Tuesday, August 31, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: DAHIL "BER" NA!

Let me take a quick break first. I just need to breathe while doing "6" campaigns! Baka maloka na ako ng major major!

Dahil "ber" na, it is very timely na nararamdaman na ang Pasko sa Pilipinas. Unfortunately dito sa Brunei, ibang Pasko ang lumelebel. The Muslims have their own version. Ang tawag nila diyan ay Hari Raya, isang selebrasyon sa pagtatapos ng buwan ng Berpuasa or Fasting.Gayunpaman, thankful pa rin ako sa Brunei with all its tranquility, security, comfort and grandeur!

Dahil and because September 1 na, let me share to you the "Top 30 Possible Pre-Christmas Thoughts ng Pinoy" Siempre, nilagyan ko rin ng mga crazy choices for your total entertainment. Tara, basa na!

1. ILAN NGA ANG INAANAK KO? Very normal. Sa kulturang pinoy na major major ang family ties at malaki ang pagpapahalaga sa pakikisama, pasok na pasok ang pagiisip kung ilang ang inaanak. Siempre, dapat walang makalimutan at lahat ay maregaluhan. Mahirap na, baka anak pa ng bestfriend mo na inaanak mo ang makalimutan mo!

SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA!
1. Wala akong maalala. I'm suffering sa matinding pagkabagok ng maglinis ako ng kubeta.
2. Magreregalo lang ako sa inaanak ko kung reregaluhan ako ng magulang nila.
3. Pati ba ang aso ng kaibigan ko na sinasabing inaanak ko ay reregaluhan ko?

2. KELAN ANG CHRISTMAS PARTY? Ito ang madalas na usap usapan na opisina o kung saan saan. Siempre, excited ng major major ang mga Pinoy dito. Di lang nagiging get together ito for everyone to relax, pabonggahan din ng outfit. In short, Fashion show!


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Dahil barat si boss, sa opisina na lang ang party. To be exact, sa pantry.
2. Dahil recession pa rin sa pananaw ng opisina, party all night pero salary deduction.
3. Punta na lang lahat ng staff sa bahay ni boss at makicelebrate sa family reunion ni boss.

3. ANO ANG ISUSUOT KO SA CHRISTMAS PARTY? Dahil nga sinasabing pabonggahan, siempre, kabugan ang outfit pag party. Minsan, ang lalake, sa sobrang gustong magpabongga, napagsuot pa ng HILLS! Pak! Eh di move over ang mga girls. Pero seriously, nag-bu-budget talaga ang Pinoy sa isusuot pag Pasko. Siempre, once a year lang ito!



SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. I want attention. Hindi ako aattend sa party.
2. Magpaka-GAGA ako this year. Lady Gaga!
3. Hunk ako this year dahil sa kaka-gym. Mag-oblation run ako sa party!


4. SINO KAYA ANG MAKAKABUNOT SA AKIN SA MONITO-MONITA? Usong uso to nung highschool ako. Siempre, in na in pa rin ito sa mga magbabarkada. May excitement talaga ang bunutan at regaluhan. 

SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Kung crush ko ang nakabunot sa akin, iregalo na lang niya ang sarili niya sa akin
2. Sana mayaman nakabunot sa akin para di towel, vanity kit, mug at picture frame o album ang makuha ko.
3. Sana hindi boss ko nakabunot sa akin. Baka mag-re-recycle lang yon ng regalo na natanggap  niya from other staff or some gifts from clients.

5. ANONG CHRISTMAS SONG ANG PAKIKINGGAN KO? Dahil "ber" na, uso na rin ang pagpapatugtog ng Christmas songs.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Gusto ko retro. "Ikaw ang Star Bro" kaya?
2. Parang bet ko ang mala-hanging boses ni Mariah while I'm heading down sa malamig na Tagaytay.
3. Sana maglabas si Lady Gaga ng Christmas song. Tipong Santa Gaga Album!

6. ANO ANG REGALO KO SA SARILI KO? Aminin na natin, ito ang pinakamahirap gawin. Sa daming considerations, nakakahilo. Siempre, dapat the best gift - eveeeer!


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Necklace na may name ko. Hindi ba ako magkhang pet dog non lalo na pag kasama ko boss ko?
2. Death Insurance. Sobrang lagi akong graveyard eh. Kailangan handa.
3. Starbucks Planner. Hingiin ko na lang don sa friend kong adik sa kape.

