Wednesday, April 13, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: PAMILYAR NA DAAN!

Sa loob ng isang taon, malaki ang pinagbago ng Pilipinas. Higit na nga itong sumusulong tungo sa industriyalisasyon.

Sa ikalawang araw ko dito, saksi ako sa mga nagbagong istrastuktura sa mga daan. Dumarami ang malls. Lumalawak ang kalsada. May mga bagong gusali.

Pero may ilan ding di nagbabago: andyan ang trapiko; ang mga tindero sa daan; ang napakaraming tao; ang mahabang biyahe dahil sa paghihintay ng sakayan; ang pakiramdam ng takot; ang mga pasaway na bus; at kung anu ano pa.

Sa kabila nyan, ang pamilyar ay masarap muling maranasan. Gaya na lamang ng mga eksena na kasama ang kaibigan. Tawanan at kuwentuhan hanggang madaling araw. At siempre, ang mga kodakan.

Sa mga bato ng dayologo kasabay ng pagkain, napapaisip ako sa ilang katanungan. Bagamat pamilyar ang mga katanungan, hanggang ngayon ay di ko ito alam kung paano sasagutin. Punto,  ang huling pagdedesisyon ay nasa akin rin naman.

Oo, isang taon na lang ang  bibilangin at wakas na ang aking kontrata. Mula sa pagwawakas, naniniwala ako na may sisibol na oportunidad. Kung saan at ano man yon, tanging Diyos ang nakakaalam. Sasabayan ko lang ng sipag at tiyaga at dasal.

Ngayon ko napagtanto, masarap muling balikan ang pamilyar na daan. Doon ako nagsimulang mangarap. Don din ako babalik para tumulong sa iba na abutin ang kanilang pangarap sa buhay.

No comments:

Post a Comment

ShareThis