Wednesday, September 29, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: SUSHAL OR SUICIDAL MEDIA! (PART 2)

  SUSHAL MEDIA: PAANO BINAGO NG SOCIAL MEDIA ANG BUHAY PINOY?
Kuro Kuro ni Earvin Charles B. Cabalquinto

Hindi natin ma-de-deny na talagang binago ng social media sites ang ating mga personal na buhay. Mula pagising sa umaga hanggang sa pagtulog, bukambibig natin ang Facebook, Youtube, Twitter at kung anu ano pang social media haven. At dahil sa katotohanang yan, let me share with you the TOP 30 na epekto ng social media sa atin!

continuation...

  1. Simple na Pinapalaki. Dahil sa taglay ng social media sites na gumawa ng lifestyle, at dahil sa suportang hatid ng mobile phones, sa ngayon, kahit maliliit na bagay ay pini-picturan at ina-upload. Tingnan mo na lang ang Twitpic at malalaman mo. Simpleng kuko, pagkain, at kung anu ano pa ay ginagawan ng projection of lifestyle as to elicit curiosity.
  2. Pressure sa mundo ng Traditional Media. Dahil sa mga social media sites at bilis ng interactivity, na-pe-pressure lalo ang mga traditional media gaya ng print, tv at film na isulong ang kanilang mga serbisyo. Isipin mo naman kasi ngayon, with media convergence, puede ka ng manuod, magbasa o makinig ng music through Internet.
  3.  Lola Techie. Nakakatuwang isipin na dahil sa social media sites, maging ang mga Lolo at Lola natin ay join the bandwagon na rin. At mas nakakatuwa, ini-iscan pa nila ang mga old pics just to upload ang tag their friends.
  4. Parental Guidance? Dati, ang magulang ang nagbabantay sa bata pag manonood ng TV. Ngayon, feeling ko, mga bata na ang gagabay sa magulang pag gagamit ng Internet. Yan eh dahil sa may mas alam na ang mga bata sa mundo ng teknolohiya.
  5. Stubborn Kids. Dahil sa projection ng pagiging cool ng mga social media sites na mas magiging exciting gamit ng mga modern at super sikat na gadgets, may mga iba na naging stubborn – lalo na ang mga bagets. Gusto kasi, maibili ng iPad or ng iPhone para mas “cool” ang pageenjoy nila sa mga social media sites. Dahil dyan, kawawa ang magulang. Imbes na i-priority ang tuition fee ng anak, hala, mas nagkakanda-kuba sa trabaho para maibili ang anak ng cellphone or ng anu pa mang gadget.
  6.  Global Fashion. Dahil sa bulusok ng exchange of information hatid ng social media sites, mabilis din ang palit ng fashion trends. Ano na lang ang Fashion after ng Lady Gaga Era? Sa Pilipinas lang, ano na ang kasunod ng BANGS era o ng KOREAN look?
  7.  Jejemon. Dahil sa social media sites, na ang tool for usage ay ang computer na accessed lang ng elite or ng middle class, ang mga “masa” na nagsimulang mag-access ng social media sites or ng mga technology ay nabansagang jejemon. Dahil Diyan, nagkaroon pa nga ng bansag na Jejebuster na mag-sa-sawata ng mga jejemon. Pero kung iisipin mo, the internet is a portal to express oneself. Gayunpaman, dahil nililinya ang Internet as “cool” at bilang isang social status, ang mga nagtatangkang pasukin ito na gaya ng mga masa ay pilit na itataboy sa paraan ng kung anu anong bansag.
  8. Tipid sa Imbitasyon. Dati, kailangan mo pang mag-send ng mga invitations or magtext sa sangkatauhan. Ngayon, by simply making an invitation page, at dahil sa kaalamang lahat ay may FB, maiimbita mo na ang lahat ng iyong friends!
  9. Buy a Gadget for Social Media. Ang iba, hindi na bumibili ng gadget as for basic communication needs. Karamihan, bumibili na ng gadget na kailangan eh magagamit at makakadagdag sa enjoyment ng social media site usage. Isipin mo, bibili ka ng iPad para sa games. Isipin mo, bibili ka ng iPhone dahil sa applications na puede sa social media sites. And the list goes on and on.
  10. WIFI Hunt. Dahil sa mga social media sites, mas naging hungry tayo sa internet connection. Maliban sa mabilis uminit ang ulo natin pag mabagal ang internet, mas naging hayok tayo sa WIFI. Gusto natin, kahit nasaan tayo, updated ang mga status natin! Gusto natin, every minute, alam ng buong mundo kung ano ang kinakain natin, ginagawa natin or kung ano ang nasa isip natin.
  11. Open Book. Dahil sa mga social media sites, nabuksan ang simpleng buhay natin sa buong mundo. Sa totoo lang, ang mga social media sites ang kasalukuyang BIG BROTHER na nanunuod sa atin. Kahit mejo inaaliw tayo sa mga interface nito, di natin alam, ito ang instrumento upang masundan tayo ng buong mundo. Lalo na ang blogging, open book for everyone talaga.
  12. Bawas Homesickness. Dahil sa connectivity, in a major way, nabawasan ang homesickness ng mga nasa-abroad. Siempre, 24/7 ng connect di ba!
  13. Trending. Dahil sa trending, kahit sino sa buong mundo ay nalalaman ang hottest issue. Nakakatawa lang, kahit mga simpleng usapan ng isang bansa, nagiging worldwide phenomenon. Tingnan mo na lang ang “major major” o ang “sentisabado” na nagiging Trending. Dahil dyan, lumilikha ito ng memetic or infectious influence sa mga tao.
  14. Distracted. Kahit na sabihing nakakatulong ang mga social media sites para marelaks ang isang tao, isang malaking distraction ang mga social media sites. Isipin mo na lang kung isa kang estudyante sa panahong ito at super magugulo ang sked mo! Gayunpaman, nasa tao ang awa, nasa Facebook ang gawa? Hahaha!
  15. No Turning Back. Aminin mo man o hindi, ano man ang ipinopost mo sa Internet ay parang isang bomba na sumasabog. Mas nakakatakot, hindi mo alam kung sino ang nakakabasa o nakakakita nito - yung tatamaan ng pasabog. Dahil dyan, dapat ay maging responsable. Mahirap na at baka sa huli ay magsisi!


NEWS FLASH!


 VOTE FOR MY BLOG ENTRY! VOTE FOR #22!

I AM INVITING EVERYONE TO VOTE FOR MY BLOG ENTRY TITLED "THE [BITTER] SWEET LIFE ABROAD." SIMPLY CLICK ON THE IMAGE BELOW AND VOTE FOR #22!

THANK YOU VERY MUCH! =)

No comments:

Post a Comment

ShareThis