7. MAGKANO KAYA ANG BONUS KO THIS YEAR? Much awaited ang release ng bonus. At yan ay nakadepende sa performance mo.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Wala. Dami mong inutang or cash advance. Inaway mo pa ang accountant ng ma-miscalculate ang kulang na "10 pesos" sa sahod mo.
2. Mabangis ka. Di mo sinasagot ang tawag ng kliyente. Nagmura ka pa. So, separation pay na ang binigay sa'yo
3. Bibbo ka. Wala ka ring bonus. Bakit? Sa tindi ng pag-p-PR mo sa opisina, sinasagot mo ang pakain sa meeting. Salary deduction din.

8. KAILANGAN KO NA BANG MAMILI SA DIVISORIA AT 168? The earlier, the better. Panigurado, babaha na naman ng tao sa Divisoria at 168. Kahit di maglakad, maitutulak ka. Sama mo pa ang major major na amoy at ang init na nakakapanlimahid!


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Try mo sa Tutuban.
2. Unahan mo ang tindera sa Divisoria at 168. Mala-american idol dapat ang gagawin mong paghihintay to make your shopping turn.
3. An hour before Christmas. Para super bagsak presyo. Na sa sobrang pangangarag at excitement ng tindera, baka iwan na sa'yo ang binebenta niya. Eh di, bonggang bonggang dami mong nakuha!

9. SHET! TERIBLE NA NAMAN ANG TRAFFIC! What's new? Given na yan. Lahat ata eh lumuluwas ng Maynila at ang iba naman ay naguuwian sa probinsya. Sama mo na rin ang dagsa ng mga OFWs na excited nang makasama ang kanilang pamilya. On top of that, lahat eh ngarag sa pamimili!


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Wag lumabas ng bahay. Abangang matapos ang Pasko. Parang bagyo lang. Huhupa din ang lahat.
2. Dalhin ang mga regalo sa loob ng MRT o sasakyan. Don na magbalot ng regalo para walang oras na nasasayang.
3. Magbiyahe na sa oras ng simbang gabi. Walang traffic dahil lahat ng Pinoy ay nasa simbahan. Makinig na lang sa radyo ng misa.

10. SAAN KAYA MAKAKABILI NG HAM AT KESO DE BOLA NA MURA?

SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Simulan na ngayon ang pagpapatayo ng farm. I-apply ang natutunan sa larong Farmville.
2. Abangan ang promotions ng QBB or ng Purefoods Fiesta Ham. Baka maka-tipid.
3. Magtanong sa kapitbahay. Manghingi na lang ng sobrang regalong keso at ham.

11. PERA NA LANG BA ANG REGALO SA INAANAK KO? Dahil minsan sa hirap mamili ng regalo, ang iba, pinepera na lang. Mas tipid din kasi.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Pera. yung bago at malutong na "20" or "50" pesos mula sa bangko.
2. Coin Bank. Turuan magsave ang inaanak.
3. Halaman. Sabihin sa inaanak na ang pera ay gawa sa papel. It's time na iligtas ang kalikasan. Sabihin din na "ang magtanim ay di biro."

12. ANO KAYA ANG PUEDENG HILINGIN KAY SANTA? Sino ba kasi si Santa? Kahit ako, hula ko ay wala naman. Pero dahil isa siyang pigment of our imagination at creation ng popular culture, maki-ride on na rin tayo.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Estapador: Sana hindi ako mahanap ng pinagkakautangan ko.
2. Obese: Isang box ng Xenical. Wala ng epekto ang gym sa akin.
3. Bading: Matres. Matagal ko ng gustong maging ganap na babae.
4. Single Since Birth: Aso. Kahit di ko sabihing lambingin niya ako, dinidilaan pa ako.

13. TOTOO BA SI SANTA CLAUS? Again, isa itong konsepto tuwing Pasko na lalong nagbibigay kulay sa selebrasyon!


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Kapatid siya ng model ng KFC
2. Lolo siya ni McDonalds
3. Totoo.  Madalas ngang hinahabol ng mga GYM agent yon eh. Kaya lang, di nila makumbinse na sumabak sa gym. Nakasulat sa kontrata niya na bawal siyang pumayat. Bawal din siyang mamatay.

14. ALING CHRISTMAS STATION ID KAYA ANG MAGANDA? SA GMA 7 OR SA ABS-CBN? Ito ang isa sa mga inaabangan tuwing magpapasko. Kabugan ang dalawang network.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Sino ang may star appearance ni Madam Auring o di kaya ay ni Mystica?
2. Sino ang mauunang eere pagkatapos ng Pasko?
3. Sino ang i-li-like sa Facebook ni Pres. Noynoy?

