Yano ang questionnaires na inemail ko! Galing galing!

Same day, 30 December, ay nagbigay ng Dinner Treat ang aking company sa amin. We ate at the Airport Restaurant. Airport Restaurant dahil nasa Airport!
Obviously, kainan to the highest level na naman dahil buffet! And honestly, sira na naman ang diet ko. Ang dami kong nakain!


Ang aking plato: Punong Puno! =)

The next day, 31 December eh busy pa rin ako. Ang dami pa ring tinatapos sa opisina. Pero siningit ko talaga ang paggawa ng blog ko which has my New Year's Resolution. On the side, I greeted everyone Happy New Year! Then sa gabi, simula na ng preparation sa pagsalubong ng 2010!

First, grocery kami sa Supah Save to buy ingredients for the Steam Boat. Buy ng 13 fruits as pampasuwerte. Buy rin kami ng Cake. At siempre, some fireworks!


Sa gabi, two hours before mag-12. Naku po. Kantahan. Watch a movie with some tawanan. At siempre, pagdating ng 12, putukan na! We had sparklers and one fountain! Saya saya!


During the kainan naman, mas bongga rin! May dalang ham at ice cream (coffee crumble) si Jomai from Pinas. Ayun, sira na naman ang diet! Well, natural na ata talaga na masira ang diet ninuman pag December. I-work out na lang sa January as a New Year's Resolution!


Nawindang lang ako dahil hindi kami nakapagchat ng family ko. Siguro busy na rin. Di rin naman ako nakatawag coz super busy network! Then again, bumawi na lang ako sa pagbati sa kanila the next day!


With all of these good things, talagang nagpapasalamat ako kay God. Malayo man ako sa family ko, I still felt the coming of 2010 extra special.

Happy 2010 everyone! Cheers! =)

No comments:

Post a Comment

ShareThis