Friday, June 3, 2011

TOP 10 REASONS WHY IT'S SO (DEYMN!) HARD FOR FILIPINOS TO LOSE WEIGHT IN BRUNEI!

Whenever I go out of the toilet, sa laki ng salamin ko sa kuwarto, hindi ko maiwasang mapatingin sa salamin. Hindi dahil nakakita ako ng guwapo (ako yon - kapal!), mas nawiwindang ako sa mala-winnie the pooh na pangangatawan ko. Okay. OA naman ang Winnie the Pooh. Pero scary naman kung tipong Pong Pagong. Afraid.

Lusog Busog Shot in May 2010!
So what's my point? When I came in Brunei in 2008, I weighed (I think) 140lbs. It was my lightest timbang dahil nga kasi tabain ako. With all the stress, continuous exercise and milya milyang lakaran sa Pilipinas, pumayat talaga ako. But now that I'm in the Abode of Peace, naging at peace rin ang katawan ko and so I gained weight.

Today, paguusapan natin ang TOP 10 reasons why a Filipino could go from size 2 to size 32 (OA!) dito sa Brunei! Aminin man natin o hindi, kahit sino atang OFW (depende sa work at sa sitwasyon) ay may Paglobo syndrome. And honestly, that's my first concern whenever I go back to the Philippines to have my vacation. Siempre, ayoko rin namang masabihan na 'TUMABA KA!' Kasi naman, sa kultura ng Pinoy, pag nasabihan ka ng TUMABA KA, parang tingin nung iba eh nagpakasibasib (ang lalim ng word! hahaha) sa paglamon sa ibang bansa. At worse, aakalain nila ay nagpaka-sitting pretty ka lang para kumita ng pera. Little did most people know, some people gain weight because of ISHTRESS. Oo, STRESS!



Now, simulan na natin ang paghuhukay ng mga reasons bakit ang DALING TUMABA sa Brunei and so ang HIRAP MAGPAPAPAYAT! Insert: DEYMN! (slang! lol). Base man sa experience at sa kuwento ng ibang tao, ang mga dahilan ay isang reyalidad!

1. MASARAP KUMAIN. Sa dami ng nagugutom sa mundo, minsan nakakatawa ang tao. Paano ba naman, may pagkain, ayaw kainin. Minsan ayaw mag-rice. Minsan ayaw mag-dinner. At mas todo tubig na lang. Naku, dito sa Brunei, mukhang di uso ang pag SAY NO TO FOOD. Sa dami (kahit pare-pareho lang naman) ng pagkaing masasarap, kahit sino, bumibigay. Mula Japanese, Korean, Malay, Chinese at Filipino cuisine meron dito. At ewan ko ba. May kakaiba sa bigas ng Brunei. Masyadong masustansya. Unti pa lang na subo, super busog ka na. So isipin mo na lang, what more pa pag kumain ka ng tatlong takal ng kanin? Mukha ka ng LOBONG nasobrahan sa Hangin and about to explode.

SINO ANG DI BIBIGAY SA PAGKAING ITO! DEYMN!



2. CELEBRATIONS. Bahagi ng kulturang Pinoy ang magsama-sama. Mapa-day off man yan o simpleng kita-kits, talagang all out sa sama-sama. Pero ang nakakatuwa, bumabaha din ng pagkain. Siempre, nakakahiya namang hindi ka kumain at magdrama na DIET ka. Dahil dyan, talagang mapapasubo ka sa kainan. Eh isipin mo na lang kung SOCIABLE kang person. Kung sa buong linggo ay lagi kang imbitado sa kainan, aba, wag ka ng magtaka kung hindi na magkasya ang damit na kabibili mo lang noong nakaraang linggo.

Dito rin sa Brunei, dahil ang mga tao ay nagdiriwang ng HARI RAYA, ang panahon kung saan puros BUFFET ang kainan sa gabi, aba, mapapasabak din ang bawat Pinoy sa kainan. Isipin mo na lang kung marami kang kaibigang Muslim. Iimbathin ka sa OPEN HOUSE (kainan to the max) at siempre kakain ka. Pero mas nakakaloka. Ang Open House ay minsan tatlo sa isang gabi. So, do the math na sa bewang mo di ba?

2. AIR-COOL? Dahil mababa ang singil ng ilaw dito sa Brunei, hindi lang opisina ang naka-AIRCON. Maniwala ka o hindi, standard sa bawat bahay ang pagkakaroon ng AIRCON. Dahil dyan, hindi mo na magawang mapawisan sa bahay. Hindi mo na kailangan maghanap ng karton na ipapaypay sa nanlilimahid o pawisan mong katawan. Hindi mo na rin kailangang magbentilador. Switch lang ng aircon, nasa ALASKA mode na ang kapaligiran mo. O di ba? Sino ba naman ang hindi tataba. Ang dami mo ng nakain, para ka bang pinapalamigang Winnie the Pooh!

