Thursday, June 17, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: TURNING 28

Ilang oras na lang, mag-be-beinte otso na ako. Kung iisipin mo, dalawang taon na lang ang bibilangin,30 na ako. Ganon kabilis ang panahon. Hindi ko na namamalayan ang oras, araw at taon sa sobrang bilis. Pero para sa akin, sa kabila ng bumubulusok na arangkada ng "life," exciting ang aking buhay.

Hindi ko maiwasan na mag-look back sa nagdaang taon ng aking buhay. Marami ang nangyari na masasabi kong isang blessing. Una, nakapunta ako ng abroad ng hindi inaasahan. Nagsimula ang lahat noong 2008. Pangalawa, hindi ako akalain na heto ako ngayon at kumukuha na ng Masters. Pangarap ko rin kasi talagang makatapos ng Masters at (sana) makakuha ng scholarship abroad. At higit sa lahat, I am simply blessed dahil surrounded ako with my ever supportive family and sangkaterbang friends. Sa sobrang pagka-komportable ko sa buhay, minsan hindi ko na iniisip pang pasukin ang bittersweet taste ng pagkakaroon ng love life.

Ilang oras na lang mag-be-beinte otso na ako. Kanina habang busy ako sa opisina, nagiisip ako ng dapat kong I-wish. Sa totoo lang, ni wala akong maisip na I-wish pa dahil God has given me everything. Pakiramdam ko nga, ako pa ang may utang kay Lord. He has blessed me and my family good healthy. God has always given me strength on my darkest times. At higit sa lahat, hindi nagsasawa si Lord na ambunan ako ng kung anu anong grasya. Minsan nga nagugulat na lang ako, andyan na. Dahil dyan, clueless talaga ako sa dapat kong hilingin.

Sa totoo lang, ang buhay ko ay puno ng surpresa. And God plays a major role sa pang-gu-gulat na yan.; Una, kahit papaano ay na-survive ko ang Buhay OFW; Pangalawa, sa kabila ng pagiging single ko, happy ako at contented sa buhay; Pangatlo, nairaraos ko ang aking mga klase sa graduate school; Pangapat, mas nagiging bonded ang aking pamilya; Panlima, mas dumarami ang aking friends (lalo na sa virtual world dahil sa Open University); Pang-anim, na-di-discover ang talent ko at may mga taong nagtitiwala sa kakayanan ko; At marami pang iba na halos hindi ko na mabilang pa.

Hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang dapat kong I-wish. Okay lang din kayang wag mag wish? Kasi minsan, may mga araw na humihiling din ako. Mga simpleng hiling gaya ng sana malampasan ko ang homesickness; or tipong wag ako magkasakit dahil walang magaalaga sa akin; or sana mapagkasya ko ang budget ko sa isang linggo para maka-kain naman ako sa isang resto; or sana matapos ko na ang sangkaterbang research paper para makapanuod na ako ng Big Bang Theory o kaya ng Chuck. Hay! Marami akong small wishes. Pero ngayong mag-bi-birthday ako, na-me-mental block ako. Siguro nga kasi, hinihintay ko ang moment na mag-blow ng cake.

Ngayong mag-be-beinte otso na ako, higit pa sa hiling, gusto kong magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng aking buhay: sa aking pamilya at malalapit na kaibigan.

Papa, maraming salamat sa walang sawag suporta mo sa akin. Maraming salamat sa pagunawa sa akin at pagpapalakas ng aking loob sa tuwing pagod na pagod ako o kaya ay halos hindi makatulog sa kakaisip ng kung anu ano.

Kay Mama (sa Piling ni Lord). Salamat sa pagtatanim sa aming mga puso na tunay ngang buhay ang Diyos. Salamat rin Mama dahil itinuro mo sa amin ang buhay ng may higit na pagbabahagi at takot sa Diyos.

Kay Jeron. Salamat sa kakulitan mo at sumasaya ako. Salamat din sa pagaayos ng aking laptop. Basta teknikal na bagay, alam na alam mo.

Kay Kuya. Salamat sa mga simpleng pangangamusta sa akin. Hindi mo alam, napakalaki ng nagagawa non para malampasan ko ang tawag ng homesickness.

Kay Ate Charmaine. Salamat sa pagiging bahagi ng aming pamilya. Higit pa sa pagiging mommy ni Baby Gab at Asawa ni Kuya, isa kang mabait na tao.

Kay Stacey. Saludo ako sa pagoorganize mo ng mga budget friendly trips natin. Salamat din sa pag-sha-share ng mga pagkain na puedeng i-discover sa tuwing magbabakasyon ako sa Pinas. At higit pa sa lahat ng yan, salamat dahil ikaw ay kapamilya.

Kay Manang. Sa kabila ng nakakawindang na mood swing, salamat sa pagaasikaso sa amin.

Kay Sheree. Salamat sa mga di malilimutang pagpunta sa Mercury Drug para bumili ng midnight snack kahit halos alas-onse na ng gabi. Salamat din sa updated chika.

Kay Lot. Salamat sa iyong nakaka-alis na pagod na mga pangungulit. Hindi ko makakalimutan ang iyong "posing" sa lahat ng picture natin!

Kay Pinsan Joy. Salamat sa saya na iyong ibinabahagi sa lahat ng ating bonding session. Best wishes sa iyong nalalapit na wedding.

Kay Auntie Susan. Salamat sa pagmamahal at pagturing sa amin bilang mga tunay mong anak. Tinulungan mo kaming maka-ahon sa lungkot ng mawala si Mama.

