Wednesday, August 18, 2010

PBB Episode 3: BLACK OUT (FINAL CUT)


If you miss these episodes:


EPISODE 1: ANG WAKAS AY ANG SIMULA

http://earvilicious.blogspot.com/2009/09/pbb-episode-1-ang-wakas-ay-simula.html

EPISODE 2: EXCESS BAGGAGE

http://earvilicious.blogspot.com/2009/11/pbb-pasabog-sa-bahay-ng-mga-bruneiyuki.html

EPISODE 3: BLACK OUT (PART 1)

http://earvilicious.blogspot.com/2009/11/pbb-pasabog-sa-bahay-ng-mga-bruneiyuki_20.html

EPISODE 3: BLACK OUT (PART 2)

http://earvilicious.blogspot.com/2010/02/pbb-episode-3-black-out-part-2.html

EPISODE 3: BLACK OUT (The Final Cut)


HOST:

Hello Pilipinas, Hello Brunei and Hello World!



Finally, matapos ng ilang buwang pananahimik, ang inyong sinusubaybayang PBB o ang mga Pasabog sa Bahay ng mga Bruneiyukis ay muling nagbabalik ditto lamang sa Rated E! Siempre bago natin balikan ang kuwento sa loob ng bahay at makilala pa ang apat na Brumates na sina Ja, Pam, Sandy at Frances, aba, kamustahin muna natin si Chikababes sa Brunei.



Chikababes, pasok!



CHIKABABES:

Yeeeeeeees! Finally, nagbabalik na ang PBB o Pasabog sa Bahay ng mga Bruneiyukis. Actually marami rin ang sumulat at nagrequest na ibalik ito ditto sa Rated E. Kasi naman, ayaw na ng taong bayan na magbasa lang about what’s happening kay Earvs. Si Earvs po ang may-ari ng blog na titled Rated E! Wala naman daw ka-spice spice ang chika ni Earvs. Hahaha! Enihow, bago natin simulan ang ratsada ng mga chika sa bahay, aba, basa muna tayo ng comments from our avid readers.



Let’s start!



From Chuvanice. I thought you’ll stop PBB na. Enjoy na enjoy pa man din ako kasi super kakatuwa ng mga karakters. Parang sobrang real! Kinda elite!



From Darlow ng Cainta. Mas nadepress ako nung wala na akong mabasang episode ng PBB sa kesa compared nung na-Ondoy kami! Masyadong aliw ang storya! Sarap lunurin sa drum ni Cindy! Pekshet siya!



From Beyonce Knows. Love ng buong Mindanao ang PBB. Inaabangan namin ang scoop niyo sa Kulturang Muslim.



From Usherette. Sana gawin niyo namang musical itong PBB. Tingnan mo ang Kapamilya, meron silang yung gaya gaya sa GLEE.


From Marian Dantes. Magpasok naman kayo ng celebrities inside! Please!


From PGMA. I’m happy. Mabuhay. Ang saya saya noh?


HOST:

Oooooh! Bongga na talaga! Pati si PGMA, bumati! Paaaaak! At dahik sa matindi niyong comments, aba, simulan na natin ang kuwento sa loob ng Bahay ng mga Bruneiyukis. A-aura na ako. Back to you…. HOST!


Oooooh Pak! Buti si P-Noy di nag-comment? Siguro Ka-Pamilya siya kasi nga di ba yung kapatid niyang makipaghiwalay (for the nth time) ay kapamilya! That explains everything!

Anyways, moving on, siguradong today’s episode ay special. May mareveal kayang something? may mag-ba-bangasan kaya ng fez? Hay nako. Stop na the chika. Let’s all watch this.



FADE TO BLACK.



Dug.Dug.Dug.

Dug. Dug.Dug.



Malakas ang hangin. Si Jack. Sa may third floor ng staff house. Madilim. Hanging. Sipol. Madilim.



Nakaupo si Jack. Duguan ang mga kamay. Dumadaloy ang dugo. Duguan ang sahig. Walang malay ang isang ibon.



Papasok sina Pam at Sandy. Maiilawan ng flashlight si Jack.



