Sunday, February 27, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: I AM NUMBER FOUR!

MOVIE MONDAY!
Every Monday, I will showing a review of the movie (s) that I recently watched. Read at your own risk for THIS IS NOT YOUR TYPICAL MOVIE REVIEW.


In HOKUS POKUS: I AM NUMBER FOUR

Over the weekend, I was able to watch two movies; one foreign and one local. Dahil may budget ako (hindi rin), I went out with my friend to watch the movie “I am number four.” Then on Sunday, habang ngumangasab ako ng One Dollar Meal at Kutsinta for lunch, I rolled out the movie “Shake, Rattel and Roll 10.”

Unahin natin ang “I am Number Four.” Base sa pagbabasa ko, ang sci-fi movie ay isa palang nobela na isinulat nina Pittacus Lore, and pen name nina James Frey at Jobie Hughes. Ang aklat ay nailimbag (sa mga pa-sushal at yuppie, ang LIMBAG at PUBLISH, hindi LIBAG) ng Harper Collins noong August 3, 2010. Ang nobela ay ililimbag (again, publish) sa anim na installation.

Tulala ako sa panonood ng pelikula. Hindi dahil mangha (sa mga yuppie at pa-sushal, MANGHA means AMAZE) ako sa mga special effect o kung anu-ano pang pasiklab. Tulala ako dahil parang hindi ko matimpla ang pelikula. Una, siguro nga ay hindi ko kilala ang mga artista. Na sa huli, na-figure out ko na lang na ang bidang lalake ay isa sa mga karakter sa Smallville (tama ba?). Siempre, ang bidang babae, nakilala ko. Isa siya sa mga tauhan sa sikat na GLEE. Samantalang ang iba, di ko kilala at di ko na balak kilalanin pa.

Simple at walang bago ang plot. The kontrabidad attacks the bida. Patayan. Blood. Attack the city. Big confrontation. Sabog. Bang. Kaboom. Ganon. Wakas. At siempre, uso rin ang pakitang katawan ng mga artista. Si bidang lalake, parang din a hitsurang highschool senior. Si bidang babae naman, umaastang artsy na manang. Hindi ko rin maintindihan kung naka-shoulder pads ang bidang babae.

Napanuod ko ang pelikula in 2D (puedeng mag-boo ang mga yuppie at 3D-4D fanatics). Maliban sa matingkad na blue na madalas lumabas sa palad ng bida, ang mga pagsabog sa pelikula ang nagbigay estetika (sa mga yuppie at pa-sushal, ESTETIKA is AESTHETICS), sa ilang bahagi ng eksena. Di nawala ang habulan. Basagan ng face. Oo, face-to-face. At yon na nga, tila mukhang ALBINO na naman ang ginamit na image ng kontrabida. Tanong, ano bang meron sa mga ALBINO at lagi silang ginagamit na imahe ng kotrabida o mga ALIEN. In reference to the ALBINO Factor, pansinin ang pelikulang HARRY POTTER o ang mga pelikulang may SAPI/DEMONYO factor. Anong meron?

Sa huli, laging huli at dapat sa huli, nagwagi ang kabutihan laban sa kasamaan. Aba, di lang pala may NUMBER FOUR, may NUMBER ____ din. At hahanapin pa ang ibang numero. Sumatutal (Para sa mga yuppie at pa-sushal, SUMATOTAL is IN TOTAL), ang pelikulang “I am Number Four” ay parang (sa pananaw ko) ay isang pelikulang sana ay naisatelebisyon na lang. Sa kabila ng suguran, duguan at habulan, walang SIPA or KICK ang pelikula. May SIPA pala. Pagiisipin ka nang mga sumusunod: Nasaan si Number ____? Sino ang artistang gumanap na Number 6?

Ilang tip sa mga manunuod ng pelikulang “I am Number Four.”

1. Kung ikaw ay KABIT, wag tangkaing panoorin ang pelikula. Pag nahuli ka ng asawa ng kinakalantari mo at bigla kang tinanong nang “Anong ibig sabihin nito?” Baka masabi mong na “I am Number Four.” Patay, eh di napa-amin ka.

2. Kung ikaw ay walang pasensya sa pila sa sinehan, wag na ring manuod ng pelikulang ito. Baka maasar ka lang dahil kahit ang numero mo ay ONE, di ka matatawag. Ano ba kasi ang TITLE ng PELIKULA? I am Number Four.

3. Kung nag-a-abang ng PANALO sa LOTTO at may HISTORY ng HIGHBLOOD, wag na ring manuod ng pelikulang ito. Baka kakahintay mo ng resulta, may biglang mag-aanounce ng “Sino ang Number Four” sa mga nakapanuod na, magpanic at mahimatay ka. Bakit? Inakala mong nanalo ka dahil ikaw ay number four!

4. Kung ikaw ay naghihintay ng Order at napatambay malapit sa sinehan, wag ASSUMING. Di palibhasa na tinawag ang salitang NUMBER FOUR, handa na ang inorder mo.

