Friday, June 10, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: INNER PEACE AND ALL THE "PIS" AROUND US!

Two weeks ago, I was able to watch the movie Kung Fu Panda 2. Because I had some extra (super extra lang naman) kabaryahan, I watched the funny flick in 3D. And believe it or not, I haven't watched the first instalment. With that, I really can't say if the Part 2 delivered best in comparison to the first one.

But one thing is for sure, I enjoyed Kung Fu Panda 2. It's as if the movie had a Filipino writer who incorporated all the visual humor and witty dialogues. Mega halakhak talaga ako. Muntik ko pang maibato ang bag ko sa upuan sa harap. OA much? O sige, muntik ng mahulog ang 3D glass. Cheeeeeka!

But, but, but, pwet, apart from the humor, the movie has helped me to ponder on the concept of Inner Peace. Yes. At dahil dyan, napagmuni muni ako sa kung papaano kung aakitin ang Inner Peace sa buhay ko. Ang salitang "PEACE" ay tila isang gintong salita. Kaya today, let me share to you the ways on finding Inner Peace in a different level! Itataas natin ang kahulugan ng INNER PEACE.

But of course, lalagyan natin ng twist ang INNER PEACE in our everyday life? Ang PEACE ay
maaaring PEACE, PIECE or maging PIS! Handa ka na? Game!



1. Food Talk. Mapa-sweet o salty o oily man ang hanap mo, mahahanap mo rin ang INNER PEACE sa pagkain. Kung oorder ka sa Jollibee, andyan ang TWO PEACE (PIECE) chicken Joy. Kung diet eh puede rin namang mag-ONE PEACE chicken Joy!  Pero kung ikaw naman ay highblood o mataas ang cholesterol, umiwas din sa isang PEACE na talagang nakakamatay. Yan ay ang BOPEACE (BOPIS). Para naman maging healthy ang aura sa buhay, bakit di gawing habit ang pagkain ng PEACE, yes, oo. Yan ang FISH. Eh di FISH be with you!

2. Hotventures. Kung mejo aktibo ang iyong sex life at may pagka-polygamous ka pa, naku po, magingat ka. Baka ibang PEACE ang mahanap mo. Yes, oo, yes, yan ang HERPEACE (HERPES)!

3. Career Growth. Kung hanap mo naman ay tagumpay sa iyong career, aba, huwag magpatumpik-tumpik. Siguraduhin na maliban sa laging maliligo at laging handa sa trabaho, siguraduhing wag mahuhuli sa OPEACE (OPIS). Oo, siguraduhin na wag mahuhuling puros FACEBOOK ang inaatupag sa oras ng OPEACEsina!
 4. On Taking Exams. Kung mag-U-UPCAT ka man o kukuha ng mga tests sa kung saan saang institusyon, aba, wag mong kakalimutan ang isang bagay na higit na magbibigay sa'yo ng PEACE. Yan ang LAPEACE (LAPIS). Di lang magagamit sa pagsagot, puede ka pang magbura, just in case you change your mind sa unang naisagot.

5. Angerrrrrr. Aba, kung talagang magagalitin ka, maybe it's na prumeno ka. Siguro ay kailangan mo ng hingang malalim, yes, in and out. At kung ma-achieve mo yan sa oras ng paguurimintado mo, at least maglalaho ang PEACED OFF (PISSED OFF) feeling mo at ma-a-achieve ng INNER PEACE.

6. Diet Dietan. Kung talagang desperado ka ng pumayat at wala ng hope. At ang di mo pagpayat ay sadyang nagbibigay sa'yo ng poot, marami ka namang puedeng pagkain na kainin to give you PEACE. Andyan ang GREENPEACE (GREENPEAS) na puede mong papakin.

7. On Kalinisan. Isa lang naman ang senyales pag marumi na ang kapaligiran. Maliban sa hindi mo na na-a-attract ang INNER PEACE, dumarami rin ang "iPEACE" (IPIS). Yes ang mga IPIS sa kapaligiran. With that, it's time to clean your kapaligiran.

