Wednesday, January 25, 2012

CHIKAHAN NA EPISODE 4: POLITIKO(S)

After days of hiatus, Chuck and Chenelyn come back in the blogosphere. At dahil usap usapan ang impeachment trial, the two perky hosts talk about the major role politicians play in the lives of the Filipinos. Siempre, hindi mawawala ang signature okrayan ng dalawa!

Handa ka na bang maaliw, maloka at makichika? Read on na!







Chikahan Na Episode 4: Politiko (s)

UP Music

Both: Yeheheeeeeeees!
Chenelyn: Nagbabalik ang Chikahan na with Chuck…
Chuck: And chenelyn!!!
Chenelyn: Akalain mong matagal tayong nawala sa blogosphere!
Chuck: Tumpak. Anong magagawa, dumaan ang Chinese New Year!
Chenelyn: Intsik lang kuya? Intsik?
Chuck: Siempre, nakiisa ako sa mga chekwa on their selebrasyon!
Chenelyn: Nakiisa?
Chuck: Nakiisa!
Chenelyn: Parang may ibang tono yung nakiisa!
Chuck: Wag kang uhhhhm!
Chenelyn: Anong uuuhhhm!
Chuck: Nakiparty kasi ako sa Binondo kahapon.
Chenelyn: Hindi ko knows na nakikiparty ka pala pag chinese new year!
Chuck: Lalo na ngayong year of the water dragon!
Chenelyn: Bakit, anong konek?
Chuck: Eh gusto kong pumarteeee eh!
Chenelyn: If I know, iba ang dinayo mo sa Binondo! Aminin!
Chuck: Fireworks!
Chenelyn: Yan na! Yan na! Putukan!
Chuck: Ang lakas!
Chenelyn: Ang laki?
Chuck: Super!
Chenelyn: Ang sarap?
Chuck:Wagas!
Chenelyn: Parang iba namang putukan yan!
Chuck: Fireworks nga! Eh ikaw, ba’t wala ka? Saan ka napadpad?
Chenelyn: Nag-road show ako!
Chuck: Ay rumaket! Iniwan ang show!
Chenelyn: Loka! Utos ni boss! May angal?
Chuck: Boss naman. Ba’t to may raket, ako, wala!
Chenelyn: Mayaman ka na raw. No need for money ka na bakla!
Chuck: Oy don’t call me bakla.
Chenelyn: Sige, teh na lang! Teh!!!
Chuck: Saan ka nagroadshow?
Chenelyn: Dyan lang. Sa tabi tabi.
Chuck: Saan nga?
Chenelyn: Sakit sa bangs!
Chuck: Chinese new year event?
Chenelyn: Oo!
Chuck: Sino ka-host mo?
Chenelyn: Anong host?
Chuck: Bakit anong ginawa mo?
Chenelyn: Nag-dragon dance!
Both: Hahahaha!
Chuck: Seryoso?
Chenelyn: Wag nang pagusapan. Ganon talaga pag alipin. Go lang ng go!
Chuck: Nako, baka ung saan pa mapunta ang usapan…
Chenelyn: True! Ayoko ng balikan ang dragon dance episode!
Chuck: Hahahaha!
Chenelyn: Tigilan ako!
Both: Hahahaha!
Chuck: Seryoso na!
Chenelyn: Ang topic ay…
Chuck: Dragon dance!
Both: Hahaha!
Chenelyn: Seryoso na nga kasi!
Chuck: Ang topic ay…
Chenelyn: Sabihin mo pang dragon dance, makakatikim ka ng dragon kick!
Chuck: (Deadma) ay… ang major major role ng mga Politiko sa Buhay ng Pilipino.

