Friday, December 30, 2011

PASASALAMAT

Before 2011 officially bids farewell, I would like to thank those people who have made my 2011 such a wonderful and BONGGANG BONGGANG taon.

Read on.


First, I would like to thank God for all the many blessings. Indeed, he has blessed me with a lot this year. From acads, talent showcase, good health, at kung anu ano pa. Super dami. Dahil diyan, I really promise to serve him more, and share my talent.

To my Papc na hindi nagsasawang gabayan ako especially on my "di-makapaghintay" moments. He's always there to comfort me.Sa araw araw na chat, parang nasa Pilipinas na rin ako.

Kay Mama, na kahit nasa piling na ni Lord, ramdam ko pa rin ang inyong paggabay sa akin. Isa kayong inspirayon.

To my siblings, kahit na hindi madalas magonline, masipag pa rin makipagkulitan sa mga simpleng pangangamusta.

To Ate Charmaine and Gab, sa ligayang hatid sa mga simple't sandaling chikahan via online.

Kay Lot, na laging umiibig, salamat sa kakulitan. Ikaw na ang reyna ng gala. Panalo ang ating Divisoria at 168 gala, laging sulit ang gastos!

Kay Joy, Red at kay inaanak na Jaja, salamat sa sayang hatid na makasama kayo. Sama sama ulit paguwi ko!

Kay Eliza a.k.a. Ate Lisa, sa walang sawang pangangamusta at pagbibigay advice sa akin. Mula happy at sad times, andyan sya! Can't wait for our kita kits!

Sa aking mga CMC barkada na sina Ja, Ces, Hazel, Terry, at Peluchi, salamat sa bonggang friendship. Mula college hanggang ngayon na working na at may mga bagets na, tuloy pa rin ang samahan! Hanggang sa pagtanda, go go go!

Kay bestfriend Apes, sobrang salamat sa pagkakaibigan. Tayo na ang tandem sa kainan at chikahan!

Kay Liberty, na sobrang salamat sa mga research materials. Ikaw na ang nasa NUS! Wagi!

Kay Elmirah a.k.a. Boogie, na ngayon ay nagtatapos ng MA thesis. Salamat sa mga alaskaha, online and offline. Dahil sa wall-to-wall nating chikahan, nagagamit ko ang aking wit and mega tawa!  Kahit nagmumukha akong tanga sa kakatawa mag-isa, adik lang naman di ba?

Kay Jhen, Melody at Ed, salamat! Kahit magkakalayo ay tuloy pa rin ang ugnayan. Lalo pa ang gulatan ng balita, di ba Melody?, panalo! Seee you soon!

Sa Pamilya Santos especially kina Sir Joey and Ms. Jing. Salamat po sa mga imbitasyon sa inyong handaan at sa suportang ibinigay niyo sa akin - mula acads hanggang who's got talent. Salamat sa pagpapatuloy sa akin sa inyong tahanan. Naramdaman ko ang magkaroon ng pamilya sa ibang bansa kahit malayo ako sa tunay kong pamilya.

Kina Sir Rommel at Ms. Lea, salamat sa bonggang gabay at morale boost sa aking acads. Kayo na ang nagbibigay push sa akin to, una, to achieve my IELTS, and hopefully next ay ang makapagaral sa ibang bansa for another MA or PhD. Salamat din sa suporta sa akin sa Who's Got Talent.

Kay Ma'am Betsy, ang aking former professor sa UP, na ngayon ay nanay-nanayan ko na at chika buddy pa. Ang dami na nating pinagsamahan at pinagchikahan, Ma'am. Salamat po at napalitan ng saya ang na-ho-homesick kong diwa. Bongga ang kainan, ang chikahan at siempre, ang swimming sa Mar'azmala! Bongga, yan ang salita to describe our friendship!

Kay Sir Egay at Ms. Joanne, salamat sa suporta sa akin. Salamat sa pagpapamalas ng kababang loob sa kabila ng tagumpay at yan ang nagiging gabay ko.

Kay Dr. Arminda, a.k.a. Ma'am Arms, sa tulong at gabay sa aking MA. Hindi ko po ma-a-achieve ang bonggang pagtatapos ng pananaliksik at ang aking MA kung wala ang inyong mala-enervon na suporta. Mas may energy, mas happy, ika nga. Salamat sa pagbibigay katuparan ng aking pangarap na makakuha ng MA at makapagtapos. Salamat po sa pagpapatuloy sa akin sa CMC Library at siempre, ang mga meryenda time na punong puno ng matatamis na kainan.

