Friday, June 3, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: HAPPY HAPPY WITH SUPAH FRIENDS

Last Thursday night, di talaga nagpaawat ang aking energy sa pakikigulo with my supah friends in Brunei. Right after singing sa misa, naki-happy happy ako sa bahay nina Jovert. Bitbit ang oreo cheesecake, naki-dinner ako at naki-videoke.

So anong mga kaguluhan ang naganap? Tara, pasukin natin!




Bongga ang pagkain last Thursday. Panalo ang food na handog ni Ate Elna (may ate talaga!!!!!) and of course ang luto ni Kuya Rhenee na Hipon! Siempre, panalo din ang rice na inihain nina Jovert! Tama lang ang pagkaluto. At siempre, panalo ang isda! (siempre hindi ito Bangus. Dahil sa Botchang Bangus scare sa Pinas, mahirap na at baka naanod dito ang ilang bangus!)

Handog ni Kuya Rhenee and Lisa!

Sing-Unique at Sing-Sarap "daw" ni Elna ito! Masarap naman talaga!

Oreo Cheesecake from Mum's.

The night started with katatakutan. Oo. Sa dami ng puedeng pagusapan, katatakutan talaga. From sapi to Jovert's death defying jungle experience, patok na patok ang kakatakutan. Sino ba naman ang hindi matatakot sa kuwento ni Jovert. Anong kuwento? Natrap siya sa Bukit Shabandar at nakalabas (take note magisa lang siya non) ng 9 ng gabi. At dahil wala siyang makita sa daan ng gubat, kinailangan niyang gumapang. Thank God, nakalabas siya ng buhay sa Bukit Shabandar. But of course, andon ang trauma.

Ang Pamilya ZARAGOSA! hahaha!


Elna and Me! Gutom na pero di pahalata!

Speaking of trauma, mas matinding trauma rin ang naranasan ni Jovert at ng kanyang pamilya when they were still living in their previous apartment. Imagine, may kaluluwa sa room niya na talagang ginagambala sila. Hinahatak ng kumot niya pag natutulog siya which normally happens at 2 to 3 am. At mas matindi, tumutunog ang alarm clock niya ng 3 am na sinet niya ng 6 am!

Nagtatakutan pero tuloy ang picturan!

Takot shot!

Matapos ang katatakutan na sinabayan ng KATAKAWAN sa kainan (lol), sugod naman kami sa sosyal na living room ng bahay ni Jovert. Hindi para magpahinga kundi para magvideoke! Naku, panalo ang saya!


At siempre, yours truly was the host-hostan. Feeling nga namin, para kaming nasa comedy bar with all the asaran, gayahan at walang kagana-ganang kantahan (as in walang gana!).

Emote ako rito!

Happy! Wala akong Tiyan!

Siempre, itong si Elna, pa-di ko alam ang song effect. Di ko alam yan, yan ang laging dialogue. Pero pag tumugtog naman na ang song, aba, aawit rin naman!

Feel na feel ni Elna ang song! Pang-wedding?

Speaking of awitan, naging song selection for wedding ni Elna ang gabi. From emotional at happy happy songs, pasok na pasok!
Galing ni Jovert! Pang-Boulevard ang awitin!

Si Jilian, anak ni Jovert! Wagi sa singing!



Late na natapos ang aming night out. Sa sobrang saya, di namin namalayan ang oras. Nagtapos ang happy happy ng 12:30 kahit may pasok pa kami kinabukasan. It was also the night nang advance birthday celebration ni Kuya Rhenee! Oh di ba, everybody...HAPPY HAPPY! (Thanks to Lisa for the photos!)

No comments:

Post a Comment

ShareThis