Thursday, December 29, 2011

BELIEFS FOR A PROSPEROUS NEW YEAR!

Growing up, I was exposed to various family traditions to attract a prosperous New Year. It was a fun experience to observe the long held traditions especially on the preparation process.

Today, I will be sharing some of our Filipino Family Traditions to usher the coming year. On top of that, I will be sharing some funny (FYI: unreal) beliefs that come in my mind.

So before the year of the dragon waltz in, take a read on how to attract good vibes, good health and a happy life. It's time to go, raaaawr (the dragon way)!



At this time of the year, before 2011 officially bids farewell, it's inevitable to escape all the year-end preparations. Everyone is rushing to not only do their groceries, but most of us are on the hype of planning our lives for the coming year, the year 2012. Should the prediction of the world's end in 2012 be true, an additional pressure to do or accomplish our wants and wishes get high, higher perhaps.

Of course, not everyone has their definite plans for 2012. Next year, it will be the year of the dragon. Since I haven't research which Zodiac sign will reap the prosperous treats next year, I can't disclose any information. But for a strong believer in will and action, I do believe that keeping an auspicious year definitely thrives on one's personal determination and positivity. While some may just be shoveling snow, some are just competitive on building a strong (not sand-made) castles of their future.

Why am I talking about these? Okay, I should control my dramatic blah-blahs and better proceed with the main attraction of this blog entry. Yes, let's talk about the beliefs that my family, a Filipino tradition, normally do as the year changes.

For Prosperity. Symbolizing prosperity, my parents buy 12 round kind of fruits. From apples, oranges to atis and chico, (like SM) we've got it all. As my parents say, the 12 fruits represent the 12 months of year, while the round shape of the fruits stands for the symbol of money.

Another family tradition to attract prosperity is to put coins in the window. On the side, my parents would throw some coins on the floor as we (my ever energetic siblings) would go gaga in grabbing. But of course, as we age, my parents retired of tiring us in the coin-chase. When we stepped into college, they just opted to give us a red packet with a money inside.

Sweet Treats. Welcoming the coming year would never be complete without the sea of sweet treats on the table. From round cakes to bowls of chocolates (like SM), we've got it all.

Bonded Year. As a belief to make relationships bonded, our family prepares Suman (Sticky Rice).

Go away Bad Spirits. Fireworks not only serve as a display to amaze the human sight. Primarily, it serves to shatter bad vibes that may come along in the ushering year. On one hand, as the years gone by, because of practicality and safety issues, our family has opted to just make noise using torotots and shaking coins in a jar. 

Jump, Jump, Jump. My parents have always asked me to jump as the clock hits 12 midnight. It is believed that when a kid jumps on midnight,  he/she gets to increase one's own height. Well for me, I just did it for fun. I stopped believing it when my height stopped moving.

That's it. But the thread of beliefs never ends. Now, I am sharing some of the funny beliefs and RITUALS that someone can do to welcome the year of the dragon. Take note, ang mga susunod na paniniwala at gawi ay nangangailangan ng patnubay ng magulang. Siguraduhing nasa tamang pagiisip bago gawin ang mga nakakalurkey na gawi.

ON MOVING ON
Iniwan ka ba ng iyong jowa nitong 2011? Well, dahil year of the dragon, it's time na maging fierce ka. Rawr lang ng rawr. Kaya naman to move on nang bonggang bongga, here are some beliefs and rituals na dapat gawin.

On New Year's Eve, never ever hold a picture of your ex. Never ever ding bibisitahin ang kanyang FB or Twitter. Never even ding isipin siya. Never ever make your night make ikot sa kanya. Plus, never ever make matulala kapag nakakita ng letters na associated sa first letter ng kanyang pangalan.
Kumuha ng palanggana na may tubig. Kumuha ng kandila. Sindihan ang kandila. Magdasal habang hawak ang kandila. Patuluin ang natutunaw na kandila sa palangganang may tubig. Maghintay ng ilang sandali. Kapag lumabas ang pigura sa batya, alam na. Alam mo na ang mangkulam. Rawr!

