Wednesday, December 28, 2011

MY 2011

2011 is the year that I come out of my comfort zone.

I’ve tried places that I’ve never been to. I’ve faced challenges that put my faith in God to the test. Indeed, this year is a rollercoaster ride of ups and downs.

Despite the challenges that I’ve had for this year, I am thankful that 2011 has been very good to me. I’ve had my share of triumphs this year. More or more, it's a fruitful year.

In this post, I won’t be serious. For that, I am throwing my personal award-awardan moment.

Read on.


Gadget of the Year: Cellphone. Ang bagay na nagpapaalaala na I'm not single sa mga lakaran.

Kalokang Banat of the Year: "Boses pa lang, ulam na - Tilaok ng Manok"
Workout of the Year: Paglamon na may laging pagsisi sa huli. 

Viral Video of the Year: Christopher Lao’s I should have been informed video. Take that at sumikat siya.

OFW Balita of the Year: Saudization. Bruneization, possible kaya?
Dasal of the Year: Lord, sana matapos ko ang MA ko. - Awa ng Diyos, natapos ko!

Isyung Pulitikal of the Year: Bongga si GMA. Di lang paawat sa pulitika, pati fashion sense, kinabog si Lady Gaga. Nakaka-gaga naman yon.

Debate of the Year: Ilan ba talaga ang anak ni Revilla Sr.?

Music of the Year: Ang mga huni ng ibon na gumigising sa akin tuwing umaga.

Kalurkey Moment of the Year: Nag-flat habang kumakanta sa isang event dala ng gutom.
 
Twitter Friend of the Year: Thirdy.

Facebook Friend of the Year. Si Leeeeeeza Dela Fuente. 

Bestfriend for Life of the Year: Si Apes!!!!! Ang smart at masipag kong kaibigan. 

Kuwela Kasama of the Year: Si Elmi or "Boogie." Kahit siguro magkuwentuhan kami sa sementeryo, mabubuhay ang patay sa mga hirit namin. At kahit nasa Pinas siya, tuloy ang alaskahan sa virtual world.

Shocking Revelation of the Year: Nahihiya rin pala ako. lol

Religious Quest of the Year: Bumisita kami sa Our Lady of Manaoag. Sana hindi mahilo ang Diyos sa dami ng hiling ko.

Naughty Act of the Year: Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron! Sikretong malupet.
Kinilig Moment of the Year: Napanuod ko yung movie na “Crazy Little Thing Called Love.” Shet, kinilig ako. Napatunayan ko, tao pala ako.

Makapanindig Balahibo eksena of the Year: Tinamaan ng LBM habang nasa Mall. Buti at 10 minutes away ang bahay sa mall. Success!

Bed Scene of the Year: Parang may gumapang sa hita ko when I was sleeping. Shet, kumot pala na hinangin.

Kissing Scene of the Year: Nagpalipad ng flying kiss para sa isang crush? lol
Napa-ungol ako eksena of the year: Tinanggal ang Wisdom tooth ko. Pati ang isang ngipin. Thank God, I still have my wisdom.

Death of the Year: Kim Jong Il. Natawa ako sa isang twitter na nagsabing (paki-translate na lang in English) “Namatay si Kim Jong Il dahil sa heart attack. May puso pala siya.”
 
Shout out of the Year: In my Facebook account, “I got in the TOP 10 of Brunei’s Who’s Got Talent. Season 3 Salamat Lord…” – 138 Likes. Artista lang? Love you all!

Mature Role Award: Pay the bills, bills, and bills (responsibly).
WTF Moment of the Year: Naaksidente ako. Nanahimik akong magdrive ng hampasin ng gate ng restaurant ang minamaneho kong kotse.

FTW Moment of the Year: Inondoy ako sa blessings. Thank you Lord. Thank you talaga.
Showbiz Chika of the Year: Nakasama ko si Yeng Constantino. I hosted her first concert in Brunei Darussalam. Ako na ang sinusundan ng showbiz world.

