Wednesday, October 20, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: GHOST STORY IN BRUNEI (PART 1)

TOP 10 KATATAKUTAN STORIES IN BRUNEI: VERUM EST, Totoo Ba Ito?

Hindi maitatangging papalapit na ang Halloween. Maliban sa nagkalat na ang mga promotions on Halloween ng iba't ibang produkto, makikita na rin sa post ng iba kung ano saan paparty sa Halloween at kung ano ang magandang isuot. Dahil diyan, I won't talk about my halloween costume (anti-climactic ba?). Wala naman kasi akong Halloween Party na pupuntahan. Maliban na lang kung may biglang mag-imbita ng isang underground or out-from-the-grave party!

For now, isang bagay lang ang maaari kong ma-i-share sa inyo my dear readers to spice up the Halloween fever. Yan eh ang sampung horror stories dito sa Brunei.  Kung matatakutin ka, mabuti pang wag ka ng magbasa. Baka sisihin mo pa ako pag inatake ka sa puso. Isa pa, hindi ko masasabing totoo ang iba. Kayo na ang humusga.

Handa ka na ba sa sangkaterbang katatakutan? Siguraduhing may hawak kang rosaryo sa pagbasa nito. At, wag mag-solo sa pagbasa. The more, the merrier. Ang pagsisi ay laging nasa huli.

 .....

(10) LABABO
Kuwento ni Tina

Bago pa lang ako sa Brunei. Kung di ako nagkakamali, one month pa lang ako noon. 

Naglilinis ako ng kusina ng biglang bumukas yung back door. Eh malakas ang hangin non. So inisip ko, hangin lang talaga.

Yung mga kasama ko, busy sa pagaayos ng mesa. Closing na kasi.

Maya maya, habang naghuhugas ako sa may lababo. May naramdaman akong  parang may humahawak ng hita ko.
Una, hindi ko inisip na kung ano man yun. Akala ko, pinaglalaruan lang ako nung kasamahan ko.

Hindi ko pinansin. 

Lumakas ulit yung hangin. Bumagsak naman yung apron na nakasabit malapit sa lababo.

Pagdampot ko ng apron malapit na lababo. Pagtingin sa ilalim nung lababo, may nakita akong parang sumilip. Maliit lang.

Nung pilit kong dinampot yung apron, pinilit ko ring lapitan yung gumagalaw na bagay sa ilalim ng lababo. pag-abot ko, pusa lang pala.
Natawa pa ako non. Eh di siempre, dinampot ko yung apron.

Hindi ko akalain, pagtayo ko malapit sa lababo, kitang kita ko sa salamin ng kusina. May babaeng nakatayo sa likuran ko, walang ulo.

....

(9) PRAYER MEETING
Kuwento ni Mel

Madalas kasi kaming mag-prayer meeting sa simbahan. Siempre, sa kaysa malungkot ka sa staff house mo o kaya eh maglakwatsa, mabuti pang sumama na lang sa mga activities sa simbahan.
Isang gabi, hinding hindi ko makakalimutan. Pasado alas-onse na non. Katatapos lang namin nung prayer meeting. Dahil mejo late na, nagmadali na rin yung iba kasi may pasok pa kinabukasan.

Nung araw na yon, nakalimutan ko yung susi ko ng staff house sa opisina ko. So, tinawagan ko yung kasama ko kung pauwi na siya. Sabi niya, oo, pauwi na.I-mis call niya ako pag puede na akong umalis ng simbahan.

Hinintay ko na lang yung kasama ko sa simbahan. Eh ayaw ko namang maghintay magisa sa simbahan at pabuhos na ang ulan, sumakay na ako sa kotse ko.

 Naka-park yung kotse ko malapit sa puno sa loob ng simbahan. Wala ng katao tao nun. Ni yung guard umalis na. 

Habang naghihintay ako sa kotse ko, ang lakas ng ulan. Habang naka-upo ako, may naramdaman akong humihinga sa likod ko. Sa back seat. 

