Thursday, October 14, 2010

EXPLOSIVE ENCOUNTER: PEANUT BITTER (PART 2)




Nagpapatuloy…

Babalik sina Kim at Vince sa puwesto ni Cathy.

Kim: What is it? Bilis!

Cathy: I…I...I...

Vince: Teh, you’re wasting our time. You have 10 seconds to make salita!

Susubo ng tinapay na may naguumapaw na peanut butter si Cathy.

Cathy: I think. I think, I think, I think...

Kim: Time’s up. Lez go Vince.

Hahakbang sina Kim at Vince palayo ng biglang tumayo’t sumigaw si Cathy.

Cathy: Ako si Darna! Tama ang narinig niyo. Ako si Darna.

Dadagundong ang salitang “Darna” sa loob ng gym. Magtitinginan ang mga tao sa lobby. Matitigilan sina Vince at Kim. Sabay silang lilingon kay Cathy.

Kim at Vince: Hahahahahahahahahhahaha!

Cathy: Bakit kayo tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Kim: Ha? I was thinking, baka dala lang yan ng empacho.
Vince: True. Isang empachong nakakabaliw!

Cathy: Hindi ako nagbibiro. Ako si Darna.

Vince: Darna, Darna, Tara na!

Cathy. Seryoso ako. And I have another thing to say.

Kim: Na nawawala ang bato?

Cathy: Hindi. At walang bato.


Vince: Walang bato? Eh ano ang sinusubo mo at nilulunok? 


Ngingisi ng malandi si Vince.

Cathy: Hindi ako kagaya mo Vince na kung anu ano ang sinusubo.


Kim: Considering walang bato. Get straight to the point. Ano yon?


Cathy: Today, mag-re-retire na ako from being a Darna. Ayoko na. Suko na ako.

Kim: Darna? Retirement? So are you saying puedeng mag-retire ang mga superheroes in saving the world?

Vince: Naka-drugs ka Cathy noh?

Cathy: High ako. Highblood sa pagod. 

Vince: O sige, sabihin na nating ikaw si Darna, hindi ba Sexy si Darna? 

Cathy: Yan ang napapala niyo sa panunuod ng TV at pagbabasa ng komiks. Stereotypical. Eh ako nga ang tunay na darna sa totoong buhay.

Kim: This is too much. Mag-gym na tayo.

Vince: Wait! Kung ikaw talaga si Darna, Cathy. Then, prove it?

Dadampitin ni Cathy ang kanyang iPad. Ipapanuod ang video sa Youtube.

Kim: Ano to? UFO?

Vince: Teh, parang nililipad lang na cow.

Kim: Oh Gaaaaaaaaawd! Tumama ang creature sa lamp post. And ang ground, gaaaaaaawd. Nag-shake.

Tatakpan ni Cathy ng kanyang gym towel ang iPad.

Cathy: Ako yan. Si Cathy at Si Darna ay iisa.
Kim: At some point while watching the video, ikaw ba talaga yon?

Vince: Naniniwala ako na ikaw si Cathy at si Darna. Obvious sa katawan mo, combined!

Cathy:  Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin. I have to let this out. Napapagod na ako. Napapagod na akong iligtas ang buhay ng ibang tao.I can't even save my life from being alone and lonely.


Ngangasab na naman ng tinapay si Cathy.

Kim: Hindi ko akalain, napapagod din pala ang mga superheroes.

Vince: Ang hindi ko kinaya, malusog pala si Darna sa totoong buhay.

Kim: At hindi pala true na si Narda ang Darna.

Vince: At si Cathy na trying hard pumayat eh ang real life Darna.

Kim: At ume-emote siya na parang walang powers.

Ngasab ng ngasab si Cathy ng tinapay na puno ng peanut butter. Matitigilan.

Cathy: Seriously, suko na ako. I hate being Darna.

 Vince: Teh, wag. wag ganyang attitude.

Kim: Oo nga. Blessing ang maging superhero noh.

Cathy: Kayo kaya ang magligtas ng tao 24/7. Kala niyo ba, madali na gumising sa madaling araw para hulihin ang mga magnanakaw? Kala niyo ba, madaling patigilin ang bumubulusok na sasakyan na babangga sa isang napabayaang bata? At akala niyo ba, madaling iligtas ang babaeng karibal mo sa pag-ibig?

Vince: Wait, wait at wait. Tama ba ang na-heard ko. Karibal sa pag-ibig?

Kim: So umiibig pala ang mga superheroes?

Cathy: Wala kayong alam. Wala.

