Sunday, June 5, 2011

TOP 10 EXPERIENCES AN OFW WOULD NOT WANT TO EXPERIENCE!

 I've been living my life as an OFW for more than 3 years now. At sa ilang taon kong pagtatrabaho para makapaghanda sa futureness, I've also encountered a lot of challenges na talaga naman sumubok sa akin bilang isang tao, Filipino at chubby persona (may chubby talaga!). Pero thank God, nothing major major naman. Dahil dyan, we will talk about the TOP 10 (from serious to funny stuff) na an OFW would not want to experience.

For me, ang pinakamatindi na siguro na narasan ko ay ang nasa pang-SAMPU ng TOP 10. Curious ka? If you said YES, aba, maki-usi na, lezz go!



2. AKSIDENTE. Mapa-simpleng sabit ng kotse o ma-injured sa field work, yan ay talagang di gustong maranasan ng isang OFW. Bakit? Siempre karagdagang gastos din yan. Masuwerte ka na lang kung sasagutin ng kompanya (na dapat) ang pagpapagamot. Masaklap pa nito, minsan (ang mga abusadong employer), sa halip na tulungan ka eh pauuwiin ka na lang. It's as if hindi ka nakatulong sa paglago ng kumpanya. Duh?!?

3. INIWAN NI MAHAL. Masarap magmahal. Binibigay mo lahat. Hindi na lang ata Driver ang Sweet Lover. Ang mga OFWs, mga ALL-OUT LOVERS. Siempre, kaya nga nagsisikap sa ibang bansa eh para mabigyan ng magandang futureness si mahal. Kaya lang, kamalasan. Ang taong minamahal at sinusustentuhan sa Pinas ay tila naligaw ng landas. Ayon, sumama sa kung kaninong "HALIPAROT" at nag-all the way sa Paraiso ni Adan o Eba. It Hurts and it BURSTS! Kaya naman, no no no ang karanasan na yan sa OFW. Aminin mo hindi, isa yan sa dahilan kung bakit may mga OFWs na nagpapakamatay. Either mega inom ng lason or mega tali sa head at make sabit sa fan! Afraid! Mas afraid pa na pati ang savings mo, nilimas ng taong akala mo ay tapat sa iyo!

4. BULAKBOL ANG ANAK. Padala. Yan ang trend sa buhay ng OFW. Hindi lang nagpapadala para sa gastos ng bahay kundi panggastos din ng anak. Sa kasamaang palad, ang anak na pinagaaral sa isang super mahal (with a twang ang eskul) at exclusive school ay nagbubulakbol. End up, di nakakatapos. Paulit ulit sa klase. At mas matindi, laging bagsak. At mas major major worse, nag-drugs pa at nabarkada sa kampon ni Satanas (OA much!) Aba! Di yan bet ng OFW. Mahirap kumita sa ibang bansa. Daig pa nito ang pagpasan ang SCHOOL BAG na PUNO NG BOOKS on the first day of school opening. At higit pa sa pagsasakripisyo, hindi kasi naiisip ni bagets na walang futureness kung walang educationess!

5. NALUGING INVESTMENT. Mapa-bahay o condo o business, lahat yan ay investment. Pero mas nakakaloka naman (kahit kanino siguro mangyari) na malugi ang mga investments na ito. At mas major major tindi, nalimas ang pera sa bangko! Haggard! Aminin man o hindi, ang pagiipon ang dahilan kung bakit lumalabas ng bansa ang Pinoy. Eh kung sa paglabas mo nga't pagkanda kuba sa ibang bansa eh mababalewala sa pagkawala ng investment, eh para mo namang ninakawan ng magandang buhay o bukas ang OFW na si Juan! Kaya, no no no yan sa mga OFWs. Di kataka-takang may nagpapakamatay o may makakapatay sa ganyang kaso!

6. MASESANTE/RECESSION. Importante ang work work work. Kailangan kumita. Pero minsan, dala ng recession o mga di maiiwasang pangyayari sa environment (na sinasabayan ng climate change), may pagkakataong may nasesesante or di na na-re-renew ang contract. Patay! Paano na ang mga babayarin gaya ng camera, iPhone, iPad2! hahahaha! Pero seriously, mahirap ang masesante o matanggal ng walang kahandaan. At yan ay talagang no no no! Pero kung di naman maiwasan, mainam na maging handa! Kaya dapat handa! Solusyon: magipon at wag gastador! Amen? Amen!

