Wednesday, May 11, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: UP MASS COMM, ISANG PAGBISITA!

Sa pinakalatest kong pagbisita sa UP Diliman, kung saan ako nagtapos ng aking undergrad, muli kong dinaanan ang isa sa mga kolehiyong malapit sa aking puso, ang College of Mass Communication. Salamat kay Ma'am Armi, nagkaroon ako ng access sa UP CMC Library kahit taga-UP Open University ako.


Me and Ma'am Armi sa Chocolate Kiss para sa isang meryenda-slash-chikahan!

Maliban sa Kolehiyo ng Arte at Literature (KAL), madalas akong magbabad noon sa College of Mass Communication. Interdisciplinary kasi ang kurso ko. Mass Communication ang pangalawang disiplinang kinuha ko.


Sa totoo lang, nakakamiss ang Mass Comm. Sa Library ako madalas tumambay kasama ang mga kaklase ko. Nakakatawa ring isipin na ang Mass Comm library ang pinakamaingay na library na napasukan ko. Madalas ang mga estudyante rito ay naghahagik
gikan o nagbubulungan. Dahil dyan, panay panay din ang pagtunog ng mini bell para patahimikin ang lahat.
Madalas kami sa area na ito. Kasama ko noon ang mga kaklase! Ang i-ingay!

Tuwang tuwa ako sa Mass Comm Library. Sa pinakalatest kong uwi, naglagi ako rito. Nag-re-research kasi ako para sa aking thesis bago bumalik ng Brunei. Bilang Philippine based ang thesis topic ko, kailangan kong kumuha ng mga resources mula rito. Kung puede lang talagang dalhin ang Library ng Mass Comm!

Dumalaw din ako sa Department of Broadcast Department. Madalas din ako rito. Tandang tanda ko. Madalas akong makiusap kay Ma'am Rose para makakuha ako ng Broad Comm Subjects. Awa ng Diyos, todo suporta din naman si Ma'am R
ose.
At sa huli kong pagbisita, halos magsigawan kami ni Ma'am Rose sa muli naming pagkikita. Super excitement. At siempre, inilahad ko rin kay Ma'am ang aking "takot" sa production classes niya noon. Tandang tanda niya raw ako; ako raw ang madaldal ang hyper sa klase niya! At kahit hanggang ngayon, natutuwa siya na makita ako!

Me and Ma'am Rose!
Ito ang aming Television Production studio. Dito nagsisimula ang lahat! Dito nagsisimula ang kaba, takot, tawanan at kung anu ano pang kaguluhan sa buhay production.

Siempre, hindi magiging kumpleto ang aking bisita sa Mass Comm kung hindi ko mabibisita si Kuya A at ang Television Studio. Si Kuya A ang pinakamasipag naming katuwang sa mga production classes. At hanggang ngayon, kenkoy pa rin si Kuya A!

At siempre, dito sa silid ng television production class nagsimula ang aming pangarap na kuminang sa larangan ng broadcast media. Dito ko yata nabuo ang pangarap ko na magtrabaho sa ABS-CBN!
Ito ang puwesto pag nag-di-direk kami! At yan naman ang mga upuan pag may discussion sa klase. Kita rin sa ibang larawan ang mga ilaw at studio set-up. Ang mga kompyuter naman ay ang bagong kagamitan sa pag-e-edit (na noon ay wala pa sa panahon namin!).
Nakakatuwang muling magbalik sa iyong pinanggalingan. Lumilipas man ang panahon at naluluma ang mga kagamitan, mas yumayabong naman ang pagnanasang muling magbalik ng talino at galing sa Unibersidad. Sa mga sulok ng Mass Communication, nagsimulang mabuo ang aking pangarap sa larangan ng mass media. Ang sarap sariwain.

No comments:

Post a Comment

ShareThis