Friday, January 6, 2012

CHIKAHAN NA EPISODE 2: IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES

In today's episode of "Chikahan Na! Chuck and Chenelyn," Chuck and Chenelyn talk about the topic "Bakit It's more fun in The Philippines."  With some random banters, question and answers, and injection of PUN in each dialogues, siguradong maloloka ka sa mga hirits and okrayans. 

Wanna know more about this chikahan? Makitawa na, now na!






Topic of today's episode: "Bakit It's more Fun in the Philippines?"
The new slogan of Philippine Tourism

 
Chuck: Maganda ng topic natin today.
Chenelyn: Sing-ganda ko ba?
Chuck: hahahahaa
Chenelyn: Tawanan ba ang ganda ko?
Chuck: Hindi ako natawa sa ganda mo. Natawa ako sa nabasa ko.
Chenelyn: Na?
Chuck: May nagmessage at nagsabi na “Babae po bang tunay si Chenelyn.” Hahahahahaha!
Chenelyn: Sino yan? Sino yaaaan!
Chuck: yung security guard nung building.
Chenelyn: At nakakapagonline, oras ng trabaho?
Chuck: Mas bongga, via Facebook!
Chenelyn: Kaloka si Manong guard!
Chuck: O di, fun?
Chenelyn: Fun ka dyan. Sabihin mo dyan kay Manong Guard, bago siya umaura ng ganyan, magpatangkad muna sya. FUNdak kaya siya!
Chuck: hahahaha.
Chenelyn: Ano ba kasi ang topic today?
Chuck: Dahil late ka sa briefing this morning, i-research mo!
Chenelyn: Ano na nga?
Chuck: Use Fun in a sentence or word.
Chenelyn: Seryoso na nga.
Chuck: Use Fun nga.
Chenelyn: Paano?
Chuck: Yun!
Chenelyn: Anong yun?
Chuck: FUNo! (Paano)
Chenelyn: So yan ang topic today?
Chuck: FUNtastic ba?
Chenelyn: Yan ang usaFUN?
Chuck: Parang electric FUN sa lakas di ba.
Chenelyn: Sin linamnamn ng Chow FUN?
Chuck: hahahahaha!
Chenelyn: Seryoso, ano ang topic?
Chuck: Wag kang masyadong galit. Baka mahiFUN ka ng masamang hangin!
Chenelyn: Ano naaaaaaaa
Chuck: Topic today….