Pagtingin ko sa salamin ng kotse, wala naman. Natawa pa nga ako kasi tinatakot ko sarili.

Balak ko na sana umalis non at maghintay na lang sa pagdating ng kasamahan ko sa bahay ng tumunog ang cell phone ko. Mis call ng kaibigan ko.

Umuwi na ako non. Pero ramdam ko, mayroon talagang nasa likuran. Nagpatugtog ako ng malakas.

Pagdating ko sa staff house. Malakas pa rin ang ulan.

Inabot ko ang payong sa likuran. Bumaba ng sasakyan. Sa may pintuan, nmay nakatayong tao. HIndi naman gumagalaw. Inisip ko, baka nauna na ang kaibigan ko.


Naglakad ako hanggang sa umabot ako sa may malapit sa pintuan.

Nang kakalabitin ko na siya, nagring ang phone ko. Sinagot ko. 

Nagulat ako. Katatawag pa lang ng kaibigan ko. Naisip ko, sino ang nasa pintuan ngayon ng bahay ko?


Napatigil ako. Paglingon ko, wala na ang tao.

Sumunod na araw, sinabi ko sa kaibigan ko. Kagabi pala, may kasamahan kami sa simbahan na namatay.


Napagtagni ko ang nangyari.

Dinalaw ako ng kaluluwa.

.....

(8) DOUBLE DECK
Kuwento ni Greg

Maliit lang ang kuwarto namin sa staff house. Anim kami sa kuwarto, At dahil maliit yung kuwarto, double deck ang kama namin. 
Wala akong masasabi sa kuwarto namin. Kahit maliit, presko. May hangin kasi galing sa malalaking bintana. Isang malaking ceiling fan ang nagpapalamig din sa kuwarto.

Madalas mang-good time yung mga kasama ko sa kuwarto. Lahat kami lalake. Kung di umiinom yung mga yon, naguuwi ng babae. Kanya kanyang trip.

Pero may isang gabi na hindi ko makakalimutan. 

Madalas naman kasi, dahil malayo ang pinagtatrabahuhan ko, ako ang huling dumarating. Pag dumarating ako, kung hindi lasing sila, tulog na. Minsan may katabi pang mga babae.

Sa double deck, taas ako. Sa ibaba, yung kasama ko, si Bryan. 
Nung dumating ako, sigurado ako, tulog na sila. Yung iba kasi, madalas nakatalukbong ng kumot. Mahangin nga kasi.

Dumating ako ng pasado ala  una na. Siempre pagod, diretso kama na. Nagtaka ako, mag-a-alas dos non ng may kumatok sa kuwarto namin.

Nagtaka ako kasi tiningnan ko yung mga kasama ko, nasa kanya kanya ng kama. Imposible namang kumatok yung land lady namin dahil madalas pag darating ako tulog na rin.

Inisip ko kung bubuksan ko. Hindi ko pinansin. Natulog na ako. Nakatulog akong nakaharap sa pader. Ang pintuan ay nasa paanan ng double deck na hinihigaan ko.

Patay na ang ilaw.

Pasado alas tres na non, naramdaman ko, parang may bumubulong sa tenga ko. Hula ko naman, naalimpungatan lang ako.

Paulit ulit na bulong. Hindi ko maintindihan. Parang ibang wika.

Pero mas lumakas ang bulong. 

Napahawak ako sa unan ko. Gusto kong lingonin ang bumubulong sa likuran ko.

Maya maya, may malamig na kamay na humawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung panaginip. Paakyat ang kamay.

Sa sobrang takot ko, napabangon ako. Laking gulat ko, wala naman.

Pagtingin ko sa pinto, wala naman. Nakasarado.

Mas laking gulat ko. May nakasabit sa ceiling fan. Yung damit ng mga kasama ko. Nag-trip siguro.

Tinanggal ko ang damit. Nilagay sa lalagyan. 