Yan ay mga simpleng TIP sa mga manunuod ng I am Number Four.

IN HOKUS POKUS: SHAKE, RATTLE AND ROLL 12
  
Fan ako ng pelikulang Pilipino; hindi dahil sa mga artista (umamin na kasi!!!!) kundi dahil sa mga KAGAGAHAN sa plot. Oo, mga kagagahan, kaguluhan at kalokohan dala ng komersyalismo (insert, FILM THEORY. Sa mga yuppie at pa-sushal, baka ma-nose bleed kayo, so BACK OFF. Arte lang).

Nitong Linggo, napanuod ko na ang much-awaited movie of year 2010 (arte lang). Much-awaited for Brunei dahil hindi pinapalabas ang pelikulang Pinoy dito. Kung nakakapasok man, puros pirata pa. At halos buwan ang bibilangin bago dumating dito ang pelikulang ipinalabas sa Pilipinas. Kaya, MUCH-AWAITED.

So anong meron sa Shake, Rattle and Roll 12? May kaugnayan ba ito sa awiting Shembot? Alamin natin.

Nahahati sa tatlong serye ang Shake, Rattle and Roll. Kung hindi ito hinati sa tatlo, balewala ang silbi ng pelikula. Ano pa’t tinawag itong Shake, Rattle and Roll. Kahit kailan man, di mababago ang ORDER ng Shake, Rattle and Roll. Never naman itong naging Roll, Shake, Rattle or di kaya ay Rattle, Roll and Shake. Maguguluhan daw si Aling Tasing (sa mga yuppie and pa-sushal, si ALING TASING ang simbolo ng masang Pinoy sa mga pananaw ng producer. Si ALING TASING ay si LILIA CUNTAPAY- arte lang).
Lilia Cuntapay in her MOST FAB pic!
 Maganda at Luma ang bersyon ng SRR (I-short cut natin para KEWL) ngayong taon. Maganda dahil nagsasama sama ang mga engkanto at bampira. Ang tila wala lang sa lugar at palasak na (Para sa mga yuppie at pa-sushal, PALASAK si CLICHÉ) ay ang MAMA-NIKA. Maliban sa nakakairitang pagtawag sa ‘DOLL,’ mas nakakagulo ng pagkatao ang CHAKA DOLL moment. Sa totoo lang, ilang beses ko ng nakita ang ganitong klaseng KALOKOHAN.

Pero wag ka, halos hindi ko maalis ang mata ko sa telebisyon lalo na sa ROLL part. Napa-roll talaga ako sa twist; si Teacher Dianne ay nakain din sa huli. Samantala, naaliw ako kay John Lapus. Umaastang Carribean ang pananamit, at mas umaastang LALAKE sa kilos. As usual, isa na naman itong ELEMENTO sa Pelikulang Pinoy – naghahalo ang katatakutan at katatawanan. Isa itong, KALOKOHAN.

Kung ikukumpara sa mga nagdaang ROLL, RATTLE at SHAKE (gusto ko lang maiba ang order), walang ipinagbago ang RATTLE, SHAKE at ROLL (arte lang). Nanakot ito. Nagpapatawa. Nagpapahiwatig ng lagim at kababalghan. At sa huli, kumikita si Mother Lily.

Ano ang kaugnayan ng SHAKE, RATTLE and ROLL sa awiting Shembot? Si Mother Lily. Siguradong napa-SHEMBOT sa blockbuster hit ng SHAKE, RATTLE and ROLL. Ikaw ba naman ang may BONGGANG BONGGANG bahay bakasyunan sa Tagaytay!

Ano ang namimiss ko sa marketing hype ng pelikulang Pilipino?

  1. Na-mi-miss ko ang mga teaser na nagpapakita ng mga NAGSISIKSIKANG manunuod sa premiere night ng pelikula.
  2. Na-mi-miss ko ang (sa mata ng Yuppie at pa-sushal) jologs na nagsasabi, ‘Grabe ang ganda ng pelikula” sabay sigaw, at yung mga artistang puno ng kashowbizan sa pagsabi ng “The movie was great.” (point lang naman nung artista eh sumipsip sa producer para magawan din sila ng pelikula, eventually)
  3. Na-mi-miss ko ang katahimikan at ingay sa loob ng sinehang Pinoy. Banas ako kasi sa mga maingay, yung nagkukuwento habang rumorolyo ang pelikula.
  4. Na-mi-miss ko ang pila sa sinehang Pinoy. Nakakatawa kasi pagmasdan ang ibang manunuod; akala mo mag-a-outing sa nipis at iksi ng damit.
  5. Na-mi-miss ko ang mga BANIDOSONG manunuod. Umaasa silang ma-discover sa dilim ng sinehan.
  6. Na-mi-miss ko ang katanungang, bakit ang dami namang bakanteng upuan, ang ibang nanunuod, gusto, nakatayo!

 

 

No comments:

Post a Comment

ShareThis