Thursday, September 2, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: PEANUT BITTER


Here’s another random fiction that I write while I’m waiting for some ideas to strike in my mind for me to write the article for our magazine here in Brunei. =)

Peanut Bitter
By Earvin Charles B. Cabalquinto

Characters:

Cathy: 30, Single, Malusog, Supervisor
Kim: 30, Payat, Call Center Agent
Vince: 30, Bading na Hunk, Gym Instructor, friend nina Cathy at Kim

Magbubukas ang telon. Nakaupo si Cathy Sa gym lobby. Kumakain ng tinapay. Punong puno ng peanut butter ang tinapay. Papasok si Vince.

Vince: OMG! Di ba I told you na nakakataba ang Peanut Butter?

Deadma si Cathy. Subo pa rin siya.

Vince: Gaaaawd! Hindi mo ba nakikita ang langis dyan sa kinakain mo? Puros carbo pa yang bread. Alam mo, halika na, mag-cardio ka na. Let's go kapatid!

Cathy: I’m not in the mood.

Vince: Tigilan ako! Let's go sa Body Combat class ko. Winner yon.

Cathy: Di ko feel. Lalaki lang ang legs ko sa combat na yan.

Darating si Kim. Dala ang gym bag na may tatak na “NIKKE.”

Kim: Hi mga mareeeees!

Titingin lang si Cathy. Bebeso si Vince. Makikita ni Kim ang Peanut butter at bread.

Kim: Eeeeeeew! Don’t tell me kumakain ka niyan?

Cathy: Have some.

Vince: Alam niyo, let’s all leave that at mabuti pa join na kayo sa class ko.

Kim: Anong class mo today sister?

Vince: Body Combat. Like mo?

Kim: Unlike kapatid. Parang I don’t feel to be brusko today. Ikaw Cathy?

Cathy: Go ahead.

Kim: Teka lang, teka lang. Maliban sa amoy ng mga pawisang tao dito sa gym, alam mo, I smell something is fishy. May problema ka ba?

Cathy: I'm fine.

Susubo si Cathy ng tinapay na punong puno ng peanut butter.

Cathy: Kain tayo.

Kim: Kung pagbabasehan yang paglamon mo, I don't think you're fine. 

Cathy: Seriously, I'm fine.
Kim: Seriously you're not fine.  Alam mo, ibuhos mo na lang yang whatever mong nararamdaman sa thread mill. Taraaaaa na!

Cathy: Go ahead. Uubusin ko lang to.

Vince: Ha? Kaya among ubusin ang whole pack ng Gardenia Bread at Isang bote ng Lily’s Peanut butter?

Kim: Vince, we better go. Sayang ang panahon. Hinihintay na ako ng mga BOOOOOYS!

May dadaan na tsinito at susundan ng tingan nina Vince at Kim. 

Maglalakad palayo ang dalawa ng sumigaw si Cathy.

Cathy: Wait. I have a confession to make.

iItutuloy…

Ano sa tingin mo ang ipagtatapat ni Cathy base sa kanyang ikinikilos? 

Abangan...

2 comments:

  1. Hi Arlini! Hahaha! Abangan mo ang kasunod niyan! Malapit na malapit na! =)

    ReplyDelete

ShareThis