Friday, March 18, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: SINO SI REBECCA BLACK?

Teka, Teka, Teka, sino ba Si Rebbeca Black? Yan ang naitanong ko sa sarili ko nang mapansin kong halos "trending" ang pangalan ni Black sa Twitter.

Dahil na-curious ako, sinubukan kong alamin kung sino si Rebecca Black.

Okay, si Rebecca Black ang umawit ng awiting "Friday." Guess what, ang song ni Black ay halos NAGLIWANAG dahil umabot na sa halos 15 million hits ang nakuha nito mula nang mai-upload ang video noong 14 March 2011. Produced by ARK Music Factory, ang awitin ay sinulat nina Clarence Rey and Patrice Wilson.

Sino si Black? Maliban sa isa siyang singer mula sa Anaheim Hills, California, siya ay...


Una, para sa akin, si Black ay produkto ng hype na hatid ng social media. Instant famoso na ang dilag dahil sa kanyang awiting 'Friday.'

Pangalawa, hindi ko alam kung matutuwa o maaasar ako sa kanta ni Black. Maliban sa bonggang bonggang buka ng bibig sa pagawit, mas nakakapagod ang pagkaliteral ng awitin.

Pangatlo, parang hindi ko maunawaan ang tono at imahe na gustong ipakita ni Black. Tunog Bieber pero nagpapaka-Miley Cyrus.

Pang-apat, parang nasobrahan sa effects ang pagedit ng boses ni Black. Masyadong mataas na nagboses, sorry for the word, "dwende!"

Pang-lima, stuck sa Friday sa awitin. Eh ano ngayon kung Thursday? Monday? Tuesday?

Pang-huli, alam ko na ang na-fe-feel ko. Parang isang ring tone na paulit ulit ang kanta. Although lahat naman ay may karapatan to express their feelings through songs, maliban sa parang abuso ang awitin dahil sa pagka-literal nito sa paglalaro ng araw at parang diary ng bagets na ginawang kanta, di ko lang ma-feel ang awitin. Siguro nga kasi, hindi Friday ngayon at hindi Fun, Fun, Fun!

Iba ka Rebecca Black. Pak!

Di mo na pa ba napapanuod ang kanyang music video? Watch na!

No comments:

Post a Comment

ShareThis