15. MAKUMPLETO KO KAYA ANG SIMBANG GABI? Aminin na natin, talagang sakripisyo ang magsimbang gabi. Di lang sakripisyo ang pagbangon ng maaga, sakripisyo din ang amoy ng katabi mong di naligo.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Sa sermon ng magulang mo, di lang 9 days ang sakripisyo mo.
2. Bago matulog, isuot na ang damit na gagamitin para sa simbang gabi.
3. Sa simbahan ka na matulog at para pagising mo, andyan na ang altar.

16. KUNG MAKUMPLETO KO ANG SIMBANG GABI, ANO KAYA ANG WISH KO KAY LORD? may kasabihan na pag nakumpleto mo ang simbang gabi, puede kang humiling at possibleng magkatotoo.

SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Payagan ako ng boss ko ng ONE YEAR LEAVE.
2. Kunin na niya ang Kaaway ko.
3. Pumasa ako sa Nursing Exam na for the NTH time ko ng tina-take.

17. ANO KAYA ANG IHAHANDA NAMIN SA NOCHE BUENA? Kainan ang isa sa mga highlight tuwing Pasko. At ito ay higit na dapat paghandaan.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Adobong Aso. Bilang ganti sa kapatid kong inadobo ang alaga kong kalapati.
2. OATMEAL. Kailangan ng magdiet ang pamilya ko.
3. LiverAide. Paulit ulit kasi ang patalastas. Eh pucha, kahit di naman pasko, sa kinakain ng tao, talagang tatamaan ang liver! Reklamo?

18. DAPAT BA AKONG MAGTAGO SA INAANAK KO DAHIL WALA AKONG BUDGET? Nakakatawa pero isa itong laro ng subconscious. Tinatawanan na lang.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Oo. Mahirap mademanda ng Pedopilya.
2.Hindi. Bumawi ka. Huli mong regalo eh nung Baby Shower.
3. Oo. May anak na ang inaanak mo. Damay na ang anak niya sa dapat mong regaluhan.

19. Macbook, iPod, iPhone or iPad BA ANG BIBILHIN KO? Depende sa budget or sa objective mong maging "sikat" at "cool," saka mo masasabi sa sarili mo kung ano ang trip mo.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Macbook. Para puede kang maglaptop kahit nakasakay ka sa rollercoaster sa enchanted kingdom. Super light kasi. Astiiiig!
2. iPhone. Para malaki ang screen pag manalamin ka.
3. iPod. Para pangontra talak ng boss mo.
4. iPad. Dahil inakala mo na ang iPad ay wrong spelling lang ng iPod.

20. MAGKAKABALIKAN KAYA KAMI NG EX KO PARA DI NAMAN MALAMIG ANG PASKO KO? Walang gusto na maging malamig ang Pasko. Pero siempre, nasa sa iyo pa rin kung paano mo gagawing masaya ang Pasko.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Hindi. Aminin mo, masaya ka na sa bago mong jowa. Jowa at pet in one.
2. Hindi na. Ang boyfriend mo ay may boyfriend na.
3. Oo. Kung bibigay ka sa hirit niya na "pasaload naman dyan oh"

21. ANO KAYA ANG GROUP PERFORMANCE NAMIN SA OPISINA PARA MANALO KAMI SA CHRISTMAS PARTY? Nako! Usong uso na naman to. Puyatan na naman for practice ang mga staff. At talagang concept kung concept.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Dapat outrageous. Pang-Thursday group ng That's Entertainment
2. Uso ang Glee. "all the single staff ladies" ang emote. Yung aarteng si Kurt ay Mala-Venus Raj ang aura!
3. Reserve dapat. Magpapa-pasa kayo ng envelope habang kumakanta ng "Hindi kita Malilimutan." Siguradong death defying ang performance.

22. SANA MAIUWI KO ANG MAJOR PRIZE SA RAFFLE! kahit sino siempre eh gusto talaga manalo sa raffle. Imagine, plasma TV, gadgets, and everything ang bonggang bonggang puede mong makuha!


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Para sure, gumawa ng libo libong entry sa raffle.
2. Suhulan ang organizing committee.  Siguraduhing wag sasabihin na hahatiin sa lahat ang premyo. pano kung TV ang mapanalunan?
3. Gumawa ng sariling raffle.

23. SHET! TATABA NA NAMAN AKO! WALANG TIGIL ANG KAINAN! Isa ito sa mga problema ng lahat. Actually, happy problem. Siempre, sino ba naman ang hindi tataba tuwing Pasko. Major kain talaga!


