Wednesday, June 1, 2011

EXPLOSIVE ENCOUNTER: PNOY'S STATE VISIT IN BRUNEI!

As we all know, bumisita si Pangulong Benigno S. Aquino III sa Brunei Darussalam. Maliban sa pagbisita sa palasyo at pakikipagusap sa Sultan ng Brunei upang lalong palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at ng Brunei Darussalam, isa sa mga highlights ng state visit ng Pangulo ay ang meeting with the Filipino Community.

Days before the big event, I attended a the FilComm Meeting. Bilang baguhan, hindi ko akalain na pag nagsuggest ka pala, ikaw na ang kikilos. At dahil nagsuggest ako ng outline ng speech na ipe-present kay Pnoy, ako ang nailagay sa spot light.

Okay lang din naman sa akin. Since hindi naman ako busy that time, go na rin. Matapos ang ilang araw, natapos ko ang speech at ipinasa sa Embassy. Nabasa ito ng mga opisyal ng embahada. And guess what, nabasa ito ng Ambassador namin. Dahil dyan, dumulog ang Embassy sa akin kung puede ako ang sumulat ng speech ni Ambassador Ochoa. Bilang Pro-bono, sinulat ko na rin ito.

Dumating ang big event. Excited ang lahat ng Pinoy dito sa Brunei Darussalam. Siempre, rare opportunity din ang madalaw ng Pangulo.

Pinaghandaan ko ng slight ang araw ng pagdating ni Pnoy. Maliban sa excited ako na babasahin ang speech na ginawa ko, mas excited akong makita ang Presidenteng binoto ko at ng aking Pamilya noong Mayo.



So how’s my outfit? Siempre dahil smart casual, heto ang outfit ko:



Naghalf day ako. Maaga kasi ako pumunta sa Rizqun International Hotel, ang venue ng pagtitipon. Ako ang magbibigay ng pass sa mga UP Circle Brunei Members.

Sa daan pa lang, may mga bandila na ng Pilipinas ang nakasabit. Sa totoo lang, nakaka-proud at nakaka-excite talaga!

Pagdating ko sa venue, napagalaman naming 3 pm pa ang pakain. Dahil dyan, eat na muna sa KFC kasama ang iba pang UP CB Members.

Sa labas pa lang ng hotel ay talagang bongga na ang setup. Okay, bawal apakan ang red carpet!

At sa loob, marami rin ang upuan to accommodate the Filipinos.



Ang stage? Angat ang mukha ng Pangulo siempre.
Nagsimula na ang programa. Pero bago yan, may ilang intermission numbers. At siempre, bumida si Jollibee on stage. Aliw na aliw kami sa kanyang paghataw!

WATCH VIDEO ---> CLICK

Di nagtagal, nagsimula na ang program. Super ikli lamang nito and talagang paspasan. Balita kasi ay may iba pang engagements ang pangulo.

On the side, panalo rin talaga ang pagawit ng Pambasang Awit ng Pilipinas. Inawit ito ng SMSS Choir or Seria Mulia Sarjana School! (Photo grabbed from Toni's Album)


Hindi ko maipaliwanag ang happiness na bumalot sa puso ko ng basahin na ang speech na ginawa ko. Para akong natutunaw na nasusunog. Excited na kabado. Talo ko pa ang nagsalita sa harap! hahaha!
The Ambassador reading the speech!

Sir Alan reading the FilCom Speech!

Sa huli, pinalad akong makapagpa-picture sa Pangulo in a group shot. Nasa bandang harapan kasi kami. Hula ko ay nasa Embassy pa ang picture. Promise, hihingi ako ng kopya!

And speaking of photo ops, siempre, todo rin ako with my friends and kasama ang ibang staff ng Embahada ng Pilipinas.
With Toni, Sir El, Ms. Debbie!

With Matet!


With Ms. Anna of Philippine Embassy in Brunei!

With Ms. Jop, the host of the event!
So how's Pnoy's Speech?
Masarap pakinggang ang talumpati ng Pangulo. Ang totoo nito, parang isang simpleng tao lamang ang nagsasalita sa harap. Walang halong ere ang pananalita. Walang talim ang tono. Swabe. May punto pa ngang akal ko ay kamaganak o kapamilya lang ang nagsasalita sa stage.

Matagal-tagal din ang talumpati ni Pnoy. Pero sa halip na bad news ang ibalita, mas binanggit ang mga good news para sa Pinoy. Mula sa usapin ng kahirapan, weather report, utang ng Pilipinas, at kung anu ano pa gaya ng usaping pangkalikasan. Lahat yan ay itinanghal. 
 
Sa mga pananalita ni Pnoy, mapapalagay ka na tila may pag-asa nga ang Pilipinas sa kanyang administrasyon. Sa kabila ng mga laro ng salita gaya ng "JUSTIIS” o ang mga banat na “Walang mahirap kung walang Corrupt,” ang talumpati ni Pnoy ay di lamang nagbigay ngiti sa mga Filipino dito sa Brunei Darussalam. Ito rin ay nagbigay daan upang muling magtiwala ang mga Pilipino na may pagasa ang Pilipinas. Na kahit paunti unti, muli itong makakabangon.

At siempre, sana'y magbigay daan ang magagandang balita tungo sa pagbubukas ng pinto para mga Pilipinong nagnanais bumalik sa Pilipinas.
FOR PNOY'S FULL SPEECH, VISIT:

No comments:

Post a Comment

ShareThis