Buzzer
Chenelyn: Yan ang topic of the day?
Chuck: Oo. Ang Major Major role ng mga politiko sa buhay ng Pilipino.
Chenelyn: So going AM station na tayo?
Chuck: Slight. Sasabayan natin ang impeachment case ni Corona para bongga daw.
Chenelyn: Sa bagay. Ratings ang labanan dito.
Chuck: And to show na rin sa ating mga readers na… may JUTAK tayo!
Chenelyn: Jutak? Jutak talaga?
Chuck: Ako, for sure, meron. Eh ikaw?
Chenelyn: Mapanalait ka! Di mo naitatanong.
Chuck: Ayokong itanong.
Chenelyn: Hindi mo naitatanong.  Humakot ako ng award nung I was in mababang paaralan ng San Antonio.
Chuck: Anong parangal ito?
Chenelyn: Bestfriend ng bayan!
Chuck: Ang korni!!!!! Nagpulumilit!
Both: hahahaha
Chuck: Seryoso?
Chenelyn: Oo. Bigay ng bestfriend ko!
Both: Hahahaha
Chenelyn: At least may award, eh ikaw?
Chuck: Nako, ako? Tinatanong pa ba yan?
Chenelyn: Dali na! Anong award?
Chuck: Best in Math, Science, English, Filipino...
Chenelyn: Hakot!
Chuck: Naman! at higit sa lahat, HEKASI!
Chenelyn: Wow HEKASI!
Chuck:Oo, He-ka-sinabi ni Ma’am! Hahahaha!
Chenelyn: Korni!!!! Kaloka ka!
Both: hahahahaha!
Chuck: Walang ma-comment tumawa na lang!
Chenelyn: Dapat di chikahan na ang name ng show!
Both: Kakornihan with Chuck and Chenelyn!
Both: Hahaha!
Chuck: Nako, bago pa mapunta kung saan saan ang usapan, magbasa na tayo ng mga comments from readers.
Chenelyn: True! Eto, from Mike ng Imus Caviteeeey!
Chuck: Caviteeey talaga ang pagkabasa?
Chenelyn: Mukhang sa innnernational call ceynter nagwowork si Mike.
Chuck: Sige, seeeey mo na ang kanyang ishstatement!
Chenelyn: Sabi ni Mike, ang mga pulitiko ay parang tae sa buhay ng pinoy. Inilalabas natin sila pero napapalitin din.
Chuck: Ay gumaganon sa ishstatement si Mike! Tae talaga?
Chenelyn: Korek. Umagang umaga.
Chuck: Magalmusal ng ate.
Chenelyn: With coffee or tea?
Chuck: Extra honey please!
Both: hahahahaha!
Chenelyn: Eto from Marga ng Rine subdivision.
Chuck: Margarine?
Both: Palamana!
Chuck: Oo, toppings don sa sinabi ni Mike!
Chenelyn: Eeeew!
Chuck: Ay, dalaginding sa usapang ebak?
Chenelyn: Ewan!
Chuck: Go!
Chenelyn: Sabi ni Marga, ang mga pulitiko ay parang mga bampira. Suck, suck, suck nila ang energy ng taong bayan!
Both: Suck, suck, suck!!!!
Both: hahaha!
Chenelyn: Kumi-Kristeta Anino si Marga!
Chuck: Eto naman, from Mr. Diosdado.
Chenelyn: Past president pa talaga ang kapangalan.
Chuck: Ang mga politiko ay mga mga kontrabidang bida sa buhay ng Pinoy.
Chenelyn: Ay mahilig si Mr. Diosdado sa action film. Siguro ay nabasa na niya ang book ni Bob Ong.
Chuck: At fan ako ni Bob Ong!
Chenelyn: Seriously, ako rin!