ON A PERFECT BODY
Matagal mo na bang hinihiling ang mala-Hunk or mala-diyosang pangangatawan? Yung tipong pang-billboard level? na tipong everyone will get hooked sa iyong ganda o guwapo? Na anytime you'll be discovered at sisikat? Lelebel kay Angel Locsin or kay Sam Milby? Fret not. 

Gumupit ng larawan ng iniidolong katawan. Hawakan ito ng mahigpit. Isabit sa pinto ng kuwarto o puede ring isilid sa pitaka. As the clock hits midnight, think of your body as your idol's body. In this sense, maaaring marinig ka ng mga Diyos ng Kagandahan at Kaguwapuhan. 

Kunin ang larawan ng katawan na inaasam. Ipa-engrave ito sa plato, sa baso, sa kutsara at sa tinidor. Bongga na at sa tuwing kakain ka, makikita mo ang inaasam na katawan. Kung di pa happy, ipaproduce ng life-size ang larawan at idisplay sa bahay. Blow up ka na rin ng picture mo na ulo lang. Cut the ulo of your pinalaking picture and make patong sa body. Ikaw na.

Options: Ipablow up ang pinakamatabang picture. Kumuha ng darts. idikit ang picture sa pader na may foam sa likuran. Sa pagsapit ng alas-dose, ibato ang darts sa larawan. Ang tatamaan ng larawan, yon ang liliit. Malas mo kung lalake at si Junior ang natamaan.


ON GETTING RICH
Wish nating lahat ang kasaganaan sa darating na taon. This is the reason why we make handa ng bongga. Welcome the year with prosperous handa, bongga rin ang blessings. So how do you really get rich ba for the following year?

Dahil year of the Dragon, dapat dambuhala rin ang symbols to attract the richness of the world. Bilang may kaugnayan sa propesyon mo, try mo eto. Make things BIGGER. By bigger, kailangan ng effort mo to achieve such goal.


Why not, get an object that best represent you, gumawa ng blow up version nito. On the side, get a picture frame with your picture. For example, kung ikaw ay Singer, magpablow-up ng isang malaking microphone. Kung ikaw ay piloto, isang plane na malaki na gawa sa karton. Kung ikaw ay doctor, blow up ng malaking stethoscope. At sa mga blow up na ito, itabi ang iyong picture. Oh di ba, hindi naman sa nakakaloka pero nagmukhang burol moment.

Option: Sayawin ang Sun Dance na pinauso ni Sarah Geronimo o ang dougie dance na may mga nakasabit na pera sa katawan. Yung tipong kasal level lang.

ON GRADUATING
Maliban sa worried ka kung may work ka after graduation, mas nakakaworry din ang di magtapos. Kaya naman for graduating peeps, undergrad, MA or Phd, it's time to make the biggest buga like a dragon for 2012 para ma-achieve ang hinahangad na pangarap.

To achieve such tagumpay, why not bago magpalit ang taon, maupo sa isang tabi. Kumuha ng isang libro or school document. Magsindi ng kandila. Manahimik. Ipatong ang mga kamay sa aklat or sa document. Ipikit ang mata. Wag magulat sa mga paputok sa paligid. Wag magpaistorbo. Tawagin ang inner peace. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Tawagin ang pangalan ng professor na maaaring mag-break or make sa iyong pagtatapos. Ulitin ang pangalan ng isang daang beses. Ulitin. Wag mapagod. Sige. Ulit. Ulit. Yes. Pagkatapos. Tumayo. Tumalon ng tatlong beses. Ihampas ang libro o dokumento sa ulo. Ihampas pa. Ihampas sa balikat. Itigil ang ginagawa. 

Hello, gumising ka. The only way para magtapos ka eh ang magsipag. Di ba? 



ON FINDING YOUR SPECIAL SOMEONE
So you've been dreaming to find your special someone, your partner or your future asawa. Now na papasok na ang year of the dragon, senyales na rin ata na makuha mo ang energy ng dragon to say na mahal mo ang isang tao. Siguraduhin lang na when you play apoy, wag gayahin ang dragon sa pagbubuga ng nakakasunog na mga salita. 

