Tuesday, August 31, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: REKLAMO NG PINOY!

While I was doing a research for a campaign, a blog entry suddenly popped out in my mind. And guess what's my topic. I came to compose my ideas on the "TOP 25 possible popular reklamo ng pinoy sa buhay." I also prepared some crazy solutions that you can check.

1. WALANG PARKING. Aminin na natin, sa kaso ng Pilipinas, kahit anong oras, madalas ang hirap makahanap ng parking. Sa kasamaang palad pa, pag nagpark ka sa labas, may big chance na mawalan ka ng side mirror at o kaya eh mabiktima ka ng bukas kotse gang.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE

A. One Night stand sa building owner para surefire at libre ang parking fee.
B. Wag magdala ng kotse at maglagay ng signage na "Walang Parking space na inaangkin"
C. Bumili ng parking space

2. MAHABA ANG PILA. Kahit saan ka pumunta, may pila, at mahaba ang pila. Kahit bibili ka ng pagkain, may pila. Mag-fi-file ka ng document, may pila. Magpapa-xerox ka, may pila. Sa Jeepney or MRT station, may pila. Bahagi na ata ng buhay ng tao ang pumila. Pero aminin na natin, minsan, nakakapagod ang pumila. Talagang a test of one's patience lalo na sa Pilipinas. Bad trip pa pagsiningitan ka.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
1. Gumawa ng sariling pila.
2. Magpanggap na inaatake ng sakit para paunahin sa pila.
3. Magpanggap na kakilala ang nasa unahan at saka sumingit.

3. MAHAL NAMAN! Sa kultura ng pinoy, gusto natin eh yung makatipid. Kahit nga akong nag-a-abroad, mas suki pa ng Divisoria or 168 pag umuuwi ako ng Pinas. Aminin na natin, ang statement na "ang mahal naman" ay isa sa mga reklamong madalas nating gamitin. Buti na lang, maabilidad tayong tumawad. Salamat din sa Ukay Ukay at nagiging Okay ang ating bulsa.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
1. gamitin ang credit card ng kaibigang mayaman o ng kamaganak
2. Bumili ng imitation. Siguraduhing tama ang spelling ng brand
3. Isanla ang sarili kung may interesado

4. ANG BAGAL NG INTERNET. Madalas ko tong makita na nirereklamo ng mga kaibigan ko sa Pilipinas. Kesho ang bagal ng paguload ng video o kaya eh mga pictures. Dahil nasanay tayo sa fast-paced at laging updated na siklo ng buhay, ang kabagalan ay sadyang ugat ng ating pagkaasar. Minsan pa, ang pagkaasar na yan ay naapektuhan ang ating buong araw.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magpalit ng internet service
B. Magpiket sa harap ng GLOBE at SMART
C. Magsumbong kay Tulfo

5. WALANG WIFI. Related sa internet issues, reklamo din ng karamihan ang kawalan ng WiFi ng ibang lugar. Nakakatawa nga sa Facebook na nagsasabing ipa-WiFi ang buong Pilipinas. Aminin man natin o hindi, with the boom of technology, gutom tayo sa WiFi. Siempre, kailangan updated ang ating Twitter at Facebook at kung anu ano pang social media sites.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magpakabit ng WiFi sa katawan
B. Alamin ang password sa katabing shop
C. Bombahin ang shop

6. ANG INGAY NG KAPTIBAHAY. Ang ingay ay possibleng dahil sa may nag-vi-videoke o kaya eh may nagaaway na mag-asawa. Sa totoo lang, yan ang reklamo na madalas natin maramdaman pag tayo eh nasa bahay na, lalo pa kung magaganap ang kaguluhan sa oras ng ating pagtulog. Isama mo na rin ang ingay ng nag-se-sex na mga pusa!


SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Kantahin ang awiting My Way
B. Maglagay ng bulak sa tenga at ilong at umastang zombie sa harap ng kapitbahay
C. Tawagan ang Meralco at ipapatay ang ilaw ng kapitbahay

7. LUNES NA NAMAN. Sino ba naman ang hindi tinatamad pumasok pag Monday. Kung puede nga lang deadmahin ang Lunes, why not. Kaya lang, baka mapunta naman sa Tuesday ang ating pagrereklamo.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Isiping Tuesday na
B. Dalhin ang favorite unan sa opisina or eskuwela para at home ang feeling
C. Pumasok ng naka-pajamas to say na tinatamad akong pumasok

8. ANG INET! Sa klima ng Pilipinas, isa ito sa mga reklamo ng karamihan. Lalo na pag summer, kulang na lang eh maghubad ang mga tao sa inet.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magdala ng rechargedable aircon
B. Kumain ng halo-halo all day
C. Umalis ng Pilipinas at tumira sa Antartica

9. BAHA, SAAN AKO DADAAN. Oo. Isa yang sa mga reklamo tuwing sasapit ang tagulan sa Pilipinas.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A.Bumili ng sariling bangka
B. Magenroll sa swimming class
C. Gawing hobby ang scuba diving

10. TRAPIK. Isa ang trapik sa nakakadagdag sa stress na nararamdaman ng isang Pinoy sa kanyang buhay. Hindi lang dahil sa aksaya sa oras, nakakapagod din maipit sa siksikang sasakyan habang nagugutom.


SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magsleep walk pauwi. Nakatulog ka na, nakauwi ka pa.
B. Magsuot ng kapa. Baka puede kang makalipad.
C. Iboto ang sarili bilang MMDA head

11. WALA PA AKONG JOWA. Di man hayagang sinasabi, ang kawalan ng jowa ay kadalasan isang "tagong" reklamo lalo na ng isang indibidwal na single since birth.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Maglagay ng Ad sa Jobstreet
B. Magpost ng Fan Page sa Facebook. Ang unang mag-like ay wagi.
C. Gumawa ng sariling reality show. Voting based.

12. WALA NA AKONG PERA. Madalas ang reklamong ito ay lumalabas pag papalapit na ang araw ng sahod, ang panahon na "nasaid" na ang kaban.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Itanim ang barya sa bakuran at baka maging beanstalk
B. Diligan ang mga barya. Baka dumami gaya ng mga gremlins.
C. Mamalimos sa Makati. Sushal!

13. BILLS! Oo. Sa kabila ng happy happy times, ang bills ay maituturing na isang reklamo. Sa kabila ng pagpapakasaya sa pagswipe ng credit card, ang reyalidad ng pagbabayad ay isang malaking sampal.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magpalit ng pangalan
B. Magstage ng reklamo sa isang restaurant na puedeng idemanda dahil sa bad food sanitation
C. Sumali sa TV Game show

14. ANG TABA TABA KO. Sa kasalukuyang panahon ng media hype, kahit sino ay nagrereklamo na siguro sa kalusugan ng katawan. Ito ang reklamong nagtutulak sa isang pinoy na mag-gym.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A.Wag titingin sa salamin
B. Wag magtitimbang
C. Ipasarado ang bibig

15. WALA NA AKONG LOAD. Aminin na natin, kahit karamihan ay naka-line na, uso pa rin ang pag-lo-load.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magpalinya
B. Gumawa ng "you just won blah blah...to claim, pass a load worth..."
C. Ibenta ang phone at bumili ng load

16. BAKIT SIYA. Ito ang reklamo or statement ng ibang Pinoy na madalas ay ipinagpalit ng jowa sa iba. May halong bitterness ang mga salita.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Ipaxerox ang mukha ng karibal at ipagaya sa mukha mo
B. Magdistribute ng brochure na may mukha ng karibal. Gumawa ng survey kung bakit siya deserve sa ex mo.
C. Magpa-voting kung papatayin mo ba siya o hindi through text on national television

17. NAKAKAANTOK. Ang reklamong ito ay madalas sigaw ng mga taong nasa loob ng opisina. Madalas, ito ay lumalabas after lunch kung kailangan ay talaga namang nakaka-antok!