3. GYM BA KAMO? Noong una, marami ang nagsasabi na pag tumigil ka sa pag-gym eh tataba ka. Nako, hindi pala kasinungalingan yon. Totoo pala. Pero hindi dapat sisihin ang gym. Nasa tao pa rin kasi. Siempre, tumigil sa pag-gym at lumakas ang kain, ayan, lumobo. Pero siempre, may dahilan din naman kung bakit natigil sa gym. Sabi nung iba, wala ng oras at isa pa ay wala na ring budget. Totoo din naman. Pero, wag naman mawalan ng pag-asa kung lumobo sa pagtigil sa gym. Aba, sa taas ng safety and security sa Brunei, anytime eh puede kang mag-walking o mag-jogging. Siguraduhin mo lang naman na hindi ka OA. Baka mamaya, mag-jogging ka ng 1 am dahil feel mo lang at binabagabag ka ng OLD SEXY/SLIM SELF mo!

4. STRESS FREE. Isang biyaya rin ang manirahan sa ibang bansa. Lalo rito sa Brunei, everything is accessible. Ni walang traffic. Ni walang siksikan. Laging ghost town. At isa pa, mabagal lang ang lakad. Di katulad sa Pilipinas, pagising mo pa lang, para ka ng niyuyugyog ng radyo! Kulang na lang tampalin ka ng "HOY, BANGON NA!' Eh dito, chirping birds ang gigising sa'yo. Eh kung ganyan ng ganyan, hindi mo na maiisip na tao ka. Aakalain mo ay patabain kang baboy na you can eat anything dahil part ka na ng Jungle!lol

Pero may mga nakaka-stress din namang areas dito. Gaya ng pagsakay ng sasakyan na ang kasama mo ay mukhang nakalimutang maligo o mag-deodorant. Oh di ba, nakaka-stress ang amoy? Major major headache after mong makasinghot ng ...ewan!

Pangalawa, sa Immigration. Hate na hate ko ang pumupunta don. Maliban sa napakaraming tao, todo rin ang pagpapasabog ng MIXED PAPUTOK. Ang sakit lang din sa ulo.

Pangatlo, nakaka-stress din minsan ang kaboringan dito. Walang party places o wala ring videoke bars. Dahil dyan, gawa ka na lang ng sarili mo.

Pang-apat, nakaka-stress kausap ang iba lahi na hindi makaintindi ng STRAIGHT ENGLISH. Gusto nila, BAROK style. Sakit sa ulo di ba?

At Panghuli, nakaka-stress din minsan pumunta sa Embassy lalo na sa pagkuha ng OEC lalo na sa buwan na karamihan ng Pinoy ay maguuwian sa Pinas. Ang dami kasi at haba-haba ang pila! Isama mo pa minsan ang masungit na staff at pasaway na Pinoy na sinabihang pumila eh kung saan saan nakatayo! Dahil dyan, asahan mo ng magbaon ng pasensya.

5. ONE DOLLAR MEAL. Alam niyo yung BINALOT sa Pinas? Meron din dito.Ang tawag nila ay NASILEMAK. Kaya BINALOT kasi BINALOT ang pagkain (hindi sa banana leaves) sa recycled paper! Iyan naman ang estilo at pagkaing Bruneian. May sauce, manok at kanin. Sa mura at sarap niyan, yan ang isa sa mga bestfriend ng Pinoy. Siempre, sino ba naman ang ayaw makatipid. Maliban sa Nasilemak, marami pang one dollar meal sa Brunei. Makikita mo yan sa Pasar o Palengke. Sa sobrang mura at sarap, mapaparami kain mo. Kaya lang, hep, hep, hep! OILY ang ibang pagkain. Hindi mo man pansin, naguumapaw sa mantika ang pagkain. At yan ay isa sa mga nakakapagpataba sa mga Pinoy dito sa Brunei.

6. CAR? CHAR! CHAR! Di uso ang train dito. Di rin uso ang public transportation. Kanya kanyang kotse ang mga tao. Pero, mayroon din namang bus na masasakyan. Yun nga lang, kung di mo kayang sumunod sa oras ng bus at di mo kayang tiisin ang HAPPY NEW YEAR smell ng bus, wag ka ng magtangkang sumakay pa. Magipon ka na lang muna ta bumili ng second na kotse dito. O di kaya naman ay magbayad sa mga may kotse na tuma-taxi effect.

Dahil nga sa di mo kailangang maghabol ng public transportation, pumila, sumiksik, mabalya at maharass, hindi ka rin papawisan. Yan eh isa sa mga dahilan kung bakit talagang lulusog ka sa Brunei. Isa pa, aircon ka sa bahay, aircon sa kotse at aircon sa opisina. At dahil walang traffic, ilang minuto lang, nasa bahay ka na! So gooodluck sa paglobo dahil di ka pinapawisan!