8. Moodtrip. Despite the buhos ng ulan, di ka dapat maasar. Kahit nababasa ka na papasok sa opisina, smile ka pa rin. Isa lang naman ang solusyon para mapanatili ang INNER PEACE eh. Why not makinig ka na lang sa awiting ng BLACK EYED PEACE at umawit ng awiting, I gotta feelin that tonight's gonna be a good night!

9. Porgive and Porget. Kung madalas problemado at naghahap ng liwanag sa buhay, bakit hindi subukan na magsimba. Sa gayon, di ka lamang maambunan ng kaliwanagan sa buhay, sa oras ng PEACE BE WITH YOU, siguradong maiibsan ang nararamdaming emosyon. Ayaw mo non, paglingon mo sa likod, ang MORTAL mong kaaway ang ka-PEACE be with you mo!

10. Happy Happy. Kung sadyang lugmok at pakiramdam mo ay pinagsakluban ka na ng langit, aba, fret not. Bakit hindi mo subukang hanapin ang INNER PEACE sa isang aktibidad na talagang aaliw sa'yo. Yan ang mga PEACETANG BAYAN (PISTANG BAYAN). Sa Pilipinas pa, ang daming PEACETA! Hala, makiparty na!

11. Eksibisyon Grande. Kung inaakala mong ikaw lang ang gustong magpakamatay sa kawalan ng hope to find inner peace, naku, look around. Why not sumugod ka sa isang CARNIVAL and watch ka ng death defying exhibition. Pagmasdan ang mga performers. Hindi ba't puno sila ng saya at ng pagasa sa kabila ng nakamamatay na tricks. At this point, to find INNER PEACE, bakit di mo subuking magreflect sa ginagawa ng nag-fa-FLYING TRAPEACE (TRAPIS). Sa kabila ng peligro, laban pa rin sa buhay!

12. Travel na! Salamat sa isang Airlines Company, napapamura na ang pagbibiyahe sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Hindi ba't isa yang bonggang treat para mahanap mo ang INNER PEACE sa mga magagandang tanawin sa loob ng Pilipinas. Salamat sa PEACE-O (PISO) FARE, talagang magkaka-INNER PEACE ka sa kabawasan ng malaking gastos sa pagbiyahe. Kailangan nga lang magabang sa mga promotions ng Airline company na ito. (Di ko mabanggit ang pangalan ng kompanya. Di naman paid ad to eh. PEACE!)

13. FumaFashion. Aba, hindi lamang shopping ang minsang nakakatulong para magkaroon ka ng INNER PEACE, pati ang fashion, kayang kaya ka ring bigyan ng INNER PEACE. Paano, kumuha ng makulay at magandang TAPEACE (TAPIS) at puede ng rumampa. At nagtatangkang maging boldstar, puede na ang TAPEACE para sa launching career! Rampa na!

14. Mantra. At sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, wag mawawalan ng HOPE. Isipin mo na lang na, yes, you can always succeed. Basta dapat tandaan na, LIFE IS A PEACE (PIECE) OF CAKE, you'll never know what's inside unless you SLICE the CAKE!

15. Bad Mouth, awat!Wala na sigurong mas titindi pa sa galit na sinasamahan ng pagmumura. Nako, yan ang talagang maglalayo sa'yo sa INNER PEACE. Gaya na lamang ng pagsasabi ng "PEACETI" (PISTI), siguradong ibang PEACE ang mahahatak mo sa buhay! Kaya dapat, chillax lang!

Ikaw, what are your TIPS para mas lalong ma-achieve ang INNER PEACE? Share mo na, now na!

DO YOU ENJOY READING MY POST, PLEASE LIKE IT ON FACEBOOK.


CLICK!

No comments:

Post a Comment

ShareThis