Drumroll

Chenelyn: At may drum roll na tayo now?
Chuck: Oo, pinakiusaFUN yung management.
Chenelyn: Topic is?
Chuck: Bakit it’s FUN in the Philippines.
Chenelyn: Bongga! Fun ito!
Chuck: Sobrang fun talaga. Mas bongga pa sa kapal ng FUNdation sa mukha mo!
Chenelyn: Hoy, imported to noh.
Chuck: I know. Di ba, galing jaFUN (Japan) yan?
Chenelyn: hahaha!
Chuck: So, ikaw, bakit it’s Fun in the Philippines.
Chenelyn: Daming beaches!
Chuck: Ano? Bitches?
Chenelyn: Beeeeeaches!
Chuck: Kala ko di ka na naman maka-move on don sa bitch na umagaw sa crush mo.
Chenelyn: Naka-move on na ako.
Chuck: Oo. Todo nga pagstalk mo don sa babae sa facebook eh.
Chenelyn: Di ako stalker.
Chuck: Future murderer lang.
Chenelyn: Ang kapal mo.
Chuck: Dapat.
Chenelyn: Ha?
Chuck: Kailangan sabayan yang kapal ng FUNdation mo!
Chenelyn: Ikaw, bakit fun sa Pinas?
Chuck: Daming beaches nga. Ganda pa.
Chenelyn: Di ka naman marunong lumangoy eh.
Chuck: Marunong.
Chenelyn: Sa kiddie pool?
Chuck: Hindi. Sa pampang!
Chenelyn: hahahaha
Chuck: Kung makatawa kala mo Olympic Swimmer.
Chenelyn: Ay sorry, marunong akong lumangoy.
Chuck: Sa drum?
Chenelyn: Hindi.
Chuck: Saan?
Chenelyn: Sa palanggana!
Chuck: With matching, sabong panlabang pinabula!
Both: hahahahahaha!
Chenelyn: Maligaya lang!
Chuck: Hindi. Nagluluksa lang sa saya.
Chenelyn: Bakit beach?
Chuck: Maputi eh.
Chenelyn: Ang alin?
Chuck: Yung sand sa beach.
Chenelyn: Sus! Sure ka? Baka yung….
Chuck: Mga bato.
Chenelyn: Nagpunta sa beach para mangolekta ng bato?
Chuck: Hindi.
Chenelyn: Ano?
Chuck: ng shells at gagawing kuwintas!
Both: Hahahaha
Chenelyn: At magaalok. Sir, Ma’am, bili na kayo.
Chuck: Dapat in English. Foreigner ang inaalok.
Chenelyn: Sir, Ma’am. Buy. Buy. Buy me.
Both: Hahahahah!
Chenelyn: Ay sad, prostitution naman yon.
Chuck: not fun di ba.
Chenelyn: In a Kris Aquino commentary, it’s sad, sad,sad!
Chuck: Wala yung Love, love, love.
Chenelyn: Wala rin ang Fun,fun, fun.
Both: haaaay!
Chenelyn: Na-depress?
Chuck: Hindi, na-L lang
Chenelyn: Anong “L”
Chuck: Na-LIGAYAHAN
Chenelyn: Asus
Chuck: Bakit may ibang L pa ba?
Chenelyn: Aminin mo na. Iba yung L na nasa isip mo.
Chuck: hahaha
Chenelyn: Nangingiti?
Chuck: Itigil mo na.
Chenelyn: Anong L ba?
Chuck: Na-LBM sa saya?
Chenelyn: Hindi.
Chuck: Na-Loka sa happiness?
Chenelyn: hindi
Chuck: Eh ano?
Chenelyn: Ewan ko sa’yo. In denial.
Chuck: hahahahaah
Chenelyn: bakit may pagtawa?
Chuck: Walang drum roll, tawa na lang
Chenelyn: hahaha
Chuck: Delayed?
Chuck: So maliban sa beaches, ano pa?
Chenelyn: Definitely, pagkain.
Chuck: Agree!
Chenelyn: Sarap ng pagkain sa atin.
Chuck: Obvious naman sa katawan mo.
Chenelyn: Oy, may membership na ako sa gym.
Chuck: Di mo naman ginagamit.
Chenelyn: Walang time.
Chuck: pero pagkainan, may time.
Chenelyn: Eh masarap kumain eh.
Chuck: Hinay hinay ha. Pati tao, kinakain mo.
Chenelyn: Fasting ako now.
Chuck: Sa alin?
Chenelyn: Sa pagkain ng tao.
Chuck: Kadire!
Chenelyn: parang ikaw hindi.
Chuck: Ako? Tagal na akong umiiwas.
Chenelyn: Umiiwas o iniiwasan?
Chuck: Pagkain ba ang topic o tao?
Chenelyn: Taong kinakain!
Chuck: hahahaha

2 seconds

Chenelyn: hahahaha
Chuck: Delayed ka na naman tumawa!

2 seconds

Chenelyn: hahahhaha!
Chuck: Amoy adobo ang hininga mo!
Chenelyn: Sorry, breakfast lang!
Chuck: may toothbrush di ba?
Chenelyn: I know.
Chuck: Toothbrush, sa bibig. Hindi panlinis ng kuko sa paa.
Chenelyn: Ang kapal mo.
Chuck: hahaha
Chenelyn: Alin ang nakakatawa?
Chuck: Sira na naman yung drum roll. Transition yan!


