Sunday, January 8, 2012

CHIKAHAN NA EPISODE 3: WISH KO LANG!

In this episode of "Chikahan na! Chuck and Chenelyn," dahil ngayon ay ipinagdiriwang ang Araw ng magpagmilagrong Black Nazarene, paguusapan ng dalawang mapang-okray ang mga kakaiba't nakakatawang hiling.

Love life? Kaperahan? Kasiyahan? Kung anu man yan, tara na't makigulo kina Chuck and Chenelyn. Surely, they don't have the right to remain silent.







Chuck: Gooooood morning Pilipinas!
Chenelyn: Ang taas ng energy!
Chuck: yes, dapat mas mataas sa sikat ng araw!
Chenelyn: At ano ang nakain mo?
Chuck: Tao!
Chenelyn: Hahahaha!
Chuck: Uy pero seryoso, exciting ang paguusapan natin today!
Chenelyn: Akmang akma!
Chuck: What is akma?
Chenelyn: Mangmang lang sa word?
Chuck: Hindi nga, what's akma?
Chenelyn: Match na match!
Chuck: Match na match talaga dahil pati ang outfit mo, match sa topic natin!
Chenelyn: Tigilan ako.
Chuck: Nazareno, ikaw ba yan?
Chenelyn: Hindi ako Nazareno.
Chuck: Eh sino?
Chenelyn: Sto. Nino!hahahaha!
Chuck: Ay, walang natuwa sa'yo! Barubal ka!
Chenelyn: Chika lang naman.
Chuck: Oo, chika rin ang pagkatotoo ng wish mo!
Chenelyn: Ay bago ako ang maging pokus dito, reveal mo na ang topic nang makatawag na ang mga utash!
Chuck: Reveal talaga!Game show briefcase lang?
Chenelyn: Oo, i-reveal na yan!
Chuck: Ang topic for today, dahil nga akmang akma sa Pista ng Nazareno, ay....
Both: Mga Kakaibigang Hiling!
Chenelyn: Ay gravacious. Kakaibang hiling!
Chuck: Yung kakaiba ha.
Chenelyn: Gosh, nakita mo ba sa TV. Daming tao sa Quiapo.
Chuck: Oo nga eh. Parang pista lang.
Chenelyn: hahahaha!
Chuck: Tawa ka dyan!
Chenelyn: Pista nga di ba? Pista!!!!
Chuck: Mapanlait!
Chenelyn: Nahawa sa'yo!
Chuck: Yan, yan na hiling ko.
Chenelyn: Ang mahawa sa'yo?
Chuck: Oo naman. Para maambunan ka ng pagka-smart sa buhay!
Chenelyn: Sorry ka. GLOBAL ang beauty ko!
Chuck: Oo nga. Kasi last time, itinakwil ng SUN ang beauty mo. Di ka nagbabayad!
Chenelyn: Excuse me!
Chuck: Bakit? Dadaan? Dadaan?
Chenelyn: hahahahaha!
Chuck: Naligayahan sa sarili?
Chenelyn: Hindi, kiniliti ang sarili!
Both: hahahaha!
Chuck: Okay, first hiling, from TONDO. Eto, hiling ko po na muling mabuhay ang lolo ko para matigil na away ng mga magulang ko sa lupa.
Chenelyn: Nako, kakaibang hiling nga yan.
Chuck: Baka pati mga santo, mamatay sa hiling na yan!
Chenelyn: So anong tip mo kay ano to...Jumang!
Chuck: bakit, nag-service ba siya sa akin at kailangan ng tip?
Chenelyn: hahaha!
Chuck: Tip? Suggestion ko. Para magkatotoo ang hiling niya.
Chenelyn: Siguraduhin mong smart yang tips mo ha!
Chuck: Nako, ang patay ay mahirap ng buhayin. Sana lang eh ayusin na lang ng magulang niya ang kaguluhan sa lupa. Mag-usap di ba.
Chenelyn: Korek!!!!
Chuck: Smart di ba? Next!
Chenelyn: Eto, galing kay Cristina. Hiling ko po na hindi ako tumaba kahit kumain ako ng napakarami.
Chuck: Ayos si Cristina.
Chenelyn: Nagaadik ata ang mga message sender.
Chuck: So anong tip?
Chenelyn: Ako talaga?
Chuck: Pareho kayo ng ganda eh!
Chenelyn: Bakit napersonal mo na yung sender?
Chuck: Ikaw kaya yan! Iba lang name!
Chenelyn: Hahahahaha!
Chuck: Ano na?
Chenelyn: Tip ko sarili ko, next please!
Chuck: Hahaha!
Chenelyn: Di ko kinaya!