Pero ang di ko makakalimutan, pagtingin ko sa higaan ko. Isang lalakeng nakaputi ang nakahiga.

Pagtingin ko ulit, wala na.

Naalala ko. Death anniversary pala ng pinsan kong lalake.

*****
(7) WEBCAM
Kuwento ni Margaret

 Alam mo pag nasa abroad ka, talagang magpapasalamat ka sa chat. Siempre, ang hirap kaya ng mangulila sa ibang bansa. Pero alam mo, hindi ko akalain, don sa dati kong tinitirhan. Kuwento ko na lang.
Actually, mga 9 na ng gabi yon. Kagagaling ko lang sa work. Wala naman akong naramdamang kakaiba sa staff house na tinutuluyan ko. Halos one year na rin kasi ako don. Until recently nga na may ganitong nangyari.

Kauuwi ko lang non. Eh lagi naman, chat kami ng pamilya ko. Siempre, hindi puedeng hindi makita ang mga chikiting ko. Si Anne, yung bunso, 6 years old. Si Jade, ano naman yon, 8 years old. Yung panganay, si Tim, 12 years old. 

Eh di siempre, chat kami ganyan.

Binuksan ko na yung computer. Then pumunta ako ng kusina para magluto ng pagkain ko.

Alam na rin naman ng mga anak ko na mag-cha-chat kami pag mga 8 ng gabi nga dapat. Eh eto, hindi puedeng hindi magusap so naghintay sila.

Habang sinalang ko yung noodles, nagbihis muna ako. Nagstart na ang PC. 

Kinonek ko na rin sa internet para mabilis. Nag-log in na rin sa skype. So nagbihis ako. Kinuha ko ang pagkain ko then humarap na ako sa laptop ko.

Nagonline na rin mga anak ko. Nausap kami. Tawa pa nga ng tawa sina Jade. 

Wala ang tatay nila that time. Sabi ni Tim, yung panganay ko, gagabihin lang. Ibig sabihin, silang tatlo lang. Eh tiwala naman ako sa panganay ko, marunong na. Nakakapagluto na nga sa mga kapatid niya.

Maya maya, nagtataka ako. Si Anne, yung bunso ko. Kitang kita ko sa webcam, may kausap sa gilid. 

Eh di siempre tinanong ko si Tim, sabi ko, "anak, andyan na ba ang tatay niyo?"

Sabi ni Tim, "wala pa. "Nagulat ako.

Hindi pa ako nakakapagsalita, may dumaan sa likod ni Tim. Actually, tumatakbo. Napasigaw ako. Sabi ko, anak sino ba yang tumatakbo, gabing gabi na.
Sabi ni Tim, si Anne eh nakaupo at si Jade eh nasa gilid nagaaral. Inikot ni Tim ang camera at nagaaral nga si Jade.

Nagpaalam si Tim sa akin. Mag-banyo muna daw siya. Sabi ko, sige.
Halos matulala ako sa takot. Nakita ko, mga limang nakaitim na lalake ang dumaan sa webcam. 

Pagbalik ni Tim, sabi niya, goodnight na daw. 

Sabi ko, anak, "may pumasok ba ng bahay?"

Sabi ni Tim, " ma, nakasarado ang pinto. Wala pa nga si tatay eh."

Hindi na ako nagsalita. Ayokong takutin ang mga bata.

Alam mo ang sabi ng anak ko. "Ma, bakit kanina, hindi ka nagsasalita. Hello lang kami ng Hello."

Sabi ko, "Ano?"

Sabi ng anak ko, "Ma, kanina ka pa 9 nakaharap sa webcam."

Sabi ko, "Anak, 9:30 tayo nag-chat. Binuksan ko lang ang laptop kanina."

Biglang nag-brown out. Pagtingin ko sa reflection ng ilaw na nagmumula sa bintana sa laptop ko, may babaeng nanlilisik ang mga mata.

.....