2 seconds

Chenelyn: hahahahaha!
Chuck: Gaya gaya!
Chenelyn: hihihihi
Chuck: Online lang?
Chenelyn: Beach, food, ano pa ang fun sa Pinas?
Chuck: Malling
Chenelyn: Love ko yan. Shopping.
Chuck: Big brands.
Chenelyn: Greenbelt, Podium, Rockwell, the sushalan!
Chuck: 168, Greenhills, and….
Both: Divisoria!!!!!
Chuck: Hindi ka masyado excited?
Chenelyn: Slight lang.
Chuck: Sarap mamili sa Pilipinas.
Chenelyn: Credit Card!
Chuck: Ilan meron ka?
Chenelyn: I think tatlo.
Chuck: Yaman!
Chenelyn: Yaman sa utang!
Chuck: Nagca-card ka sa Divisoria?
Chenelyn: Adik!
Chuck: Kala ko you don’t bring cash!
Chenelyn: Oo.
Chuck: Paano?
Chenelyn: Ako ang pambayad!
Chuck: May kumakagat?
Chenelyn: higit pa sa kagat!
Chuck: Alin? Saan? Sino?
Chenelyn: If the price is right.
Chuck: hahaha. Host ka ba o prosti?
Chenelyn: Hostess!
Chuck: hahahahaha!

2 seconds:

Chenelyn: hahahaha
Chuck: Oy teka, bago tayo magtuloy tuloy, magbasa muna tayo ng ilang comment ng ilang tao na sinagot ang tanong na…
Chenelyn: “Bakit it’s FUN in the Philippines.”

Chuck: From Aling Andes of Hacienda Luisita. Ang sabi niya, Magtanim ay di biro, Maghapong nakayuko, Di naman makatayo, Di naman makaupo!
Magtanim ay di biro, maghapong nakatayo, Di naman makaupo.
Chenelyn: Sa tono ni Kris Aquino, yes, it’s sad, sad, sad!

Chenelyn: from Grace, “It’s fun in the Philippines dahil Happy to serve!”
Chuck: Calling Henry Sy, Calling Henry Sy.
Chenelyn: hahahaha

Chuck: From George ng Purok Putok, “it’s fun in the Philippines dahil walang tawirang nakamamatay.”
Chenelyn: wang-wang-wang!
Chuck: Bawal mag-wang wang sabi ni Pnoy!
Chenelyn: Loka! Ambulansya yan.

Chuck: From Teacher Isabel, “It’s fun in the Philippines dahil we have the language of the learned.”
Chenelyn: Juma-james Soriano si Ma’am!

Chuck: From Uncle Sam from Canada, ‘It’s fun in the Philippines, there’s always some fresh talent.”
Chenelyn: naku, naku! Fresh talent. Ano kaya ang ibig sabihin ni Uncle Sam?
Chuck: Buti Fresh talent ang sinabi, hindi fresh meat.
Chenelyn: Kadire ka.
Chuck: Tagalugin mo.
Chenelyn: Yung fresh meat?
Chuck: Hindi. Yung kadire!
Chenelyn: hahahaha!

Chuck: From Anonymous
Chenelyn: Anonymous from?
Chuck: Anonymous
Chenelyn: Yon ang name?
Chuck: Oo! Di pa puedeng maging anonymous ang name?
Chenelyn: hahahaha
Chuck: Enihow, from anonymous, “It’s fun in the Philippines dahil halos nasa 94 million na ang populasyon. Say no to RH Bill! Nooooo!”
Chenelyn: Paano nga yung no?
Chuck: Noooooo!
Chenelyn: Sa haba ng “No” ni Anonymous, baka lalong lumobo ang populasyon ng Pinas.

Chuck: Eto, from Kristine, “It’s sobrang fun in the Philippines because we have Kris Aquino, Josh and Bimbi.”
Chenelyn: Eto, “Fun ang Pinas kasi I want to become a celebrity when I grow up. I’m gonna be rich!”
Chuck: Eto, from Gandara Sparks, “Fun sa Pinas kasi daming koreanovelas. Pati mga artista sa ibang bansa, nag-sho-show dito. Need ko na ipon for the next concert nila. Waaaah!”
Chenelyn: Kasama talaga yung Waaaah?
Chuck: Waaaaah!
Chenelyn: Ulitin ba?
Chuck: To, to, “Fun sa Pinas kasi yung kapitbahay namin, taon taon magpalit ng kotse. Siya si Mayor!”
Chenelyn: No comment.
Chuck: Affected?
Chenelyn: Comment ko yang nabasa mo!
Chuck: hahahahaha!
Chenelyn: Cheeeeeeka!

