Friday, June 4, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: FACEBOOK 101


Maniwala kayo o sa hindi, may mga tao pa ring hindi nag-Fa-Facebook. Oo. Kahit ang buong mundo ay ipinagisa na ng social network na ito, may mga mangilan ngilan ang never pa rin ang hindi sumusubok sa Facebook.

Is there a reason behind that? Here's the TOP 10 reasons na naiisip ko.

1. BUSY BUSYHAN. Wala na sigurong mas bubusy pa sa buhay ng isang langgam. Wala itong ibang ginawa kundi magimbak. Ngunit maniwala kayo o sa hindi, sadyang may mga indibidwal na sadyang reincarnation ng langgam. Sila ang mga indibidwal na rain or shine, hala, busy! Sabi nga nila, maaaring ang mga taong ito ay ihe lang ang pahinga. At dahil sa ganyang kondisyon, hindi nila makuha pang maglaan ng oras sa paggawa ng sariling Facebook. Sa halip na i-Facebook, aba, itutulog na lang. At kung sa isang workaholic, i-ta-trabaho na lang ang oras sa halip na Facebook.

2. NAGTATAGO. Maraming rason kung bakit nagtatago ang isang tao. Una, may utang. Pangalawa, may ginawang krimen or katarantaduhan. Pangatlo, nangangaliwa. Pangapat, tumutuhog ng mga karelasyon. At Panlima, sadyang anti-social. At dahil ang Facebook ay hindi puedeng tagawin na isang social network ng walang dahilan, ang mga nabanggit na karakter ay taliwas sa kaligayahang hatid ng Facebook. Pinakabongga pa, may mga taong hindi nagtatago dahil sila ay sadyang ume-emo.

3. DEVIANT. May mga indibidwal na sadyang laging gusto ang di tradisyunal. At dahil ang Facebook ay isa ng kumbensiyon, para sa isang deviant persona, ang pagsubok sa Facebook ay para na ring pagsukob sa isang kulto. Kaugnay ng anti-social karakter, ang mga deviant ay sadyang china-challenge ang komong nakakahumalingan ng nakararami. At bilang pagpapamalas ng kanilang lakas at presence, higit pa sa haduken ang kaya nilang gawin. Kaya nilang deadmahin ang Facebook. Achieve!

4. MAKA-FRIENDSTER. Aminin na natin, kahit it's soooo laos na ang Friendster, sadyang may mga indibidwal na hindi pa rin nakaka-move on. Hindi rin natin sila masisisi. Love at first sight naman kasi ang Friendster. Aminin mo, masarap balikan ang testimonials ng mga kaibigan mo. At gaya ng isang relasyon, mahirap basta iwan ang first love lalo na't wala namang break-up na nagaganap. Sa konteksto ng relationship, ang Facebook ay nangaakit. Isang sariwang nilalang na head turner. Gayunpaman, sadyang may taglay na gayuma ang Friendster na hindi maiwan ng ilang indibidwal. Ito ay dahil sa Smiling Face ng Friendster na wala sa Never seen na Face ng tinaguriang Facebook.

5. TOO OLD FOR IT! May mga taong sadyang baguhan sa social networking. Sabihan mo lang silang may virus ang computer, lalayuan nila ito sa pagaakalang literal na virus na nakakahawa ang pinagsasabi mo. At sa kontekstong iyan o higit na takot, may mga indibidwal na nalilito sa kompleks at mabilis na galaw ng interactivity sa Facebook. Dahil diyan, imbes na ganahan, inaabandona na ang pagkakataong masubukan ang Facebook. Aminin niyo o hindi, nakakawindang din talaga ang Facebook sa umpisa. Parang left and right na nagsusulputan ang mga elemento. Lahat tayo ay ginagawang schizo!

6. FAR FAR AWAY. May mga lugar pa rin sa iba't ibang panig ng mundo na hindi abot ng teknolohiya. Eh kung elektrisidad at tubig ay wala, pano pa ang mga kompyuter. Sa ganitong aspeto, malinaw na walang pag-Fa-Facebook na magaganap. Isa pa, dahil may kakulangan sa supply ng siyensya at teknolohiya, walang kaalaman sa paggamit ng makinarya.

7. TAKOT. Wala naman akong kakilalang taong takot sa teknolohiya pero possible pa rin. Sila maaari ang mga indibidwal na dahil ayaw makaranas ng panloloko sa internet, nanatiling pribado ang kanilang buhay. Sa halip na magblog, tradisyunal na diary ang kanilang ginagawa. At sa halip na mag-Facebook, gumagawa sila ng scrapbook o isang journal. Hindi rin natin sila masisi sa kanilang pagiging tapat sa tradisyunal at ligtas na uri ng pagpapahayag ng sarili. Gusto lang nila ang simpleng buhay na hindi nai-kakatergoryang "hot" or "cool."

8. SARILING BERSYON. Sa ibang bansa, may sarili silang bersiyon ng Facebook. Gaya na lamang sa China. At yan ay malinaw na aksiyon ng isang bansa bilang counter-action sa isang nakapalaking paghahari sa world wide web gaya ng isang social network- ang Facebook. Kakaiba rin ito dahil eksklusibo ang approach ng kanilang very own social network. Pag di mo alam ang language nila, sorry ka!

9. ANTI. Higit pa sa pagiging deviant na gusto lang deadmahin ang Facebook, ang mga anti ay sadyang may prinsipyo at pagkilos laban sa Facebook. Sila ang mga indibidwal na handang gumastos upang pabagsakin ang Facebook Empire. Pinaglalaruan pa nga nila ang Facebook. Ang Facebook ay nagiging Hatebook. Kung puede nga lang ilagay sa kabaong ang Facebook at literal na ilibing, matagal na nila itong ginawa.
10. PATAY NA. Self explanatory. Nakaka-kilabot naman kung gawan pa ng account ang isang yumao di ba. Masyado ng konek ang mundo at til death do us part ang shout out.

Ikaw, bakit sa tingin mo may mga taong ayaw mag-Facebook? Suggest na!

No comments:

Post a Comment

ShareThis