Friday, February 25, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: POST-SEM SYNDROME!

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam ng Post-Sem Syndrome, o meron pa bang iba dyan? Pakitaas lamang ang kanang kamay! (Pati si JUNIOR, tumayo at sumangayon! - YUCK!)

Okay, pauso lang ang konsepto ng Post-Sem syndrome. Ayon sa AKING depinisyon, ang Post-Sem Syndrome ay isang uri ng emosyonal na pagkabalisa na hatid ng pagtatapos ng semester. Madalas, ang simtomas nito ay ang ang pakiramdam ng paghahanap ng gawaing pang-eskuwela gayong tapos na ang klase. Madalas, ang Post-Sem Syndrome ay isang emosyonal na kalagayan. Ang mga taong nakakararanas nito ay mga estudyanteng nagsipag o nalunod sa gawaing pang-eskuwela at sa isang iglap ay mababakante. Ibig sabihin, wala ng isusumiteng asignature o papel pero naghahanap ng mga gawaing pang-eskuwela.

Ang Post-Sem Syndrome ay parang Post-Natal Blues sa mga buntis - Pauso ko ulit. Maaring dahil sa hatid na trauma ng school work at deadlines, maaaring nasusuya ang isang tao sa gawaing pang-eskuwela o kaya ay naghahanap pa ng gawaing pang-eskuwela (MASOKISTA?).

Tandaan, normal ang pakiramdam ng Post-Sem Syndrome - Pauso ko ulit. Maaaring ito ay maging tanda ng "EXCELLENCE" dahil tapos na ang sem, naghahanap ka pa ng school work. Gayunpaman, isa mga malubhang kaso nito (pauso ko) ay ang pagbubuklat ng mga AKLAT o paggawa ng 'IMAGINED' assignments  (pauso ulit).

Ngayon, ramdam na ramdam ko ang Post-Sem Syndrome. Gayunpaman, nagpapasalamat ako at malaya na ako sa school work. Saka ko na iisipin ulit ang mga gabing walang tulugan o pamorningan sa piling ng aking laptop.

Hello Sem Break. Hello Summer. Hello Social Life.

Para labanan ang Post-Sem Syndrome, heto ang sampung pamamaraan:

1. Halukayin ang baul at basahin ang mga napagiwanang NOBELA. Muling kiligin, tumawa o matakot. Siguraduhin lang na hindi related sa eskuwela ang babasahin para ma-RELAK. Oo, ma-RELAK (to follow: SSSSSSSS = MARELAKSSSSSS)!

2. Bisitahin ang MALL. Baka namiss mo ang mag-SHOPPING. Baka namiss mo magpaka-YUPPIE kahit sinlaki ng PUPPY ang budget mo.

3. Magparamdam sa mga kaibigan. Sabihin mo sa kanila, "I'm alive, san tayo?"Wag magtaka kung hindi ka nila pansinin. Siguro'y di ka nila nakilala. Paano ba naman, tinalo mo pa ang ERMITANYO o TAONG GRASA sa pagka-haggard ng look mo sa nagdaang semestre.

4. Mag-Facebook 24/7 kahit dati mo nang gawain.This time, wala nang sagabal. Maliban na lang kung naputulan kayo ng ilaw dahil di pa kayo nakakabayad.

5. Umibig, Umibig, Umibig. Kung nawalan ka ng love life during the sem, ito na ang panahon para muling buhayin ang ATHENA o ADONIS sa iyong pagkatao. Puede mo ring i-SMS si Kupido kung tila tinalikuran ka na nito. Subukin mo rin makipag-DATE.

6. Maghanap ng Summer Activities. Puede kang mag-swimming lesson, photography o kahit mag-aral sumayaw. Kung gusto mo, puede ka ring sumali sa MILO summer camp kung namiss mo ito simula pagkabata. Malay mo, maging COACH ka pa dahil sa LAKI mo.

7. Travel. Ito na ang perpek timing para libutin mo ang Pilipinas. Di ka na busy. At siempre, kung may budget ka, lipad na sa iba pang panig ng daigdig. Abangan mo rin ang SEAT SALE ng CP. Malay mo, sa susunod, di lang SEAT SALE ang makuha mo, IKAW na ang EROPLANO.

8. Magpapayat. Oo. Kailangan mo nang magpapayat. Paparating na ang summer at dapat ng iwaksi ang FATS na hatid ng STRESS from school.

9. Kung ikaw ay taga-OU at DevComm Major, aba, di mo dapat palampasin ang GKK (Grand Kita Kits) sa Abril.

10. Magpasalamat. Ngayong tapos na ang semestre, nararapat lamang na magpasalamat ka sa mga taong sumuporta sa'yo at sa Diyos.

...Kung hindi dahil sa mga KAPATID mo, hindi ka makikipag-agawan sa paggamit ng Internet or laptop. 

... Kung hindi dahil sa KAPITBAHAY mo, hindi ka magsusumikap na tapusin na ang iyong pagaaral para makapagtapos ka na o ma-promote sa trabaho para MAKALIPAT ng NEIGHBORHOOD. Paano ba naman, nakakasawa na rin ang AWAYAN at VIDEOKE ng KAPITBAHAY!

... Kung hindi dahil sa magulang mo, hindi ka mabubungangaan sa pagkaburara mo o pag-cram. At kung hindi dahil sa MAGULANG mo, di ka magsusumikap sa pagaaral para makuha ang LATEST GADGET para sa iyong GRADUATION.

...At kung hindi dahil sa mga KAIBIGAN mo, hindi ka maiingit at maasar dahil lagi kang iwan sa lakad at gimik dahil nagtatapos ka ng paper. Dahil dyan, nanaiisin mong tapusin na ang mga gawaing pang-eskuwela. Sana lang, hindi kalidad ng INSTANT NOODLES ang naipasa mo sa mga Propesor mo.

...Kung hindi dahil sa Diyos, hindi ka mapagmimilagruhan kung naging tamad ka ilang araw bago ang exam. At dahil sa Diyos, heto ka't BUHAY at nasa TAMANG PAG-IISIP.

O paano, Happy Sem Break!

No comments:

Post a Comment

ShareThis