Thursday, March 10, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: PBB EPISODE 4: THE FORBIDDEN FRUIT

ANG MGA TAUHAN:
Ang mga PASABOG sa BAHAY ng mga BRUNEIYUKIS, ang blogserye ng mga totoong Bruneiyukis!

Kilalanin sila sa katauhan ng inyong mga paboritong artista…

Star: 26, single, morena, account executive, only child, taklesa, laitera. Isang dating child star. Lumaki. Nalaos. Nag-Brunei. Gustong sumikat, muli. (Imagine Maja Salvador)

Cris: 26, confused, writer, geeky, nangibang bansa para magipon ng lakas ng loob at hanapin ang sarili. (Imagine Piolo Pascual)

Ja: 27, lesbian, photographer, nangibang bansa para magipon ng lakas ng loob upang harapin ang jowang sumama sa kanyang bestfriend na lalake na ngayon ay nasa Singapore. (Imagine Angel Locsin)

Migs: 28, lalake, hobbyist sa design, dating bokalista, photographer, nangibang bansa para makaipon at balang araw ay gumawa ng sariling album. (Imagine John Lloyd Cruz)

Jack: 25, lalake, graphic designer, painter, gustong takasan ang malungkot na nakaraan. (Imagine Gerard Anderson)

Cindy: 22, babae, writer, panganay, aktibo sa seks, isinusuka ang Pilipinas, nangibang bansa para pagaralin ang 6 na kapatid at bayaran ang bahay at lupa ng pamilya. (Imagine Marian Rivera)

John: 26, lalake, single, only child, call center agent, con-artist, spoiled brat, nangibang bansa matapos makuha ang mana mula sa yumaong mga magulang. (Imagine Derek Ramsey)

Pam: 26, babae, writer, single mom, nangibang bansa para makaipon at magbalik sa Pilipinas para magturo. (Imagine Iza Calzado)

Sandy: 27, single, dating beauty pageant title holder sa kanilang barangay, komikera, receptionist. Nagiipon ng pera para makapagpatayo ng sariling parlor, ng babuyan at kung anu ano pang negosyo. (Imagine Eugene Domingo)

Frances: 26, single, anak ng pulitiko, nagibang bansa para takasan ang amang sugapa sa pera at ang arranged marriage. (Imagine Kim Chui)
Garfield: Ang salimpusang pusa. Salimpusa nga ba?

Divine: 50, ang landlady, matandang dalaga, (Imagine Gina Pareno)

Madam Love: May-ari ng Bee Advertising (Imagine Judy Anne Santos)
EPISODE 4: FORBIDDEN FRUIT

HOST:
Nagsimula na ang aksiyon sa loob ng bahay ng mga Bruneiyukis. Si Migs na type na type ni Madam Love. Sina Cindy at Star, nagkabanggaan, at si Jack, unti unti nang na-re-reveal ang pagkatao. Ngunit hindi nagtatapos sa tension sa loob ng bahay ang mga kaguluhan, isang sikat na celebrity ang pinalipad ng PBB Brunei sa bahay ni Kuya para makisaya sa loob ng bahay, walang iba, ang Queen of all Media, si Kris Aquino.

Papasok sa loob ng bahay si Kris Aquino bibit ang kanyang malalaki’t makukulay na maleta.
Magugulat ang mga BRUMATES.

CINDY: Anong ginagawa niya rito?

SANDY: Nakuuuuuuu! Si Ms. Kris Aquino!

MIGS: Ayos!

JACK: Kinis!

JOHN: Tsk Tsk Tsk

JA: Puti ah!

CRIS: Flawless!

PAM: Wooooow!

VOICE OVER:
At bago pa man malunod sa surpresa ang mga BRUMATES, agad na umentra si Divine, ang land lady.

DIVINE:
Maglalagi si Ms. Kris Aquino dito sa bahay sa loob ng Sampung Araw. Makakasama niyo siya. At...

Eentra si Kris Aquino

KRIS:
You know Ms. Divine, I think I will enjoy my stay here. (Kay Star), You designed it?

STAR:
Oo.

KRIS:
I don’t like it. It’s OA.