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Wag magpalago ng balbas lalo na kung ikaw ay nasa edad 50 pataas. Baka mapagkamalang si Uncle Sam ng US, este Santa Claus pala.
2. For Girls, bumili ng maternity dress kahit di buntis. Kakailanganin niyo yan sa oras ng higit na paglobo. Pair it with a belt para di masyadong halata ang maternity dress.
3. Magsuot ng shirt saying na "ang magsasabing masikip ang suot ko eh dadaganan ko."

24. MAG-CAROLLING KAYA AKO? Isa ang carolling sa source of extra income pag Pasko. Aminin mo, enjoy din talaga kahit boses palaka ang kumakanta (wag ng tumingin sa iba at tumawa, ikaw ang tinutukoy dito).


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Dapat. Kabugin mo si Charice Pempengco. Birit ka ng mala-alvin ang the chipmunks version ng Pasko na Sinta ko. Upload sa youtube.
2. Magenroll muna kay Ryan Cayabyab bago sumabak sa carolling. Ipagyabang na estudyante ka niya. For that, benta ka. Baka alukin ka pa ng album ng ABS-CBN.
3. Kumanta sa harap ng GMA-7. Baka ma-threaten si Jolina Magdangal.

25. MAMIMISS KO NAMAN ANG PAMILYA KO. Nakakarelate ako dito. Mahirap talaga ang maging OFW o kahit simpleng malayo sa pamilya.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Tingnan na lang ang bank account at ang mga utang na dapat bayaran.
2. Idrowing ang mukha ng pamilya sa dingding.
3. Kung mamiss ang Pamilya, tingnan ang balikbayan box at magkuwenta ng gastos.

26. SHET! MATATAPOS NA ANG 2010, 2011 NA! Ganon kabilis ang panahon. Isa itong reyalidad na hinaharap natin kada taon sa pagpapalit ng taon.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Bumili ng remote control para puedeng i-slowmo ang oras
2. Wag bibili ng kalendaryo para di mo alam ang taon o ang pagpapalit ng taon.
3. Wag magcelebrate ng birthday para di mo pansin ang taon.

27. ANO KAYA ANG NEW YEAR'S RESOLUTION KO (NA HINDI KO NAMAN NASUSUNOD)? Kahit sino ay gumagawa ng resolution. Ang tanong, nasusunod ba ito?


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Wag ng gumawa kundi naman susundin. Sayang sa papel, tinta ng bolpen at kuryente kung gagawa pa.
2. Magkumpisal na lang sa Pari para ramdam ang resolution.
3. Sagutin ang major major question na: "What is one big mistake that you have made in your life and what did you do to make it right?"

28. MAGKANO KAYA ANG PAPUTOK? Hanap ng pinoy ang ingay tuwing magpapalit ng taon. Pantaboy daw ng malas. Pero isipin mo, sa araw araw na ingay sa Pinas, hindi pa ba sapat ito para mataboy ng major major ang mga bad spirit?


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Depende kung sino ang paggagamitan ng paputok
2. Libre lang sa pananaw ng magnanakaw
3. Barya lang sa pananaw ng nagmamayabang na mayamang kapitbahay. Pag silip mo sa loob ng bahay, wala namang pang-noche buena.

29. ILAN BA ANG REREGALUHAN KO? "ber" months ang simula ng paggawa ng listahan ng mga taong dapat regaluhan sa Pasko. Aminin mo, nakaka-ngarag din ang prosesong ito.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Sa pananaw ng politiko, sandamakmak dahil kasama lahat ng constituents ko at ang mga puede kong kurakutan
2. Aside from myself, wala na.
3. MATABA: Lahat ng magsasabing sexy ako ng hindi tumatawa.

30. ANO BA TALAGA ANG TUNAY NA KAGULUHAN NG PASKO? Ito ang katanungang dapat nating pagisipan ng mabuti. Higit pa sa materyal na kasaganaan, ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagsasama-sama ng pamilya at pagbabahagi ng higit na pagmamahal sa iyong pamilya, kaibigan o sa kapwa.


SAGOT SA KATANUNGAN: PILI NA
1. Ang muling magbalik tanaw sa ligayang hatid ng BOOM na BOOM.
2. Ang makatanggap ng regalong pinuno lang pala ng diyaryo kaya sobrang laki ng hindi nagrereklamo.
3. Ang batiin ng Merry Christmas ng isang Holdaper ng hindi humihingi ng kapalit.

Bottom line, ilang araw na lang Pasko na. In advance, madlang Pilipinas, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. Enjooooooy!Paaaaak! =)

No comments:

Post a Comment

ShareThis