Chuck: Di ko rin kinaya na kausapin mo sarili mo on air!
Chenelyn: hahahaha!
Chuck: Tawaaaaa!
Both: hahahaha!
Chuck: Eto, from Dafodil.
Chenelyn: Dafodil talaga ang pangalan?
Chuck: Hahaha! Oo!
Chenelyn: Kaloka!
Chuck: Hiling ni ate eh maging artista siya.
Chenelyn: Di naman kakaiba yon eh. Karamihan sa atin eh hiling yan.
Chuck: Eto tingnan mo. Lapit ka sa monitor ko.
Chenelyn: Kelan ang shooting ng walking dead Pilipinas version?
Chuck: hahahaha!
Chenelyn: Ano ito?
Chuck: Yan si Dafodil!!!!
Chenelyn: Ay kaloka! Kakaibang hiling nga ang maging artista sya. Suntok sa buwan!!!!
Chuck: Parang ang hirap tanggapin ng hiling niya noh?
Chenelyn: Mapanlait ka na naman!
Chuck: Ikaw rin kaya!
Chenelyn: Oy wag ka, bakit si Lilia Cuntapay, sumikat!
Chuck: Si Lilia yon. Iba si Dafodil!
Chenelyn: Close kayo?
Chuck: hahaha!
Chenelyn: May pagasa pa si Dafodil. Belo.
Chuck: May budget ba yung dalaga?
Chenelyn: Dalaga? Anong edad ba nyan?
Chuck: 18 lang yan.
Chenelyn: Sorry! Kala ko naman late 40's na!
Chuck: Ang sama mo! ang sama mo!!!!
Chenelyn: Kung makahirit ka naman, sumpa lang?
Chuck: Pero seryoso, yung wish ni ate eh...
Chenelyn: No comment.
Chuck: Next! hahaha!
Chenelyn: From Judiel.
Chuck: Judiel talaga?
Chenelyn: Oo!Kilala mo?
Chuck: Sounds familiar. Dancing Sun?
Chenelyn: Oo nga!!!!
Chuck: Wag maexcite, kapangalan lang yan!
Chenelyn: Hiling ni Judiel eto. Wish ko na maging tunay na akong babae.
Chuck: Yun talaga?
Chenelyn: Oo nga!
Chuck: Nanadya ba ito o ano?
Chenelyn: Ewan ko rin sa mga writers ng show na'to!
Chuck: Tip! Tip!
Chenelyn: Magipon.
Chuck: Ha?
Chenelyn: Achievable ang wish niya. Major major operation nga lang!
Chuck: Tama at mahal!
Chenelyn: Ay, may alam ka sa presyo?
Chuck: Nababasa!
Chenelyn: Aminin na! Based sa experience ba?
Chuck: Lalake ako Chenelyn! Lalake! Nakakaloka ka!
Chenelyn: Hahahaha!
Chuck: Next!
Chenelyn: Eto, hiling ko na magkaboyfriend na ako!
Chuck: Ang dali naman niyan. Di naman kakaiba eh!
Chenelyn: Mahirap din noh.
Chuck: At anong ikinahirap.
Chenelyn: Ang humihiling ay si Georgina Wilson.
Chuck: Georgina!!! Pangalan pa lang, boldstar na! hahaha!
Chenelyn: Anong boldstar! baka action star! Dating George!
Chuck: hahahaha!
Chenelyn: Sama mo.
Chuck: Pero seryoso, makakahanap siya ng lalake dyan.
Chenelyn: Based on experience ba ito Chuck?
Chuck: I don't do that.
Chenelyn: Circle? Cuba? Timog? Sounds familiar ba?
Chuck: Oy ha, below the belt ka!
Chenelyn: Wala naman akong sinasabi.
Chuck: Pero may subtext ang words mo!
Chenelyn: Kaloka! Subtext!!!!!!
Chuck: Ay, may nagtext!
Chenelyn: Basahin mo on air!
Chuck: Sure ka?
Chenelyn: Yeeees!
Chuck: Eto, babae po ba si Chenelyn?
Chenelyn! Kalokaaaaaa! Sino yan! Binayaran mo noh?
Chuck: Ano ka ba. Forwarded message. Galing kay Manong Guard! hahahaha!
Chenelyn: Humanda yang si Manong.
Chuck: Ikaw naman. Hina mo.
Chenelyn: Anong hina!
Chuck: Crush ka ni Manong! Sagutin mo na!
Chenelyn: Reto na lang natin si Manong guard kay Georgina! hahahaha!
Chuck: At ikaw ang ninang sa kasal!
Chenelyn: Ninang agad? Puedeng abay muna?
Chuck: Hindi! Flowergirl na lang! Lumuhod ka!!!!
Both: hahahah!
Chenelyn: Next!
Chuck: Nako, it's time!
Chenelyn: Time for?