Susugurin sana ni Star si Kris pero pinigilan ni Cris.

CRIS:
Ms. Kris, fan na fan niyo ako. How’s James?

KRIS:
James, who? Ahahahahaha!

PBB LOGO

HOST:
Hello World, Hello Philippines, Hello Brunei! Kayo po ay nakatutok sa PBB, ang Pasabog sa Bahay ng mga Bruneiyukis.

Patindi na ng Patindi ang mga kaganapan sa loob ng bahay ng mga Bruneiyukis. Nagkakaroon na ng alitan at may mga sikreto na ring unti unti narereveal. Speaking of revelations, balikan muna natin si CHIKABABES para latest reactions ng ating mga manunuod.

(Nasa Jerudong Park)
CHIKABABES:
Hello, Hello, and Hello everyone! Kahit matindi ang sikat ng araw ditto sa Jerudong Park at walang katao kundi kami lang, aba, painit ng painit pa rin ang reaksiyon ng mga tao sa PBB Brunei. Marami ang nagsasabi kung paano nai-ere ang programang ito sa kabila ng kahigpitan ng gobyerno dito. Isa lang naman ang ma-sa-say ko dyan. Well, Para-paraan mga friends.

Siempre, bago natin balikan ang mga BRUMATES sa loob ng bahay kasama si Ms. Kris Aquino, aba, let’s make basa muna ng mga latest comments ng ating mga readers!

BEYONCE KNOWS: Akala namin di na kayo eere. Patok na patok ang PBB dito si Manila. Sayang we can only watch online.

SMALLBILL: Totoo bang manananggal si Jack? Sino pa ang may kapangyarihan sa mga BRUMATES?

UGE: Kaasar si Star. Sana siya ang unang ma-eliminate sa BRUMATES!

ECHOSERANG FROG: Kadari naman si Madam Love, very cougar. Pati si Migs, paginteresan pa! 

BAKLATEAM: Excited kami sa magiging buhay ni Cris sa loob ng PBB. Sino kaya sa mga boys ang magiging jowa niya.

CHIKABABES:
Nako mga kapatid, kapamilya at mga kapuso! Mukhang excited kayo sa mga developments ng buhay ng ating mga BRUMATES sa loob ng PBB. Hindi ko na rin kayo bibitinin, let’s start the ball, rolling!!!!!!

PBB LOGO

Nakatayo si Ms. Kris Aquino sa sala. Nakapalibot ang BRUMATES.

KRIS:
Hindi ako pumunta rito to make bakasyon. I am here para sabihin sa inyo na, dalawa ang matatanggal at this very moment. Wag muna kayong mag-react coz I’m not even prepared to say this.

Sa harap niyo ay ang sampong envelope. Dalawa sa mga envelope na yan ay mag Plane ticket. Meaning to say, pag nakuha niyo, aalis na kayo ng bahay, at ng Brunei.

I want to call the boys. Please step forward.

Step forward sina Cris, Jack, Migs, John. 

Kumuha ang mga lalake ng envelope.

KRIS:
Ngayon naman, step forward ang mga Girls.

Step Forward sina Pam, Sandy, Ja, Star, Cindy at Frances.

KRIS:
Here’s the catch. Di niyo pa puedeng buksan yan. You have 24 hours bago buksan yan. Ipapatawag ko ulit kayo if puede niyo nang buksan.

VOICE OVER:
Samu’t sari ang naging reaksiyon ng mga BRUMATES sa pagkakatanggap ng kanilang envelope. Ang iba, nangamba. Ang iba naman, mukhang di na nagulat. Pero ang iba, halos hindi kinaya ang pagsubok.

FRANCES:
Ayoko ng bumalik sa amin. Kung matatanggal man ako dito, pupunta na lang ako sa ibang bansa.

PAM:
Paano na ang mga anak ko. Sa akin lang sila umaasa.

CINDY:
In the first place, what is she doing here? Yang Kris Aquino?

CRIS:
Kung ako man ang mashonggal, keri na. Patay ang sex life ko rito.

JOHN:
I don’t need this shit. Mayaman naman na ako.