Pam and Sandy:

AAAAAAAAAAAH!



Jack:

Parang awa niyo na. Wag kayong maingay.


Sandy:

Haler! Anong gusto mo, bumulong kami?


Pam:

Anong nangyari sa’yo Jack?


Jack:

Mahabang kuwento. Hindi. Hindi. Hindi ko ….


Sandy:

Alam mo, kalalake mong tao, ang guwapo mo pa man din, kung umarte ka, para kang mas binaklang version ni Justine Bieber. Ano bang nangyari?


Jack:

Basta wag niyong sasabihin kahit kanino.


Pam:

Okay ka lang ba? Gusto mo ng tubig? Maghugas ka muna kaya.


Paglakad ni Pam, maapakan niya ang patay na ibon.


Sandy:

Diyos ko. Anong nangyari dito sa Ibon.


Papasok si Divine. May dalang flash light.


Divine:

Anong ginagawa niyong tatlo dito? Hindi ba’t ipinagbilin ko na bawal umakyat dito?


Pam:

Ay may hinahanap lang po kasi kami.



Sandy:

Aaaaahhh Ooo. Yung extrang electric fan?


Divine:

De-aircon ang mga kuwarto niyo. Hala sige, baba na.


Lilingon si Sandy kay Jack. Wala na ito.


Magkakatinginan sina Sandy at Pam.


FADE TO:


28 years ago. Nakapanghalloween costume si Sandy.


Kalaro 1:

Alam mo, di ka na dapat nagcostume.


Sandy:

Bakit naman?


Kalaro 2:

Diretsuhin mo na siya. Eh kasi Sandy, mas nakakatakot ka pag wala kang costume.


Kalaro 3:

Mukha kang anak ni Janice!


LAHAT:

Tiyanak! Tiyanak! Tiyanak!


Tatakbo si Sandy palayo sa mga kalaro. Umiiyak. Sasabihin sa sarili. “Anak ni Janice? Tiyanak?”


CUT TO:


Kapitbahay 1:

Mareng Janice, Mareng Janice!


Janice (ang nanay ni Sandy):

Oh mare!


Kapitbahay:

Baka naman may kakilala kang puedeng maglinis ng bahay. Babayaran ko.


Janice:

Ay nako wala akong kakilala eh.


Sandy:

Nay! Ako nay!


Janice:

Anak?


Sandy: O

kay lang, wala naman akong ginagawa eh! At saka isa pa… malapit na birthday ko. Gusto kong magpa-party.


Janice:

Ha?


Kapitbahay:

O mare? Ano?


Janice:

Oh, magiingat ka anak ha.


Matapos ng dalawang oras. Kumpulan ang kapitbahay sa bahay nina Sandy. Sa sahig, walang malay ang ina ni Sandy.


Darating si Sandy na bitbit ang mga barya. Mabibitiwan niya ito sa oras na makita ang inang walang malay.


Sandy: Inaaaaaaaaaaay!


Ang party ni Sandy ay nauwi sa burol ng ina.


VOICE OVER:

Si Sandy. Sa murang edad na otso ay naulila. Ngunit hindi yan naging hadlang upang maabot niya ang kanyang pangarap.


Kapitbahay:

Masipag na bata si Sandy. Simula ng naulila, inampom na namin. Lucky charm namin yan.


Mister:

Lagi kaming nanalo sa lotto. Kahit beinte pesos.


Anak:

I don’t like Sandy. Para siyang horror doll. Mukha siyang tiyanak. Pero kasi… kasi…nililinis niya kuwarto ko. So bagay sa kanya. I’m the Princess.


VOICE OVER:

Hanggang sa kanyang paglaki...



Kapitbahay 2:

Masipag na bata yan. Kahit nagaaral, nagtatrabaho.


Karinderya Owner:

Masipag magluto si Sandy. Malinis pa sa kusina.


Junkshop Owner:

Kahit mukha siyang lalake… ano nga ulit? Ah ayon! Masipag yan! Kahit spare parts binubuhat niyan!


Club Owner:

Ay hindi siya dancer dito. Gusto mo bang malugi ang club ko? Waitress yan. Sipag!


