Thursday, January 5, 2012

EPISODE 1 OF CHIKAHAN NA: GUNAW

 Starting today, I am putting up a mini-talk show in my blog. It's called Chikahan na! It will be hosted by Chuck and Chenelyn. With a tagline "We don't have the right to remain silent," the talk show will tackle different topics that people talk about. The peg is like a stand-up comedy in a blog. Enjoy!

Wanna know more about it? Makibasa at maaliw!



Today's Pilot Topic: "Magugunaw na ba ang mundo sa 2012?"

5,4,3,2 and1!

Chenelyn: Wow! January na!
Chuck: Ay hindi, December pa lang oh.
Chenelyn: Hahahaha!
Chuck: Kung makatawa naman to, maligaya much?
Chenelyn: Seryoso na kasi.
Chuck: Sana yang mukha mo maging seryoso.
Chenelyn: Face ko? Hindi to photoshopped noh?
Chuck: Jinky Paks ikaw ba yan?
Chenelyn: Hindi. Charice! Hahahaha!
Chuck: So magugunaw na daw ang mundo.
Chenelyn: Naniniwala ka ba don?
Chuck: Okay ng maniwala don sa kesa maniwala ako na babae kang tunay.
Chenelyn: Ay gumaganon ka? Eh kung i-end ko na lang ang buhay mo, as in now na?
Chuck: Pangit naman ng death ko. Maliban sa murder ang labas. Yung nangmurder sa akin ay mas karapatan na dapat i-murder,
Chenelyn: hahahaha!
Chuck: Anong meron sa tawa mo?
Chenelyn: Mabango ang tawa ko.
Chuck: Amoy paksiw kaya!
Chenelyn: Kapal ng mukha mo. Nag-ga-gargle ako everyday.
Chuck: Anong brand?
Chenelyn: Secret.
Chuck: Lam ko na. Lactacyd!
Chenelyn: Timang. Seryoso na kasi!
Chuck: Seryoso naman ako. Yang hitsura mo kasi disturbing eh.
Chenelyn: At talang ako ang pagusapan dito.
Chuck: Para ka kasing si Madam Auring.
Chenelyn: Talaga lang?
Chuck: Madam Auring naman in the 60s! O di ba! Bagets pa siya non.
Chenelyn: Lam mo hindi chuck ang dapat ipangalan sa’yo.
Chuck: Eh ano?
Chenelyn: Wag na baka ma-offend ka!
Chuck: Dali na. Ano nga?
Chenelyn: Sa aura mo, dapat CHUCK-A! Chaka! Hahaha!
Chuck: Sana sa pagtawa mo di ko nakikita kung ilang ngipin ang pinastahan sa’yo.
Chenelyn: Oy, mahal yang pasta.
Chuck: Mahal bakit ang itim. Nagsesepilyo ka ba ng tama?
Chenelyn: Oy, three times a day.
Chuck: Three times a day mong ini-iskip ang pagsesepilyo!
Chenelyn: mapanlait ka!
Chuck: Wala namang akong lalaitin kung wala akong nakikita eh!
Chenelyn: Bulagin kita, gusto mo?
Chuck: Okay lang, basta patayin kita! Quits?
Chenelyn: Seryoso na nga kasi. Naniniwala ka ba na magugunaw na ang mundo this 2012?
Chuck: To answer your question, magbabalik ang The Buzz!
Chenelyn: kapamilya ka lang?
Chuck: Tingin mo, nasaan ba si Tito Boy at ang the Buzz? Nasa channel 9 ba or 13? Nasaaaaaan?
Chenelyn: Highblood naman to. Ay wait!
Chuck: Bakit, ito na ba ang eksena na ilalabas mo ang surprise mo sa akin?
Chenelyn: Anong surprise ka dyan.Wait.
Chuck: Anong ginagawa mo?
Chenelyn: Nagaayos ng panti.
Chuck: Kadire ka! Kinain lang ng pwet mo? Kadire!
Chenelyn: Hindi, kinain ng cleavage ko ang panti ko!
Chuck: Kadire ka talaga! Eeeeew!
Chenelyn: Kalalake mong tao, ang arte mo!
Chuck: Siempre, metrosexual ako.
Chenelyn: Enough of it already. Excuses!
Chuck: Lalake ako noh! Lalakeng lalake!
Chenelyn: Talaga lang ha. Naka-ilang GF ka na?