Kay April/ Apes. Ang aking super friend mula highschool. Salamat at lagi kang andyan para sa mga simpleng chikahan. Salamat din sa pagimbita sa akin sa iyong kasal.

Kay Agatha. Salamat sa iyong tiwala na "buhay na buhay" si Pavarotti sa aking pagkatao.

Kay Ed. Salamat sa mga biruan kasama sina Jhen at Melody. Di ko makakalimutan ang mock weddng.

Kay Jhen. Salamat sa pagkakaibigan na walang kapantay. Mula college, solid tayo nina Ed at Melody. Salamat din sa mga "mwah" at bentang bentang hirit sa ating kita kits.

Kay Melody. Salamat sa iyong presence last time at finally nabuo na tayong Power Four. Cheers sa ating pagkakaibigan.

Sa UP Sikap Peeps. Salamat sa pagtatanim sa aking isipan ang katungkulan na pagsilbihan ang bayan. Sana may reunion na.

Kay Cecil. Maraming salamat sa pagkakaibigan. Hindi ko makakalimutan ang ating bonding dito sa Brunei. Mapakla ang buhay pag wala ang ating chismisan sa kabukiran!

Kay Jomai. Salamat at lagi mong ipinapakita na ang pagiging simple at humble ay nagbubunga ng positibo at more blessings!

Kay Shiels. Salamat sa masasayang kuwentuhan, gym moments at kung anu ano pang "spontaneous" activities.

Kay Leez. Sobrang di ko akalain na magsisimula ang lahat sa Galera. Maraming salamat sa lahat lahat! Hindi ko na masabi rito at baka abutin ako ng siyam siyam.

Kay Peluch. Maraming salamat sa pagdating sa aking buhay. Kayo ni Leez. Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord dahil ipinakilala niya kayo sa akin.

Kay Ces. Salamat sa iyong mga makabagbag damdaming advice. Hindi ko makakalimutan ang iyong flirtatious laughs.

Kay Donya Juana, na ngayon ay yumayaman sa Singapore. Nako Jho, hindi enough ang space to thank you. Sa sobrang tagal ng ating pinagsasamahan, through thick (ako) at thin (ikaw). UP life will never be the same pag wala ka, wala kayo nina Joy at Ivy. Paano ko ba naman makakalimutan ang "parang highschool" lang na emote sa MP class ni Mam Luna! hahaha! At siempre, paano ko ba naman makakalimutan ang devastation na hatid sa iyo ng pagibig! LOL! At siempre, ang bonggang bonggang mga hirit mo pag magkasama tayo! Super salamat! Ano na lang ang Philcoa kung wala si Jollibee at Jho! O bawi na? LOL! Pero seriously, salamats talaga! Friends forever!

Kay Ivy Lou, malapit na kasal mo. Best wishes in advance. Pero higit sa pagbati, maraming salamat sa lahat ng happy at enlightening days! Di ko makakalimutan ang block sessions at kung anu ano pang laktwasa!

At siempre, kay soon-to-be-mom na si sexbomb Joy! Maraming salamat sa pagampon sa amin sa mga production classes at ang ating STS horror short flick! Hindi mo alam, tuwang tuwa ako pag nasa bahay niyo kasi at home talaga! Kakamiss! Higit pa riyan, thank you dahil tinanggap mo ang "dukhang" tulad namin nina Jho! hahaha! Pinakain mo kami at inaruga sa oras ng kaguluhan! LOL! Hay ibang lebel talaga ang bonding natin!

Sa UP. Sa aking edukasyon na nagtutulak sa akin na muling balikan ang Pilipinas at manilbihan.

Sa aking mga OU classmates. Salamat sa saya at pagkatuto sa distance learning.

Sa aking Burning Bush Choir Family sa Pinas at sa COLA Choir dito sa Brunei for inspiring me sing and always serve the lord.

Sa lahat ng aking mga kaibigan. Maraming salamat!

Kay Lord. Sa pagbibigay sa akin ng buhay.

Happy 28th Birthday to myself! Weeeeee!

6 comments:

  1. I never doubted your boundless talent. Tago-tago ko pa dito yung graduation token na binigay mo nung high school pa tayo tsaka yung card na may drawing mo ng Garfield na binigay mo naman noong Grade 6 tayo... kasi noon pa man nakikini-kinita ko na na sisikat ka balang araw at magiging collector's item ang mga yon! BWAHAHAHAHA!!! :D Seriously speaking, I really treasure our friendship. Sana wag mo akong makakalimutan pag busy ka na sa mga international concert tours mo. :)

    ReplyDelete
  2. Agatha!!!!! Nako kala mo ikaw lang me tinago. Ako rin. remember yung cloth na binigay mo sa akin nung birthday ko. Sabi mo, it's a reminder to be always humble. Dala ko yon dito sa Brunei noH! Bongga!

    Salamats sa pagbati ha!Nako hindi kita makakalimutan noh! At saka teka, ikaw ang sisikat hindi ako noh! Winner ka kaya magsulat! The next, news anchor ng siete! Yey!

    Seriously din, chine-cherish ko ang ating friendship. Kita kits ulit next year!

    ReplyDelete
  3. hi.. how does one join the COLA choir?

    ReplyDelete
  4. Hi! You can come on Thursday for the COLA choir practice. See yah!

    ReplyDelete
  5. what time does practice start and which room? thanks for the quick reply!

    ReplyDelete
  6. Welcome! 8 pm, inside the choir. Choir Area. Sayang di tayo magkikita. "LOA" ako sa choir for Feb. Busy sa school paper ko. =)

    ReplyDelete

ShareThis