Tuesday, August 3, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: T.B.

T. B.
By Earvin Charles B. Cabalquinto

Tauhan:
Diyosa (Imagine Eugene Domingo)
P.A. (Imagine ______ (bahala ka na!) )

Sa loob ng cubicle. Magarbo ang dingding. Surrounded with Diyosa pics with other celebrities.

Nakapaskil sa dingding. Diyosa, the best producer in town.

Papasok ang Diyosa. Super sikip ang outfit sa itaas. Super ikli ng skirt. Branded ang damit. Busy sa pagpindot ng Black Berry phone. Umiinom ng fruit juice.

Uupo ang Diyosa. Bubuksan ang PC. Mag-Fa-Facebook. May kakatok. Tok tok tok.

Diyosa: Sino yan?

Uubo ang PA. Malakas na ubo. Ubo. Ubo. Ubo.

Magugulat ang Diyosa. Sasabihin sa sarili: Eeeeew! H1N1!

tok tok tok.

Diyosa: Who is that? (irita ng slight) Kaloka!

PA: Gandang Hapon po.

Diyosa: What is it? What is it? (irita)

Uubo ng mas malakas ang PA.

Mapapatingin ang Diyosa.

Diyosa: Teka lang, teka lang. Did you go hear to make ubo in my office? Amina, pipirmahan ko na!

Uubo ng malakas ang PA.

PA: Ano pong pipirmahan?

Diyosa: Ano ba! You're wasting my time! Bakit ka ba andito?

Uubo ang PA. Ubo. Ubo.

Diyosa: At saka puede ba, can you please cover your mouth! Nagkakalat ka ng virus sa opisina ko.

Kukunin ng Diyosa ang alcohol sa kanyang bag na may brand na “Lowie Bitton.” Magpapahid.

PA: Pasensya na po. Andito po kasi ako para mag-apply.

Diyosa: Apply? Anong a-applayan mo?

PA: Gusto ko po kasing maging...

Ubo. Ubo.Ubo.

Diyosa: Artista? (sarcastic)

Ubo.Ubo.Ubo.

PA: Opo.

3 seconds of silence.

Tatawa ng pagkalakas lakas ang Diyosa.

Diyosa: Artista? Ikaw? hahahahaha! hahahahhahaaaaaaaa! Gaaaaawd! You made me laugh. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganon kalakas! hahahahahaha! In fairness, magaling kang umarte! Winner!

Ubo.ubo.ubo.

PA: Puede po ba?

Ubo.ubo.ubo.

Diyosa: Adik ka! Are you serious? neh, seryoso ka bang talaga? Kasi, sorry to say pero hitsura mo pa lang, wiz papasa! Julalay puede pa!

PA: Ang sakit niyo naman po magsalita. Talented po ako. Gusto niyo kumanta ako?

Diyosa: Stop it! Stop it!

Tatayo ang Diyosa. Ituturo ang poster ni Star.

Diyosa: Kilala mo ba siya?

PA: Oo naman po. Siya yung iyakin sa TV!

Diyosa: Anong iyakin ang pinagsasabi mo diyan. Wag mong isiping nagmamayabang ako but I made her. Oo, pinulot ko siya sa imburnal at pinasikat. Sino lang ba siya noon? Isang extra sa mga chipanggang patalastas. Endorser ng cotton buds. Model ng pi-pitsuging detergent. Gaaaawd! Buti na lang, pumatol siya sa asawa nung VP. Look at her now. She's a star. Siya si Star!

PA: Gusto ko rin pong maging isang Star kaya andito po ako.

Ubo.Ubo.Ubo.

Diyosa: Hay neh! Sa tingin mo ba eh meron kang looks?

PA: Looks? Looks?

Diyosa: Look at me! Look at me! Ano ang nakikita mo?

PA: Nakikita? Maliban dyan sa nunal niyo sa bibig, yang salamin niyo?

Diyosa: Ay Neh, hindi mo ba nakikita? Hindi mo nakikita?

PA: Nakikita ang alin po?

Diyosa: I have the glow! Hindi ako basta basta tatawaging Diyosa dito sa Channel 1 kung hindi dahil sa glow kong to.

PA: Ano pong glow? At ano pong kinalaman non sa pagsikat ko?

Diyosa: Glow! Kung hindi dahil sa akin, walang freak shows. Kung hindi dahil sa akin, walang dayaan sa mga game shows. Dahil sa akin, walang star search. Wala ang reality TV. Wala ang Pinoy Big Sister!

PA: Yon po ba ang glow? Hindi ko maintindihan.

Ubo. ubo.ubo.

Diyosa: Leche! Alam mo, you're wasting my time.

PA: Si Ate Glow po gaya kong gayahin.

Ubo.Ubo.Ubo.

Sasabihin ni PA sa tono ni Ate glow: Ang saya saya noh?

Diyosa: Hindi masaya. Hindi bagay. Umalis ka sa harap ko! Kaloka ka!

PA: Parang awa niyo na, gusto ko pong maging tulad ni Star. Gusto ko pong maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Kaya ko pong umiyak sa kaliwang mata ko. Kaya ko! Kaya ko! Kahit ano po!

Diyosa: Gusto mo talagang maging Star?

PA: Opo. Opoooooo!

Ubo.Ubo.Ubo.

Diyosa: Talaga?

PA: Talagang talaga po!

Ubo.Ubo.Ubo.

Diyosa: Sige, magpa-check up ka muna! Yang ubo mo, parang ubo ng matandang hinihintay na ng lupa!

PA: Wala po akong pera. Kaya gusto kong maging sikat. Para magkapera.