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Umastang nasasapian sa opisina. Magigising ang lahat.
B. Umastang parang pilay at magpaikot ikot sa opisina gamit ang rolling chair
C. Mag-puppet show gamit ang mga ballpen. Main character ang boss.

18. ANG "OA" NI KRIS AQUINO. Ito ang sigaw ng mga Kris Aquino haters. Sa totoo lang, kahit hindi ako Kris Aquino hater, minsan, OA for me sa akin ang mga binibitiwan nitong salita sa harap ng telebisyon. Siempre, nag-pi-pista ang TV industry sa pinaggagagawa ng Queen of all whatever!

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. I-mute ang TV pag si Kris ang nagsasalita
B. Manood na lang ng Sesame Street o di kaya ng Alvin and the Chipmunks
C. Itapal ang mukha ni Cristy Fermin sa TV. Weird, boses Kris si Cristy!

19. ANG LAYO. Kahit sabihin natin na sanay ang mga Pinoy maglakad ng milya milya, may mga ilan pa ring tila isang sakripisyo ang paglalakad. At dahil diyan, ang statement na "ang layo naman" ay isang certified reklamo!

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magsuot ng roller blades
B. Magsim city na lang
C. Sugurin ang pumili ng lugar

20. ANG KURIPOT.  Sa mundo ng galanteng Pinoy, ang taong unti lang manlibre ay nababansagang kuripot. Madalas, ang pagsasabing "ang kuripot" ay isang patagong reaksiyon. Di yan pinagsasabi. Madalas, keep it to yourself na lang or just share it with your close friends.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Magpapasa ng sombrero sa mga kasama at collect pera
B. Alayan ng dasal ang kuripot
C. Bisitahin ang bahay ng kuripot at don makicelebrate sa kaban o yaman

21. ANG BAHO. Sa kasanayan ng Pilipino na naliligo halos limang beses sa isang araw, ang anumang hindi maipaliwanag na amoy sa kapiligiran ay maaring maging bunga ng reklamo.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Bumili ng holdaper's mask ng walang butas ang ilong
B. Tawagan ang nearest garbage collector
C. Regaluhan ng trash bag ang source ng kabahuan. Sabay sabi, get inside!

22. FEELING! Ito ang madalas reklamo ng isang indibidwal na imbyerna sa isang tao na possibleng di niya kasundo o sadyang mainit lang ang kanyang dugo. Possible ring, na-i-insecure ang taong nagrereklamo ng ganito.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A.Regaluhan ng salamin ang nag-fe-feeling
B. Bigyan ng lapida
C.Pagawan ng rebulto na may bonggang bonggang pangalan niya

23. HOPELESS NA ANG PINAS. Ito ay isang reklamong higit pa sa personal na kaalaman. Madalas, ito ay sigaw ng Pilipinong wala ng tiwala sa pamahalaan ng Pilipinas.


SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Iboto ang sarili as President
B. Magenroll sa kursong Criminology
C. Magyosi gamit ang HOPE na brand

24. ANG SAKIT NG ULO KO. Ito ay madalas reklamo ng mga Pilipinong possibleng walang tulog, may hangover o di kaya ay napuyat sa trabaho.

SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
A. Maglaro ng football at ulo ang madalas na gamitin
B. Iuntog sa pader ang ulo ng tatlong beses. Sabay laro ng Knock Knock, who's there?
C.  Magpa-head spa. Meron ba non?

25. PARUSA KA. Ito ay isang reklamo ng isang empleyado na maaring asar sa kanyang bossing o ng isang indibidwal na humaharap sa isang evil sa kanyang buhay.


SOLUTION: PICK YOUR CHOICE 
 A. Ipako sa krus ang source ng pagkaasar
B.  Isumpa gamit ang Harry Potter wand
C. Regaluhan ng death insurance

No comments:

Post a Comment

ShareThis