Thursday, June 3, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: FACEBOOK 101


Parang kelan lang, patok na patok ang Friendster. In my case, nagsimula akong malulong (parang drugs lang) sa Friendster back in 2003. Well, sino ba naman ang hindi na-adik sa Friendster. Mapa-bata, matanda, bakla, tomboy, tech geek, mangmang sa net, rich kid, jologs, bungal, de pustiso, maniac, conservative at kung sino sino pa eh jump sa Friendster Craze.

Ang pag-po-post ng testament ang dahilan kung bakit karamihan eh nahook sa Friendster. Well, it's not the only reason. Maraming dahilan. Siempre sino ba naman ang hindi ma-e-excite na muling mong makita ang mga ka-batch mo nung elementary at highschool. And on top of that, puede mo ng ma-stalk ang crush mo o kahit ang taong umagaw sa ex mo. Isa pa, parang naging isang malaking interactive live journal ang Friendster. Di mo na kailangan bumisita sa bahay ng kaibigan mo to see what's happening in her or his life. Lahat ng impormasyon, sagap mo na sa pag-fi-finger sa keyboard ng net!

Unfortunately, hindi lahat ng bagay ay nagtatagal. Ang social media ay para ring showbusiness. Sooner, may malalaos at may panibagong star na sisikat. In that case, say goodbye ang lahat sa Friendster ng dumating ang Facebook in 2007. Hindi naman totally na goodbye. Isinantabi lang.

Ang Friendster, bagamat hindi naman totally na inabandona, ay parang isang lumang damit na paminsan minsan na lang na isisusuot. Samantalang ang Facebook, parang isang magarbong outfit for girls at hot girlfriend for boys na dapat iyabang. Yes or no, ang buong mundo ay Fezbukers na!

With that reality, I have listed ang TOP 50 possible reasons kung bakit nag-fa-facebook ang isang tao. Handa ka na? Simulan na natin.

1. KONEKTADO KA. True ang kasabihang no man is an Island. Sa konteksto ng Facebook, no man has no Facebook. Lahat naman siempre ay gustong maging bahagi ng social circle. At dahil nabubuhay na tayo sa digital age na lahat ng gadgets ay paliit ng paliit at lahat ay puede ng i-touch (maliban sa katawan ng katabi mo na hindi mo naman kakilala), ang social circle ay binigyan ng bagong pakahulugan ng social media. Bilang isang social network, kinokonek ng Facebook ang isang indibidwal hindi lamang sa kanyang mumunting komunidad na lokal, kundi pang-international pa!

2. USO. Selling like a hot pancakes ang drama ng Facebook ng isinilang ito sa mundo ng World Wide Web. Dahil sa bentahe nito, naging patok at uso ito sa mga users. At dahil taglay nito ang image ng pagiging young, hip at funky, lahat ng nagaambisyon na maging young, hip at funky ay nag-Facebook. Siempre, sino ba namang ang gustong ma-outcast sa isang usapan lalo na kung usapang Facebook. Para lang yang pagbili ng Havaianas, iPhone, at kung anu ano pang big brands na nagsusumigaw at nagbibigay sa consumer ng nosyon na "I have the purchasing power." Ang Facebook ay parang isang Korona, isang birtwal na kapangyarihan sa naghahangad na maging cool at funky.

3. SHOUT IT OUT! Ang shout out ang isa sa mga advantage ng Facebook. Hindi gaya ng blog na mahaba, sa simpleng shout out, masasabi mo na ang gusto mong sabihin in a particular time or day. In fact, mas nakapadagdag pa ang interactivity sa Facebook kung saan ang mga kaibigan mo ay puedeng magcomment. At kahit sa simpleng pag-like sa isang post, napaparamdam mo sa iyong kaibigan ang iyong suporta. It's like a pat in the back of a friend na maaring nalulungkot o naliligayahan.

4. PICTURE PICTURE. Aminin na natin, adik tayong mga Pinoy sa pagpapa-picture. Kilala bilang masiyahing lahi at may pagkiling sa pamilya, gusto natin ipagsigawan sa mundo ang katotohanang iyan. At ang ebidensya, picture. Sa pamamagitan ng Facebook, naipapakita mo sa iyong mga kaibigan ang mga lugar na napupuntahan from local to overseas; naipapakita mo ang mga celebrations sa iyong buhay from birthdays, kasal, at kung anu ano; naibabahagi mo uri ng lifestyle na meron ka - simple, traveler, adventurous, busy (dahil wala kang pinopost sa pagkabusy mo), party goer, easy-to-get, OFW, jejemon, at kung anu ano pang uri. Hindi ba't kakaiba na dahil sa mga social network, di mo na kailangan dayuhin ang bahay ng kaibigan mo at tumingin ng photo album. Sa Facebook, kahit nasa opisina ka or highway using your phone, kita mo na ang sangkaterbang pictures.

5. LARO. Ang paglalaro na siguro ang isa sa mga pinaka-enjoyable pampalipas oras buhay ng isang tao. Kung noon ay nababaliw na tayo sa larong kalsada na di nagtagal ay nahaluan ng nintendo at naging cellphone games, pumatok ang mga social network games gaya ng Farmville, Mafia Wars, Zombies, Restaurant City, at kung anu ano pang games sa Facebook, dahil maliban sa libre ito, may tema rin ito ng simulation ng reyalidad gaya ng SIMS City. Isipin mo, hindi mo na kailangan pumunta sa bukid at maputikan para magsaka at magpastol ng mga tupa. Hindi mo na rin kailangan matutong humawak ng baril para umasinta ng kalaban at umani ng maraming puntos. Puede ka na rin hangaan ng sinuman sa pagiging isang magiting at highest pointer na zombie. At hindi mo na rin kailangan maglabas ng malaking pera para magtayo ng sarili mong restaurant. At sa kasalukuyan, maaari ka ring magkaroon ng isang Isla ng bonggang bongga. At gamit ang points system, nagbibigay ng sense of achievement ang mga laro sa mga manlalaro nito. Sa paraang birtwal na parangal na makikita sa pagtaas ng level, mas higit na nahuhuli ang kiliti ng manlalaro. Sa mga reyalidad na yan, talaga namang naakit ang mga internet users. Isang matibay na dahilan kung baka napapa-Facebook ang sinuman. Isa pa, isang epektibong pamatay oras ang paglalaro.