Sa aking mga classmates sa UP Open University, kayo ang bidabest. Kay Ivan, Pam, Joyce, Ice, Myet, Rems, Rox, Jom, Nette, Sherwin, Rainier, Shiela, Mei, Flor, Mitzi, Aileen, Jaya, Helen, at siempre kay Arlyn, at sa lahat. Galing, we made it this far. May mga magtatapos at may iba ay halos malapit na ring matapos. Salamat sa pagbabahagi ng kaalaman at higit sa lahat, sa pagpapakita ng katotohanang "we are the nerd herd with a pak na pak na attitude!" Hindi ko ma-su-survive ang buhay MA kung wala ang tulungan at chikahan ng bawat isa. See you sooooon.

Kina Joy, Jho at Ivy, ang aking mga best buddy sa kolehiyo, salamat. Salamat na kahit magkakalayo tayo, inspirasyon ang pagkamalikhain ng bawat isa para bunuin ang pangarap na makapag-publish ng aklat sa 2012. Fight tayo! See you soon.

Sa mga guro ng SMSS especially kina Teacher Toni, Vhia, at sa lahat ng naging friendship ko, super salamat. Kayo na ang masayang kasama kahit sa saglit na chikahan sa mga kainan portion sa bahay nina Sir Joey.

Kina Wennie, Chelsea, Jayson, Rachelle, Kathleen, Joey at sa mga ka-Sikap, salamat sa mga chikahang bongga. Mula acads, love life at maging naglalasing na life, bongga! See yah soon for more life-changing chika? hahaha!


Sa supah friends na sina Lisa, Elna, Jovert at Kuya Rhenee, salamat sa walang katapusang chikahan, kainan portion at movie night out. Bawat pagkikita ay balot ng saya at higit sa lahat, may anghang (Elns, di ba?) at may religious blessings.

Sa aking kaopisina na sina Cecil, Joms, Shiela at Soc, salamat sa pagiging bahagi ng aking makulay na 2011. Salamat kina Soc at Joms para sa bonggang styling ng aking outfit sa WGT. Go go go tayo sa ating mga pangarap this 2012! Aja!

Sa aking choir sa simbahan at sa Serunai Singers, salamat sa pagbibigay laya sa aking maibahagi ko ang talento sa pagkanta sa simbahan at sa mga special event. Ibinigay ni Lord ang talento sa pagkanta s sa akin upang maibahagi sa iba.

Sa tropa nina Vlad, Anne, Kris, David, Jc, Tim, John, at sa iba pa, salamat sa suporta at pagkakaibigan.

Kay Faith at kay Faridah, salamat. Salamat sa mga imbitasyon, treats, rakets at kung anu ano pa!
Higit sa lahat, salamat sa pagkakaibigan.

Sa napaka-ingay at kuwelang kasama na Expression peeps na sina Matet, Michelle, Carem, Chin, Franz, Reggie, Shiela, Jack, Ian (Telbru pala ito, haha), Dan (busyng busy), at si Eleven (na bongga na ang life sa Pinas), salamat ng bonggang bonggang. Unforgettable ang banner during the WGT competition pero mas unforgettable ang samahan, chikahan at walang makapipigil at live na live na kuwentuhan during lunch. Salamat sa pagkakaibigan. Salamaaaaat!

Kay Teacher Marieta para sa pagdiskubre ng aking pagmamahal sa musika! Panalo ang mga rehearsals! Cheers for more shows in 2012!

Sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aking 2011, offline or online -Twitter, FB, etc. maraming maraming salamat. Kayo ay biyaya ni Lord sa akin.

Kung may nasaktan man ako, patawad. Kung may napasaya ako, mas dodoblehin ko pa ang saya for 2012.

Hindi natatapos ang buhay hangga't tayo ay nangangarap. Natututo tayo sa bawat pagkakamali. Nabubuhay tayo dahil may paghahangad sa pagbabago o pagasenso. Ang taong 2012 ay biyaya sa atin. Panibagong taon. Panibagong mga pagsubok at karanasan. Manabik tayo at heto ang muling pakikibaka tungo sa buhay na puno ng pag-asa, pag-ibig at kasaganaan!


Hangad ko ang higit pang tagumpay, kasiyahan, kasaganaan at good health sa bawat isa!

Mabuhay tayong lahat!

Happy New Year!


Larawan kuha ni John, Finals Night of Brunei's Who's Got Talent Season 3.

No comments:

Post a Comment

ShareThis