Thursday, January 13, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: MRT AND BRUNEI!

Nung nakaraang taon, isang balita ang kumumpirma na magkakaroon na ng Train dito sa Brunei. Nagkaroon pa nga ng exhibition sa The Mall ukol sa nasabing pagpapatayo ng simbolo ng idustriyalisasyon - ang train o tube. Ayon sa baltita, ang train ang magdurugtong sa Yayasan Mall at Airport. 

Sa isang dayuhang gaya ko, napapaisip ako. Sa isang bansa na gaya ng Brunei na halos lahat ay may sasakyan at napakamura ng gasolina, maiisip pa kayang gamitin ng mga tao  ang tube. Isa pa, dahil sa kakaunti ang populasyon ng bansa, bibihira ang trapiko. Sa ganitong konteksto, ano pa nga ba ang silbi ng tren. Isa pa, kung iisipin mo. Ang pampublikong bus ng Brunei, na mas kilala bilang purple bus, ay hindi naman ginagamit ng mga Bruneians. Ang mga foreigners na walang sasakyan ang kadalasang gumagamit nito.

Sa kabila ng argumento, may silbi ang tren. At ang silbi nito ay nahahati sa dalawang aspeto. Una, ang tren ay simbolo ng kaunlaran o industriyalisasyon. Sa taglay nitong bilis, mas napapabilis din ang proseso ng transaksyon. Naithahatid ang mga tao o produkto mula sa magkabilang dulo nang tipid sa oras at komportable pa sa mga pasahero. Pangalawa naman, mas magagamit ang tren ng mga dayuhan na maaaring nagbabakasyon o nagtatrabaho sa Brunei. Bilang bahagi ng turismo, magiging bagansya ito ng pagangat ng  bansa sa global na kalakaran.

Ano ang kaugnayan ng tren sa blog kong ito? Kanina kasing tanghali, habang nilalantakan ko ang aking pananghalian, napunta ang usapan sa MRT. Bagamat walang direktang kaugnayan sa sinasabing pagkakaroon ng tren sa Brunei, napunta sa mga nakakatawang eksena sa MRT ang napagkuwentuhan. Aaminin ko, nakakamiss rin pala talaga ang MRT. 
Miss ko ang MRT pero hindi ko miss ang mabalya, matulak, masiko at maapakan. Suwerte nga dito sa Brunei, dahil may pasasakyan ang kompanya at malapit lang ang opisina, sariwa akong nakakarating sa opisina. Umulan o umaraw, sariwa at mabangong umaabot sa opisina.


 Bakit nakaka-miss ang mag-MRT? Tara, isa isahin natin ang mga nakakatawang kaganapaan!

1. FREEZE FRAME. Sa totoo lang, sa oras ng rush hour, di mo na kailangang gumalaw. Sa simpleng pag-freeze mo, maitutulak ka papasok o palabas ng MRT. Parang isang nakapakalaking alon na hahampas sa katawan mo ang dami ng tao. Nakakatakot na nakaka-excite. Totoong kailangan eh huminga ka ng malalim para mabuhay!

2. MTV MADNESS. Hindi ito tungkol sa panonood ng music video. Ito ay ang pakiramdam na para kang nag-mu-music video sa loob ng MRT. Hindi ka makatingin sa kaharap mo. Hindi mo mailabas ang cellphone mo dahil baka madukutan ka. Hindi ka makatingin sa katabi mo at baka isipin na may gusto ko. Kaya ang ending, nakatingin ka sa bintana. Para kang umeemote at nagiisip ng kung anu ano. Aminin mo, mapang-emote ka sa loob ng MRT.

3. BAG BEAT. Dahil naniniwala ka na hindi ligtas ang kapaligiran at kahit ang pinaka-guwapo o pinaka-magandang pasahero ay maaring mandurukot or snatcher, hindi naiaalis ang bag mo sa harap mo. Sinisigurado mong hindi maalis sa paningin mo ang iyong bag. Dahil dyan, nagmumukhang "Kangaroo" ang karamihan sa paglagay ng bag sa kanilang harapan!

4. TRIP TICKET. Isa ang iyong ticket sa pinakaimportanteng bagay sa MRT. Dahil dyan, sinusubukan mong protektahan ito at hindi mawala. Isipin mo naman kasi, sa oras ng pagmamadali, hassle pa ang mawalan ng ticket at bumili ulit.