Tindera sa Palengke:

Di niya kailangan ng megaphone para sumigaw! Ang lakas ng boses niyan. Rinig sa kabilang kanto!


VOICE OVER:

Dahil sa angking sipag at tiyaga ni Sandy, di nagtagal at siya ay nakaipon. Natutong gumupit. At nakapagpatayo ng sariling negosyo. Ang Super Sandy Salon!


Cashier:

Mabait na amo si Mam Sandy. Lagi kaming me libreng meryenda.


Beautician:

Bait niyan ni Mam Sands. Kahit boyfriend ko, libre gupit. Ay may bayad pala!


Cleaner:

Wala akong masabi ke Mam. Pinapautang pa niya ako pag wala akong pamasahe pauwi.


Kalaban na Salon:

Sandy? Ang luma ng mga hair style nila. Masyadong kuripot yan. Ako? I give 10% ng kita ko sa church. Siya saan ba? Ni wala ngang jowa yan. Baka sa panlalake niya.


Bestfriend ni Sandy:

Hindi totoong walang lovelife si Sandy. Actually, busy busyhan kasi yang kaibigan ko. Maraming gustong ma-achieve sa buhay. Gaya na lamang niyang pagsali sa PBB. Sigurado ako, siya ang mananalo!


Kapitbahay na umampon kay Sandy:

Sandy! Pagbutihin mo dyan sa loob. Wag mo muna intindihin yung salon mo dito. Okay na rin na maging receptionist ka dyan.



Anak ng Kapitbahay na umampon kay Sandy:

Namimiss ko ang face mo. Parang minsan gusto kong takutin ang sarili ko. Wala namang katakot takot dito sa house.


Asawa nung Kapitbahay na umampon kay Sandy:

Sana may lalake namang umibig sa’yo para pag wala na kami sa mundo, may makakasama ka!



CAMERAMAN TO PRODUCER: Narinig mo?

PRODUCER: Magkaka-jowa ako! In time!

CAMERA: There’s no time. Menopausel ka na!

PRODUCER: Eh kung pino-pause mo kaya ang camera ng hindi narerecord yang kadaldalan mo noh?



HOST:

Kaloka ha! Minsan hindi ko maintindihan kung bakit na-hire tong producer at cameraman na to! Kaloka! Pero going back to Sandy! Aba, ang masasabi ko lang. Darating at darating din ang right guy for you. Malay mo, nasa loob ng bahay ng mga Bruneiyukis.


Speaking of love life, nako, iba naman ang kuwento nitong sina Frances at Pam. Si Frances, umalis ng Pilipinas para takasan ang arranged marriage ng pulitikong ama. Si Pam naman, single mom. Ano kaya ang kuwento sa likod ng kanilang buhay? Silipin natin, play na!


VOICE OVER:

Puno ng yaman ngunit puno rin ng kalungkutan. Yan ang buhay ni Frances habang siya ay lumalaki.


Mom ni Frances:

I’ve always wanted her to become a lawyer or a doctor. Pero look, ang kinuha niya, mass communication. What a waste!


Dad ni Frances:

As a political figure, napaka-underrated ng kurso ni Frances. Gusto ko sana, siya ang pumalit sa akin sa puwesto.


Kalaban sa Politika ng Dad ni Frances:

Frances? Walang sinabi yon sa anak ko. Nagkataon lang. Magaling mambola ang tatay niya kaya nasa puwesto. Look at my daughter. Harvard graduate.


Bestfriend ni Frances:

I don’t know. Pero matagal ng di happy si Frances sa family niya. Nasasakal daw siya.


Boyfriend ni Frances:

No comment ako.Hiwalay na kami. I heard, kasal na siya di ba?


VOICE OVER:

Marami ang nagsasabing kinailangan magpakasal ni Frances sa anak ng isang politiko para mapanatili sa pwesto ang ama. Ngunit...


Dapat mapapangasawa:

The hell! Hindi nga natuloy. Hindi ako sinipot niyang Frances na yan. I’m sure my dad will do something about it.


