Monday, February 28, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: TOP 1O COMMON JOKES WHEN YOU'RE SINGLE

TOP 10 TUESDAY
Starting today, every TUESDAY, pag-uusapan natin ang mga nakakaaliw na TOP 10. To start off, read on!

 TOP 10: TOP 10 BIRO NA MADALAS SABIHIN SA MGA TAONG SINGLE 

Sabi nila, magbiro ka na sa LASING, wag lang sa TAONG BAGONG GISING. I disagree, sa panahon ngayon na si PhilYoung Husband at Anne Curtis ang nagbibigay standard ng JOWA MATERIAL (pagdating sa pisikal) at dahilan kung bakit marami ang NAGPAPANTASYA sa kanilang DREAM MATE or PARTNER na nauuwi sa MATAGAL na PAGKA-SINGLE, dapat sigurong sabihin na, magbiro ka na sa LASING, wag lang sa SINGLE.

Sa pagkakataong ito, naglista ako ng TOP 10 na MADALAS AY “BIRO” or “JOKE” sa mga taong SINGLE (FOR THE LONGEST TIME). Bali baligtarin mo man ang mundo, ‘IT HURTS, YOU KNOW?!?”


  1. MAG-GYM KA KAYA!

Sa panahon ngayon na puros GYM ang bukambibig ng karamihan, madalas sabihan ang mga SINGLE na di makabingwit ng JOWA ay “MAG-GYM ka na.” Naniniwala ang karamihan na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang katawan, magkaka-jowa ka. Less taba, more ligaw. Less kain, bongga ang figure. Less carbs, more six packs. At maliban sa healthy lifestyle, more gym, more kalandian potential.

Sagot sa ganitong hirit," Naniniwala ako na magkaka-jowa rin ako. May mga tao pa ring MAHILIG sa STUFF TOY, BOLSTER at DATING HITSURA ni JUDY ANN!"

Sa mga lalake naman, " Wala yan sa pangangatawan. Minsan, nasa PERFORMANCE din naman."

  1. BAKA  MAGSARA NA YAN.

Madalas na binibiro ang mga babae na matagal nang single ng “Baka Magsara na yan” statement. Parang isang SHOP, pag walang suki, walang benta, soon, magsasara. Na para bang ang BOYFRIEND ay ang customer na maghahatid ng PUNLA (profit) at KALIGAYAHAN.

Sa mga pagkakataong ito, isa lang ang puede mong sabihin. “Kailanman ay hindi magsasara ito. Ngayo pa nga lang inaabangan na.” Magtataka ang kausap mo. Sabay hirit ka ng, “DAPAT MONG TANDAAN NA ANG MATALINONG MAMIMILI, SA SARIWA NAGPAPA-SUKI!”

Hindi applicable ang "Baka magsara na yan" statement sa mga lalake. Hangga't tumatayo si JUNIOR, nagaganap ang PAKIKIBAKA.

  1. MAY BALAK KA BANG MAG-PARI o MAG-MADRE?

Madalas din sabihin ng mga echosera’s echosero na “May balak ka bang mag-pari o mag-madre’ sa mga taong Single sa matagal na panahon. Sa paniniwala ng mga echosero’t echosera, kung si KRISTO nga ay bumigay kay MAGDALENA, paano pa ang simpleng MORTAL na gaya mo. Pasalamat ang mga echosera’t echosero, mapagtimpi ka. Kung hindi, KINULAM mo na sila.

Ang pangontra rito: Hindi ako magpa-pari o mag-ma-madre. Wala pa talagang nakaka-LEBEL sa pagiging DIYOS ko. Paaaaaaaaaak!

  1. NAPAGIIWANAN KA NA. RUN FORREST, RUN!

Maaaring busy ka sa pagpapayaman kaya di mo napansin ang iyong LOVE LIFE. Sa huli, nagka-edad ka, napagiwanan ka na. Mas nakakaasar pa dahil may mga echosera at echoserong ipinamumukha sa’yo na NAPAGIWANAN KA NA.  Tama bang kumanta ang mga KAIBIGAN MONG 30 PLUS years old na sa awiting ni Justin Bieber na “BEYBI” para ipamukha sa’yo na they are young, carefree and full of BEYBI?

Sa mga pagkakataong ito, isa lang ang nagagawa mo. Maghabol ng MRT. Maghabol ng Bus. Maghabol ng promotion. Para pag yumaman ka pa lalo, ipamumukha mo sa kanila. Zobel, Aquino, Ayala at Tan ang JOWA mo.