6. TAG KITA. Isa sa mga bentahe ng Facebook ay ang kakayahan nito na bigyan ng kapangyarihan ang isang user na i-tag ang sinumang nasa kanyang listahan ng isang picture or notes. Isipin mo na lang, sa isang group picture, puede mo na itong maishare sa mga kaibigan mo by simply tagging them. At kung ikaw naman ay nagnenegosyo, mas mailalako mo ng matindi ang iyong produkto sa iyong mga kaibigan gamit ang tagging interface. At kung gusto mo naman ibahagi ang isang nakakatawa, informative o interesting na impormasyon, tagging din ang makakatulong sa iyo. Sa totoong buhay, ang tagging ay parang pangangalabit sa isang kaibigan. Isang paraan ng pagkiliti sa pisikal at emosyonal na aspeto.

7. VIDEO SHARING. Dahil sa kakayahan ng Facebook na mag-upload ng Video, mas naging mabenta ito sa kasalukuyang panahon. Bilang suporta sa MTV generation, ang Facebook ay lalong nagbigay ng kakayahan sa mga Facebookers upang ibahagi ang mga videos na maaring sumasalamin sa personal na emosyon ng isang indibidwal - maaaring nakakakiliti, nakaka-touch, nakakaiyak, at kung anu ano pa. Ang nakakahumaling pa, maaari ka na ring mag-upload ng sarili mong video o kung anu mang video na humili na kaganapan sa buhay mo o sa buhay ng mga nasa contacts mo. Nakadagdag din sa pagtaas ng popularidad ng Facebook sa Video sharing ang hatid na bentahe ng YouTube at ang pagsilang ng mga YouTube Sensations. At hindi lang yan, binali ng Facebook ang konsepto ng Time and Space. Ang mga episodes ng series o eksena ng lumang Pelikula ay maaari mong muling panoorin ng hindi pumupunta sa isang video library at nagbabayad ng fee. Isipin mo, mapapanuod mo na ulit si Matet sa Halimaw sa banga o di kaya ang mga komersyals noong panahon ni Alice Dixon (halata sa edad). Mas mahuhumaling ka pa sa hatid na banality ng mga indibidwal na nagpapakitang gilas sa ilang videos. Eh kahit nga ang mga napapanuod mo sa telebisyon, nasa internet na rin. Mas bongga pa, puede mo itong ipanuod sa iyong mga kaibigan o kung sinu sino man.

8. ADVOCACY. Dahil sa taglay ng pagiging "current" ng Facebook, nagsilbi na rin itong tagapagbalita. Isipin mo, hindi mo na kailangan bumili ng diyaryo para malaman ang headlines. Sa simpleng usapan ng mga Facebookers, malalaman mo kung ano ang usap-usapan. Napupulsuhan mo pa ang opinyon ng mga kasangkot. At dahil may taglay na kakayahan ang Facebook na lumikha ng "bond" sa mga users nito sa pamamagitan ng interactivity na umiinog, kaya nitong dalhin ang mga users sa ilang advocacy gaya na lamang ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Undoy. Mula sa pagiging isang global na produkto, nagkakaroon ito ng lokal na timpla dahil sa mga gumagamit nito. Gaya na lamang ng mamatay ang dating Pangulong Cory Aquino, nagsilbing isang malaking open banquet ang Facebook upang ipahayag natin ang ating sentimiento. Naging instrumento rin ang Facebook upang ipahayag ng mga pulitiko ang kanilang mga adhikain sa eleksiyon. At para naman sa mga users at botante, nagsilbing isang malaking assessment paper ang Facebook upang mas makilala natin ang ating mga manok sa eleksiyon.

9. GLOBAL. Kung ikaw ay malayo sa iyong pamilya gaya ko, masasabing ang Facebook ay nagsisilbing isang virtual tulay upang manatili kang bahagi ng iyong pamilya. Sa pamamagitan ng Facebook, nalalaman ng iyong mga kaibigan at pamilya ang mga everyday happening sa buhay mo. At dahil binabali ng Facebook o ng Social media ang Time and Space, nagiging isang kaisahan ang local tungo sa global. Totoo ngang, saan ka mang panig ng mundo, basta naka-Facebook ka, malayo man ay malapit rin.

10. CHAT TAYO. Nabubuhay ang tao dahil sa kanyang kakayahan na makipag-interact sa kanyang nasasakupang komunidad. At gaya ng taglay na kapangyarihan ng YM (Yahoo Messenger), ang pagkakaron ng chat interface ng Facebook ay nagluwal ng panibagong excitement para sa mga users nito. Binali ng Facebook ang pagiging monotonous ng mga services or features ng isang social network. Kung baga sa kape, 3 in 1 ang drama. Ang pagkakaron ng chat sa loob ng isang social network ay isang pagsagad sa kumbensiyon ng interactivity. Isipin mo na lang, kahit wala kang YM address ng kaibigan mong matagal mo ng di nakakausap, basta't nasa Facebook mo siya at online, makakausap mo siya. Hindi ba't exciting yon?
Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

ShareThis