Chuck: Hindi ko na mabilang.
Chenelyn: Naka-ilang one night stand?
Chuck: Hindi ko rin alam. Ang dami na eh.
Chenelyn: Weh? Shet, di mo masagot, mukhang end of the world na nga!
Chuck: At least kahit magunaw ang mundo, I had fun.
Chenelyn: I don’t think magugunaw na ang mundo.
Chuck: Bakit?
Chenelyn: Isa isahin natin.
Chuck: Baka gunaw na ang mundo, di ka pa tapos ha!
Chenelyn: Una, wala akong jowa.
Chuck: hahahahaha!
Chenelyn: Maligaya lang kung humalakhak?
Chuck: Hindi, malungkot lang!
Chenelyn: Promise. Since birth, wala. Pangit ba ako?
Chuck: Between Elizabeth Ramsey and Gretchen Baretto, pumo-pokwang na ang ganda mo.
Chenelyn: Ang sama mo.
Chuck: Wag ka kasing pisikal. Work on your advantage.
Chenelyn: English lang?
Chuck: Dati ako sa call center.
Chenelyn: Weh?
Chuck: ting-ning-ning. Calling SM Shoppers, Calling SM Shoppers, avail of our new and exciting promo!
Chenelyn: Baliw! SM yon!
Chuck: Before call center job, ako ang madalas nag-a-announce don.
Chenelyn: Sample nga.
Chuck: Good evening shoppers. We are about to close in 30 minutes. Magsiuwi na nga kayo!
Chenelyn: Harsh! Ganon?
Chuck: Ganon! Kaya nasesante ako!
Chenelyn: Ugali mo! Pangit!
Chuck: Okay lang, basta guwapo!
Chenelyn: Itim ang soul mo!
Chuck: Okay lang, maputi naman ang skin.
Chenelyn: If I know, metathione yan!
Chuck: Di ako science project.
Chenelyn: Oo, likas papaya baby lang!
Chuck: Speaking of likas, likas sa’yo ang mainggit noh?
Chenelyn: Maiinggit ako?
Chuck: Hindi. Hindi ikaw. Yung nasa likuran mo. Yung katabi nung nasa kabilang table.
Chenelyn: Hindi ako inggitero.
Chuck: Erratum, inggetera. Babae ka di ba?
Chenelyn: Oo naman.
Chuck: Paki-confirm lang kasi marami ang nagtext na duda sila eh?
Chenelyn: Ano to, poll ng TV Patrol?
Chuck: Hindi, eleksiyon!
Chenelyn: hahahaha!
Chuck: Kung makatawa, wala ng bukas?
Chenelyn: Wala na kasi nga end of the world na.
Chuck: Tagal pa. December pa yon.
Chenelyn: Ilang buwan na lang.
Chuck: Ilang buwan na lang para magka-jowa ka.
Chenelyn: Worried much ako.
Chuck: Babaw mo.
Chenelyn: Love makes the world go round, you know?
Chuck: Kolehiyala lang?
Chenelyn: Hindi, bayaran lang! hahahaha!
Chuck: Maghanap ka na bukas. Puesto ka sa Cubao.
Chenelyn: Cheap ng taste mo. Cubao talaga? Parang ikaw ang mababaw!
Chuck: Ay sige, don ka na lang sa Uniwide.
Chenelyn: Bukas pa ba yon?
Chuck: Para sa’yo, magbubukas sila.
Chenelyn: Sama mo.
Chuck: May wedding gown ka na?
Chenelyn: Bakit?
Chuck: Para pag sinagot mo yung lalake, kasal agad.
Chenelyn: Nagmamadali?
Chuck: Hindi. Nagmamabagal lang.
Chenelyn: Seryos na kasi.
Chuck: Paulit ulit kang magseryoso. Seryosohin mo kasi ang mga sinasabi ko.
Chenelyn: Seryosohin? Para mong sinabi na sundin ko ang payo ng bagong labas sa mental.
Chuck: Eh di ba magugunaw na ang mundo?
Chenelyn: hindi puede. Hindi puede.
Chuck: Ikaw na ang maging Mayan Calendar! Ikaw na!
Chenelyn: Maliban sa jowa, I have lots of things na gusto pang ma-achieve.
Chuck: Gaya ng?
Chenelyn: To travel.
Chuck: Oo nga. Mura na ang mga air fare. Parang piso piso na lang ngayon!
Chenelyn: Pak na pak ang Cebu Pak!