Dad ni Frances:

Mahahanap ko rin si Frances. At pag nahanap ko siya. I’ll make sure, sasama siya sa akin.


Mom ni Frances:

I’ve picked the best gown for her. Galing pa ng Italy ang shoes niya. I just don’t get bakit ayaw niyang magpakasal. She’ll be a queen.


Bestfriend ni Frances:

She has a diary. Binigay niya sa akin. Pinabasa. Don ko nalaman. Lahat ng baho ng dad niya.


Cameraman to Producer: Di ba nag-di-diary ka?

Producer: Di na uso. Blog na ngayon.

Cameraman: So feeling mo ikaw si Chuvaneknek?

Producer: Chuvaneknek? Ano yon?

Cameraman: Magdiary ka na lang!


VOICE OVER:

Kung si Frances ay pilit na tinatakasan ang kanyang Pamilya, ito namang si Pam, iba ang lakas na ipinamamalas upang itaguyod ang mga anak.


Bestfriend ni Pam:

She will always be my idol. Sobrang kahit busy siya sa work, may time pa rin siya sa mga anak niya.


Joel: (9 years old, anak ni Pam)

Miss ko na Mommy. Miss ko na ang luto niya!


Cathy (7 turning 7 years old, anak ni Pam)

Maiiyak lang


Nanay ni Pam:

Okay na rin na nakipaghiwalay siya sa asawa niya. Ayoko ng binubogbog siya.


Tatay ni Pam:

Kung nalaman ko lang ng maaga na sinasaktan siya ng asawa niya, wala ng kasal kasal.


Kapatid ni Pam:

Mabait si ate. Malakas siya. Kahit anong pagsubok malalampasan niya.


Roel: Asawa ni Pam

Mahal ko siya. Sana magkabalikan na kami. Hindi ko na siya sasaktan.


Producer: Kung ako ke Pam, uuwi na ako ng Pinas at makikipagbalikan sa asawa ko.

Cameraman to Producer: Halatang desperada ka.

Producer: Di ko kailangan comment mo.


VOICE OVER:

Naku! Ang masasabi ko lang kay Pam, aba, iba na ang babae ngayon! Palaban na! Pero eto, speaking of palaban, higit pa sa pagiging isang amazona ang ating last Brumate. Ating kilalanin si Ja.


MODEL 1:

One of the best photographer’s I’ve worked with.


MODEL 2:

She. Actually HE knows my angle.


COUPLES:

Very artistic.


VOICE OVER:

Pagkuha sa larawan ang isa mga outlet kung bakit nakaahon si Jas a madidilim na kabanata ng kanyang buhay. Sa piling ng mga madre sa bahay ampunan, nagliwanag ang buhay ni Ja.


Sister May:

When we saw Ja, puno siya ng pasa. Sabi sa amin, iniwan daw ng magulang, ng ina


Sister Julie:

I think hindi matanggap ng ina na kilos lalake ang anak niya.


Sister Claret:

Pero sayang. Ja is a very artistic person. She can draw, paint, sculpt at yan nga, photography.


Head ng Simbahan:

We’re thankful kay Ja dahil up to now, she still helps. Minsan nga, yung kinita niya sa photo shoots niya, dinonate niya to help other kids.


Bestfriend:

Okay yan si Ja. Di na rin niya hinanap ang nanay niya. For what? Successful na siya eh.


PhotoPixel Manager:

One of the best photographers in the Philippines.


Kaopisina:

Mahina kita dito. Okay na rin na nagabroad siya. Wag lang topakin.


Kaopisina 2:

Sana magmove-on na siya.



Bestfriend:

Pre, wag mo ng habulin si Lisa.


Hinahabol ng camera si Lisa.


Lisa:

No comment. Alam mo naman Ja from the very start na…I’m sorry.


FADE TO BLACK

SUSUNOD:


LAHAT: Si Kris Aquino?


Cindy: What is she doing here?


Migs: Madam Love, I’m yours!


Star: I want to go home!


Jack: Aaminin ko na sa inyong lahat.


Sino ang kakagat sa FORBIDDEN FRUIT. Abangan!


Meooooow!


No comments:

Post a Comment

ShareThis