Vince: Teh, kaya nga kami nagaaksaya ng oras sa litanya mo para may malaman eh. Dahil kung tutuusin, puede na kaming umauara sa loob ng gym at mamingwit ng mga Papang may laman! Sino itong karibal?

Cathy: Si Baby.

Kim: Huwaaat? Si Baby na mukhang baby damulag? Gaaaaawd!

Vince: Uy, in fairness naman kay Baby, flawless at I heard, ang galing daw gumulong sa kama.

Cathy: Vince, eh kung pagulungin kaya kita palabas ng Earth?

Vince: Ikaw naman. Sensitive?

Kim: Cathy, ano ba. Superhero ka. Hindi ka dapat ma-insecure. Ikaw na ang maging sikat di ba?

Vince: Problem Kim, parang hindi naman siya sikat. Not until….now when we saw the video?

Cathy: I’m a hopeless superhero. Ni hindi ako mapansin ng love of my life ko na si Ryan. Si Ryan.

Dadampot ulit ng tinapay na puno ng peanut butter si Cathy at lalamon.

Kim: Cathy, eh di ba superhero ka? I suggest use it to your advantage.

Vince: Why not itapon mo palabas ng Universe si Baby para wala ka ng karibal?

Cathy: Hindi ko kayang gumawa ng masama sa kapwa ko.

Kim: Ano bang kapangyarihan na meron ka maliban gumawa ng tsunami dahil sa iyong pagtatampisaw?

Cathy: I can fly. Not exciting.

Vince: Laos.

Cathy: I can carry anything. Kahit gaano kabigat.

Kim: Average. Nakita ko na sa TV.

Vince:  Kaya rin ng mga sumo wrestler sa Japan.

Cathy: Hindi ako nilalamig kahit naka-swim suit lang ako.

Vince: Hindi yan asset, teh. Liability yan!

Kim: Something unsual. Something like, seduction powers.

Vince: Ginawa mo namang mangkukulam tong si Cathy.

Cathy: I never thought of that.

Kim: Then, ngayon you thought of it na.

Cathy: Paano?

Vince: Ay eto, may nabasa ako sa isang website. Bakit hindi mo i-try na mag-transform into a sexy girl.  Tipong Ara Mina level.

Kim: Vince, Ara Mina? tomboy ka?

Vince: Sa ganitong usapan, parang?
Cathy: I don’t have that power. Isa pa, wala ring mangyayari dahil ikakasal na sila.

Vince: Kasal? As in the I-do, I-dohan?
Kim: Gaga ka rin kasi.

Vince: Uy, wag mong apihin si Cathy. Baka di ka maging maid of honor.

Kim: Alam mo Cathy, kung ikaw nga si Darna, ikaw na siguro ang pinakatangang superhero na nakilala ko. 

Cathy: Hindi naman ako pure blooded superhero eh. Tao rin ako.

Kim: Dapat, di mo na niligtas sa disgrasya yung Baby na yon. Eh di kung na-deads yon, ikaw na ang jowa ni Ryan, today!

Cathy: But superheroes are made to save lives. Hindi para pumatay.

Kim: Pero dapat alam mo rin when to be a villain!

Tutunog ang paging system ng gym. Maririnig ang salitang “Good evening guests. To all members who want to join the Body Combat class, please be informed that class will start in 10 mins.”

Vince: Isa lang ang solusyon dyan Cathy. Save yourself.

Cathy: Pero paano?

May babaeng darating sa lobby ng gym kung saan naguusap sina Kim, Cathy at Vince. Magtitinginan sila sa babaeng darating. Nakasuot ito ng super sexy gym outfit. Haharap sa kanila ang babae.

Kikindat ang babae sa tatlo.

Maglalakad ang babae palayo ng lobby, in a very sexy way.

Magtitinginan sina Kim, Vince at si Cathy. Sasabihin nila ang isa’t isa… “O-M-G! Si Baby!!!!"

......
 
Ano kaya ang gagawin ni Cathy?

Ano ang kaugnayan ng Peanut Butter sa pagtaba ni Cathy?

Nakakataba ba ang pagiging bitter?

Itutuloy…

Abangan.

NEWS FLASH!

VOTE FOR MY BLOG ENTRY! VOTE FOR #22!

I AM INVITING EVERYONE TO VOTE FOR MY BLOG ENTRY TITLED "THE [BITTER] SWEET LIFE ABROAD." SIMPLY CLICK ON THE IMAGE BELOW AND VOTE FOR #22!

THANK YOU VERY MUCH! =)


No comments:

Post a Comment

ShareThis