Para lalong pumasok ang pagibig, aba, love muna yourself. Pamper yourself. Pero dahil bilang naniniwala ka sa pagibig will come your way, why not on New Year's eve, ay magdrowing ng malaking puso sa red cartolina or art paper (very highschool lang). Pagkatapos, isulat sa kalahati ng puso ang iyong pangalan. Sa kabilang side, ilagay ang name ng crush or minamahal. Kung maraming crushes or talagang maraming gusto, gumawa ng maraming puso. Pagkatapos, gupitin ang hugis puso na larawan. Kumuha ng garapon. Ilagay ang puso sa loob ng garapon. Sa pagsapit ng alas dose, sunugin ang papel. Pag sunog na ang papel, walisin ang abo. Wala lang. Nagdadrama ka lang. 

Options: Puede ring maglaro ng FLAMES sa pagsapit ng alas-dose. Puede rin namang magspirit of the glass kung talagang gustong mahanap ang soul mate na maaaring sumakabilang bahay lang naman.

ON GETTING THE LATEST GADGET
Dahil nga nagaadik ka sa mga latest gadgets, ginusto mo na ma-achieve ang bonggang gadget ng 2012. For that, mega ipon ka. Di ka na naglulunch just to make ipon. At okay lang sa'yo na "bacon" level na ang underwear mo para lang makaipon at makabili ng gadget. Dinedma mo na rin ang sakit ng katawan mo para lang may ma-touch na latest gadget ang daliri mo. So paano mo nga ba ma-achieve ang dream na getting a latest gadget?

Bago sumapit ang alas dose, kunin ang pinakalumang gadget na meron ka. Hawakan ito. Himasin ito. Para mas maging bongga ang moment, play a background music. Yung MMK level. Sa pagpasok ng music, himasin ng himasin ang lumang gadget. After 100 himas, kunin ang latest gadget. Pagtabihin ang dalawa. Ipatong ang dalawa sa paper. Then sa isang bond paper, idrowing ang pinapangarap na gadget. Pag nadrowing na. Hawakan ang dalawang gadget. Idikit sa dibdib. Ang drinowing, isabit sa kuwitis. Sa pagsapit ng alas dose, paliparin ang kuwitis with the image. Sa pagsabog ng kuwitis, pumikit. Sabihin ang katagang, "Dear Steve Jobs, grant my wish." Siguraduhin na Apple products ang hinihiling. Kung ibang brand, baka matagalan pa eh. 

ON HAVING YOUR OWN CAR
Pagod ka na mag-MRT everyday. Pagod ka na maputikan while rushing to a client presentation dahil sumakay ka ng tricycle at no choice ka. Pagod ka ng maholdap ng 10 times dahil sa pagsakay ng FX. Ngayong papasok ang year of the Dragon, bet mo na ang maging in control sa buhay mo nang malayo sa disgrasya. Dahil dyan, bet mo ang magka-kotse. 

Madali lang yan. Check on your iPod or your laptop. Maginternet ka. Maghanap ng mga musikong may temang "car" or may lyrics na binabanggit na car. Kapag nagawa mo ito, gather all the songs. So, bago magpalit ng taon, siguraduhin mo na wala kang ibang patugtugin kundi ang mga songs na car-themed or may salitang cars. Siguraduhin mo. Siguraduhin mo. Ulit ulitin ang mga awit. Basta cars lang ha. Wala ng iba. Go!  


Song Suggestion: Car Wash ni Christina Aguilera (priority). LOL

ON BEING POSITIVE IN LIFE
Buhay mo ba't parang ampalaya sa pait? Buhay mo ba't parang estero na nababalot ng baho? Buhay mo ba'y parang escalator na dinadaan daanan lang? Buhay mo ba'y parang christmas decor na seasonal kung mapansin? In short, buhay mo ba't feeling mo ay balot ng nega vibes? Wag ng ma-sad. Papasok na ang 2012, it's time to make pagbabago. 