Diyosa: At pang-VTR pa ang emote? Kelan mo pa natutunan ang mamalimos sa broadcasting company? ginagaya mo ang estilo ng karamihan! Pero kung game ka naman pumatol sa dramahan, why not!

Ubo.Ubo.Ubo. Uubo sa kamay. Hahawakan ang Diyosa.

PA: Parang awa niyo…

Diyosa: Shet! Wag mo akong hawakan. eeeeeew!

Ubo.Ubo.Ubo.

PA: Hindi ko po kayo kahit kalian hahawakan basta gawin niyo akong Star.

Diyosa: Nakakaloka ka! Baliw!

Ubo.ubo.ubo.

3 seconds of silence.

Diyosa: Alam ko na!

PA: Kahit ano po. Gagawin ko. Kaya kong sumayaw ng pandanggo sa ilaw sa bubog. Kaya ko pong manahi ng damit gamit ang dila ko. Kaya ko pong maghiwa ng gulay gamit ang paa ko. Kahit ano, kakayanin ko. Talented ako!

Diyosa: OA mo neh! Di ito talent show. Tigilan ako! At hindi mag-ra-rate yang gagawin mo! Sa bagay, keri ka sa freak show na dinedebelop ko.

PA: Kahit ano!!!!!!!!

Ubo.Ubo.Ubo.

Diyosa: Ihanap mo ako ng mala-Derek Ramsey na Jowa.

Ubo.Ubo.Ubo.

PA: Ano po?

Ubo. Ubo.Ubo.

Diyosa: Sabi ko, ihanap mo ako ng Derek Ramsey na jowa. Sa ganda kong to, I’m sure naman maihahanap mo ako. At pag naihanap mo ako, at naging kami. Pasisikatin kita. Mas sikat ka pa kay Chona Pempango.

PA: May kakilala po ako. Teka.

Ubo.ubo.ubo.

Diyosa: (malandi) Luv it! Mabilis ka! Sino, saan, ipakilala mo ako?

PA: Si Dado. Yung kapitbahay namin. Maganda po ang katawan.

Diyosa: Ay gusto ko yan. May ebidensya ka ba?

Ubo.Ubo.Ubo.

Ilalabas ni PA ang wallet. Kukunin ang neoprint.

PA: Eto po oh.

3 seconds of silence.

Diyosa: Kalooooooka ka! Eh call boy to eh! Natikman nato nung isa naming baklang coordinator last week. Anong tingin mo sa akin? Desperada?

PA: (bulong) Mejo po.

Diyosa: Kung bubulong ka sa likuran ko, sana hindi malakas.

PA: Hindi po ako bumubulong. Naisip ko lang, baka po puedeng iba na lang.

Diyosa: Iba na lang ang alin?

PA: Iba na lang pong deal? Tipong kahit halikan ko ang paa niyo. O tipong hugasan ko ang pwet niyo. O di kaya naman eh, ikama niyo ako.

Diyosa: Shet! Nakakadire ka! Tong ganda kong to, Tomboy? Imbyerna!

PA: Baka naman po kasi may ibang paraan para sumikat ako.

Diyosa: Matapos mo akong akusahan na tong ganda kong to eh tomboy, may energy ka pang hingin na pasikatin kita! Kaloka. Hindi mo ba pansin? Ang laki na ng nagagastos ko sa ganda kong to. Gym everyday. Spa everyday. At brown rice everyday. Tas, tomboy tong ganda kong to sa'yo?

PA: Brown rice? Eh di pa pagkain ng manok yon?

Diyosa: Anong pagkain ng manok! Sushal na rice yon! Mahal yon! At hindi nakakataba! Yan ang rice na kinakain ni Star!

PA: Talaga po? Yon po ang sikreto bakit ang kinis kinis ng kutis niya?

Diyosa: Pasaway ka! Bine-belo yon!

PA: Belo? Sino po siya?

Diyosa: Ay tigilan mo na nga ako. Simple lang akong kausap. Pag naihanap mo ako ng mala-Derek Ramsey na jowa, pasisikatin kita. Kahit now na.

PA: Puede po bang iba na lang?

Diyosa: Alam mo, di ka pa nga nailalabas sa mundo ng Showbalism (pinaghalong showbusiness at cannibalism), reklamadora ka na! Hala, tsupe! Get back to me pag may Derek Ramsey ka na.

Tok.Tok.Tok.

Isang boses ang tatawag. Si Derek Ramsey. Nakabukas ang polo. Kita ang masustansyang dibdib.

Derek Ramsey: Oh, why are you still here Diyosa? Kanina ka pa naming hinahanap. Walang PA sa set. And also, get me some coffee.

Ngingiti si Diyosa.

Derek Ramsey: Oh teka lang, so you know her?

Diyosa: Know who?

Derek Ramsey: Siya. Si Claire.

Ubo.Ubo.Ubo.

Diyosa: Claire? You know her.

Derek Ramsey: Everybody knows her. Anak siya ng VP ng channel one. She just came back from the states.

3 seconds of silence.

Diyosa: I didn’t….

Derek Ramsey: Now, I have to go. See you in the set.

Diyosa: Wait…

Claire: You don’t have to wait Diyosa. Starting today, lahat ng sinabi ko, susundin mo. UPO!

DILIM.

2 comments:

  1. Natawa naman ako sa script! kala ko ang PA eh si ate Guy hahahha!

    May continuation ba ito Earvs?

    ReplyDelete
  2. Rachiel! hahaha! Wala ng continuation yan. Snippets lang! hehehe! Paaaaaaak! =)

    ReplyDelete

ShareThis