Drum roll.

Both: Random Ratsada!
Chuck: Magbabasa ako ng mga hiling from our senders at assuming na si Chenelyn ang mag-grant ng wishes!
Chenelyn: Ay bet ko yan!
Chuck: Kahit di ko bet, sige na! hahaha!
Chenelyn: Game!
Chuck:Excited naman nito!


Drum roll.
Drum roll.
Drum roll.

Chenelyn: Bakit paulit ulit yung drum roll???
Chuck: Di pa ako game eh!
Chenelyn: hahahaha!

Chuck: First wish, from Charles. Sana gumaling na ang kabag ko!
Chenelyn: next!
Chuck: Grant mo naman wish niya.
Chenelyn: Ganda ng name ni kuya pero ang hiling susme!
Chuck: Next, from Aling Tapia, sana layuan ng mga babae ang asawa ko!
Chenelyn: Sige. Lalake naman ang palapitin natin!
Both: Hahahaha!
Chenelyn: Naaliw much?
Chuck: Next, sana po maka-kain kami ng Jollibee.
Chenelyn: Bata ito?
Chuck: Sagutin mo daw!
Chenelyn: Sinong nagpadala ng wish?
Chuck: Yung mga staff natin!
Chenelyn: Kaloka! Walang sahod?
Staff (Background): Walaaaaa!
Chenelyn: Next wish please. Next! yung kakaiba ha!
Chuck: From Minerva. Sana po ay hindi na ako habulin ng mga multo.
Chenelyn: Nagpapagod ka lang. Paglakarin mo sila!
Chuck: Eto, from Tina, sana po di ako iwan ng mister ko.
Chenelyn: Unahan mo na siya! Next!
Chuck: Sana ay makapunta ako sa Disneyland para kumain ng cotton candy!
Chenelyn: Cotton candy lang, Disneyland pa? Haggard!
Chuck: Eto, from Pnoysters, Sana makulong si GMA!
Chenelyn: Cute nung Pnoysters! Parang fans club ng artista lang!
Chuck: Eto, eto, from Joke Joke Bulate, sana tigilan na ng mga nega ang paglait sa It's More Fun in the Philippines.
Chenelyn: Dalhin sila sa Switzerland.
Chuck: More?
Chenelyn: yeeeees!
Chuck: Eto, from Ariba, sana mawala na ang pimples ko.
Chenelyn: Maglinis ng mukha kasi!
Chuck: Wala sa mukha ang pimples.
Chenelyn:Nasaan?
Chuck:Nasa pwet!
Both: Pigsa! hahahaha!
Chenelyn: Next!
Chuck: From Bahrain!
Chenelyn: Ganon kalayo?
Chuck: Hindi. Ang lapit lapit!
Chenelyn: Hahaha! Ano?
Chuck: Sana makauwi ako ng Pinas. 13 years na ako dito.
Chenelyn: Calling Coca Cola! Calling coca cola!!!!
Chuck: Tomooooh!
Chenelyn: Wagas lang!
Chuck: Eto, from Tinkerbell, sana maisayaw ako ng crush ko sa prom night.
Chenelyn: Magtakong ka!
Chuck: Anong kaugnayan?
Chenelyn: La lang!
Both: hahaha
Chuck: Eto, from Rowell, sana hindi ko mapatay ang kulasisi ng asawa ko!
Chenelyn: Maghanda ka na ng pampiyansa?
Both: hahaha!
Chuck: Eto, from Ningas Kugs, sana mapromote ako sa trabaho!
Chenelyn: Magsipag.
Chuck: Sana matuto akong mag-Facebook!
Chenelyn: Next!
Chuck: Eto, sana i-tweet back ako ni Kris Aquino.
Chenelyn: Hahaha!
Chuck: Bakit?
Chenelyn:The who si Kris Aquino? Try niya si Josh or si Bimbi!
Both: love, love, love! hahahaha!
Chuck: From Manoy, sana maka-match ko si Pacquiao.
Chenelyn: Si Pacquiao agad?
Chuck: Hindi sa boxing.
Chenelyn: Saan?
Chuck: Sa sayaw ng tinikling!
Both: Hahahaha!
Chuck: From Giselle, sana abutan ako ng Hermes bag ni Jinky.
Chenelyn: Mahal ng hermes!
Chuck: Wait mo at may karugtong.
Chenelyn: Ano?
Chuck: Sabi kasi ni Jinky, pag napatunayan na may kabit yung asawa niya, magbigay siya ng bag.
Chenelyn: So?
Chuck: ....
Both: Hahahaha!
Chenelyn: Kaloka ka Chuck! Gawa gawa mo yan! Baka mademanda ka!
Chuck: Get mo yung hermes mo after the show!
Both: hahhaha!
Chuck: Eto, sana maka-date ko si Derek Ramsey or si DingDong Dantes.
Chenelyn: Wish ko rin yan! Neeeeext!
Chuck: From Mark. Sana lumaki pa ang...
Chenelyn: Ang alin? Kita?
Chuck: Di puedeng sabihin on air.
Chenelyn: Ang alin?
Chuck: Yon.
Chenelyn: Kamayin!
Chuck: Kadire!!!!
Both: hahahaha!
Chenelyn: Next!!!!!
Chuck: Sana madedo na ang mga kasamahan ko sa opisina na walang ginagawa.
Chenelyn: Wag. Baka multuhin ka nila!
Chuck: From Kokey.
Chenelyn: Hahaha!
Chuck: Seryoso! Eto wish ni Kokey. Sana bago magend of the world, puede ng lumipat at manirahan sa Mars!
Chenelyn: Okay lang. Mauna ka Kokey! Mauna ka!!!!
Chuck: From Grace. Sana po ay manalo ako sa talent search.
Chenelyn: Basta ba marami kang load!
Chuck: From batang gala. Sana manalo ako sa holen competition.
Chenelyn: Meron pala non?
Chuck: From Sister Louella.
Chenelyn: May madre?
Chuck: Yes! Wish niya ay sana umalis na ang masamang sapi sa katawan ng mga pro-RH bill.