7. NO SEXY BILLBOARD! May epekto rin siguro ang pagkakaroon ng mga sexy billboard sa kapaligiran? Why? Siempre, kapag nakakita ka ng maganda ang pangangatawan, siempre, gugustuhin mo rin na magkaganon ang katawan. Eh dito, wala talagang makikita. Dahil dyan, iisipin mo na ang size mo ay SEXY pa rin. Hanggang sa dumating ang araw na sabihan ka na ng mga kaibigan mo o mga kakilala mo na, "uy, lumusog ka." Yon, don lang papasok ang wake up call.

Konserbatibo! Kahit magazine, nakatakip!

8. COUCH POTATO. Maliban sa kainan o get together, isa ang panunuod ng DVD or DVD marathon ang nagiging dahilan ng paglobo ng Pinoy sa Brunei. Sino ba naman ang hindi tataba na sa oras ng day off o holiday, todo todo sa pagngasab ng chips o kung anik anik habang nanunuod ng pelikula. Mas todo pa, halos buong araw ang ganitong aktibidades. At take note, aircon pa ang room mo. Sa tagal ng ganyang gawain, naging KAHAWIG mo na ang UNAN sa kuwarto mo. lol

9. LESS VANITY, KUNO? Dahil nasa bansa tayo na malaki ang implementasyon ng "BAWAL ang MAHAHALAY na PANANAMIT," iba rin ang pagka-VAIN ng mga tao dito. Pansin ko, sa mga babae, dinadaan sa mahahapit na damit para maipakita ang kurba ng katawan. Sa mga lalaki naman, wala lang. Iilan lang mga lalakeng lokal ay may fashion sense. Dahil sa mga yan, naiimpluwensyahan din ang mga Pinoy, in a major major way. Siempre, dahil ang mga kasama mo ay puros BALOT ang pananamit, mahihiya ka na rin. Dahil dyan, ma-a-adopt mo na ang pananamit nila. Na sa katagalan, dahil hindi mo na pinapansin ang kurba ng katawan mo at hindi mo na ito nai-Fla-FLAUNT ng major major, na-deadma mo na rin ang timbang mo. Sa huli, lumobo ka.

Iba rin kasi talaga sa Pilipinas. Ang pagkabanidoso o showbiz culture ay nakakaapekto sa mga Pinoy. Mahihiya ka talaga (in a way) na hindi magayos o magpaganda ng katawan!


10. LESS WALK. Dahil nga everything is accessible dito, less walk din para sa mga tao. Kahit sabihin bahay-opisina ang routine mo araw-araw, super less walk din. Isipin mo, papasok ka ng opisina ng may sasakyan. Pagdating sa opisina, work sa upuan. Kung may field work man, malapit lang din at aircon din ang meeting room. Then paguwi naman, car ka rin. Kung binabalak mong mag-mall, ilang minuto lang, andon ka na. At dahil maliit ang malls dito kumpara sa Pilipinas, less walk ka rin. Dahil sa mga LESS lakaran, nagiging MORE na ang timbang mo.

Pero don't worry naman. Puede ka rin namang pumayat sa Brunei. Paano?

(1) Wag ng mag-aircon at magbentilador na lang para pawisan paminsan-minsan. Isa pa, fresh naman ang hangin dito so buksan mo na lang ang bintana mo.

(2) Bawas ng kain ng mamantikang pagkain o ng pagkain sa gabi.

(3) At siempre, magehersisyo. Kung malapit lang naman, maglakad na. Gawin ding habit ang paglalakad sa mga parks ng Brunei. Andyan ang Tasek o Bukit Shabandar.

(4) Uso ngayon ang "BIGGEST LOSER" sa opisina. Sinuman ang maraming ma-lose na weight ay mananalo.

(5) Engage in activities na papawisan ka like sports o kahit ang simpleng paglilinis ng bahay! Bakit di rin subukan gumawa ng WEIGHT LOSS diary for more motivation! Puede ring BLOG level!

(6) Gawing habit ang pagiwas sa junk foods, sweets, de lata at fastfood. Karirin ang prutas at gulay at FISH!

NOT:

GO!



(7) Bumili ng damit na masikip sa'yo at gawing goal na maisuot ito pag ikaw ay pumayat! Take note, pag IKAW AY PUMAYAT. Wag isuot ang masikip na damit (kahit gusto gusto mo na) kasi magmumukha kang SUMAN na IBUS!

(8) Sa mga kainan, eat like a socialite. Unti unti lang para matikman lahat ng food.

(9) Dalas Dalasan ang "pag-inspect" ng katawan sa harap ng salamin. Patagin ang tambok! Gapasin ang malago?! lol

(10) Isaisip na, HEALTH IS WEALTH. So watch what you eat and exercise. Go na! Now na!

No comments:

Post a Comment

ShareThis