Both: aaaaaw!
Both: hahahaha!
Chuck: From Danica ng Mindanao Avenue. Ang mga politiko ay buhay sa eleksyon, patay sa everyday transaction!
Chenelyn: Ay rhyme naman si Danica! Award!
Chuck: Ang mga politiko ay parang buhok na ahitin mo man paulit-ulit, laging bumabalik!
Chenelyn: Hahahaha!
Chuck: At natawa?
Chenelyn: May iba kasi akong buhok na naisip!
Chuck: Kadireeeee!
Chenelyn: Buhok sa legs!
Chuck: Umamin ka, sa ibang parte ng katawan yaaaaaan!
Chenelyn: Buhok sa batok?
Chuck: Lower.
Chenelyn: Buhok sa dibdib?
Chuck: Meron ka? Loweeeer!
Chenelyn: Buhok sa legs nga!
Chuck: Loweeeeer!
Chenelyn: Wala na! Wala na!
Chuck: Meron pa!
Chenelyn: Saan????
Chuck: Ang mga ligaw na buhok sa daliri ng paa!
Chenelyn: Ang korni!!!! Hindi naman inaahit yon eh!
Chuck: Ako inaahit ko!
Chenelyn: Kaloka! Lalake ka bang tunay?
Chuck: Haler, Naman!
Chenelyn: Well said teh!
Chuck: Eto from Anita ng Purok Trese. Sabi niya, ang politiko ay dating amo ng nanay ko. Ako ang produkto!
Chenelyn: Ay Anita! Revelation yan! Sino tatay mo?
Chuck: Um, let Anita settle that in another show.
Chenelyn: Let me guess?
Chuck: Guessing Game. One word.
Chenelyn: Tao ito?
Chuck: Natural!
Chenelyn: Lalake?
Chuck: Tigil na nga natin ito!
Chenelyn: Politiko?
Chuck: Ano baaaaa!
Chenelyn: Yung nagsabi ng DNA test?
Chuck: Sino yan?
Chenelyn: Tigil na natin. Baka mademanda ako!
Both: Hahahaha!
Chuck: Eto, from Sister Alona ng Divine Saving Power of Eternal Kabanalan.
Chenelyn: Seryoso? Power of Eternal Kabanalan?
Chuck: Hahahaha! Dinagdag ko!
Chenelyn: Ang korni!!!!
Chuck: At least inaamin ko ang kakornihan ko!
Chenelyn: Bless you teh!
Chuck: Ang sabi ni Sister, Politicians ay mga alagad ng Diyos. Dapat silang sumunod sa utos ni Lord. No to RH Bill.
Chenelyn: Eto, from Teacher John ng Mababang Paaralan ng Pinataas na Karunungan.
Chuck: May ganong school?
Chenelyn: Dinagdag ko rin!
Chuck: Ang pangeeeeet!
Both: Hahahaha!
Chenelyn: Korni  natin ngayon!
Chuck: Pansin mo rin?
Chenelyn: Napaghahalatang di natin keri ang mga usaping politikal!
Chuck: Ikaw lang!
Chenelyn: HEKASI awardee!
Chuck: Bestfriend Awardee!
Both: hahahaha!
Chuck: Anong sabi ni teacher John?
Chenelyn: Sabi ni Teacher John, ang mga politiko ay source of inspiration.
Chuck: Wow, Positive!
Chenelyn: Di pa tapos…source of inspiration ko sila na layasan ang Pilipinas dahil sa pagtrato nila sa mga guro!
Chuck: Ay aalis na si teacher john! Paano na ang mga bata!!!
Chenelyn: Teach them well and let them lead the way!
Chuck: Show them all the beauty they possess inside!
Chenelyn: Give them a sense of pride…

