Tuesday, March 27, 2012

DAY 22: 30-DAY FITNESS CHALLENGE

8 days to go and I'm already done with my fitness challenge. So what's next? Of course, I will continue my diet and pagpapapayat routines. In fact, naiisip ko na ang Season 2, naks parang reality TV show, ng fitness challenge na ito.  And I'll call it Road to 65! Meaning, kailangan ko ma-achieve ang 65 kilos na ideal weight ko for more bonggang healthyness.

It was Tuesday yesterday and I was on my 22nd day. Wala namang bonggang naganap like kung nahimatay ako sa gutom or bigla na lang akong nag-collapse sa kakapilit na mabilisang pumayat. However, datapwat, gayunpaman, furthermore (ala-Miriam ang pagbasa), mejo nafeel ko na super pagoda ang katawan ko with my routines. As I see it, as I see it talaga? perhaps, I had too much carbs (yes, OA lang) and my legs were napagod (very Kris Aquino ang banat) with all the consecutive days of non-stop exercising.

Guess what, something happened na talagang bumago ng buhay ko.

And in a nakakatawang segue, read the list of aral sa pagpapapayat.

Wala naman talagang nangyaring pagbabago in one day. The only that I can remember, yesterday, I was just tired to do my routines, yet, I still continued exercising and doing my diet.

As I was working out, realizations popped out in my mind. Sabi ko sa sarili ko, ang hirap din talaga pumayat.Then again, kinontra ko ang kaisipang yan. I promised myself that I will really work out more on gaining the healthiest body that I could wear. So with this, mega jogging ulit ako and dance. Mejo baliw baliwan lang din ako sa "personal" na pakikipagusap sa sarili ko.

In the morning, I had some kakaibang pagkain. I didn't just grab the typical pandesal. Pinalamanan ko ito ng tuna with some onions. Then siempre andon pa rin ang apple na hinahanap hanap na ng katawan ko.

For lunch, I had a fish-tival part 2. I had sinabawang tilapia  with lots of kangkong. And for my dessert, I grabbed one mint candy.

Kumaripas ang oras at hindi ko namalayan ay uwian na. When I reached home, rest muna sandali then go na for jogging, dancing and stretching.

For dinner, I had sinabawang isda and some bananas. I also had one orange for dessert. And since I was busy reading some journals for a book chapter that I'm working on, napakain ako ng skyflakes. So yes, yon ang bonggang carbs of the night.

***

I am happy with my motivation on day 22. May times na gusto ko na rin kasing sumuko. Like gusto kong kumain ng bonggang bongga. Or gusto kong deadmahin ang ehersisyo.But then at the end of the day, it's the idea of getting fit that keeps me going. Isa pa, malayo-layo na rin ang narating ko sa aking fitness challenge. I already lost some kilos. And I wouldn't just throw it away.

Tiyan ang pinakamahirap paliitin sa akin. Okay, lumiit na ang tiyan ko. Pero ang love handles, ang hirap i-handle. With this, I will seriously look for a routine in youtube to trim those unwanted katabaan. Ambisyoso ako at gusto kong magka-V shape. 

Meanwhile, I'm just excited to home in the Philippines on May. Siempre, muli ko namang makakasama ang family and friends ko. And that means one thing, kainan na naman. Hep, hep, hep, I already told myself that I will discipline myself on eating. Ayoko ng atakihin ng gout noh. Yan eh nakukuha sa maaalat na food. In my mind, I'll just grab a salad or some light meal on kita kits. Yes, I won't eat rice. And I promise hat to myself.

In another related news, news talaga?, I would like to share some funny thoughts: Mga aral sa pagpapapayat.

1. Hindi bituka ang kailangan magwork-out para pumayat. Kumain ng tama at magexercise.
2. Hindi ka lobo o gulong na puedeng bawasan ng hangin para pumayat. Magpawis ka.
3. Balewala ang gym kung mas mabigat pa sa dumbells na binuhat mo ang kilo ng kinakain mo. 
4. Kahit hindi semana santa, umiwas sa karne. Kumain ng gulay.
5. Masarap kumain sa Jollibee or sa McDo. Paminsan-minsan ay okay. Wag lang araw-arawin. Baka maging sinlaki mo na si Jollibee at katawatawa pa gaya ni McDo.
6. Wag kalabanin si Winnie the Pooh sa palakihan ng tiyan. Magehersisyo. Maliban na lang kung lalahok ka sa Sumo Wrestling. Mainam ang bigatin.
7. Parangalan ang sarili sa masinop na pageehersisyo. Paminsan-minsan ay mainam yan. 
8. Wag magpakabaliw sa timbangan na halos oras oras ay tinitimbang ang sarili. Tandaan, ang tunay na bigat ng tagumpay ay nakikita sa mahaba-habang pagsisikap.
9. Iwasan magmuni na pagkain ang nasa isipan. Tinatakam mo lang ang mga taba sa iyong katawan.
10. Wag malungkot kung mataba. Habang may taba, may pag-asa. Siempre, may taba na dapat paalisin.
11. Ang taba, matindi magmahal. Pero sa oras ng pangaabuso, hiwalayan mo na. Baka ma-highblood ka pa.
12. Layuan si katamaran. Siya ang ina ang mga taba sa iyong katawan.
13. Gawing madalas ang pagkain ng prutas at gulay. Magiging MAKULAY ang buhay.
14. Hindi porke mataba at kumakain ng apple, lechon na ang aura. Magsikap na pataobin ang stereotyping. 
15. Isang bagay lang ang malusog na nakakataba sa puso: ang masabihang pumapayat ka.
16. Wag magalit kung bumibigat sa timbangan. Di kasalanan ng timbangan ang bigat mo. Kung tao nga lang ito, matagal ka ng inireklamo sa mabigat mong pagapak.
17. Wag piliting pumayat sa isang araw. Unless may mahika ka.
18. Hindi nadadaan sa dasal ang pagpapayat. Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
19. Wag puros salita na magpapayat. Samahan ng aksiyon.
20.Hindi lang mga artista ang may karapatan maging sexy. Lahat tayo.

That's all. Cheers!

1 comment:

  1. Avoid alcohol and medications that may inhibit sweating and produce overheating before and after your sauna.
    l-arginine dosage

    ReplyDelete

ShareThis