Wednesday, June 1, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: 29 FACTS ABOUT EARVS

Time flies so fast. Sa sobrang bilis nito, hindi ko na masabayan. Imagine, I'm turning 29 this June 18. Yes. I am turning 29. And gaaawd, after 29, next is 30 and soon my age will be out of the calendar.

I can say na happy rin naman ang life ko for the past 29 years. I lose some weight. I gain a lot of friends. I'm earning just right. I can save. I have some investments. And more importantly, nag-mature na rin talaga ako.

I can't say na I have a perfect life. As of the moment, happy lang din naman ako. Happy in a sense na kahit hindi pa pumapasok sa relasyon, eh ayos na rin. Siguro sabi ni Lord, hindi pa right time. Darating din ang right moment and person. And I'm sure, sooooon. Yan eh base sa mga napaparamdam. Kailangan lang pumili.

In terms of career, naghahanap hanap na rin ako ng malilipatang bansa. Yes. I'm looking for a new karera sa buhay. I want a challenging one pero yung okay naman ang pay. Seriously, I am paying some investments and I can't afford to chillax o magpaka-laid back. But of course, I'm taking care naman of my health. Sabi nga eh, health is wealth.

But if you will ask me kung ano ang aking dream job, like now? To work in UN or work as a Diplomat. Dahil dyan, I'm thinking of taking the Foreign Service Exam next year. On another note, I am not giving up on becoming an On-Cam talent (hahaha). Seryoso, I want to have a talk show! hahaha!

School? Oh! Hopefully eh makagraduate na ako this sem. I am really hoping for that. And hopefully next year ay makakuha ako ng scholarship to study overseas or puede rin namang mag-Phd sa Open University. I will take a sem rest muna then sabak na ulit. Yan ay depende sa budget, effort at career.
Sa ngayon, I'm contemplating on my graduation. Magtapos muna at magparty.

Since I'm turning 29, I am sharing 29 Random Facts, Goals or Habits about myself. Siempre, isama mo an rin dyan ang ka-wierduhan. Now, let's start the ball rolling. Game!



1. I love TUTONG (burnt rice). Hindi ko maipaliwanag but when I was growing up in Manila, I enjoyed eating Tutong. But of course, mas gusto ko yung may sabaw. Ang hirap naman kainin pag masyado na ring matigas. And believe it or not, I put cheese on Tutong. Masarap!

2. When I got into the advertising world, I've had a hard time spelling out "Irresistible." Yan talaga ang word na kailangan kong i-double check everytime I will use it.

3. I want to be a Talk Show Host. Yes. A combination of Boy Abunda, Michael V, with a dash of  singing performances in each segment.

4. I used to weigh 180lbs back in Highschool. But thanks to stress, exercise and diet, at least I lose my other half body. Oo. Isang tao na lang ako ngayon.

5. I am single since birth. Sabi ng mga friends ko, puros aral daw ako. Puros work. Sagot ko naman, sige, soon, puros relasyon naman! Bakit hindi?

6. Apart from Buchi, I love CHEESE. Anything with cheese in it, love na love ko. Mahilig ako sa cheese pandesal, cheesecake, cheese sticks, at pagiging cheesy eh gusto ko talaga.

7. I'm not a techie person. Basta may mobile phone ako, puede  na. And believe it or not, Microsoft Word, PPT and Movie Maker ang madalas kong gamitin sa laptop ko. Di ko na masyadong inaalam ang mga techie programs. But of course, gusto ko naman din pagaralan eventually. Ika nga ni Ernie Baron (sumalangit nawa), Knowledge is Power!

8. I haven't watched any Star Wars or ang Lord of the Rings movie. Hindi ako na-e-engganyong manuod.

9. When I can't sleep at night either dahil sa homesickness at kung anu pa man, I hold the Rosary. Nakakatulog agad ako.

10. When my mom died, I had a series of dreams about her. One of the most unforgettable one was when she said goodbye to me and my family on the 40th day of her death. Parang surreal.

11. Matatakutin ako but I love reading horror stories. Weird lang, even in real life, I experience eerie encounters. Nakakita na ako ng kaluluwa at white lady. And I even have a picture na may katabi akong kaluluwa. Ulo lang at walang katawan.