Pasok ang song na ‘Greatest love of all’ sabay off din.

Both: Greatest love of all!!!!
Both: Hahahaha!
Chenelyn: Nako, teacher, kawawa naman ang mga eschudent mo!
Chuck: Sino na ang magtuturo ng values!
Chenelyn: Ang magpapa-flag ceremony every morning.
Chuck: At higit sa lahat, ang magbibigay ng sangkaterbang bangungot sa estudyante para magsikap sa exam!
Chenelyn: Nako! Trueeeee! Akalain mong may sense ang sinabi mo!
Chuck: HE-KA-SI nga matalino ako!
Chenelyn: Di naman halata!
Both: hahahaha!
Chuck: From a teacher, eto naman, kay Dennis ng Saint Looks House Petal!
Chenelyn: Ang sosyal, Saint Luke’s!
Chuck: Hindi Luke’s, LOOKS, as in hitsura. Salon ito na nagbebenta ng bulaklak. Salon!
Chenelyn: hahahahaha!
Chuck: Sabi ni Dennis na Donna Summer sa gabi,  ang politiko ang  mga parokyano ng kolehiyala. Suki sila ng Peg-a-sauce, isang restawran na may isang libo’t isang uri ng sarsa, at madalas kumuha ng escourt service lalo na sa paglilitis!
Chenelyn: Nako, mukhang may ineexpose si Donna Summer dito. Sa tindi ng statements, parang kahit malayo pa ang summer eh naginit ang studio!
Chuck: No comment.
Chenelyn: At bakit?
Chuck: No comment. Next please.
Chenelyn: Umamin ka, madalas ka don noh?
Chenelyn: Sa Peg-a-sauce?
Chuck: hindi noh!
Chenelyn: I know. Don ka kasi sa A-Dawn-Knees. Chapel na hanggang morning!
Chuck: hahahahaha!
Chenelyn: A-meeeen!
Chuck: Men!
Chenelyn: May “a,” don’t forget!
Chuck: Eto naman, si Doktor Kwak Kwak. Ang mga politiko ay choosy. Akala nila, Diyos ka na pag ginamot mo sila, hindi sila mamatay.
Chenelyn: Nako, dapat ata eh ang mga politiko ay gumo-go sa mga albularyo! Baka madaan sa pagtatawas ang eternal life!
Chuck: Eto, from Jomar ng Antipolo, tindero ng Isaw. Sabi niya, ang mga pulitiko, mahilig manuhog.
Chenelyn: Nuff said!
Both: Hahahaha!
Chenelyn: From Professor X ng College of Lord Higit na Mapagpala.
Chuck: Ayan ka na naman!!!!!
Chenelyn: Korni? Korni?
Chuck: Hindi. Funny!
Both: Hahahaha!
Chuck: Ang sabi ni Professor X, ang mga politiko ay ang mga tunay na reality TV stars. They know how to act. Sila ang dapat umani ng award!
Chenelyn: Bongga ni Professor X. Award ang ish-statement!
Chuck: Next!
Chenelyn: Eto, from Dindo, ang Parro ni Cathy.
Chuck: May hayop?
Chenelyn: Eto ang comment, ang mga Politicians ay mga hayop.
Chuck: Hayop! Hayop! Hayop!
Chenelyn: Gayahin ba ang Parrot?
Both: Hahahaha!
Chenelyn: From FVR.
Chuck: Sure ka dyan? Sinong FVR yan?
Chenelyn: Father Victor Robles!
Chuck: hahahaha!
Chenelyn: Kala mo kung sino noh.
Chuck: Basa na!
Chenelyn: Ang mga politiko ay mga magnanakaw. Di naman lahat pero they steal our right to live a comfortable and decent life.
Chuck: Ayyyyyy!
Chenelyn: Corruption.
Chuck: Elitista.
Chenelyn: Gahaman.
Chuck: Oligarchy!
Chenelyn: ….
Chuck: Wala ng masabi si Bestfriend Awardee? Wala na?
Both: Hahahaha!
Chenelyn: Next!
Both: Hahahaha!
