Monday, April 11, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: PAGLISAN TUNGO SA SAYA!

Ito ang unang pagkakataon na sasakay ako ng Cebu Pacific. Dahil dyan, 2 am ang flight ko.

Bagamat nag-countdown ako sa mga nakaraang araw, hindi ko masasabing super excited ako. Ang katotohanan, excited na excited na excited na ako. Hindi ko nga masyadong inisip ang paguwi ko dahil baka hindi ako makatulog, mahirap ng magkasakit.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang pagalis ko ng Brunei para sa aking mahaba-habang bakasyon sa Pilipinas. Mahaba-haba dahil may kailangan akong asikasuhin para aking school at para sa investment. Talagang ni-request ko to sa boss ko.

Nung araw ng alis ko, pinilit kong matulog bago ang flight ko. Eh dahil sa excitement, di na rin ako nakatulog. Dire-diretso na yan hanggang sa airport at pagalis.

Inabot ako 16.90 kilos. Dahil excess, nagbayad pa ako ng 30 dollars maliban sa 12 dollars tax fee. BND15 ang per excess baggage. Pero di ko na yang pinansin. Isa lang naman ang gusto ko, ang makauwi ng Pilipinas at makapiling ang pamilya at mga kaibigan ko.

Dumating ako ng Pilipinas ng 3:55 ng madaling araw. Treinta minutos ring kaming napa-aga. Mukhang kaskasero ang piloto.

Bago yan, nakakatuwa ang mga eksena sa loob ng eroplano ng cebu pacific. Maliban sa ma-turbulence, mas nakakaaliw pagmasdan ang mga tao sa loob. Gaya ko, kanya kanya kami ng iniisip. Ako, sadyang baliw lang. Talagang binabasa ko ang one page safety advice just in case magkaroon ng emergency. Ganoon ako kabaliw! lol

Di gaya ng RBA, walang libre pagkain sa loob ng Cebu Pacific. Bibili ka at pagka-mahal mahal. Naririnig ko nga eh, tubig lang, aabot na ang ilang dolyar. At mas bongga, sa dulo, magaalak ang mga cabin crew ng pasalubong na mabibili na at the moment.

On the side, inabangan ko ang popular dance routine ng cabin crew para ipakita ang safety procedures. Di na pala isinasagawa.Sa hindi ko maintindihang dahilan, natatawa ako sa "sintorong pangkaligtasan." Oo, yan ay ang tagalog ng seat belt.

Pagdating ko ng Pilipinas, sinalubong ako ng bunso kong kapatid na mas matangkad pa sa akin at ng aking tatay.

Dahil wala pa akong tulog, bangenge rin ako. Sa totoo lang, antok na antok na ako sa airport, sa NAIA. Parang gusto ko ng mahiga sa sahig.

Pero, biglang naglaho ang antok ng makita ko ang pamilya ko. Lalo na, pagdating sa bahay.

Unting oras lang, inantok na ako. At sa oras na mahiga ako sa kuwarto ko, nasabi kong" Salamat Lord. Sa wakas, muli ko na namang makakasama ang pamilya ko. "

Halos ilang minuto rin akong nagmuni. Sa tinatamasa kong kasagaan at sa nagdaang taon ng pagsasakripisyo, nasabi ko rin, Derserve na deserve ko to!

Ipinangako ko rin na di ko iisipin ang trabaho sa Brunei. Ito ang panahon para maging masaya, magpahinga at higit sa lahat, sulitin ang panahon na kasama ang pamilya at kaibigan.

No comments:

Post a Comment

ShareThis