5. TIPID TIME. Tipid sa oras ang pag-MRT. Nakakatawa lang. Minsan, mas matagal pa ang ipinipila mo sa kaysa sa pagabot sa destinasyon mo.Kaya para iwas sa mahabang pila, bumili na ng ticket na marami ang kredit.

6. PAWIS PUNCH. Umaga o hapon, di maiiwasan may mga pasaherong matindi magpawis. At kakambal ng pawis ay ang...AMOY. Okay lang sana kung pawis lang. Kaya lang ang iba, may halong pasabog pa. Dahil dyan, minsan, nanahimik ka na lang kung sakali mang halos mahalikan mo na ang taong pawis na pawis dahil sa siksikan sa MRT.

7. BIGTIME BOSES. Nung una, nakakatakot ang boses ng nag-a-announce ng station sa MRT. Aakalain mo pa tuloy na maaaring ang lalake na nag-a-announce ay lasing, nabasted or sadyang problemado sa utang. Pero ngayon, asensado't malambing na ang boses. Gamit ang boses ng babae, kahit nakakainit ng ulo ang mabalya sa pagpasok ng MRT, nakakalma ka naman. 

8. RIGHT RADIO. Awa ng diyos, aba, nagkaroon na rin ng radyo sa loob ng MRT. Kahit papaano, kahit wala kang iPod, nakakapakinig ka ng musika o mga patalastas. Di tulad dati, mababaliw ka sa tunog ng umaandar na tren.

9. BOOM BODY. Hindi biro ang maitulak sa MRT. Nakaranas na rin ako ng ganyan. Pero aminin mo o hindi, dahil sa MRT, natututo kang maging malakas at maging matikas. Dahil kung lalambot lambot ka, talagang maitutulak ka.


10. TOUCH TICK. Sino pa namang babae ang matutuwa pag siya ay nag-hipuan. Siempre, magagalit ang babae. Aminin mo, sa MRT, may ibang lalakeng oportunista. Ginagamit na excuse ang siksikan para makahipo. 

11. CENTER CHECK. Sa mga oras ng balyahan sa MRT, minsan, mas mabuti pang pumuwesto sa gitna. Ang problema nga lang, wala kang makapitan pag prumeno ang MRT.

12. CHIKA CHOICE. Ang pagsakay sa MRT na kasama ang kaibigan ay isa mga epektibong paraan para labanan ang biyaheng nakaka-pipe. Yon nga lang, dahil sa bilis ng biyahe, ang chikahan ay nabibitin lalo pa't kailangan ng bumaba ng isang kasama sa ibang estasyon.

13. DAMING DALA. Isang malaking parusa ang magdala ng maraming gamit pag sasakay ng MRT. Hindi rin biro ang maitulak ka na at mabitiwan mo pa ang dami ng hawak mo at tumama sa katabi mo. Ang totoo nito, mas kaunti ang bitbit mo sa MRT, mas mabuti. Yan eh dahil mas makakagalaw ka.

14. SHADED SIGHT. Ang ibang pasahero, para lalong ma-enjoy ang biyahe sa MRT ay nagsusuot ng shades. Kahit di naman mataas ang sikat ang araw, nagsusuot ang ilan ng shades. Possibleng dahil ito sa paghahanap ng guwaping at magaganda sa loob ng tren.

15. RAGING RUSH. Oo, pag rush hour na, isa lang gusto ng karamihan: ang makauwi. Dahil dyan, minsan, titiisin mo na lang ang amoy, siksikan at kung anu ano pang parusa basta't makauwi lang.

16. BILLBOARD BANG. Maliban sa pag-e-emote, isa ang pagtingin sa mga billboard ang nagiging hobby ng ilan para maaliw sa biyahe sa MRT. Mula sa mga nakakatakam na modelo hanggang sa nakakasukang "Umayon lang sa ganda" na mga larawan, naaaliw ang isang pasahero sa mga billboard.

Ngayong napapabalitang tataas na ang presyo ng MRT at LRT Fare,  sana ay naiisip rin ng pamahalaan na itaas ang pasahod sa mga tao. Nakakatawang isipin na kapalit ng higit na industriyalisasyon, na-ba-baon sa kakarampot na sahod ang mga ordinaryong Juan. Yan ang karanasan sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment

ShareThis