Book of the Year: Bob Ong’s “Mga Kaibigan ni Mama Susan.” Sa sobrang takot ko, naitapon ko ang libro. Shet na aklat!

Food of the Year: Mani. Ang pagkain na pumilay sa akin for a few days dahil tumaas ang uric acid ko.

Yoooown Award: Napa-yoooown ako nang makapasa ako sa aking IELTS test.

Kalamidad of the Year: El Nino pa rin ang love life ko. Tama ba naman yan? 

Fashion Statement of the Year: Umis-skinny jeans ako kahit hindi skinny ang legs ko.

Achieve na Achieve award of the Year: I finished my MA with a bang. Shume-sheldon level ako during the past sems.

Virgin Act of the Year: For the first time, nagwagi ako sa isang Blogging Competition. At mas bongga, ito ay literary writing. Maraming salamat sa Saranggola Blog Awards.

Word of the Year: “Rumamona” Halimbawa: “Ako ay Rumamona noong 2008 sa Pilipinas upang maging OFW sa Brunei.

Really? Eksena of the Year: As many would say, bakit hindi ako nagka-place sa Who’s Got talent. No comment ako. Hahaha.

May Budget Award: Di ko fancy ang bumili ng gadgets. Ang makauwi sa Pilipinas nang twice eh keribels na. 

Haggard Statement of the Year: “For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.” — James Soriano in a Manila Bulletin column about the national language (Source: Spot.ph)


Ikaw na ang Nerd Award: My research got accepted sa upcoming conference sa Pilipinas at mapapublish pa sa journal.

Nakakaiyak Eksena of the Year: Emosyonal ako, naiyak ako nung sunod sunod ang blessings ko. Pati uhog, bumagsak. Kadire lang.

Nakakahiyang Eksena of the Year: I missed the Grand Kita Kits of my OU Classmates. One year ang planning, one hour akong na-late. One thing: naguwian na ang lahat.

Pinakaboring na eksena of the year: Ang sumakay sa elevator na hanggang 2nd floor nang araw-araw. Mabuti pa ang maglakad na lang.

Best date-datean of the year: Sa Manila, ikaw, oo, ikaw. Di ba?
Best Ka-date of the Year: Many to mention. Friendly lang. Chos!

Grabe na yan Award: Nagsulat ng talumpati para sa mga politiko.

Gume-GLEE Award: Naging member ako ng Serunai Choir at we performed Les Miserables. Ako na ang nabigyang ng solo part sa unang concert at impromptu.

Population Boom Eksena: Dumami ang mga inaanak ko: Enzo, Keith at Jaja.

Paglisan Award: Cecil, Shiela and Soc left Brunei for good.

Walking Dead Award: Zombie mode after ng WGT Competition at sabay sabay na raket. Pagoda much.
Namimiss kong Food of the Year: Tapsilog sa Rodics, UP Shopping Center.

Sushalan Eksena of the Year: In a Greek Resto named CYMA na nilibre ako ni Bestfriend Apes!
 
Wishes for 2012:

* Throw a 30th Birthday Special
* Magmini Concert
* Good Health for me and my family
* Win a Scholarship for another MA or PhD Overseas
* Submit Application for 2013 Study Overseas
* Be accepted in a University Overseas
* Meet more people and gain more friends
* More singing and hosting raket
* Magshopping sa Thailand.
* Mag-Universal Studios, Singapore
* Publish a Book (Literary/Fiction)
* Mag-clubbing
* Mag-beach with dear friends
* Uminom ng alak (social drinker level lang)
* Umibig sa taong tapat (yeeees naman)
* Mag-Macau at Hong Kong
* Bumili ng graduation gift
* Mag-martsa sa UP for my MA Graduation
* Makauwi sa Pasko 2012
* Talk to a Stranger and find a new friendship
* Save more, more and more
* Less Carbs, Less Sweets
*Develop ng portfolio - publications
* Wag Mahiya (Weh?)

No comments:

Post a Comment

ShareThis