2 seconds
Chuck: hahahaha
Chenely: Mang-ga-gaya!

Chuck: Tama na ang pagbabasa ng comments from our readers. Go naman tayo sa ating segment na….

Drum roll

Chenelyn: Ayos na ang drum roll!
Chuck: na…..

Both: Random Ratsada!

Chuck: Mechanics, sasagutin namin ni Chenelyn ang mga katanungan na base sa topic of the day.
Chenelyn: Kung game na kayo, game na rin kami!

Buzzer

Chuck: Asenso na talaga tayo at may buzzer na!
Chenelyn: Ulitin mo nga.

Buzzer!

Both: hahahaha! Game!

Chenelyn: Bakit colourful ang logo ng DOT?
Chuck: Kasi di na uso ang black and white!
Chenelyn: Kung hindi Fun ang word, ano ang puedeng ipalit.
Chuck: Pass!
Chenelyn: May pass?
Chuck: Oo!
Both: hahahaha!
Chenelyn: Di nga?
Chuck: Eto, supercalifragilisticexpialidocious!
Chenelyn: Adik! Next, Kung hindi 1forfun, ano ang puede?
Chuck: Okay na yan.
Chenelyn: Bakit?
Chuck: 3forFun, tunog threesome. Monogamous dapat!
Chenelyn: hahaha! Dapat bang ibalik ang Wow Philippines?
Chuck: Wag na. Sayang ang budget na ginastos sa It’s Fun.
Chenelyn: Give five words na may FUN!
Chuck: PahiraFUN!
Chenelyn: Four more.
Chuck: HaraFUN
Chenelyn: Three more.
Chuck: FUNday! (Panday)
Chenelyn: Two more.
Chuck: ang hiraaaaap!
Chenelyn: Two more. Daliiiii!
Chuck: FUNauhin!
Chenelyn: One more!
Chuck: FUNalo!!!!!
Chenelyn: FUNalo kaaaaaaaa!
Chuck: Tanong,dali!
Chenelyn: Bakit may mapa ng Pilipinas sa logo.
Chuck: Hindi tayo Switzerland!
Chenelyn: Gaya gaya daw ang slogan?
Chuck: Wag Kill Joy! Next!
Chenelyn: Kung gagawa ka ng slogan, ano ito?
Chuck: Pilipinas, For The Win!
Chenelyn: Chaka!
Chuck: Eh ikaw?
Chenelyn: Basahin ko yung suggestions dito sa board:
Chuck: Ano yan?
Chenelyn: Eto, Pilipinas, is it fun or no fun?
Chuck: Gameshow!
Chenelyn: Eto, TV FUNtrol!
Chuck: hahahaha!
Chenelyn: Nako, kulang na ang oras!
Chuck: Any message sa mga listeners?

2 seconds
Chenelyn: Uhmm…
Chuck: Delayed pa rin?
Chenelyn: Ang sa akin lang, di man swak yung word na Fun sa slogan pero come on, let’s support naman our country. Enough of the okrayan. Let’s promote our country in a positive way.
Chuck: Wow! Ume-english ka na!
Chenelyn: Ikaw na the!
Chuck: Anong the?
Chenelyn: Sorry, ikaw na BRO!
Chuck: hahahaha. Pero seryoso. Sa akin naman, kailangan balanse. Promote our country globally pero develop locally pa rin. Develop natin yung bansa natin for our locals and not only for foreigners. After all, bansa natin to, hindi ng iba pa mang lahi. Unti unti, we can get there naman. Hindi overnight nagaganap ang pagbabago. Plus, plus, plus, a slogan is just a slogan. Balewala rin yan kung it doesn’t reflect the reality. Let help each other na ayusin ang bansa natin.
Chenelyn: Chuck, FUNalo ka talaga!
Chuck: Lahat tayo, FUNalo!
Chenelyn: Yes, It’s FUNalo in the Philippines. So make bisita na!
Both: hahahaha

Off Air.


No comments:

Post a Comment

ShareThis