Tuesday, January 11, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: TV Patrol

For the past days, I am able to watch various Kapamilya shows.  Thanks to live streaming, I am able to update myself with what's happening in my country, the Philippines.

As you all know, there is no Pinoy TV or TFC in Brunei. Unbelievably, I am to cope with these channels' absence. But of course, there are times that I miss watching Philippine made shows. By merely hearing tagalog or punch lines through Filipino flicks that I watch, my heart suddenly feels back at home.

Technology makes everything possible. Yes oh yes, because of technology, I am able to access and watch Philippine made shows via live streaming. Thanks to my friend who introduced me to such glorious portal, I am now updated.

Now, let me one-by-one share to you my sentiments on some shows that I was able to watch.
Goin Bulilit- First Episode of 2011. Honestly, the episodes are humorous. I was amazed with how the kids deliver the lines and act out the roles convincingly. Actually, I laughed so hard nung pinakita ng Goin Bulilit ang isang segment na tinakot ang mga bata. Tawa ako ng tawa because the reaction of the kids were just so authentic. However,  I just don't feel the kids in the show because they deliver adult-made concepts and lines. 

Rated K - Pagbabalik tanaw sa taong 2010. I love watching Rated K. It's very informative and entertaining. Just recently, I was so glad to catch their special episode which featured the best of the best in 2010. While I was watching, I can't help miss the scripting format of Rated K. As some of you know, I worked as writer/producer in At Home Ka Dito. Through infotainment, a light and candid approach on scripting is required. Nakakatawa lang din kasi kahit ang mga salitang bongga at major major ay pasok sa scripting.

TV Patrol. With powerhouse news anchors, I expected a lot from TV Patrol. Apparently, my initial reaction with watching TV Patrol was it has a tabloid feel. And as usual, ang daming chismisan, absurdity sa content at meron pang pa-game. Plus, natawa lang ako dahil ang scandal ng mga foreigners sa Boracay ay ginawan pa ng short commentary ng mga news anchors. Naisip ko, sa dami ng national issue na puedeng pagusapan, bakit yon pa.

On a lighter note, nakakamiss din pala panuorin ang Mga Kuwento ni Marc Logan. Tawa ako ng tawa especially sa segment on Faith Healers na nagkairingan. 

The Buzz - 8 December 2010. Honestly, I felt at home while watching The Buzz. Di lang ako naaliw sa outfit ng mga hosts, naaliw din ako sa mga intriga. 

Starpower ni Sharon Cuneta.  I love the performances of the 5 remaining contestants. However, I didn't like how Sharon bantered with the contestants. Mukhang OA at palengkera. Plus, it is very obvious pag di niya gusto ang contestant. Mega hug siya at bati sa mga magagandang conestant maliban na lang kay Angeline. I am not a supporter of Angeline and it was my first time to see Starpower. Aaminin ko, the format of the competition is very AI or Star in a Million. Nothing new.

Laugh Out Loud. It was my first time to see this show by Luis Manzano. Kahit very Wow Mali ang format ng show, napatawa ako especially yung Altapresyon segment. 

During commercial breaks, I had the chance to check out different ads. Iba talaga ang pinoy humor. Maliban sa may play of words, star studded pa. Iniisip ko, kung tatanggalin ang mga artista sa ad, ano kaya ang epekto? Magiging boring kaya lalo sa mga celebrity-crazed pinoys?

Dahil sa panunuod, nalaman ko rin na may mga bagong teleserye ang GMA7. Magkakaroon ng Captain Barbell (Richard Gutierrez ang gaganap), Machete, Dwarfina (Heart Evangelist), Amaya ( Marianne Rivera) at kung anu ano pa. Sayang, di ko napansin ang ABS-CBN.

Now, my point is, having what these shows, if you are an OFW, what will you feel? Isa isahin natin.


1. Hindi nakakatuwang malaman na ang mga pulis na ang bagong pinagmumulan ng karahasan sa Pilipinas. Sila na nga ang humuli, sila pa ang nanggahasa. Kung ganito ng ganito, baka mas gustuhin pa ng ordinaryong juan ang malunod sa homesickness sa ibang bansa sa kaysa bumalik sa Pilipinas at ilagay ang sarili sa panganib.
2. Hindi na nagbago ang mga balita sa Pilipinas. Ang balita noon, balita hanggang ngayon.
3. Hindi ba dapat ay maging objective ang pagbabalita? Bakit ang mga news anchor, nagkokomentaryo pagkatapos sabihin ang aktwal na balita. Hindi ba't ito ay maaaring magbigay ng pagkalito sa mga manunuod?
4. Ano ang gusto nating sabihin sa dami ng showbiz balita sa bansa? Hanggang showbiz na lang ba ang reyalidad natin?
5. Sa gabi, puros fantaserye ang mapapanuod. Wala na bang alternatibong programa na puedeng i-ere sa gabi?
6. Hindi pa ba natuto ang mga television network sa nagiging produkto ng mga talent searches. Sa totoo lang, nagiging isang suntok sa buwan ang maka-hanap ng the next regine, the next Nora Aunor or the next Christopher de Leon. Sa panahon kasi ngayon, puros instant rise to fame at mas mabilis din ang pagkalaos. Sa panahon ng instant noodles at higit na convenience,
7. Hindi maalis sa isip ko, nagmumukha ng Cuneta-Lopez-Kabayan ang ABS-CBN at Gutierrez-Gozon naman ang siete. At ang singko, Revillame-Pangilinan.
8. Ang Facebook at Twitter ay bahagi na ng pagbabalita. Mapa-hard news o intriga, kinokonsulta ang mga tweets at shout out. Gayunpaman, sa pagkokonsulta, ito ba ay maituturing na kredibol?
9. Hindi ko alam kung saan patungo ang career ni Erik Santos pero mas angat ang kinang ni Christian Bautista. Isang patunay si Christian Bautista na hindi lahat ng champion sa start search ay sisikat ng todo-todo. Minsan, nasa personalidad, Manager at karisma.
10. Sa panunuod ko ng local shows, hindi lang ako naaliw, nagising din ako sa reyalidad na halos wala pa ring pinagbago ang Pilipinas. Kung ikukumpara sa Facebook, ang reyalidad ay makikita pa rin sa mga balita. Kahit sabihing left and right ang pagtayo ng mga malls sa Pilipinas, hindi maitatangging marami pa rin ang nagugutom, marami ang abusado, at mas yumayaman ang mayayaman at naghihirap ang mga mahihirap.


Ikaw, ano sa tingin mo?

No comments:

Post a Comment

ShareThis