Wednesday, April 13, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: PAMILYA!

Totoo nga. Nagbabago ang panahon pero hindi nagbabago ang pagmamahal ng pamilya sa bawat miyembro nito.

Sa unang araw ko sa Pilipinas, hindi ko makakalimutan ang saya sa piling ng aking pamilya. Masarap pala kumain sa hapag na muli silang kakuwentuhan. Nakakatanggal pala ng pagod ang makita sila. Masaya pala ang tumawa sa bawat pagkakataong nagkakabiruan. Sila ang aking pamilya, sila ang nagbigay saya sa aking unang araw.

Wala na sigurong mas sasaya pa kundi ang makasama sila. Ilang taon din akong nawalay sa kanila. At hindi biro ang pinagdadaanan sa abroad. Kaya ngayong andito ako sa Pilinas, lulubusin ang bawat minuto na kasama sila.

Sila ang aking pamilya; ang saya ng buhay sa piling nila.

No comments:

Post a Comment

ShareThis