12. When I was in highschool, I got a test paper in Music. It had a 93 grade. Dahil super saya ako nung makkita ko yon, napasigaw ako sa saya. Nung lumapit classmate ko, sabi niya, "eh hindi naman sa'yo yan." Natawa na lang ako at napasabing: "I'm so happy for our classmate!" Pero ang totoo, pahiya ako! hahaha! But hey, 90 naman ang grade ko sa test na yon!

13. When we had a recollection, my classmate was wondering bakit super hagulgol ako sa pikit mata portion ng activity. Reflective moment yon. Hindi nila alam kung bakit iyak ako ng iyak. Ang totoo, umiiyak ako kasi I want to try kung may career ako sa pagiyak. Nagiisip ako ng sad moment then sinusubukan kong umiyak.

14. One of the most embarrassing performances ko as a singer was when I sang the National Anthem in our Town Fiesta way back 1990s. Believe it or not, nakalimutan ko ang ilang linya!

15. Super close kami ng mom ko when she was still alive. Kaya hindi na ako magtataka na when she died, while I was crying in front of her urn at 2 am, bigla na lang ako nakarinig ng "hum" behind me. That song was the same melody na kinakanta ni Mama nung pinapatulog niya kaming magkakapatid when we were young.

16. Gustong gusto kong inuulam ang pansit sa kanin. And believe it or not, inuulam ko rin ang saging sa kanin.

17. Nung bata ako, inggit na inggit ako sa mga kapitbahay namin na Bart Simpson ang notebooks. Bago lagi ang gamit nila pag pasukan. Kaming magkakapatid, happy na rin sa notebook na bago. Puros artista nga lang ang cover. Diyan ko nakilala sina Tina Paner, Isabel Granada at kung sino sino pa. Buti naman at wala si Kuya Germs. Baka di na ako pumasok sa eskuwelahan sa kahihiyan.

18. Yung una kong pimples, nilagyan ko ng lipstick. Sa hindi ko maalalang dahilan kung saan ko nakuha ang idea na nakakagaling ng pimples ang lipstick.

19. Pag nagkikilitian kami ng mga kapatid ko nung bata, lagi akong talo. Ang lalakas kasi. Feeling ko nung bata ako, pag nagkikilitian kami, isa akong biktima na minamaskre. Sigaw ako ng sigaw.

20. Gusto ko makapunta sa Australia or New Zealand. Don ko balak magwork or manirahan, sana, sooon!

22. I never ate the sisiw sa BALUT. Seriously, parang pakiramdam ko ay nakakaawa ang sisiw.

23. I auditioned for Star in a Million Season 2 days before I become a staff in the show. When I got into the show, narealize ko why I didn't pass. HILAW pa ako! hahaha!

24. I have a habit of buying a lot of books. After reading a few pages, naiiwan na lang sa bookshelf ang book. Then pag naisip ko ang book, saka ko na lang babasahin ulit.

25. When I get a newspaper, SHOWBIZ section agad ang una kong tinitingnan. And, I never opened or even read an entry sa Sports Section.

26. I haven't watched any Pacquiao Fight. Maliban sa alam kong mananalo siya, BOXING doesn't excite me.

27. My first and last Trick or Treat experience when I was a kid was just unforgettable. I played the role of a Manananggal. Pero mas nagmukha akong Halimaw. Thank God, bumibigay ang mga bahay na naaawitan ko. Natutuwa sila pag kumakanta ako.

28. My mom used to bring me in their office when I was a kid. Ako ang kanilang ENTERTAINMENT. Maliban sa pagkanta, ako rin ang HUMAN PILLOW ng mga kaopisina niya. Madalas kurutin ang pisngi ko (tabachingching ako) sabay sasabihin nilang "Siguro, madalas kang naiiwan sa kusina!" Sa totoo lang, naiinis ako non. hehehe

29. Mas gusto ko ang Wednesday sa Friday. Mas na-e-excite ako sa Midweek. Mas bumibilis ang araw pag pumatak na ang Wednesday.

No comments:

Post a Comment

ShareThis