Sunday, May 29, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: HOW WAS YOUR WEEKEND?

So how was your weekend? My weekend? Ah ako ba ang tinatanong mo? Di ba ikaw ang tinatanong ko? Teka, teka, sino ba ang tinatanong ko? Di ba ikaw? Oo ikaw.

(Insert a reader's weekend story)

Wow! Nice naman ng weekend mo. Talagang punong puno ng activities. Nakaka-inggit. So weekend ko naman pagusapan natin? Ha? Bakit? Bakit ako? Ako? Eh single ako? Pagusapan natin? Kulit mo naman. O teka. O sige. Okay ka na? Hindi nga?

(Insert a reader's questioning of what's happening in this blog)



Uy ano ba! I'm talking to you noh. Kanina kinukulit ko ako, ngayon, ayaw mo na. Ready na ako. Ikaw? Ha? Sandali lang to. Dali! Okay, so how's my weekend? Same as your weekend. Ay hindi pala. Hindi sing fabulous ng weekend mo. Oh, ready ka na to listen? Game!

(Insert a reader's doubtful face)

My weekend. My weekend. My weekend. Parang wag na lang nating pagusapan. Gusto mo? Hindi nga? Talagang gusto mong malaman? Eh wala namang bago sa akin eh. Baka sa'yo meron. Don't tell me kinita mo na naman yung ex mo? or don't tell me in love ka na naman sa isang maling tao? Ay teka, wag mong sabihin na...Oh my God...hindi mo pa rin tinatantanan ang Facebook ng ex mo. Alam mo, tigilan mo na yan. Tigilin mo na yang kahibangan mo. Move on. (natawa) Teka, ano nga ba ang alam ko sa salitang move on. Move on. Two words pero ang hirap intindihin lalo na kung di mo naiintindihan.

(Insert a reader's frowning face)

Alam mo, masuwerte ka nga eh. Alam mo ang feeling ng in love. Oo ikaw. Tumingin ka pa sa katabi mo eh ikaw nga yung in love dyan. Teka, ilang years na kayo ng jowa mo? Hindi nga? Tagal na rin pala. Balak niyo na bang magpakasal? Sigurado ka? Hindi nga? Pero in fairness. Kita ko sa mukha mo na happy ka naman. Tagal niyo na rin kasi noh? Mahirap ba? masaya ba? Anong feeling? Ang tanong, happy ba siya sa'yo?

(Insert a reader's doubtful face.)

O wag ka namang magalit. Binibiro lang kita. Puede namang sumaya di ba? So teka, how's my weekend na nga ba? Weekend ko? the usual. Kain. Tulog. Kain. Linis bahay. OFW ako eh. Iniinit ang ulam sa ref pag tinamad magluto. Maglalaba. Manunuod ng DVD at magcha-chat. Eh isa pa. Wala naman akong karelasyon. Ang nayayakap ko lang naman eh yung bolster ko sa kuwarto. Ikaw ha! Kadiri ka naman magisip. Hindi ganon. Eh sa ganon talaga. Wala pa akong special someone. Di tulad mo oh, namayat sa kaka... o wag kang bastos magisip. I mean come on, hindi ba nakaka-stress ang umibig o makipagrelasyon?

(Insert a reader's doubtful face)

Ah masaya na risky? So para pala itong iniangat na lebel ng masarap ang bawal? Wow! Ikaw na ang expert sa pagibig. Ilang taon na nga ba kayo? Teka, naka-ilan ka na bang jowa bago mo nasabing siya na? O sige, tell me, hindi ba nakakapagod ang makipagrelasyon? Hindi ba puros away, bati yan? Parang ikaw. Example lang naman. Binibigay mo ang lahat pero parang kulang pa rin? Ganon ba talaga? Sagad sagaran? Pati load mo, sinasagad ka. Eh ibinili mo pa ng ng mobile phone ang karelasyon mo. Ganon ba talaga pag love mo? O teka, parang di ka sangayon? Nagkakamali ba ako?

(Insert a reader's smiling face)

O ba't nangingiti ka? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako. Assumptions kasi single ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang pakiramdam ng may karelasyon dahil in the first place, single nga ako. Pero isipin mo noh, ang daming taong nababaliw sa pag-ibig? Mas marami daw sa lalake. Sabi pa ng kaibigan ko, karamihan ng nagpapakonsulta sa mga doktor o napupunta sa mental ay mga lalake. Does this mean eh mas weak ang mga lalake? Parang teka lang. Kung ganyan ang siste, di na siguro ako iibig. Nakakatakot.

(Insert a reader's surprised face)

Seryoso ako! Ano ka ba. Nakakatakot lang din yung fact na mabaliw. Parang hindi ko naman kaya ang lokohan sa isang relasyon. Kasi nga di ba you trust someone? Oo masarap yung feeling siguro ng in love pero parang hindi rin masaya ang misunderstanding. Okay. Stop. Sorry naman at hindi pa ako napapasok sa relasyon. In my 2o plus years of existence, wala pa akong major major na nakarelasyon. Single ako. So hindi ko alam. Kung ang pakikipagrelasyon ay parang pagkuha ng degree, hindi pa ako enrolled.

(silence)

So how was your weekend?

Dilim.

No comments:

Post a Comment

ShareThis