Chuck: Saan mo gustong magpunta?
Chenelyn: Puerto Galera!
Chuck: hahahhahahaahaha! College ka lang?
Chenelyn: Anong masama don. Di pa ako nakakapunta don.
Chuck: Saan ka ba nagbe-beach? Sa baha-made ilog?
Chenelyn: Ngayon lang kami nakaka-raos eh.
Chuck: Ay, tissue, pahingi ng tissue!
Chenelyn: Seryoso.
Chuck: Seryoso din ako. I need a tissue. Gusto kong mangulangot.
Chenelyn: Kadiri ka!
Chuck: May class ako mangulangot.
Chenelyn: Is there such way?
Chuck: Sa akin, oo!
Chenelyn: Lalake ka ba talaga?
Chuck: Lalake. Wala akong abs!
Chenelyn: So paano mangulangot ng may class, aber?
Chuck: Parang nagtitinga lang. Cover your nose with a tissue then start digging.
Chenelyn: Parang bastos pa rin.
Chuck: Anong gusto mo, wag kong takpan ang ilong ko habang dumadial ako?
Chenelyn: Kadire pa rin.
Chuck: Mag-boracay ka na lang.
Chenelyn: Puede rin. Boys, beach and booze. LABET!
Chuck: Bakit yung pagkakasabi mo ng Lav et at LABET?
Chenelyn: Paano ba?
Chuck: Unting poise naman.
Chenelyn: lalake ka ba talaga?
Chuck: Oo nga. Nakakaloka ka!
Chenelyn: Lalake ka nga!
Chuck: Maliban sa magtravel, ano pa ba ang gusto mong ma-achieve?
Chenelyn: Lose weight.
Chuck: Oo, para kung mamamatay ka, sexy ka.
Chenelyn: Kamatayan agad.
Chuck: Ano ba ang pinaguusapan natin dito? End of the world o kapanganakan mo?
Chenelyn: hihihi
Chuck: Kala ko yang hihihi sa online lang.
Chenelyn: Cute noh?
Chuck: Sa’yo, kaumay! Parang duwende lang!
Chenelyn: Gusto ko magloose ng weight. As in!
Chuck: Eh di iwasan mo ang fatty foods.
Chenelyn: So iwasan ko si Bobby?
Chuck: Sino si Bobby?
Chenelyn: Yung operator ng show natin.
Chuck: Bakit si Bobby?
Chenelyn: Para kasi siyang walking lechon! Pag nakikita ko siya, nagca-crave ako!
Chuck: Tingnan mo yan! Ikaw ang mapanlait!
Chenelyn: So dapat iwasan rin kita.
Chuck: Ako? Ako?
Chenelyn: Hindi ikaw. Yung katabi mo. Yung delivery boy!
Chuck: Gumaganon ka na rin?
Chenelyn: Namana sa’yo!
Chuck: Adik ka!
Chenelyn: Hindi kaya dapat isama kita na dapat kong iwasan to loose weight?
Chuck: Anong kaugnayan? Explain!
Chenelyn: Nakakadagdag ka sa bigat ko. Ikaw ang krus na pinapasan ko!
Chuck: Gumaganon ka? Sino ka? Si Sharon cuneta? Pasan ko ang daigdig?
Chenelyn: hahahaha!
Chuck: Maligaya?
Chenelyn: Dapat smile lang kasi magugunaw na ang mundo.
Chuck: I don’t believe na magugunaw ang mundo.
Chenelyn: Seryoso na?
Chuck: Calling SM Shoppers, Calling SM Shoppers! Hahhahaaha!
Chenelyn: Adik ka. Bawas bawasan mo nga ang drugs. It’s bad you know.
Chuck: Sa ating dalawa, ikaw ang mas mapagkakalaman!
Chenelyn: Na?
Chuck: na drug addict.
Chenelyn: Ang sama mo.
Chuck: Okay lang, ako ang pusher!
Chenelyn: hahahaha! You’re funny talaga!
Chuck: Hindi, depressing! Depressing!
Chenelyn: So bakit di pa magugunaw ang mundo para sa’yo?
Chuck: Eh kasi nga!
Chenelyn: Ano?
Chuck: Nabibitin ang mga readers at susubaybayan pa nila ang mga next nating chikahan.
Chenelyn: Hong taraaaaay! Teka!
Chuck: Ano? Tapos na ang show di ba? Mahaba na d ba?
Chenelyn: Eto, lalake ka ba?
Chuck: Itanong mo kay Soriano!
Chenelyn: Ameeeeen!

No comments:

Post a Comment

ShareThis