VOICE OVER:
Matapos ang ilang minuto, dumating na ang serbis na susundo sa mga BRUMATES. Pagdating sa opisina, bakas ang pagkabahala. Pero tila mas nabahala sila sa naging pagdating ni Madam Love.

MADAM LOVE:
Last week, I asked all of you to do a Fashion Show for Lingerie Shop. Bakit hanggang ngayon, wala akong nakikitang drafts. What now? Answer me!

MIGS:
We try our best, Madam.

MADAM LOVE:
You don’t answer me, okay?

Freeze frame ng mga takot na mukha.

COMMERCIAL BREAK

MADAM LOVE: (talking over the phone)
Yes. Try the next day. I want him dead.

May kakatok sa pinto. Si Migs.

MADAM LOVE:
Come. Yes Migs.

MIGS:
Madam, what time are you available? We present our designs.

Lalapit si Madam Love. Hahawakan ang kamay ni Migs.

MADAM LOVE:
Did you see it?

FLASHBACK: Nabasag ang Chinese Doll ni Madam Love. Nakita ni Migs na dumugo ang manika.

MIGS:
No. I didn’t see anything. Can I now go, Madam?

MADAM LOVE:
Just be sure. Or else…

Agad na lumabas si Migs ng silid ni Madam Love.

CUT TO:
Stock Room sina Star, Cindy at Sandy. Nagsusungitan ng tingin sina Star at Cindy.

SANDY;
Kayo ba eh hindi titigil sa pagiirapan niyong yan. Bilisan na nga natin. Next week na ang event, hindi pa natin naayos ang mga props.

STAR:
O Cindy, baka may suggestion ka kung paano tayo mag-magic?

Susugurin ni Cindy si Star.

SANDY:
Ano ba!!!!!! Tumigil kayong dalawa! Hanapin niyo na nga yung mga tela na puedeng gamitin.

CINDY:
Eto nahanap ko na.

SANDY:
Ano yan?

CINDY:
Nahanap ko na ang telang ipantatakip ko kay Star pag patay na siya.

VOICE OVER:
Kung tumitindi ang awayan nina Star at Cindy, itong si Cris, mukhang may ibang napapansin kay Jack.

CRIS:
Bakit napaka-dark ng mga designs mo. Fashion show to. Lingerie. Hindi naman Halloween.

JACK:
Hindi ba, Lights off ang concept niyo?

CRIS:
Lights off, oo. Pero Fashion show yon.

Darating si Migs, balisa.

CRIS:
MIgs, ano tingin mo sa design ni Jack?

MIGS:
Okay na siguro yan.

CRIS:
Okay? Teka, okay ka lang ba?

MIGS:
Okay lang. About our presentation kay Madam, di pa sumagot eh.

CUT TO:

JA:
Hindi ba kayo natatakot?

JOHN:
Natatakot saan?

JA:
Sa mga posibleng mangyari. Sa paligid natin. Sa bahay. Sa opisina. Kay Madam Love.

JOHN:
Bakit ka naman matatakot sa mga yon?

Papasok si Madam Love.

MADAM LOVE:
What is this?

PAM:
Photoshoot of Lingerie for the visuals, Madam.

MADAM LOVE:
Four of you? Even two persons, can take this.

JA:
They assist, I shoot. We need 25 lingeries.

MADAM LOVE:
I don’t care.  John, follow me.

VOICE OVER:
Habang abala ang mga BRUMATES sa kanilang trabaho, inihanda na rin ni Ms. Kris Aquino ang napakasarap na dinner sa mga BRUMATES.

KRIS AQUINO: (INTERVIEW)
I prepared paella, kare-kare and siempre Afritada for our BRUMATES. I want them to feel special naman kasi dalawa sa kanila ay mag-go-goodbye sa Brunei.

CUT TO:
Sa room ni Madam Love. Kausap ni Madam Love si John.

MADAM LOVE:
I want you.

Nagkatitigan sina Madam Love at John. Naghalikan ang dalawa. Dilim.

CUT TO:
Pantry. Naguusap sina Sandy at Pam.

SANDY:
Ano kayang meron kay Jack?

PAM:
Hindi ko rin alam. Pero natakot ako nung isang araw.

