Monday, September 27, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: SUSHAL OR SUICIDAL MEDIA?

 
SUSHAL OR SUICIDAL MEDIA? PAANO BINAGO NG SOCIAL MEDIA ANG BUHAY PINOY!
Kuro Kuro ni Earvin Charles B. Cabalquinto

Hindi natin ma-de-deny na talagang binago ng social media sites ang ating mga personal na buhay. Mula pagising sa umaga hanggang sa pagtulog, bukambibig at gamit natin ang Facebook, Youtube, Twitter at kung anu ano pang social media haven. At dahil sa katotohanang yan, let me share with you ang TOP 30 na sa tingin ko ay epekto ng social media sa atin!

  1. Facebook/Twitter is the new Breakfast. Aminin niyo o hindi, hindi pa kayo nag-a-almusal, nag-fa-facebook or nag-twi-twitter na kayo. Lalo pa ngayong puede ng mag-update through mobile phones, shout outs o pag-ko-koment na ang inaalmusal niyo. Shout outs sa umaga start with a Good morning at "gudnyt" naman sa gabi! Unless adik ka, ireverse mo ang shout out mo!
  2. Vain na, mas naging vain pa. Dahil sa puedeng mag-upload ng picture sa internet at ang laki ng posibilidad na makita ito sa buong mundo (hindi lang ng iyong friends and family), tomodo na ang iyong pagka-banidoso (to be discovered as the next big star). Automatic na, sa bawat picture taking, iniisip mo na kung ano ang magandang profile pic. Plus, isama mo pa dyan ang pressure na kailangan mong mag-gym o mag-diet para magandang ang picture mo sa Facebook! Nakakagulat lang. Dati, magazines at TV ang source ng pressure sa mga matataba na sumeksi. Ngayon, pressured na lalo dahil sa Internet at dahil sa "comment" box na mababasa ng buong mundo! Isa pang nakakatawa sa pagkabanidoso ay di mo papayagang mai-tag ka ng picture na feeling mo ay haggard ka, mataba ka or yung old pics mo na ikinahihiya mo o pilit mo ng ibinaon sa limot!
  3. Magisip ng Quote or Shout Out. Isa pang automatic na naging bahagi na ng ating buhay through social media ay ang pag-iisip ng dapat i-shout out. Ang iba pa nga, aliw na aliw pag ang kanilang “original” quote ay humakot ng maraming "likes." Feeling kasi, isa itong achievement or masasabing “smart” o nagiisip ang isang tao! Isa pa, mas aliw ka pag english ang ginamit mo sa paggawa ng shout out or quote. Feeling mo kasi, nagamit mo ang pinagaralan mo at lumelevel up ka sa English.
  4. Closeness sa Celebrity. Dahil sa social media site like Twitter, lalo na sa Pilipinas na celebrity fanatics, mas napalapit ang mga simpleng mamayaman sa mga BITUIN or celebs. Dahil sa interactive na interface, mas naaliw ang iba dahil puede na silang magcomment back or magtweet sa kanilang fave stars. Hindi ba’t saya ng feeling pag nagreply ang artista (kahit di mo naman sure kung siya nga ang sumagot).
  5. Instant Reporter. Dahil sa taglay na kapangyarihan at interactivity ng social media sites, with the help of technology like digital cameras, mobile phones at kung anik anik pang gadgets, kahit sino ay nagiging reporter na. Magshoot ka lang ng video at iupload at i-tag ang mga kinauukulan, viola, pasok ang balita! Maliban dyan, ka-twitter mo pa ang mga sikat na reporter!
  6. Firsthand Feedback. Di man natin pansin, naging tool ng mass media or even business companies na makuha ang feedback ng mga mamayaman through social media sites. At least ito, di na kailangan magsurvey. Simpleng shout out lang, sumasagot na ang karamihan o gaya ng mga followers.
