Saturday, September 17, 2011

"S" TAYO!

Alamin ang "S" sa buhay ko. "Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito?" Intriga much? Makibasa na, now na!




"S" TAYO

Ilang gabi na rin tayong nagsasama
Madalas ikaw ang binibisita ko.
Tahimik kang namamahinga,
Gugulatin kita ng aking makukulit na yapak.

Hindi ko malilimutan.
Sa unang pagkakataon na magkaharap,
hiya ang aking nadama.
Ngunit nang ipadama mo sa akin na handa mo akong tanggapin,
hinayaan kong ibigay ang aking sarili sa mundong iyong ginagalawan.

Tanga man sa iyong mundo,
ang pagkamangmang ay pinalitan mo ng bukas palad na, halika!

Ilang araw na rin tayong nagsasama.
Di natin kailangang magsalita.
Walang laway na mababalewala,
Tahimik kong ninamnam ang bawat sandali.
Basta't andyan ka, andito ako, malawak ang mundo para sa isa't isa.

Hindi ko malilimutan ang iyong haplos.
Kung paano mo ibinubulong ang saya sa aking puso,
kung paano mo hinehele ang pagod kong katawan,
kung paano mo pinupuno ng yakap ang aking pagkatao.
Pinasisiya mo ang aking puso't kaluluwa.

Nakakailang araw na rin tayong magkasama.
Habang tumatagal, lalo akong sumisigla, sumasaya.
Natututo,
Namamangha,
At napagtitibay ang loob.

Paano kita makakalimutan,
Kahit hindi ako marunong lumangoy,
Sa malambing mong paggabay,ako ay nabubuhay.

Salamat, salamat, salamat.
Swimming pool, ikaw at ako ay iisa.

No comments:

Post a Comment

ShareThis