SANDY:
Anong ginagawa nung patay na ibon don. At saka bakit duguan siya.

Papasok si Jack. Matatahimik ang dalawa.

SANDY:
Jack, tara kain.

FRANCES:
San ka galing? Parang di kita napansin kaninang umaga.

JACK:
Nagpadaan ako sa Clinic. Mejo masama pakiramdam ko kanina umaga.

SANDY:
O mas mabuti pa, kumain ka na.

JACK:
Di na. Tatapusin ko pa yung ibang designs.

FRANCES:
Juice oh?

Kukunin ni Jack ang alok ni Frances at sabay aalis ng silid.

CUT TO:

Magisang nakaupo si Star sa kanyang work station. Bigla na lamang itong napaiyak at nagsabing “I want to go home. Gusto ko ng umuwi.”

Nakita ito ni Cindy. Napatingin si Star. Umirap pa rin si Star.

Sabi ni Cindy sa sarili, “Ang galing talagang umarte! Tse!”

CUT TO:
CR ng Lalake. Nakatayo si Migs sa harap ng salamin.

Nagpapalakad lakad ito. Sabay papasok si John. Magkakatinginan ang dalawa. Lalabas na rin si John.

CUT TO:
Sa board room. Si Madam Love kasama ang lahat ng BRUMATES.

CRIS:
That’s our presentation. Thank you very much.

MADAM LOVE:
Uhm….I like it. It’s good to go. Be sure that it will be presented to the client, tomorrow morning.

Nagpalakpakan ang lahat.

MADAM LOVE:
You can all go. Migs, stay.

Nagtayuan ang lahat. Naiwan si Migs.

COMMERCIAL BREAK

VOICE OVER:
Unti unti nang dumating ang mga BRUMATES sa bahay. Sinalubong sila ni Ms. Kris Aquino at ang napakasarap sa Dinner.

KRIS:
Good evening BRUMATES! So how’s your day? You can go and change. Then, dinner na tayo.

VOICE OVER:
Sa pagakyat ng mga BRUMATES sa kani-kanilang mga kuwarto, nagsimula na ring magpanic ang lahat. Di maiiwasan, sa ilang sandali, ilalabas na ang resulta. Sino kaya sa kanilang sampu ang dalawang magpapaalam sa PBB Brunei.

CUT TO:
Orange Room. Sandy at Cindy

SANDY:
Handa ka na ba?

CINDY:
I don’t care. May buhay pa ako sa Pinas.

CUT TO:
Red Room. Cris at Jack.

CRIS:
Okay ka lang?

JACK:
Okay lang.

CRIS:
Bahala na nga!

CUT TO:
Blue room. Star at Ja

JA:
Ayoko ng ganitong feeling.

STAR:
Sanay na ako sa ganito. Namiss ko rin pala in fairness.

JA;
Alin namiss mo?

STAR:
Yung umarte pag natatanggal!

JA:
Baliw!

CUT TO:
Pink Room. Frances at Pam

PAM:
Hindi ko alam kung paano ko to i-ha-handle.

FRANCES:
Let’s just be positive.

CUT TO:
Green Room. Si John.

Nakatingin lang sa may bintana si John. Malayo ang tingin. May hawak itong Baril.

VOICE OVER:
Maya maya ay nagsimula ng bumaba ang mga BRUMATES. Naupo sila sa harap ni Ms. Kris Aquino. Hawak ang envelope na nakuha nila noong umaga.

JACK:
Bago po kayo magsalita Ms. Kris, aaminin ko na sa inyong lahat.

Magkakatinginan ang mga BRUMATES.

KRIS:
Jack, I’m sorry, pero nasaan sina John at Migs?

CUT TO:
Board Room. Si Madam Love at Migs.

MADAM LOVE:
What did you see?

MIGS:
Nothing. Um…I’m sorry about your doll. I didn’t…

MADAL LOVE:
What did you see?

MIGS:
I didn’t…

Papasok si John.

MADAM LOVE:
John, what are you doing here?

Nasa bulsa ni John ang baril.

MIGS:
Pre, anong ginagawa mo rito?

Nagkatinginan sina Madam Love at John.

Dilim.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment

ShareThis