Dead air.

Chuck: Chenelyn! Chenelyn!
Chenelyn: What happened?
Both: Hahaha!
Chuck: Nasapian lang!
Chenelyn: Next!!!!
Chuck: From Bell. Wish ko na magconcert si Adele sa Pilipinas!
Chenelyn: Wish ko rin yaaaan!
Chuck: From Baste ng Caloocan. Sana manalo ako sa Mr. Balik Balik!
Chenelyn: Patubo ka ng pandesal sa tyan mo!
Chuck: From Aldo ng Pasig. Wish ko po na makauwi ng probinsya namin para makita ang naghihingalo kong alagang salagubang!
Chenelyn: Ano baaaaa! Next!
Chuck: From Chichi!
Chenelyn: Chichi! Parang aso lang!
Chuck: aw-aw-aw-aaaaw-a--a-wa-aw-aw!
Chenelyn: Ano yon?
Chuck: yon ang hiling niya!
Both: hahahahaha!
Chuck: From Garfield.
Chenelyn: Huwag mong sabihing pusa!
Chuck: Meow!!!!
Both: hahahaha!
Chuck: From Divina.
Chenelyn: Ay Divine!
Chuck: Wish ko po na maibalik ang virginity ko!
Chenelyn: Walang himala!!!!!!!
Both: Hahaha!

Buzzer.

Chuck: Naku, ubos na ang oras.
Chenelyn: Oo nga. Parang school bell lang ang ring!
Chuck: So ikaw Chenelyn, ano ang kakaibang hiling mo?
Chenelyn: Isa lang ang wish ko. Tumanda ng hindi nagbabago ang hitsura ko.
Chuck: Creepy naman nyan.
Chenelyn: Ganda di ba!
Chuck: Mas okay atang magbago hitsura mo para magwakas na ang pananakot mo sa mga taong makakasalamuha mo!
Chenelyn: Ang sama mo!!!!
Chuck: Chos lang!
Chenelyn: Anong chos?
Chuck: ...Wish ko!
Chenelyn: Iniiba ang usapan!
Chuck: hahahaha!
Both: hahaha!
Chuck: Wish ko. Wish ko. Wish ko. Kainin na ng lupa ang mga corrupt na opisyal.
Chenelyn: Ay going world peace.
Chuck: Seryoso! Ang sakit nila sa bangs!
Chenelyn: Saan ang bangs? Saan?
Chuck: Nasa ibaba eh!
Both: hahahahaha!

Off Air.

No comments:

Post a Comment

ShareThis