 Bago magpalit ng taon, kumuha ng malaking garapon. Kumuha ng pira-pirasong papel. Kumuha ng bolpen. Wag kalimutan ang utak. Sa mga pira-pirasong papel, isulat ang mga bagay na nagpapaka-nega sa iyo. Pag nasulat na ang lahat, ipasok sa garapon. Pagkatapos ay alugin ang garapon. Bumunot ng isa. Pagkabunot ng isa, halimbawa, nakasulat sa papel "Inagaw ang jowa ko." Bilang tugon, kumuha ng diskyonaryo. Hanapin ang ANTONYM ng VERB sa sentence. Orasan ang sarili. Kapag naubos ang mga hinanakit sa loob ng garapon at nahanapan ng ANTONYM, ibalik ang papel sa loob ng garapon. Ulitin ang proseso. Kailangan mabeat ng record. O di pa, parang timang ka lang.

 ON GETTING RID OF YOUR STALKER, HATERS, AND BULLIES 
Bagong taon na, so dapat no hate hate na. Dahil dyan, you want 100% peace of mind. Kaya naman wish mo na tigilan ka ng naglalaway mong stalker or ang mga haters mo. So how do you deal with them sa papasok na gabong taon?

Di mo kailangan mag-stoop down sa pangaaway to make release your emotions or jurassic na galit. Wag mo na lang silang pansinin. Ang pansinin mo, yung bongga ng fireworks ng kapitbahay niyo. Pansinin mo, yung gara ng kotse ng kapitbahay mo. Pansinin mo yung branded na damit nung kaibigan mo. Pansinin mo yung latest gadget ng kapitbahay niyo na laging umuutang sa tindahan niyo. Pansinin mo yung hilerang kotse ng kabilang bahay na ang magulang ay nagtatrabaho sa customs. Pansinin mo ang alahas nung nakatira sa bahay niyo na madalas ay may iba't ibang lalakeng bisita. Hep, hep, hep. ikaw naman pala ang may problema. Paano, pinapansin mo ang bakuran ng iba. So ikaw pala ang stalker, hater at bully ng buhay ng iba. Stop it. Pansinin mo kung paano mo i-improve ang sarili mo.

Pero kung may stalker, hater at nangbu-bully nga sa'yo ng tunay, eto ang mainam mong gawin. 

Gumitna ka sa isang bakanteng lote. Pero bago yan. Magdala ka ng langis. Isang garapon ng langis. Baby oil puede na rin. Bago magalas-dose, tumingala ka. Pagmasdan ang mga bituin. Wag madistract sa ingay ng putukan. Guluhin mo ang buhok mo. Maglagay ng black lipstick kung kaya. Black na kuko for more effect. After mong tumingala sa langit. Haplusin mo ang iyong leeg. Pababa sa iyong pusod. Kunin ang langis. Ipahid sa katawan. Sa brado. Kamay. Higit pa, sa tiyan. Sumigaw ng sumigaw. Aaaaagh! Aaaaagh! Himasin ang tiyan na parang nahahati. Iisipin na ito's mahahati. Mahahati. Pag may nakapansin na kapitbahay, tumakbo na parang isang baboy ramo. Wala lang. Trip mo lang manakot at magpapansin. Yan ang problema, nagpapansin ka kasi.


ON HAVING YOUR DREAM HOUSE
Perhaps you're sick and tired na on your renta. Mahal na, matabil pa ang land lady mo. On the side, epal pa ang mga katabing bahay.So kung you want to live sa exclusive subdivision na pinapangarap mo, madali lang yan.


Bago sumapit ang 2012, kumuha ng napakaraming "GAMIT' na toothpick. Maglaro ng pick-up stick. Hanggang di natatapos ang pick-up stick game, di puedeng magproceed sa next step. Kung tapos na ang pick-up stick game at nagwagi na, magtayo ng bahay. Depende sa laki at ganda, decide. Gamit lamang ang mga toothpick, magtayo ng mini bahay. Siguraduhin na maitayo ang bahay before 12. Kasi kung ano ang nakatayo by 12, yon ang magaganap. So kung papag lang ang naitayo, mamumuhay ka sa papag. Kung bubong lang, bubong lang (sana sa bus stop shed ka na lang nanirahan). 


ON IWAS KALAMIDAD OR SAKUNA
Seriously, magdasal sa Diyos. Pero higit pa, maging maalam at maghanda.

Image from: http://crisis.groundfloormedia.com/2011/12/5-things-pr-pros-can-expect-in-2012/

No comments:

Post a Comment

ShareThis