  1. BAKLA KA BA? TOMBOY?

Sa kulturang Pinoy or kahit saan naman, ang taong single sa matagal na panahon ay napagkakamalang BAKLA o TOMBOY. Kasi, ang basehan ng pagiging tunay na lalake at babae ay ang pagkakaroon ng JOWA; isang katotohanang nakaka-GAGA!

Isa lang naman ang sagot riyan eh. Eto: “ Katawan ko to, Isip ko to, Ari ko to. Wala kayong Pakiaalam kung para saan, kalian at paano ko gagamitin ito.” Tse! (Nalaman nila ang kasagutan base sa sagot mo!)

Kung ikaw naman ay babae, maari mong isagot, "Hindi lahat ng walang jowang babae ay Tomboy. May iba ring babae na BAKLA. Kaya tigilan ako!"

  1. WAG KANG CHOOSY KUNG DI KA NAMAN YUMMY.

Masakit man isipin, tila walang KARAPATAN sa MUNDO NG PAG-IBIG ang mga di YUMMY. YUMMY is equals to PhilYoung Husband and Anne Curtis look (di ako fan, sila lang ang sikat as of the moment). Pang-billboard. Artistahin. Ma-six pack. Ma-kurba. Kasi ang sabi ng karamihan, di daw totoo na makikita ng tao ang DEEP INSIDE mo. Siempre daw, unang tinitingnan ang KATAWAN. Yung harap, hindi yung looban.

Sa ganitong entra, isa lang ang maari mong isagot. Sabihin sa kausap: “HINDI LAHAT NG YUMMYing LALAKE ay MAY YUMMYing GIRLFRIEND. Yung iba, may YUMMYing BOYFRIEND din.”

"Hindi lahat ng YUMMYing BABAE ay PULIDO. Ang iba, may tendensiyang maging BLACK SWAN."

  1. TALO NG MALANDI ANG MAGANDA.

Para-paraan lang daw ang buhay pagdating sa pag-ibig. Sabi nga ay diskarte. Kaya ang iba, nabibiro nang Talo ng Malandi ang Maganda. Totoo nga siguro. Kasi ang malandi (na walang ganda) ay talagang agresibo, wild at all-around.

Isa lang ang maaari mong isagot. Sa panahong ng MALALANDI, hindi lang LALAKE o BABAE ang nakikilala nila. Minsan nakikilala rin nila sina AIDS, SYPHILLIS, at kung sino-sino pa.

  1. KUNG DI KAYANG DAANAN SA SANTONG DASALAN, BAKA KAY BELO, MASOLUSYUNAN!

Oo na. si Belo na ang simbolo ng pagpa-retoke sa Pilipinas. Sa kasamaang palad, ang mga single (na di masyadong nabiyayaan ng hitsura) ay nasasabihan ng kung anu-ano.

Sa mga ganitong pagkakataon, may mga buwelta na puede mong ipangtapat.

Mas mabuti pa rin ang NATURAL BEAUTY. Dapat tandaan na, HINDI LAHAT NG MAGANDA AY BABAE. KADALASAN, MAS MAGANDA SILA AT MAY LAWIT PA.

  1. ANG LALAKENG GIPIT, SA BADING KUMAKAPIT. GO, MARE!

Masakit isipin, hindi naman lahat ng SINGLE ay DESPERADA. Ang iba sa kanila, naghihintay. Nagdarasal. Kung ikaw ay babae at nasabihan ng “ANG LALAKENG GIPIT, SA BADING KUMAKAPIT,” dapat mong isipin ay kung ikaw ay BADING. Pangalawa, dapat mong isipin na PERA-PERA na lang ba ang labanan? MInsan, seks-seks din daw (arte lang!)

Kung masabihan man ng ganitong pananalita, maari mong sabihin na: “ HINDI LAHAT NG LALAKENG GIPIT AY SA BADING KUMAKAPIT. MINSAN, PATI SA 5/6, SUGAR MOMMY AT KAHIT SA KLOSETANG POLITIKO NAGPAPAGAMIT!”

  1. AANHIN MO ANG GABI KUNG WALANG KATABI.

Isa lang ang sagot sa banat na “Aanhin mo ang gabi kung wala kang katabi.” Eto:  AANHIN MO ANG KATABI KUNG WALA NAMANG SILBI.

To all SINGLES out there, HAPPY INDEPENDENCE DAY.

BOTTOM LINE, matutong MAGHINTAY at MAPANGKILATIS. 

 

No comments:

Post a Comment

ShareThis