  7. Stalking. Sabi nila, pag maganda o guwapo ang nagfollow sa’yo, feel na feel mo. Pero pag mejo di kagandahan o kaguwapuhan, stalker ang tingin mo. Mukhang totoo nga ito. We judge people by looks. Pero aminin mo man o hindi, dahil sa mga social media sites, mas naging powerful na ngayon ang stalking. Hindi ka ba natatakot na kaka-shout mo kung nasaan ka sa mga oras na ito eh bigla ka na lang sundan. Mejo nakakatakot! Kaya dapat, gamitin ang privacy settings (kahit sa tingin ko ay hindi naman 100% percent ang effectiveness).
  8. Instant photo album. Dahil sa mga social media sites, di mo na kailangan pumunta sa bahay ng kaibigan mo para makita ang mga travel pics. Ngayon, instant upload lang ng pics, kita mo na kung saan saan nakakarating ang mga kaibigan mong dati eh feeling mo hanggang kanto lang o hanggang sa pinakamalapit na mall lang ang mararating. Dahil din dito, na-pe-pressure ka to travel. Gusto mong kabugin ang friends mo na di ka lang pang-local, going global ka na rin!
  9. Give your Best Shot! Dahil sa social media sites at sa digitalization ng mg larawan, deadma ka na sa dami ng shots. Siempre, wala naman ng mamahaling film na kailangan eh napagdesisyon na ng mabuti ang shot bago mag-click ng camera. Ngayon, hala, libo ang labanan ng pics. Siempre, shot, collect and select! The best pics lang ang puedeng i-upload! Isa pa, na-pe-pressure ka na bumili ng SLR. At pagbili mo, sasabihin mo sa sarili mo na photographer ka na! Tama ba yon? Pak!
  10. Less Paper for Photos. Although mabuti naman ang hindi magprint ng photos dahil tipid sa papel at nakakatulong ka pa sa pag-save ng environment, mejo naging kultura na ang hindi magprint ng photos dahil sa culture of digitalization na hatid ng technology and social media sites. Dahil diyan, less na ang buy ng mga photo albums. Ang in ngayon, digital picture frames!
  11. Food Pecture Pecture. Isipin mo, noon, di naman kailangan picturan ang mga pagkain o kahit ang mga pangalan ng restaurant. Ngayon, dahil sa naging “in” ang food blogging at nag-co-convey ng pagiging stylish image ang pagkuha sa mga mamahaling pagkain, it’s a must na kunan muna ng picture ang well-presented na inorder bago kainin.
  12. Daming gustong ma-discover. Dahil sa popularidad at impact na hatid ng YouTube sa gaya ni Charice, aba, tumaas pa lalo ang kagustuhan ng ilan na madiscover. Dahil dyan, naging routine na sa ilan ang pagshoot sa sarili at pagupload (hoping na may makakakita nito at mapaguusapan).
  13. Bitterness. Para sa mga ampalaya, ang social media ay isang nakakamatay na instrumento. Yan eh dahil pag nakita ng isang "ampalaya" ang kanyang kaaway na masaya o successful sa buhay, nagiging daan ang mga social media sites para lalo itong mainggit.
  14.  No Privacy. Kahit na sabihing may privacy settings ang mga social media sites, hindi nating masasabi na tiyak ito o garantisado. Sa pagkakaalam ko, kahit naka-privacy settings ang account mo, may ilang gadgets na mabubuksan ang account mo ng hubo’t hubad o walang naitatago. Katakot di ba?
  15. Branding ng Anti-Social. Aminin mo man o hindi, ang sinumang taong walang Facebook ay masasabing isang anti-social. Yan eh dahil ito ang trend sa kasalukuyan. Worse pa, pag wala kang Facebook, mapagkamalan ka pang losyang, terorista o baliw.
 
Itutuloy...

NEWS FLASH!


 VOTE FOR MY BLOG ENTRY! VOTE FOR #22!

I AM INVITING EVERYONE TO VOTE FOR MY BLOG ENTRY TITLED "THE [BITTER] SWEET LIFE ABROAD." SIMPLY CLICK ON THE IMAGE BELOW AND VOTE FOR #22!

THANK YOU VERY MUCH! =)


No comments:

Post a Comment

ShareThis