Chuck: From Attorney Pugo.
Chenelyn: Seryoso?
Chuck: Seryoso. Acronym kasi yung PUGO. Attorney Pat Ursula Gaiman Oroska.
Chenelyn: hahahaha!
Chuck: Ang sabi ni Attorney, ang mga politiko ang mga greatest story tellers. Walang batas batas.
Chenelyn: Ay agree.
Chuck: Agree sa?
Chenelyn: Story tellers.
Chuck: Bakit?
Cheleyn: Lola Basyeng Constansya was once a politician!
Chuck: Sinong Lola Basyeng?
Chenelyn: Hindi mo kilala si Lola Basyeng?
Chuck: Slang ba yan o ano?
Chenelyn: Hindi nga?
Chuck: Sino ngaaaaaaaaaaaaa!
Chenelyn: Ano ka ba. Lola sya ng tatay ng kapitbahay nung kaibigan ng kaibigan ko nung highschool kami!
Chuck: hahahaha! Ang korni!!!!!!!
Chenelyn: Oh well!
Both: Hahahaha!
Chuck: Eto, from Jim ng Gig-ULO.
Chenelyn: Masarap dyan sa Gig-ULO.
Chuck: Ano ito at saan ito?
Chenelyn: Sarap dyan promise.
Chuck: Ano nga ito?
Chenelyn: Naka-kain ka na dyan.
Chuck: Saan nga?
Chenelyn: Sa may Q. Ave yan.
Chuck: Ah!!!!
Chenelyn: O di ba.
Chuck: uhmmm..
Chenelyn: Wag ng aminin on air. Pero masarap di ba!
Chuck: Oo. Ang lalaki ng ulo don.
Both: Ulo ng HIPON!!!!!
Chuck: Oh sabi ni Jim na waiter sa Gig-ULO,
Chenelyn: Anong sabi?
Chuck: walang sinabi!
Chenelyn: Ano ngang sinabi?
Chuck: Walang sinabi!
Chenelyn: Ano nga?????
Chuck: Slow ka! Ang mga politicians ay walang sinabi! Walang binatbat!
Chenelyn: So kailangan interpret pa? Ayoko!!!!
Chuck: Bestfriend Awardee!
Chenelyn: HEKASInabi ni Ma’am!
Both: Hahahaha!
Chuck: Eto, from Jinky ng Saudi Arabia.
Chenelyn: OFW.
Chuck: Sabi ni Jinky, hindi mangangaliwa ang asawa ko kung hindi dahil sa mga politiko. Napilitin akong magabroad dahil walang disenteng trabaho sa Pilipinas. Kung nasa tabi lang ako ni Mann-oling, di siya mambababae.
Chenelyn: Nako, komplikado naman ito. Si mister naman, naghanap pa!
Chuck: Nahirapan!
Chenelyn: Tse! Kayong mga lalake, maiwan lang, di na nakatiis!
Chuck: At bakit tumatalak? Ako ba? Ako ba?
Chenelyn: Hindi ikaw. Hindi ka lalake. Yung mga readers na lalake.
Chuck: (no comment)
Chenelyn: From Henry Lopeys.
Chuck: Ganon?
Chenelyn: Ganon. Nagwowork si Henry sa upcoming TV station.
Chuck: TV station?
Chenelyn: Yes, ang TV1. The one and only.
Chuck: O anong sabi ni Henry.
Chenelyn: Ang mga politicians ay ang susi. Kung ang pulis ay no id, no entry. Ang ibang politicians, no lagay, say goodbye!
Chuck: Rhyme!
Chenelyn: Eto, from Aling Tasing, dating mananahi ni Baho Lauren.
Chuck: Marami pa ba?
Chenelyn: Kababalik lang from vacation, nagrereklamo?
Chuck: Anong sabi ni Aling Tasing?
Chenelyn: Ako na ang tatahi sa damit ng susunod na presidente. Ibinulong sa akin ng poon ang hinaharap.
Chuck: Advance ni Aling Tasing. May madam uling ang statement!
Chenelyn: Guess mo kung sino ang bet nya?
Chuck: Sino?
Chenelyn: Si Kristeta Anino!
Chuck: Sad! Sad! Sad!
Chenelyn: ha, ha, ha!
Both: Hahaha!

Off Air.

No comments:

Post a Comment

ShareThis