7. MABAON SA UTANG. Ibinili ng bagong gadget ang anak. Bumili ng kotse para sa asawa. Bumili ng alahas para sa magulang. Nagpakain ng buong baranggay. Bumili ng bahay. Bumili. Bumili. Bumili. Lahat ng pera, lumabas. Dahil dyan, di napansin na wala ng laman ang kaban. Ang naging solusyon, umutang. Sa kasamaang palad, nagkapatong patong ang utang. Sa huli, nabaon sa utang! Hindi nakabayad at mas kamalasan, nalugi pa ang mga investments! Naku! yan ay no no no sa mga OFWs. Mahirap mabaon sa utang. Why? Ang pagkabaon sa utang ay isang dahilan upang MABAON din for life sa ibang bansa at di na makauwi para makapiling ang pamilya. Ang solusyon: Bumili ng ayon sa pangangailangan at hindi sa kagustuhan. Yes, needs ang i-prioritize than wants!

8. MANAKAWAN. Ang salitang "nakaw" ay hindi lamang magagamit sa mga bagay. Minsan ang nakaw ay puede rin sa buhay, sa puri at kung saan saang aspeto ng buhay. May iba, nanakawan ng puri = nagahasa o kaya ay nabuntis. Ang iba, nanakawan ng mahal sa buhay = pinatay. At ang iba, ninakawan ng katinuan = nabaliw. Anu ano mang uri ng pagnanakaw, ang karanasan ay di matutumbasan ng muling saya. At yan ay no no no sa kahit sino naman, di lang sa OFW. Kaya para maging handa, kailangan maging matatag, maalam at huwag tatanga-tanga sa ibang bansa. Hindi porke niligawan ng Arabo, kasalan na ang sunod. Di palibhasa pinahiram ng pera, forever kang magbabayad. At hindi porke guwapo o maganda, safe sa AIDS. Marami ang nadidisgrasya sa maling akala na hinahaluan pa ng homesickness.

9. MAGKASAKIT. Mahirap magkasakit sa ibang bansa. Maliban sa mahal at magastos, minsan ang mga doctor o nurse ay hindi nag-i-ingles. So paano na lang kayo magkakaintindihan! Isa pa, sa oras ng pagkakasakit, walang magaalaga sa iyo kundi sarili mo. Kahit gumugulong ka na sa sakit, walang ibang lalapit kundi ang mga hospital na staff na para bang naaliw pa sa pagiging sirkero mo! Kaloka lang! At mas matindi sa pagpapa-dentista, ang mahal! Ginto pa ang pinang-pa-PASTA? Kaloka!

10. AMOY. Hindi ako maarte pero ang AMOY (yung mabaho na sumasapak sa utak mo pag nasinghot mo) ay ang isa sa mga ayaw maranasan ang mga OFWs sa ibang bansa.  Siguro nga kasi ay sobra sobra tayo maligo at talagang malinis ang pangangatawan, amoy na amoy natin ang pagsabog ng putok sa kapaligiran. Minsan sa elevator, minsan sa sasakyan at minsan ay sa gym kung saan major major na bumabaha ang amoy! Isa itong nakakadireng reyalidad! Na para bang gusto mong magregalo ng deodorant tuwing Pasko o gumawa ng isang full blown campaign about hygiene. Kaya sigaw ng OFWs, say to BAD SMELL!

BEST SELLER/ NUMERO UNO:  "MADEPORT." Sa kung ano man kamalasan o kapalpakan o kalokohan, ang madeport ang pinakamasakit na maaring mangyari sa isang OFW. Maliban sa minsan ay walang nagagawa ang pamahalaan, mas masakit pa ay ang mapatawan ang parusang kamatayan. Afraid!

Image courtesy of http://jayjaylionheart.blogspot.com/2010/07/due-to-poverty-unemployment.html

No comments:

Post a Comment

ShareThis