(6) LUBID
Kuwento ni Jun

Nagtatrabaho ako sa isang stage design and construction company. Kami yung gumagawa ng mga props pag may events. Halos dalawang taon na rin ako dito. Malungkot pero at least kumikita.

Yung pinagtatrabahuhan ko, malapit sa sementeryo. Takot ka ba? Pero alam ko, kahit malapit kami sa sementeryo, di naman kami minumulto. Maliban na lang nung isang gabi na nagkatuwaan sa trabaho. Hindi ko makalimutan.

Katatapos lang non ng event sa Mall. So dinala sa amin yung mga gamit. Nagsiuwian na yung iba, ako na ang naiwan. Habang nagaayos ako ng gamit, dumating yung kasamahan ko, si George. 

Hindi naman palasalita yon so hindi ko pinansin. Maya maya, nawala. Nakita ko na lang, papunta sa banyo.

Pasado alas dos na non. Alam mo naman sa trabaho namin, minsan inaabot pa ng umaga, 24 hours pa nga na walang tulugan.

Naiwan ako sa pagaayos nung mga gamit.

Habang inaayos ko yung mga kahon, may narinig akong nagtatakbuhan sa bandang likuran kung saan andon ang banyo.

Inisip ko na lang, baka wala lang. Kathang isip ko lang. Imposible naman dahil wala ng tao sa area namin.

Tuloy ako sa pagaayos ng biglang napansin ko na mas lumalakas ang takbuhan. Sumigaw ako, "George, tara na. Bilisan na natin at maaga pa ang set-up mamaya."

Hindi sumagot si George. Nagtaka naman ako, halos kalahating oras na siya sa banyo.

Ginawa ko, pumunta ako sa banyo. 

Habang naglalakad ako. Narinig ko na naman ang takbuhan. Sumigaw ako, "George, tara na!"

Hindi sumagot si George. Sinugod ko ang banyo. Pagpasok ko, tiningnan ko ang mga cubicle, wala si George.

Tumunog ang cellphone ko, si Alvin, yung kasamahan namin. Sabi sa text "Pre, si George pala, ilang araw ng di nauwi sa staff house. Umeskapo na ata kasama kabit."

Nagulat ako. Tinext ko, sabi ko, kasama ko rito. Tumutulong nga.

Sumagot si Alvin, "Ayos! Sabhin mo sa knya, tarantado siya! Lagot siya ke bosing."

Hindi ko na sinagot ang text ni Alvin. Hinanap ko si George.

Hindi ko naman alam kung saan siya hahanapin.

Inisip ko na lang, baka nasa tabi tabi lang. Nagpahangin. Sumigaw na lang ako "George, uuwi na ako."

Pagsigaw ko, may bumagsak sa may gilid nung mga kahon. Lumapit ako. Tinanggal ko ang mga kahon.

Nakita ko si George. Nakagapos. Wala ng mga mata.
 
ABANGAN ANG NALALABING LIMANG KATATAKUTAN!
 
* Ang mga pangunahing kuwento ay pawang mga kuwento lamang at walang batayan ng katotohanan. Ang mga pangalan, lugar at pangyayari ay hindi direktang sumasalamin sa reyalidad at pawang mga halimbawa o representasyon lamang. 


NEWS FLASH!

VOTE FOR MY BLOG ENTRY! VOTE FOR #22!

I AM INVITING EVERYONE TO VOTE FOR MY BLOG ENTRY TITLED "THE [BITTER] SWEET LIFE ABROAD," A COMPOSITION THAT COMPARES OVERSEAS LIFE WITH THE SWEETNESS OF CHOCOLATES. SIMPLY CLICK ON THE IMAGE BELOW AND VOTE FOR #22!

THANK YOU VERY MUCH! =)

2 comments:

  1. astig... i love horror stories :D

    ReplyDelete
  2. Axi! Salamat sa pagbasa! Abangan mo ang kasunod! Mas creepy! Awooooooh! =)

    ReplyDelete

ShareThis